Silver's P.O.V
Matapos ang mahabang training ay marami na ring nagbago, oo, ramdam ko ang kakaibang lakas matapos akong turuan ni Ace 'The Missing Star' na nagsasabing anak niya raw ako, at sinabi ring pwede raw ako magkaanak. Grabe, hindi ko aakalaing pwede akong magkaanak. Pero saka ko na iisping magkaanak. Sa ngayon ay paalis na rin ako dito dahil may buhay din akong kailangang harapin dun sa labas.
Nang makarating ako sa school ay pinagtitinginan ako, anong problema nila??!!
"Shet!! Is that Silver?! Yung nawawalang estudyante ng dalawang buwan.... My ghad nakabalik na siya... Akala ko patay na..." girl no. 1 said...
"Oo nga, akala ko rin, saan ba siya galing?! Hinahanap din siya ng Elemental 6 pati na rin yung kaibigan niyang Nich ba yun? Eh basta, ayokong maistress ngayon.." pagsang-ayon ni girl no. 2. Ahhh, hinanap pala ako ng Elemental 6 pati si Nich. Super caring naman nila, or so I thought. Papunta ako kay Nich ngayon, nakakalungkot lang dahil hindi ako hinanap ni Lie, ibig sabihin, wala na talaga siyang pake sa akin, sa aming mga kaibigan niya, o kung matatawag ko pa ba siyang kaibigan.
Nang makarating sa dormitory ni Nich ay kumatok agad ako.
"Sandali!! Istorbo naman 'to... Busy pa ako sa pakikipagharutan-" natigil lang siya sa kadadaldal nang buksan ang pintuan at makita ang mukha ko. Nanlaki pa ang nata niya kamo.
"Silver!!" pasigaw nitong bungad..
"Ako nga..." simple kong saad, niyakap niya ako kaagad, sobrang higpit, pero ayos lang dahil ramdam ko ang sincerity kahit sa yakap man lang. Kumalas na rin siya yakap at tinitigan ako.
"Sa'n ka ba nanggaling ha?! Matagal ka naming hinanap?!" sunod-sunod niyang tanong...
"Nich!! Sino ba yang kausap mo-" natigilan na lang din yung nagsasalita nang makita niya ako, si Asher pala, yung nobyo ng kaibigan ko. Nagulat na lang din ako nang yakapin niya rin ako, medyo nagtagal din yung yakap...
"E-ehem..." nagfake cough pa ang gaga, napakaseloso naman.
"Nacarried-away lang.. hehehe.." sabi ni Asher sabay peace sign.. Under..
"Pasok ka muna..." yaya ni Nich, pumasok na rin ako sa dorm niya.
"Papunta na sina kuya rito.." sabi ni Asher...
"Okay... Anyway, saan ka nga galing, bakit bigla-bigla ka na lang dinukot?" sunod-sunod nitong tanong...
"Aware naman yata kayong hindi lang ako basta-bastang nawala na lang diba?" tanong ko sa kanila.
"Sabi nga ni kuya, dinukot ka raw ng mga di kilalang kidnappers..." sabi ni Asher.
"Syempre, alangan naman ibigay nila ang identities nila. Pero buti nakatakas ka..." pambubuska ni Nich kay Asher na ikinakamot ng batok ni Asher..
"Dinukot ako ng Shirin Orhwa, hindi ko alam kung anong kailangan nila sa akin.." pagpapaliwanag ko...
"Buti nga't nakatakas ka eh.." sabat ni Nich.
"Well, may tumulong sa akin eh.." sabi ko.
"Sino yung tumulong??" tanong ni Nich. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Ace.
"Huwag na huwag mong sasabihin na ako ang tumulong sa'ykapag tinanong ka nila. Ang sabihin mo ay may tumulong lang sa'yo pero hindi nagpakilala. Baka malagay sa panganib ang buhay nating dalawa.." bilin sa akin ni Ace noon.
"A-ah, may tumulong nga pero hindi sinabi sa akin, privacy daw.." sagot ko na lang. Phew... Muntikan na ako ha...
"Buti nga may tumulong sa'yo..." sabi na pang ni Asher, biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang mukha ni Chester agad ang nakita ko. Nagtatatakbo siya palapit sa akin, and one thing I knew, niyakap niya ako.
"Maraming salamat at nakabalik ka na Silver..." bulong niya sa akin. Nagtagal pa ang yakapan namin hanggang sa may nagfake cough... Si Yojer. Kumalas si Chester sa yakapan namin. Isa-isa nila akong niyakap, ramdam kong namiss nila ako, pero iba ang ramdam ko sa yakap ng tatlo, sina Chester, Yojer, at si Aeolus... Parang, matagal akong nawala, yung para bang hindi nila natanggap yung pagkawala ko nun.
"Saan ka ba nanggaling? Buti nakabalik ka na..." pag-aalalang saad ni Yojer. Kinuwento ko na lang lahat ng pinagdaanan ko, mula sa madukot ako hanggang sa namalagi ako kay Ace, pero hindi ko na sinabi ang identity ni Ace at ang place, dahil nga sabi niya, baka malagay sa panganib ang buhay namin kapag nalaman ng iba ang sikretoko, sikreto namin. Ramdam ko sa aura na ine-emit nila ay lumakas sila, para bang nag-ensayo sila habang wala ako...
--------
Chester's P.O.V
Matagal naming hinanap, matagal kong hinanap si Silver, yung taong nagparamdam sa akin kung ano talaga ang tunay na kahugan ng pag-ibig, hindi yung pag-ibig mula sa isang pamilya o kahit sa kaibigan, mukhang mas higit pa doon ang nararamdaman ko. Yung pag-ibig na espesyal, dahil minsan ko na rin itong naramdaman, at nararamdaman ko na naman ito ngayon, at nararamdaman ko ito kay Silver.
Nagsimula ito noong makilala ko siya, I felt the spark between the two of us when both of us met. It sounds crazy but, when his hands touched my skin, the sparks and the butterflies in the stomach, yan lahat ang naramdaman ko noong naitulak niya ako, at isa agad ang nasa isip ko, and it's destiny... Everytime na makikita ko siyang nakangiti ay napapangiti na rin niya ako, hindi ko pa naiintindihan itong nararamdaman ko, pero noong niligawan na siya ng dalawa sa mga pinakamatalik kong kaibigan... Nakaramdam ako ng selos, selos dahil hindi ko siya magawang pasayahin tulad ng ginagawa ni Yojer. Isa lang yung nasa isip ko, na sana ako na lang yung taong yun... Pero ngayong may lakas na ako ng loob, sisiguraduhin kong sa akin mapupunta ang matamis niyang oo.
Pumunta ngayon si Silver sa Guidance office para pag-usapan ang mga nangyari. Ito na rin ang pagkakataon ko para maghanda, at nandito ako sa perfect place, ang garden sa likod ng abandoned building. Nagset ako ng date para makapagtapat na ako ng pagsinta kay Silver. Hihingi na rin ako ng permiso para manligaw... Dahil ngayon, desidido na akong makuha ang matamis niyang oo na gusto ring makuha ng mga katunggali ko sa puso ni Silver. Si Asher na rin ang pinagkatiwalaan kong idala si Silver dito.
Ilang sandali pa ay nakita kong paparating na si Asher dito kasama si Silver na nakablind-fold. Naghanda na rin ako. Nang makarating na rin sina Silver dito ay tinanggal na ang pagkakablind-fold sa kanya. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Silver...
"A-anong ibig sabihin n-nito?!" gulat at utal-utal na tanong ni Silver. Lumapit ako sa kanya at inanyayahang pumunta kasama ko sa table na sinet ko.
"May gusto lang sana akong sabihin eh.." sabi ko. Nangunot naman ang noo niya.
"What do you mean?" tanong nito. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang kamay niya. Kita ko ang curiosity sa mga mata niya.
"Gusto ko lang sabihing, noong una kitang makita, oo nabubwisit ako tuwing nakikita kita, alam kong ganun rin ikaw. Pero this past few days, parang may nararamdaman na akong kakaiba, yung parang mainit pero hindi nakakapaso, I think I fell in love with you. At gusto ko sanang tanungin kung pwede bang manligaw??" mahaba kong lintana...
"Ano ba Chester, tumayo ka nga diyan.." sabi nito pero hindi ako tumayo..
"Hindi ako tatayo rito hangga't hindi mo nasasagot yung tanong ko.." sabi ko. Bumuntong hininga siya, ang lalim nun.
"Sige, payag na ako.." pagpayag niya, sobrang saya ko dahil pinayagan niya ako, at dahil sa sobrang saya ko ay napayakap ako sa kanya...
"Ahhmmm... Ah Chester..." natauhan na lang ako dahil nagsalita si Silver.
"Sorry, nacarried away lang ako..." sabi ko sabay kamaot sa batok..
-----------
Asher's P.O.V
Nandito ako ngayon sa office ng Elemental 6, hinahanap na si kuya ngayon, kanina pa nabubwisit yung mga kasama ko.
"Asan na ba kasi yung kuya mo??!!!" sigaw na tanong ni Ice, high-pitched pa naman 'tong babaeng 'to.
"May ginagawa nga, papunta na rin yun." ang hirap pagtakpan si kuya.
"Ano bang ginagawa niya?" tanong ni Leo.
"Eh, may inaasikaso with someone.." sagot ko sa tanong nito.
"Sino ba kasi kasama niya huh?!!" tanong ni Ice pero pasigaw... Kanina pa ako nagtitimpi dito ha.
"KASAMA NGA NIYA SI SILVER!! ANO AYOS NA??!!" shet, imbes na pinagtatakpan ko siya eh nasabi ko pa yung dahilan. Great... Just great... Sarcasm here.
"ANO?! KASAMA NIYA SI SILVER?!" tanong ni Yojer ng pasigaw. Grabe... Ang possessive ng taong ito, akala mo sila na ni Silver, grabe...
"At ano namang problema kung kasama ko siya?" sumulpot na lang bigla si kuya out of nowhere... Sakto lang ang pagsulpot niya kasi pigang-piga na yung utak ko kaiisip kung anong idadagilan ko.
"Merong problema, at ikaw yun... Alam mo bang sobrang late ka na para sa meeting natin. At isa pa, bakit mo nga kasama si Silver? Umamin ka nga sa akin, nanliligaw ka rin ba sa kanya?" sunod-sunod na tanong ni Yojer kay kuya. 'Ligawan War' is real.
"Oo, nanliligaw ako, at anong problema doon ha?" ganyan nga kuya, laban lang. Akmang susuntukin na siya ni Yojer, buti na lang napigilan ni Ice.
"Ano ba kuya!! Tumigil ka nga, nagpunta tayo rito para sa meeting hindi para makipagbugbugan. Ano bang gusto niyong patunayan?! Eh nanliligaw pa naman kayo, kaya huwag kayong umasta na para bang 'kayo' na ng nililigawan niyo. Kaya tumigil kayo ngayon na o kaya ipi-freezer ko kayong dalawa..." bulyaw sa kanila ni Ice, mukhang napuno na rin ito.
Paano ba yan, mukhang nagsisimula na ang laban sa pagitan ng 'Tubig' at 'Apoy', nakalimutan kong meron pa pala ang 'Hangin', naghihintay lang ng pagkakataon para umatake at kunin ang puso ng isang Silversmith Silverknight, ang pinag-aagawan ng lahat.