Silver's P.O.V
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagbabasa ng advance para sa next lessons namin nang makatanggap ako ng text.
From: 09*********
Silver pwede bang pumunta ka sa Falls of Yojer....
From unknown number lang ang peg, sino naman 'to, baka nangtitrip lang 'to siguro.
To: 09*********
Pwede ba, kung mangtitrip ka, huwag ako, hindi ko trip yang pangtitrip mo sa akin.
Reply ko dito.
From: 09*********
Ano ka ba, ako 'to, si Yojer, hindi mo nasave yung cp no. ko, tampo na ako sa'yo..... Punta ka na dito sa falls para hindi na ako magtampo.
To: 09*********
Gigilitan kita kapag nangtitrip kang bwisit ka ha. Humanda ka talaga.
To: 09*********
I'm always ready baby, come to papa!!
Ay putragis na lalaki, paano ko nalaman na lalaki 'tong bwisit na 'toh, sabi niya, 'Come to papa' so obviously lalaki siya, gets. So, pumunta ako dun sa falls, kung pinatitripan lang talaga ako ay gigilitan ko talaga yun, babalatan sa mukha at tatanggalan ng mata para hindi na makakita, chos masyadong harsh, kaya sasabunutan ko na lang. At least yun lang makukuha niya mula sa akin.
Nang makarating sa Falls na sinabi niya ay agad kong hinanap yung kung sinumang masamang elemento ang nagpapunta sa akin rito. Pero nagulat ako sa set-up, my ghad, hindi niya sinabi na may dinner date pa lang magaganap. Ang paligid ay puno ng mga pailaw, tapos may naka set na table malapit sa falls, wow, as in wow, kikiligin na ba ako? Yieeehhhhhh!!!
"Nagustuhan mo ba?" tanong ng pamilyar na boses sa akin, lumingon ako sa kanya pero mukhang wrong move kasi kamuntik-muntikan na kaming magkahalikan, pocha, ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko, kasing pula na ata ng kamatis eh. Agad naman akong umiwas ng tingin.
"A-ah anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya ng hindi lumilingon.
"Ako yung nagpapunta sa'yo rito... Ano, nagustuhan mo ba?" sagot-tanong niya sa akin.
"Ay, akala ko ibang tao yung nagpapunta sa akin rito, sorry kasi hindi ko rin nasave yung number mo sa phone ko, pero inaamin ko, ang ganda dito." sabi ko.
"Well, it's okay, pero punta muna tayo dun..." yaya niya sa akin sabay turo dun sa isang table, syempre nay upuan, kagaguhan na lang kung wala diba. Tumango na lang ako bilang sagot. Nang makarating doon ay hinila niya ang isang upuan at dun ako pinaupo.
"So bakit mo pala ako pinapunta rito? Hindi tuloy ako nakapagprepare.." sabi ko rito ko rito.
"Ayos lang yan, saka, may gusto lang naman sana akong ibigay sa'yo." sabi nito.
"Ano naman yun?" tanong ko ulit sa kanya. Inabot niya sa akin ang isang papel. Binuksan ko yun at may nakasulat dun na pagkahaba-habang letter.... Wait.... Sh*t! Tiningnan ko siya, tapos tingin ulit sa letter na binigay niya sa akin.
Dear Sil,
Ito na yung last na letter na ibibigay ko, alam kong medyo naiinis ka na dahil lagi akong nagpapadala ng letter pero promise, last na 'to.
Gusto ko lang sabihin na simula noong una tayong magkita doon sa cafeteria ay nahulog lang ako hindi dahil sa cute ka tulad ng sabi nila pero dahil may mabuti kang puso. Alam mo bang nasasaktan ako tuwing nakikita ko kayong naglalampungan ni Chester sa harapan ko mismo, nasasaktan ako dahil sa laging si Aeolus ang laging nagliligtas sa'yo sa kapahamakan. Pero hindi na rin masama dahil ako yung unang nakakilala sa'yo ng lubusan bukod pa sa mga kaibigan mo.
Nung nagpatulong ka sa akin na idecode yung secret code na bumabagabag sa'yo. Masaya ako nung araw na yun kasi natulungan kita, masaya rin ako nung ako yung nagligtas sa'yo nung nakita kitang nakahandusay kasama ng mga nanakit sa'yo.
Nung una hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kita, masaya ako kapag masaya ka, nasasaktan ako tuwing nakikita kang malungkot, at selos tuwing may kasama kang iba.
Ngayon ko lang sasabihin itong nararamdaman ko, Silver, sana tanggapin mo yung pagmamahal ko.
Loving you as always,
XNI5R
Nang mabasa ko yun ay para akong nabuhusan ng mainit na tubig, ay charot, malamig na tubig pala, haha, pero eneweyssssss, so tama yung hinala ko. And all this time yun pala ang nararamdaman ni Yojer. Nang tingnan ko siya ay tumayo ito, lumapit sa akin at lumuhod.
"Silver, pwede ba akong manligaw?" tanong nito na ikinagulat ko. Shettteeee.... Kenekeleg si ako at the same time gulat.
"O-okay sige, bahala ka...." sagot ko rito at nakita kong lumiwanag ang mukha nito. Tumayo ito at bigla akong niyakap... Kumalas siya at tiningnan ako sa mata, palapit siya ng palapit. Pero bago niya pa ako mahalikan, ganun din naman ang gagawin niya obviously. Inilagay ko ang hintututo ko sa lips niya.
"Ops, manliligaw ka pa lang kaya no kissing policy tayo, pero pwede sa noo, sa cheeks din pwede." sabi ko, kiniss niya ako sa cheeks ng walang pasabi kaya naestatwa ako dahil sa ginawa niya.
"Maraming salamat Sil at tinanggap mo ako bilang manliligaw...." pagpapasalamat nito matapos akong mahalikan.
Kakaloka 'tong gabing ito shette talaga... Haha, first time na may manliligaw sa akin, pero sana maging worth it 'tong first time ko... Chos..
----- Kinaumagahan -----
Medyo late na ako natulog kagabi dahil dun sa nangyaring ligawan dun sa falls. Pagkabukas ko ng phone ko para tingnan ang oras ay nakita kong may nagmessage sa akin. Si Yojer.
From: Yojer
Good morning Sil, kain ka ng breakfast para hindi ka gutumin... ;-)
At may paganun pa siya ha... Cute lang tingnan. Ang sweet.
To: Yojer
Susundin ko po ang sinabi, char, syempre kakain ako, ikaw din para may lakas ang manligaw...
Reply ko sa message nito, naligo na rin ako pagkatapos. Matapos ay nagpalit na rin at dumiretso na sa cafeteria para kumain. Kumakain ako nang sumulpot sa harapan ko si Nich.
"Hey... What's up..." bati ko rito.
"Naks, anong nakain mo at ganyan ka?" tanong nito sa akin na ipinagtaka ko.
"Ano ring nakain mo't ganyan ka umakto? Hype kang bata ka." sumbat ko pabalik rito.
"Aba't nagtatanong ako ng maayos rito, bakit hindi mo ako sagutin ng maayos..." sabi nito.
"Wala..." sabi ko rito. Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Nich nang may umakbay sa akin, lumingon ako sa likuran ko at nakita si Yojer.
"Oh, Yojer kamusta..." bati ko rito, tapos nagulat ako ng bigla niyang halikan sa cheeks...
"Lah lah lah.... Anong meron at may pakiss na nalalaman 'tong si Yojer?" tanong nitong kaibigan ko.
"Ah kasi... Uhm... Ano-"
"Nililigawan ka yang kaibigan mo. kaya nanghihingi ako ng basbas mula sa inyo..." sabi ng damuhong na 'to.
"Ano ka ba, okay lang yun sa akin. Support ako sa inyo... Si Lie, hindi ko lang alam. Haha, sigurado akong magugulat yun kapag nalaman 'to." sabi ni Nich. Tapos nakita namin si Ash papunta rito, nagsign siya na tumahimik kami. Lumapit siya kay Nich, pero mas nagulat kami ni Yojer sa ginawa ni Asher. Hinalikan niya si Nich sa cheeks, hindi man lang nagulat si Nich sa nangyari....
"Anong meron, bakit may pahalik-halik pa kayong nalalaman, ano 'to, anong ibig sabihin nito?" takang tanong ko sa dalawa.
"Ah kasi Silver may gusto sana kaming gustong sabihin sa inyo." panimula ni Nich.
"At ano 'yon?" -ako with a serious tone.
"Kasi, kami na ni Asher..." sabi ni Nich na nagpagulantang sa amin.
"Paano?" tanong ko ulit.
"Well, we all know na may lahi akong werewolf, which means, naghahanap ako ng mate, and I finally find out na si Asher yung mate ko." pagpapaliwanag ni Nich.
"Gaga ka, nagpaligaw ka ba?" tanong ko rito.
"Hindi na, ako pa ba magpapakachoosy." sagot nito.
"Hayyss.... Bakit hindi ka nagpaligaw, kailangan mong kilalanin, kailangan NIYONG kilalanin ang isa't-isa. Kay nga meron tayong tinatawag na Dating at Courting, jusko, mga bata talaga ngayon." pangaral ko sa kanila.
"Wow, hiyang-hiya sa iyo, bakit, hindi ka ba bata. Saka, excuse me, my heart dictates kung sinong iibigin ko." sumbat ni Nich sa akin.
"At dapat din nating tandaan na kailangan ding pairalin ang isip hindi puro puso, mas maganda kung balanse lang ang dalawa, puso para piliin ang taong itinitibok nito at isip para gawin ang tamang desisyon. Naintidihan mo ba?" mahaba kong lintana which shocks them.
"Jusko ang daming mong sinabi Silver, isa lang naman pinaguusapan natin eh, o siya pumasok na tayo, halika na Silver, o sige mamaya na lang Ma." pagpapaalam niya kay Asher.
"Sige Hal una na kami..." pagpapaalam din ni Asher. Jusko, tawag ni Nich kay Asher, Ma, tapos tawag ni Asher kay Nich, Hal. Naks, pinag-isipan talaga.
Nang makarating kami sa room ay kita ko ang kumpulan sa loob, ano 'to? Jusko ako kinakabahan dito sa ginagawa nila. Nang makita nila ako ay agad nagdisperse yung kumpulan, wow, disperse. Haha.
Nang pumasok ako ay nakita kong may hawak ang bawat estudyante na rosas pati professor namin, may hawak na rosas.
"Mt. Silverknight." pagtawag sa akin ni prof.
"Bakit po?" tanong ko.
"May nagpapabigay nito." sabi ni sir sabay bigay ng isang letter.
Binuksan ko ito at nakita ko ang pangalan ko.
.....Silversmith Silverknight......
Tapos may nagbigay ulit.. sunod-sunod.
.....Can I.....
.....be the one.....
.....can I.....
Nagulat ako dahil may nagsalita sa likuran ko at itinuloy ang message ng letter.
"Can I court you?" tanong nito.
"A-Aeolus?"
Shemay siomai.... Double trouble, una si Yojer, ngayon naman, si-
Si AEOULUS........