Someone's P.O.V
Akin lang si Silver, akin lang siya, sabihin man nating masyado na akong obsessed sa tao ay wala akong pake. Naiinis ako kapag nakikita ko siyang masaya kapag kasama niya ang iba samantalang hindi ko siya kayang pasayahin. That boy should be me....
------------
Silver's P.O.V
Papunta ako ngayon sa locker, these past few days, nakakatanggap ako ng letters from unknown person. Puro love letter ang peg. Sana tigilan niya muna yung pagsusulat kahit ngayon lang...
Nagdasal muna ako na walang sulat kasi nakakapangilabot talaga. Pero mali ako ng akala, ito na naman yung letter at may kasamang poster ng idol ko at isang chocolate bar, Oookkkaaayyy.... Binasa ko yung letter.
Dear Sil,
It's me again, your secret admirer, alam kong nagdududa ka na kung sino ako, don't worry, malapit mo na rin akong makilala. Eto, binigyan kita ng poster ng favorite mong kpop group from the mortal world, pati na rin bias mo. I hope na napasaya kita.
From:
XNI5R
Eto na naman yung secret code niyang pangalan, konti na kang makakapatay na ako.
"Hoy! Anong ginagawa mo diyan." nagulat ako dahil sa nagsalita. Peste 'tong lalaking 'to.
"Ano ba Nich, nanggugulat ka na naman. Kita mong busy yung tao." pagsuway ko sa kanya. Agad kong tinago yung letter.
"Eto naman, anyway, pasok na tayo, malapit ng magtime. Thirty minutes na lang oh." sabi nito.
"OA mo, kain na lang muna tayo, gutom ako, hindi ako kumain kanina eh. Kape lang." pagyaya ko sa kanya.
"Ooookkkkaaayyy....." sabi nito.
Nang makarating kami sa cafeteria ay himalang walang katao-tao, kaunti lang actually. Inilagay muna namin yung mga gamit sa upuan para maka-order. Well, si Lie, hindi masyadong nakakasama sa amin kasi nga, maaga pasok nun. Kami, 8:30 yung pasukan namin kaya masyado pang maaga. Makakapag-review pa kami.
Nang maka-order ay bumalik kami sa upuan namin. Inilabas ko ulit yung letter. Palaisipan pa rin sa akin kung sino yung nagpapadala ng letter sa akin. Pocha, masyado na akong napapraning rito. XNI5R. My ghad. Nagulat na lang ako nang biglang hablutin ni Nich yung letter.
"Ano toh?!" tanong nito.
"Pocha akin na yan!!!" pilit kong kinukuha yung letter, ayokong may makaalam na may secret admirer ako. Huhu.
"From XNI5R?? Ang weird huh... Baka mahilig siya sa codes. Naku mahihirapan malaman kung sinuman yung secret admirer mo." sabi nito, agad kong hinablot yung letter.
"Hayyss... Secret lang muna natin, saka ko na lang sabihin kay Lie kapag handa na ako. Huwag mo munang sabihin kahit kanino. Maliwanag." bilin ko rito.
"Ano ka ba, ang dami mong sinabi, pinasimple mo na lang sana, like, huwag mo munang sabihin kahit kanino, or tahimik ka na lang muna o kaya naman sa'tin sa'tin lang 'to o kaya nmansusksjdhksjsjsjjs." pinutol ko na yung sinasabi niya sa pamamagatin ng pagtakip sa sa bunganga nito, nasama pati ilong nito. Ang daldal.
"Mas marami ka pang sinabi kaysa sa akin eh. Kumain na lang tayo okay." sabi ko rito. Tinanggal naman niya yung kamay ko.
"Walang balak tanggalin yung kamay, gusto mo akong patayin???" -Nich.
"Hehe sorry." -ako.
Ipinagpatuloy namin yung pagkain namin. Kung anu-ano pa yung pinagkwentuhan namin, itong si Nich, si Asher lang yung bukam-bibig niya. Siguradong dugu-dugo na yung dila nung Asher na yun kakakagat ng dila niya. Poor Asher.
Dumiretso na kami ni Nich sa room matapos naming kumain, kasi malapit na ring magtime eh.
Nawala ako sa concentration dahil na rin sa kaiisip kung sino ba yung secret admirer ko, like, nasusunog na yung kilay ko kaiisip dun sa hinayupak na yun. Hayss...
Kung iisipin, ako rin itong nahihirapan at kinakabahan na rin ako baka mamaya, yung secret admirer ko, mamatay tao pala, o kaya naman r****t. Okay ng marape basta gwapo, aist, ano ba 'tong pinag-iisip ko, ganun na ba kadumi yung utak ko, ang low-class ko naman sa part na yun haha. Baka pinamamahayan na yun ng mga virus.
Oo nga pala, yun XNI5R na code ay isa pa ring pala-isipan sa akin. Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman kung sino nga ba si XNI5R....
"Mr. Silversmith!"
"XNI5R po ma'am!!" ay pocha, napasigaw pa ako dahil sa panggugulat ni ma'am.
"Anong XNI5R ang pinagsasasabi mo?! Are you listening?! Mr. Silversmith?!" sunod-sunod na tanong ni ma'am.
"Sorry po, kulang po kasi tulog ko." pagdadahilan ko.
"At bakit kulang yung tulog mo?" may paback-up question si ma'am.
"Nagreview po." nag-aalangan kong sagot.
"Kung nagreview ka. Then what is the difference between Dark magic and Black magic?" tanong ulit ni ma'am, gusto ko na 'tong kutusan eh, pero may respeto pa namang natitira sa katawan ko. Kaya sasagutin ko na lang yung tanong ni ma'am.
"Ma'am, the difference between Black magic and Dark magic po ay kung saan po sila nanggaling and their uses. Dark magic can be evil or good in terms of the user, the user can use it in good or bad way, Dark magic also is an element of the nature. While Black magic is a pure evil magic in terms of the user and its uses. Some Black magics are being used in the ancient times where ancient magics existed. Rune magic can be considered as Black magic in terms of its uses. Some are being used to curse a magical being. Possession magic is also considered as Black magic or even a holy magic. It is considered as black magic because the user of this magic possess things or a being, that can harm the being, the user possessed. It is also considered as holy magic, in some references, Possession magic was used by the Gods and Goddesses to deliver their messages. In other words, Dark magic is an element of nature while Black magic is a pure evil magic but can be used in good ways too. That's all ma'am." pag-eexplain ko. Medyo napahaba yung exuplanation ko ah. Stock knowledge lang ang peg.
Napapalakpak naman ang mga classmate ko dahil na rin sa haba ng sinabi ko. Namangha sila dahil siksik at hindi ko rin naman sinasabing hindi yun kulang.
"Very good Mr. Silverknight, you impressed me again. Great job." pagpuri sa akin ni ma'am. Wala man akong kakayahan ng Advanced Intelligence ay masasabi kong may maibubuga rin ako pagdating sa knowledge.
Mahaba-haba ang lectures kaya hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
-------ZzZzZzZ--------
Nagising na lang ako ng may kumalabit sa akin. Nakita ko kaagad ang mukha ni Nich.
"O bakit?" tanong ko.
"Break na natin uy, kanina ka pa tulog buti hindi ka nahuli ng mga professors natin. Saka bilisan na natin, nagwawa na mga bulate ko sa tiyan, nagwewelga na sila, baka lumabas ng wala sa oras." sagot nito, napangiwi naman ako sa huli nitong sinabi. Grabeh mga teh, ewan ko ba kung nakakain ng v****a ng baboy 'toh, ang daldal. Eh noon naman ang tahi-tahimik, 'lam niyo yun, kung hindi niyo alam, bumalik kayo sa unang chapter, hihintayin namin kayo, chos.
Dumiretso kami sa cafeteria, naghahanap na kami ni Nich nang tawagin kami nina Ice at dun nga kami umupo. Kasama na rin nila si Lie.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa mahagilap ng mata ko ang notebook ni Yojer, at nakasulat rito ang code na sinosolve ko....
XNI5R.....
Yung laging nagpapadala pala sa akin ay si Yojer, pero imposible dahil wala naman itong kakaibang ikinikilos. Baka hiniram niya lang yung book sa classmate niya na magkakagusto 'daw' sa akin.
Haysss...... Ini-stress ako nito...