Chester's P.O.V
Papunta ako ngayon sa secret place ko. Dadaan muna ako sa likod ng gym. Nakita ko si Silver, paalis na siya ng gym nang biglang may sumulpot sa likod niya na mga nakaitim na cloak. Tinakpan yung ilong at bunganga niya, nagpumiglas siya.
Naalarma ako kaya naman tumakbo ako palapit sa kanya.
"Si qiuora am magia al foira... (I command the magic of fire)" pagkasambit ko ng chant ay nag-apoy ang kamay ko. Ngayon lang ako gumamit ng chant, hindi kasi ako gumagamit ng chant noong bata ako... Pero mamaya na yan.
"Bata, huwag ka ng makialam rito..." sabi ng isang nakacloak sabay tapon ng itim na sphere. Nagulat ako pero naka-iwas rin naman ako kaagad. May gumagamit pa ng black magic?! Imposible.... Matagal ng nawala yun kasabay ng pagtatago ng Dark at Light magic users.
"Magia al Shirin Foira mar mira... (Magic of Black Fire take charge)" pagkasambit ko nun ay nagsilabasan ang kulay purple na apoy at isa-isang inatake ang mga nakacloak.
Inatake rin nila ng black sphere ang black fire ko. Lumikha yun ng pagkalakas-lakas na pagsabog. Lumikha rin yun ng usok sa paligid at nung nahawi ang yon ay nawala na sila sa paligid.... Nakuha na nga nila ng tuluyan si Silver. Nakuha na nila at kasalanan ko yun, nakuha nila yung gusto kong protektahan habang buhay, nakuha nila yung mahal ko. At kasalanan ko yun.
---------
"Ano?! May dumukot kay Silver?!" pasigaw na tanong ni Ice, pinaalam ko na rin sa council ang nangyari at napag-alaman naming ang ang Shirin Orhwa ang dumukot sa kanya, isang samahang gustong buksan ang Mortana para lupigin ang mga Diyos at Diyosa ng Magica at para rin pamunuan ito.
Gusto rin nilang pamunuan ang kabilang mundo kasama na ang mga mortal. Napakalaki, napakalawak ng ambisyon nila pero hindi yun hadlang para hindi nila ituloy yun. At ngayong nakuha nila si Silver na kayang gumawa o magcast ng kahit anong chant at rune ay siguradong makakaya na nilang gawin yung plano nila at siguradong magtatagumpay sila. Kaya nagpaplano kaming bawiin siya.
Pagkatapos naming bawiin si Silver ay aamin na akong may gusto ako sa kanya. Matagal na itong nararamdaman ko pero natatakot akong umamin, natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao lalo na ang magulang ko. Pero ngayong nadukot na siya at nalaman kong nanliligaw ang dalawang asungot ay nagdesisyon akong umamin sa kanyang mahal ko siya at kahit sabihin nilang mali ay wala akong pakialam dahil walang ganung batas na hindi pwedeng magmahal ang lalaki sa kapwa niya lalaki, ganun din ang babae sa kapwa niya babae.
Dahil ang Magica, ang imposible ay pwedeng maging posible, kung imposibleng magmahal ang lalaki ng kapwa niya lalaki, bawal pakasalan ng lalaki ang kapwa niya lalaki sa ibang mundo, pwes dito ay pwede. Kung meron mang ganun ay, sabihin na lang nating makitid ang utak nila dahil hindi nila kayang tanggapin ang itinadhana.
(*A/N: The views and opinions of the author do not reflect the views and opinions of the readers charot, pero sana maunawaan niyo na fictional 'to ha... Ibig sabihin ay hindi ito totoo, sana maintindihan niyo*)
"So, paano na nga natin mababawi si Silver?!" praning na tanong nitong si Yojer, nanliligaw ka pa nga lang e, kung umasta eh parang Boyfriend na niya.
"Kailangan nating magplano, at agad din natin silang pupuntahan pagkatpos magplano para hindi nila mabuksan ang portal lalo na ang masakatan si mah- este si Silver..." sabi ko at agad nagplano. Phew mintikan na.
Sana huwag siyang papabayaan ng mga Diyos at Diyosa ng Magica...
---------- Samantala -----------
Third Person's P.O.V
Habang papatakas ang mga dumukot kay Silver ay biglang lumiwanag ang paligid, lumiwanag ito ng pagkalakas-lakas na naging dahilan para pumikit ang mga ito. Nang mahawi ay tumambad sa kanilang harapan ang isang lalaking matangkad, kulay puting damit pati ang pantalon nito na gawa sa manipis na tela at kawangis ng kanilang buhat-buhat...
"Ibaba niyo siya.." mahinahon nitong saad ngunit ramdam mong parang pinagbabataan ka.
"Bakit?! Sino ka ba para utusan kami?!" maangas na tanong ng isa sa mga dumukot.
"Isang nilalang na tatapos sa buhay niyo kapag hindi niyo siya ibinaba.." mahinahon niyang sabi ngunit mararamdaman ang nakakatakot na aura na pumapalibot sa kanya...
"Bibilang ako ng tatlo, kapag hindi niyo siya ibinaba, hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko..." pagbabanta nito na tinawanan lang ng mga mandurukot.
"At anong gagawin mo, hahalikan kami, huhubaran, no thanks, may girlfriend na kami..." sabi ng isa sa kanila na ikinainis nito. Hindi naman kasi maikakaila na mukha siyang babae, lalo na't medyo mahaba ang buhok nito.
"That's it, you're really pissing me off..." sabi nito at itinaas ang kamay nito...
"Pi set ilowa roda.. (A million light swords..)" as he chant, millions of light swords appeared obviously which shocks the kidnappers.
"Shirin risa.. (Black orb)" pagbanggit ng isa sa mga mandurukot at lumabas ang tatlong black orb na ginawa rin ng iba.
"As always..." sabi ng lalaking nakaputing damit sabay bagsak ng kamay na naging hudyat para bumagsak ang pagkarami-raming light swords.
"Frota am Inuka ri.. (Protect the innocent one)" chant ng lalaking nakaputi at binalot ng pure white energy ang katawan ni Silver kaya't noong nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga kidnappers at ang lalaking nakaputi ay hindi maapektuhan, masasaktan o kahit malagyan man lang ng galos...
"Kiroba Sonnia... (Dark Nightmare)" pagkasambit ng lalaking nakaputi ay nag-iba ang paligid. Mas rumami ang lalaking nakaputi pero ang totoo ay itinatakas niya si Silver. Nagcast lang siya ng nightmare pero laman nun ang greatest nightmare nila, at pwede nila yung ikamatay. Halos lahat sila'y namatay pero may isang nakaligtas dahil kaya niya iyong lampasan, kaya niya rin gawin yun pero huli na dahil nakatakas na ang lalaking nakaputi.
---------- Samantala -----------
Ipinunta ng lalaking nakaputi si Silver sa tinutuluyan niya ngayon.
--------------
Silver's P.O.V
Nagising ako dahil sa kalabog na naririnig ko. Pagkadilat ko ay napansin kong wala ako sa kwarto ko. Naalala kong dinukot pala ako. So, ibig sabihin ay nasa hideout ako ng kalaban.
"Wala ka sa hideout ng kalaban.." sambit ng kung sinuman.
"S-sino ka?!" kinakabahang tanong ko.
"Ako ang Missing Star..." sambit nito na nagpakunot ng noo ko.
"Anong Missing Star?!" nagtatakha konhg tanong.
"Ako si Ace, ang Missing Star...." sambit nito na nagpagulat sa akin.....