Last Chapter:
"Ako si Ace, ang Missing Star...." sambit nito na nagpagulat sa akin...
--------------
Silver's P.O.V
"Paanong ikaw si Ace eh patay na siya..." sabi ko.
"Yan ang akala ng lahat, na patay na ako..." sabi niya na lalong nagpakunot ng noo ko.
"Teka, teka... Iexplain mo nga kung paano naging ikaw si Ace na matagal ng patay." sabi ko.
"Ganito kasi yan...."
Flashback:
Hindi talaga ako namatay. Oo papatayin sana ako ni Chaos pero bago niya pa ako mapatay ay naglaho na ako. Hindi ko rin alam kung paano ako nakapaglaho lalo na't wala na akong lakas para gawin yun.
Pero ang mas lalo kong ipinagtaka ay yung bigla akong napunta sa isang lugar na napakaliwanag, parang walang gabing dumaraan roon. Nalaman ko na lang na nasa Mortana ako nang magpakita sa akin ang Diyos ng Lahat o God of Everything pati na rin ang God of Nature; si Bathala Lithos at si Bathala Lustin.
Sinabi nilang magkakaroon ako ng anak. Nagtaka ako, paano ako magkakaroon ng anak kung wala akong matres. Ngunit sinabi nilang hindi na yun problema dahil ngayon ipapanganak ang bagong haligi ng Magica, ang mga Maging kayang magdalang-magi, mapababae o lalaki man. Pero hindi ito sa tiyan lalabas ngunit kailangan ng medium o mga bagay na pwedeng tirhan ng isang magi, magsisilbi itong sinapupunan pero kailangan ng right amount ng magic, hindi sobra, hindi kulang dahil kung mangyari man yun ay magiging abnormal ang bata.
Ipinunta nila ako sa lugar na ito, ang Hinayan, isang lugar para sa mga Hiyan, mga Maging kayang magdalang-magi... Ginawa ko silang lahat... Pero wala pang nakakatuklas nitong lugar namin sa matagal na panahon dahil na rin itinatago kami ng isang espesyal na kapangyarihang, mga bathala lang ang nakaka-alam. Pero may nakalabas na isang Hiyan, at pumunta sa labas para masubukan ang mga bagay na ipinagbabawal...
Isang araw, habang tinuturuan ko ang mga bata kung paano gumamit ng mga kapangyarihan ay umatake ang mga Soul Reapers at mga Demons dito sa Hinayan. Pero ang nakapagtataka lang ay kung paano sila nakapasok dito dahil protektado ito ng kapangyarihan ni Bathala Lithos at Lustin.
Pero huli na ng malaman kong isa pala sa mga anak ko, si Goldyphille Goldenwire, may kapangyarihang kontrolin ang metal at kaya niyang gawing ginto ito kung gustuhin niya. Siya yung sinasabi kung lumabas dito sa Hinayan na mahigpit na i***********l. Siya rin ang nagsabi sa kinaroroonan ng bayan namin, at ramdam kong hindi na siya katulad dati na maamo, abnormal siya but not literally, if I say na abnormal, abnormal yung kakayahan niya dahil napantayan na niya ang aking kapangyarihan. Huli na rin ng malaman kong siya ang nagturo kay Chaos kung saan ang bayang nakatago na ginawa nina Bathala Lithos at Lustin.
Habang abala ako sa pagliligtas sa nasasakupan ko'y biglang dumating si Diamond Gemstone, isa sa mga anak ko na kayang kumontrol ng precious stones na hindi kayang gawin ni Goldyphille. Naglaban silang dalawa, gusto ko silang pigilan pero bigla na lang akong napunta sa Magarta, oo sa Magarta na lugar pahingahan ng mga Diyos at Diyosa at tirahan ng mga sumakabilang-buhay. Nagtataka ako kung bakit sa Magarta at hindi sa Mortana at dun lang ako naliwanagan noong nagsalita si Bathala Lustin, sinabi niyang hindi kayang pasukin ni Bathala Chaos ang lugar na ito pati na rin lahat ng alagad niya.
Sinabi niyang gusto niyang gumawa ako ng isa pang nilalang na nagtataglay ng kapangyarihang kayang pantayan si ang lakas ni Diamond at kayang lampasan ang kayang gawin ni Goldyphille. Napakaimposible pero pinaalalahanan akong kapantay ko rin ang kapangyarihan ng isang Diyos o Diyosa kaya posibleng makagawa rin daw ako ng nilalang na kapantay nila. Tinulungan niya akong gawin ang nilalang na yun. Gumamit kami ng medium, ang medium na yun ay yun na rin ang naging dahilan para mabuo ang kapangyarihang taglay ng isang Hiyan, hindi tulad ng ordinaryong Magi na namamana ang kapangyarihan.
Tulad ni Goldyphille na galing sa ordinaryong metal, dapat ang kapangyarihan niya lang ay ang makontrol ang metal ngunit aksidenteng nabuhusan ito ng natunaw na ginto kaya naman hindi lang ordinaryong metal ang kaya nitong kontrolin kundi pati na rin ang iba pang metal, isa rin yun sa dahilan kaya abnormal siya. Si Diamond naman ay likas na sa kanya na kayang kontrolin ang lahat ng precious stones kaya mas lalo pang nainggit si Goldyphille.
Habang ginagawa namin ang nilalang na sinasabi ni Bathala Lustin ay biglang lumitaw si Bathala Lithos. Akala ko ay magagalit siya yuna pala'y babasbasan niya rin ang nilalang na ito.
Matapos ang napakaraming taon, matapos mamatay ang Diyos ng Lahat ay isinilang ang nilalang na yun. Hindi siya ligtas sa Magarta, lalo na sa Mortana kaya naman iniwan namin siya sa Lapena.
End.....
"Naintindihan mo na ba kung bakit buhay pa ako? Huwag ka rin minsan maniwala sa mga nababasa mo..." sambit nito.
"Teka nga lang, sino ba yung nilalang na sinasabi mo?" tanong ko rito.
"Ikaw... Ikaw ang nilalang na nakasaad sa propesiya.." sabi nito, hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
"Anong propesiya naman ang sinasabi mo?" tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at bigla namang nagliwanag ang mga mata nito.
"As the dark shadows rise,
A golden, pure one rises.
As the moon shines b****y red,
The wind whines and the nature cries.
As time pass by,
The chosen one will clean the blood,
Clean the blood of it's own land,
And will be appointed,
As the new Ruler of Everyone."
Pagkasabi niya ng mga katagang yun ay nagkaroon ng marka ang kamay ko, hugis buwan at sa gilid nito'y isang bituin.
"Kailangan kitang ihanda para sa nalalapit na labanan, dahil ikaw ang sinasabing itinakda sa propesiya. Anak, kailangan kitang ihanda. Huwag kang mag-aalala dahil ang isang buwan rito ay isang araw sa labas..." sabi nito, nangunot ang noo ko.
"Nasaan nga ba ako?" tanong ko rito.
"Nasa bayan ka ng Hinayan, ang nakatagong lugar ng Magica. At huwag kang mag-alala dahil ligtas dito." sabi nito.
"Bukas na magsisimula ang training mo." dagdag pa nito. Handa na ba ako para sa bagong kabanata ng buhay ko. Ang maging tagapagligtas ng mundong ito. Magiging okay rin ang lahat. Sana nga...