Chapter 14

1838 Words
Aeolus' P.O.V "Can I court you?" tanong ko sa kaniya. Tanong ko sa taong nagpatibok ng puso ko noong makilala ko siya. Noong makita ko siya ay aaminin kong nabibwisit ako sa kanya sa 'di malamang dahilan. Noong nasa Clinic ako, nang makita kong pagalingin niya ang mga kaibigan niya sa isang salita ay nakita kong kakaiba at espesyal sa iba. Noong malaman niya ang lagi kong tambayan kapag feel kong mag-isa lang ako, simula noong araw na yun ay naging magaan ang loob ko sa kaniya, kapag kausap ko siya, para bang matagal ko na siyang kilala. Noong pagsabihan niyang alinta na dikit ng dikit kay Yojer, nakita ko yung palabang side which is gustong-gusto. Kapag nakikita ko siyang malungkot, malungkot rin ako. Galit na galit ako noong nakita kong sinasaktan siya ng sarili kong kaibigan. Pero nagseselos ako kapag may kasama siyang iba especially si Yojer. Nagseselos ako kapag nakikita kong nag-aasaran sila ni Chester. It stabs my heart seeing him happy but not because of me. Pero sino nga ba ako, pero sino rin nga ba sila? Kaya bago pa mahuli ang lahat ay gagawa na ako ng paraan. Sure ako sa nararamdaman ko para sa kaniya, kaya manliligaw na ako sa kaniya. "Alam kong nagugulahan ka sa mga nangyayari, pero please give me a chance..." sabi ko rito, kita ko ang shock sa mukha niya. But he regain himself slowly. "Okay, payag na ako, kasi magiging unfair din kapag hindi diba, si Yojer nga binigyan ko ng chance para manligaw, so why not?" sabi nito which shocked me. Si Yojer, nanliligaw? I knew it. Alam kong gagawin niya ito. Pero hindi ko hahayaang manalo siya sa laban. "Maraming salamat." sabi ko rito at niyakap ng mahigpit. May chance pa naman ako to prove myself to him. It would be great if I take him on a date in a place where it all started. "Ahm, Silver..." sabi ko sabay kalas sa yakap. "Bakit?" tanong nito. "Can take you on a date?" tanong ko rito. "Why?" tanong nito pabalik. "Because, ya know, getting to know each other." sagot ko. "Ah- uhm, pwedeng pag-isipan ko muna." sabi nito. "Okay then." sabi ko. Nagpaalam na rin ako at may pupuntahan ko, pupuntahan ko sina mom para ipaalam ito. You know, family thing. ------------ Silver's P.O.V "Nakakaloka ka friend, ang dami mong manliligaw, buti na lang hindi na ako nagpaligoy-ligoy pang sagutin si Asher." sabi ni Nich. Gaga talaga 'tong hinayupak na 'to. "Haba ng hair ni Mr. Silverknight, ano, sasagutin mo na ba siya?" pati ba naman si Prof. "Si sir naman, syempre, dapat may time, it takes time para malaman natin kung para sa atin ang isang bagay. Basta yon, ayokong humugot ngayon." sabi ko na nagpatawa sa room, hindi na muna kami nagklase sa first subject namin dahil sa nangyari. Matapos ang mahabang paghihintay ay lunch time na, which is paborito ng ilang estudyante, syempre dapat hindi natin lahatin kasi may iilang estudyanteng mas prefer ang mag-aral, sana ol. Habang kumakain ay napansin kong hindi na sumasama sa amin si Lie. Halos dalawang linggo na ring hindi siya sumasabay sa amin. "Huy, Nich, si Lie?" tanong ko. "Ewan ko ba, baka busy lang." sagot nito. "Baka nga- o baka naman may iba na siyang kasama." sabi ko, habang nakatingin sa likuran ni Nich. Si Lie, kasama niya yung grupo ni Sloth, remember sa chapter 7. Nagtaka ako kung bakit kasama niya ang mga yun, dahil sa curiousity ay lumapit ako sa table nila. Pero hinawakan ni Nich ang kamay ko. "Uy, saan ka pupunta?" tanong niya. "Sumama ka na lang para malaman mo." simpleng sagot dito at pumunta sa table nila. Sumunod din naman si Nich at naabutan namin silang nagtatawanan. "Lie, bakit kasama mo sila?" tanong ko kay Lie na ngayo'y nasa harapan ko na. Tumingin naman ito sa kinaroroonan namin. "Ano bang pake mo?" tanong nito pabalik which shocks the two of us, me and Nich. "Anong nangyari sa'yo gurl? Bakit ganyan ka na makipag-usap sa amin? Tell us what's the problem?" sunod-sunod na tanong ni Nich kay Lie. "Gusto niyong malaman?" mataray na tanong nito sa amin. Tumango naman kami. Kinuha niya yung iced tea niya at ang mas ikinagulat ko, namin ay ibinuhos niya sa amin ang laman nito. "Ano bang problema mo?!" medyo naiinis na tanong ni Nich na nakatawag ng atensyon ng mga tao. "Kayo! Kayo ang problema." sagot nito na mas ikiginulantang namin. "Paanong kami?" nagtataka kong tanong. "Kayo! Oo kayo, hindi niyo ipinaramdam sa akin na karamay ko kayo!" sigaw nito sa akin. "Lalo na ikaw!" sigaw niya ulit at dinuro ako. "What the heck! Bakit ako?!" wala nga akong ginagawang masama. "Oo ikaw, hindi mo ba napapansing ikaw, ikaw lang ang napapansin ni Aeolus na mas ikinagalit ko. Oo galit ako, galit ako sa inyo. Lalong-lalo na sa'yo! Nakakaput*ng ina ka alam mo ba yan. Put-" sinampal ko na siya bago pa niya matuloy ang sinasabi niya. *Pak* "Can you please stop this childish act Lie. Hindi nga namin alam kung anong dahilan o kahit yung kasalanang sinasabi mo na ginawa namin. Alalahanin mong ikaw ang lumayo hindi kami, at isa pa, kung sinabi mo sa amin yung problemang sinasabi mo ay sosolusyonan natin yan ng sama-sama. Pero ano ngayon, pinakita mo lang sa akin, sa amin na wala kang tiwala sa amin. Pinakita mong mahina ka pagdating sa mga ganito." panunumbat ko sa kaniya, nakakagigil rin 'tong taong 'toh. Masakit yun para sa part naming mga kaibigan niya. Oo naiintidihan naming hindi namin siya natulungan agad. Lumapit siya sa amin, actually sa akin at..... *Pak* Ramdam ko ang sakit ng sampal ng makapal niyang kamay na kasing kapal ng mukha niya. That's it, punong-puno na ako sa pagiging immature niya. Sinampal ko rin siya pabalik. At nauwi lahat yun sa sabunutan at sampalan. Pilit kaming inaawat ng mga tao sa loob, nang biglang..... "Rowa imora al kùr (Golden fist of mind).." sambit ni Lie at naramdaman ko na lang na parang sinuntok ako ng malakas sa dibdib which shocks us, especially me. Kaya niyang gumawa ng isang malakas na spell. "Sh*t ka Lie anong ginawa mo?!" sigaw ni Nich habang papalapit sa akin. Pinunasan ko ang bibig kong may bahid ng dugo. "Iressia kun (Teleport us).." sambit niya at nagteleport kami sa isang field kasama ang alipores ni Sloth. Sa tingin niya ba hindi ko alam ang encantation na sinabi niya. Pinag-aralan ko lahat ng encantation noh. "Kur lòb (Mind block)!" sambit nito at bigla na lang kaming nakaramdam ng pagkahilo, naramdaman din naming may lumalabas na dugo sa ilong namin. I had to think fast. "Magia magira al rùk mar mira (magic rune of fear take charge)..." nanghihina kong sambit. Kita ko kung paano sila balutin ng makakapal at maiitim na ulap ang langit. Kita ko rin sila ang namumuong takot. "Huy! Baka naman mapasobra ang epekto ng chant mo sa kanila. Jusko baka mapa-" naputol ang sinasabi niya ng may magsalita. "Magia al orhwa, wak wi ra am orhya.... (Magic of stars align now until the sunset.)" sambit ng kung sinuman at biglang umaliwalas ang paligid. "Magia al somnia mar mira... (Magic of dreams take charge)" dagdag pa nito at kita kong nawala ang takot sa mga mukha nina Lie. "Maraming salamat Khie." pagpapasalamat ni Lie. At saka lumabas ang isang lalaking matangkad pero payat. "Walang anuman, at sino ba 'tong chakang palakang nagcast ng chant sa inyo? Mukhang mahina..." sambit nito habang nakatitig sa akin na para bang isa akong preso. E mas kamukha niya yung suspek sa pagnanakaw sa bangko eh. "At sino ka naman aber?!" tanong ni Nich sa baklang payatot. "Ako lang naman ang isa sa mga kaklase ng mga prinsipe't prinsesa ng Magica. Khiera Montalbon. Isa akong Class R mage. At ikaw sino ka namang pipityuging aso ka?!" sagot-tanong nito kay Nich. "Ako si Nich, at hindi ako isang aso okay, just to remind you, isa akong werewolf at magiging pack warrior someday." sagot nito. "Enough! Gusto ko lang, gusto naming makausap si Lie but it seems like you guys are the one makes this complicated especially you my dearest friend... Mukhang hindi na namin kilala yung bestfriend namin. Mukhang nagbago ka na which make us disappointed. Hindi na ikaw yung supportive friend na-" hindi ko na naituloy yung sinasabi ko ng sumambit si Lie ng isang chant. "Mory al kur, Si circura oria... (Demon of mind, I summon thee)" pagkasambit ni Lie nung chant ay bumukas ang crimson red na magic circle at lumabas rito ang isang nilalang na kasing tangkad lang ni Lie pero nakakatakot yung mukha nito, yung mukha niya ay parang beetle tapos yung katawan niya ay katawang tao at malaki ito. *IIIIRRRRKKKK!!!* Sigaw nito na naging dahilan para mapatakip kami ng tenga pero useless pa rin ito dahil parang nakamegaphone. Nakatawag ito ng atensyon ng mga estudyante pati na rin ang staff ay lumabas. Hindi tama ito, kailangang maseal ang nilalang na ito. "Lis magia, Si aba a ki!! (Sealing magic, I activate it now)" sambit ko sa chant at dito ay lumiwanag ang kamay ko. "Lob! (Stop/ block)" sambit ng kung sino, si Khiera at lumiliwanag ang kamay nito pero kulay gray. Pumikit ako at nagsimulang sumambit ng dasal. "Od al am Kiroba, iva si han oda lis et siba at shi riva ket bo rik (God of the Dark/ Darkness, give me strength to seal this being and will never come back ever)" dasal ko at dun siya nagulat dahil nga lumiwanag yung palad ko na may tattoo ng chain na kulay black. May lumabas na gray orbs, anim yung orb at agad pumalibot sa mind demon. May parang pumalibot sa demon na black strings pero manipis lang, and next thing is bigla itong sumigaw pero walang tunog na lumabas. Nagbukas ulit ang magic circle at dito ay bumalik sa mundo ng mga demons. Napanganga na lang sila dahil sa ginawa ko. I smirked at them. "Tara Nich, mukhang hindi na natin maibabalik yung dati nating bestfriend. It's You and I only against her and the World now." sabi ko at umalis na kami para pumunta sa next class. Mukhang Friendship Over na kami ni Lie. Nasaktan ako sa sinabi niya but I think Nich is more affected than me because they're close to each other, so close that I can't make them separate. Nakakalungkot kasi sinabi niyang kami ang problema niya. I think it's over for me and Nich over Lie. ------------- Someone's P.O.V Nahanap ko na yung Magi na makakatulong sa mga plano ko. Naramdaman ko kanina na tinawag niya si Lord Rama, hindi ko alam kung paano niya ginawa yun pero sinisigurado kong makukuha ko ang gusto. Pero mas namangha ko noong nalaman kong kaya niya palang magcast ng chant, kahit anong chant na kailangang-kailangan ko para mabuksan ang Realm ng Gods and Goddesses. Gusto kong maghari sa buong Magica. At kapag nagawa ko yun ay paghaharian ko ang ilan pang mundo kasali na ang mortal na mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD