Silver's P.O.V
Simula nung dinukot ako ni Chester para lang dun sa deal namin ay nag-iba na rin yung pakikitungo niya sa akin. Hindi ko naman sinasabi nagbago na siya totaly kasi part nung deal ang babaan ang pride niya. Matapos din ang dukutang nangyari, palagi na lang ding nakatulala 'tong isa kong kaibigan. Yeah, halos isang linggo na siyang ganyan.
"Huy! Nicholai, nakatulala ka na naman!" panggugulat ni Lie kay Nich, masyadong mahaba yung Nicholai eh.
"H-huh? May sinabi kayo?" tanong nito.
"Yan kasi, tulaley ka na naman. Wala akong sinasabi eh." sagot ni Lie.
"Teka nga lang Nich, bakit ka kasi laging tulala? Nawala lang ako ng ilang oras last week ganyan ka na." sabi ko.
"A-ah wala, kasi si Asher." pabulong na sabi niya sa pangalan ni Asher.
"Oh anong meron kay..... Asher? Asher? Asher?! Yung prinsipe ng Astherna, yung nakababatang kapatid ni Prince Chester?!" pasigaw na tanong nito kaya napatingin sa kanya yung mga kumakain sa loob ng cafeteria.
"Sorry naman...." pagsosorry niya sabay peace sign.
"Naku, yung bunganga mo kasing babaita ka, itikom mo." pagsuway ko sa kanya.
"Oo na... Anyway, huy, paano kayo nagkakilala ni Prince Asher?" tanong ni Lie kay Nich.
"Eto na nga.....
Nang madukot si Sil ay siya namang paghahanap ni Nicholai. Nasa kalagitnaan siya ng paghahanap ng mabangga niya ang isang lalaki. Nagsorry siya dito, at tinulungang tumayo yung lalaki. Nagulat siya kasi yung nabangga niya ay isang prinsipe... Si Prinsipe Asher. Kaya ganun nalang siya manghingi nag tawad.
Si Prinsipe Asher naman ay napangiti dahil sa lalaking nanghihingi ng tawad sa kanya. Tulad ni Nicholai ay maganda ang katawan ng Prinsipe kaso mas matangkad ito kaysa kay Nicholai. Nakaisip siya ng isang bagay.
"Mapapatawad kita kung ililibre mo ako ng lunch." sabi nito sabay ngiti. Pumayag naman si Nicholai baka isa ito sa paraan para mapatawad siya ng prinsipe.
Nasa cafeteria sila kumakain, ganun na lang ka-awkward sa table nila kasi hindi sila masyadong nag-uusap. Kaya ang prinsipe na rin ang unang nagsalita.
"Ano palang pangalan mo?" tanong nito.
"A-ako si Nicholai Martinez, taga-Lapena." sagot nito.
"Ah, I see pero nasesense kong mataas ang katungkuln mo pero hindi naman ganung kataas, hindi rin ganung kababa." sabi ni Asher. Hindi ko na sasabihin yung prinsipe kasi masyadong mahaba. Narrator lang naman ako.
"Ah, isa kasi akong pack warrior, ibig sabihin isa akong werewolf na may kapangyarihan ng apoy at lupa." sabi nito. Nagulat naman si Asher dahil dito.
"Alam kong nakakagulat pero yun yung totoo. Yung papa ko na taga-Lapena at isang werewolf, actually Chief Pack Warrior ay nakilala yung mama kong taga-Astherna na isa namang Flame Fairy. Kaya meron akong dalawang kapangyarihan." dagdag pa nito.
Marami pa silang napag-usapan nang maalalang na hinahanap niya pala si Silver. Nagpaalam naman si Nicholai kay Asher na hahanapin ni Nicholai si Silver at agad na nagtatatakbo.
(Scene from Chapter 10: Motibo [Third Person's P.O.V])
So yun na nga.... Gwapo niya pala sa personal..." sabi nito sabay tingin sa taas na parang may iniimagine. Haha lakas ng tama nito.
"Bakla ka??" out of the blue na tanong ni Lie na naging dahilan para mabulunan kaming dalawa ni Nich.
"Gago ka ba?! Syempre hindi noh, hindi ba pwedeng bisexual lang huh. Or Pansexual kasi hindi ako tumitingin ng sexuality ng isang tao. Okay.... Gets niyo ba??" mahaba niyang lintana na nagpanganga sa aming dalawa ni Lie. May pa-pansexual-pansexual pa siyang nalalaman. Nag-google lang yan, sure ako.
"O-okay, huwag ka na lang magsalita, baka mabigwasan kita." sabi naman ni Lie.
"Oh... Nicholai... Nandito ka pala. Kamusta." nagulat kami lalo na si Nich nang may magsalita sa likuran namin. Lumingon kami at natulala kami ng makita namin si Asher, ang malala, kasama nito yung kapatid niyang sutil. Ay Apo....
"A-ah, h-hi Asher. A-ayos lang n-naman ako. I-ikaw??" at nagstutter pa ang lolo niyo.
"Okay lang naman ako, can we sit here?" tanong nito.
"Oh sure." sabi ko na lang.
Tumabi sa akin si Chester sa right, sa left ko si Lie, at solo naman nung dalawa yung kabilang side ng table namin, pinamulahan pa ang loko.
"At nandito ka rin pala Silver... Musta araw mo?" pagbati nito.
"Oh, I'm good. Ikaw ba?" balikan lang ng tanong ganun...
"I'm good also. Nakita kasi kita eh.." kikiligin na ba ako.... Tumili naman si Lie ng impit. Haha, inipit niya talaga para hindi siya mapahiya.
"Ta'do, oo na lang. Ano palang ginagawa niyo dito?" tanong ko rito.
"Eto kasing kapatid ko, nakita lang si Nicholai eh nagpupumilit ng lumapit, pumayag na lang ako kasi nandito ka." sabi nito, hindi ko nalang pinansin yung huli niyang sinabi, anu yun, kung anu-ano pinagsasasabi nito. Itong si Lie, tili ng tili ng impit tapos itong si Nich eh namumula na parang kamatis.
"Tigil-tigilan mo ako Chester. Anyways, iwan ko lang muna kayo diyan, cr lang ako." pagpapaalam ko sa kanila.
Nang makarating ako sa C.R syempre ano pa bang gagawin ko run. Private stuff, huwag GM okay.
Matapos nun ay saktong pagpasok ni Gerard, hindi ko na lang siya pinansin. Naghugas na lang ako ng kamay.
"Look who's here." -Gerard.
"Ayoko ng g**o okay." inunahan ko na siya, ayoko makipagbangayan ngayon.
"Hindi ako manggugulo, pero may isa lang akong sasabihin. Ayokong may lumalapit kay Chester okay. Ayokong lumalapit ka kay Chester." eto na naman tayo.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako ang lumalapit, kasalanan ko ba kung siya yung mismong lumalapit sa akin." pagtatama ko sa kanya.
"Oh huwag ka ng magsinungaling, ikaw na nga 'tong humahabol sa kanya eh." talagang sinusubukan nito yung pasensya ko.
"Huwag na huwag mo akong igagaya sa isang tulad mo. Huwag mong sasabihing ako itong pilit na lumalapit sa kanya. Hindi ako katulad mo, na ipinagpipilitan ang sarili niya kahit na hindi naman kayang suklian yung pagtingin." lintana ko sabay talikod at naglakad papunta sa pintuan ng C.R.
"At isa pa nga pala, magmumukha ka lang tanga kung hahabulin mo ng hahabulin yung gusto mo kahit hindi ka naman gusto. Magmumukha kang kawawa kung ikaw mismo yung lalapit sa kanya hindi ka naman sigurado sa kanyang nararamdaman. Magmumukha kang desperado kung pilit mong isinisiksik yung sarili mo dun sa kanya. Oo masakit, pero kailangan mong masampal ng katotohan para hindi ka na umasa at patuloy na aasa. Kuha mo." mahaba kong pangaral sa kanya, nakita ko naman yung mukha niyang gulat at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Lumabas na ako sa C.R at dumiretso na sa table namin. Naabutan ko pa silang nagkukwentuhan.
Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano. Hindi maiiwasan yung mga pinagsasasabi ni Chester, wala lang naman sa akin kung ano yung ibig niyang sabihin, baka pinagti-tripan niya lang ako.
Nang magtime ay dumiretso kami sa Field. Sabay na kaming pumunta nina Lie at Nich sa field kasi parehong field lang kaming lahat, ibang area nga lang.
Nagsimula na ang training namin, ng biglang magsalita ang paging system.
"To all students, this day we will have the challenge for all of you, team up but per section. You'll have a pair, choose your own, your pair will challenge the other, so that you can gain points, these points will serve as your extra points for this grading, and will also be added at the end of the school year. Good luck." pag-announce ng paging system na nagpagulantang sa aming lahat. Yung iba excited at yung iba naman eh nagrereklamo, kasi naman, katatapos lang ng Magic Rumble e ito na naman.
Kapair ko si Nich. Dumating naman na ang aming Prof. na magfa-facilitate ng challenge.
Nagsimula na ang challenge, madaming naglaban, madami na ding points yung unang challenger at undefeated nang matalo sila ng team ni Gerard, nung time na pipili na siya ay tumingin siya sa direksiyon ko at ngumisi.
"We want to challenge the team of Silver." sabi nito.
Ine-expect ko ng kami yung tatawagin ng hinayupak na 'to.
"Okay, students, start!" pagkasugaw ng speaker este ng prof. namin ay nagsimula na kami.
Unang umatake si Gerard. Gamit ang Mind magic niya, nakagawa siya ng latigong may kuryente at may patusok sa dulo. Inilabas ko mula sa magic compressor ko ang isang sibat na may pakpak na kulay gold, may patusok ito sa bawat dulo ng feathers nito. Yung kasama ni Gerard ay may espada na kulay blue at may tali ito na manipis.
Ang tanging sandata lang ni Nich ay yung pakpak niya na pwedeng maglabas ng sharp blades o kaya flaming feathers. Galing.... Clap clap clap, champion!!!!
Agad na sumugod yung kasama ni Gerard, nagpaikot-ikot siya sa amin, at bago pa kami makaiwas ay naitali na si Nich, hindi ako kasama kasi nakaiwas ako. Pero wala pang thirty seconds nang makaiwas ako ay may pumulupot na naman sa akin. Naku!!!
"Gotcha!" sigaw ni Gerard at nakangisi, naghihiyawan naman yung mga classmate ko. Tae talaga 'tong mga 'to, ikaw kaya maitali rito. Naramdaman ko na lang ang daloy ng malakas na kuryente papunta sa katawan ko.
"Arrgghh!!!" daing ko. NakitaNakita ko namang nag-apoy yung pakpak ni Nich. Nasunog yung tali at tuluyang nakawala si Nich.
Ako naman, hinigpitan ko yung hawak ko sa sandata ko, bigla itong nagliwanag ng pagkalakas-lakas, kahit ako ay napatakip sa mata ko. NangNang medyo humupa na yung liwanag, minulat ko na yung mata ko at nagulat ako kasi yung dalawa, nakatali sa sarili nilang sandata, like, what the hell. Pati yung mga classmates ko nagulat dun sa nangyari.
"So ang nanalo sa match ay sina Silver. So sino ang next na ichachallenge niyo?" taning sa amin ng professor.
"China-challenge po namin ang team ni Ms. Ezra Wickholder po." sabi ni Nich.
Ganun na nga, pinaglaban-laban kami gamit yung sandata namin. At labing-limang beses din kaming nanalo tapos natalo na kami nung last challenger na. NakakapagodNakakapagod ang araw na 'to, jusko, isa lang natutunan ko sa araw na ito na natutunan ko kay Gerard.
Huwag kang aasang mamahalin ka ng taong gusto mo, dahil hindi lahat ng gusto mo ay nakukuha mo.
Siya naman kasi, hindi naman na niya kailangang sabihin na gusto niya si Chester, masyadong obvious kasi lagi itong natutulala kapag nakikita niya itong dumadaan sa hallway, lagi niya itong sinusundan kapag pupunta ito sa cafeteria. Hayysss.... Obsessed ang loko.