Silver's P.O.V
"Uy, Silver, pinapatawag tayo sa Punong Marta..." sabi ni Nich.
"May ginawa ba tayong masama?!" tanong ko.
"Aba'y hindi ko po alam..." sabi niya.
"Eh bakit den tayo pinapatawag??" tanong ko ulit.
"Hindi ko po alam." sagot niya ulit.
"Tayong dalawa lang ba ang pinatawag?" tanong ko ulit rito.
"Hindi ko po al-" hindi ko na siya pinatapos dahil nabatukan ko siya at alam ko na ang isasagot niya.
"Aray naman, mapanakit..." reklamo nito.
"Paulit-ulit lang naman yung sinasagot mo, sino ka, si Janet Lim Napoles?" pambubuska ko sa kaniya.
"Eh, totoo naman eh, hindi ko alam, saka hindi ko bet yung Janet Lim Napoles, masyado akong hot para maging Janet..." sagot nito pabalik.
"Lechon lang..." sabi ko sabay tawa.
"Grabe, kasasabi ko lang na masyado akong hot, hindi naman ako mataba eh.." sabi nito sabay tawa. Nakarating na kami sa office ng Punong Marta. Bumati muna kami.
"Ano pong kailangan nila?" tanong ng babae, sa tingin ko ay secretary ng Punong Marta.
"Pinapatawag yung tao tapos hindi alam kung anong dahilan.." bulong ni Nich.
"May sinasabi ka?" tanong ng babae kay Nich, yan kasi, bulong ng bulong, bubuyig lang ang peg?
"Ah wala po, ang sabi ko po ay kami po yung pinatawag ng Punong Marta, Nicholai Martinez at Silversmith Silverknight po ang pangalan.." sagot ni Nich...
"Ah... Sumunod na lang kayo..." sabi ng babae at naglakad sa isang mahabang hall. Sinundan na lang namin siya. Ang lawak naman, siguro office ito ng ibang staff ng school.
"Ma'am, nandito na po yung pinapatawag niyo..." sabi ng babae, umikot ang chair at bumungad sa amin ang medyo matandang Marta. Nasa mid-40's na siya ata.
"Oh, have a seat.." alok ng Marta sa amin. Umupo na lang kami kasi nangangawit na yung paa ko.
"Ano po bang kailangan niyo? Bakit niyo po ba kami pinatawag?" sunod-sunod na tanong ni Nich sa Marta.
"Mamaya ko na sasabihin dahil hindi pa kayo kumpleto.." sagot ng Punong Marta. So ibig sabihin hindi lang kami ang pinatawag. Sana maging close kami. Bumukas ang pintuan at bumungad ang mukha niya.
"Oh, nandito na pala siya.." sabi ng Marta. Nagulat kami dahil si Lie yung tinutukoy niya, kahit siya ay nagulat pero agad niyang binawi yun at inayos ang postura, ibang-iba na talaga siya sa mahinhin at simpleng Angelie, dahil ngayon ay punong-puno na ng make-up ang mukha niya na para bang isa na siyang clown, maganda naman siya, pero iba talaga yung dating siya dahil natural ang ganda niya noon, kaibahan ngayon.
"Good morning po.." pagbati nito sa Marta.
"Good morning, have a seat.." alok ni ma'am na agad naman niyang sinunod. Umupo lang ito sa harap namin. Tiningnan niya ako, tapos si Nich, nagkatitigan silang dalawa ang lalim at natigil lang sila nang pasimpleng umubo si Ma'am.
"Well, ngayong kumpleto na kayo, gusto ko lang ipaalam sa inyo na pupunta kayo sa isang mission.." pagkasabi pa lang ni Ma'am no'n ay para akong binuhusan ng mainit na tubig, oo mainit para maiba naman, hindi yung puro malamig, chos. Pero seryoso, nagulat kami dahik never pa kaming pumunta sa isang missuon, dahil ang alam ko ay mga seniors lang ang gumagawa nun o kaya naman mga 3rd year students. Pero ayos lang, I think it's gonna be fun, or so we thought, lalo pa't kasama namin ni Nich si Lie.
"Ang mission niyo ay ang hanapin si Fred, Fred Nichman, ang dakilang Seer sa panahon ni Ace.." sabi ni ma'am, kilala ko siya, siya yung kaibigan ni papa, naikwento niya yun noong nandun pa ako sa Hinayan.
"Ano pa po bang gagawin namin kapag nahanap na namin si Fred?" tanong ko kay ma'am..
"Good question. Kapag nahanap niyo na siya, ay may sasabihin sa inyong importante at hindi pwedeng makalimutan, pero kung gusto niyo, isulat niyo yung sasabihin niya... And just a reminder, masyado siyang playful at... Bipolar.." sagot at paalala ni ma'am sa tanong ko.
"Tulad nga ng sinabi ni papa.." bulong kong sabi..
"May sinasabi ka ba?" tanong ni ma'am, umiling na lang ako bilang sagot..
"Okay, well then, maghanda na kayo dahil bukas na bukas ay aalis na kayo.." sabi ni ma'am. Masyado namang mabilis... Pero hayaan mo na, para matapos na ito kaagad.
"Well then, you can proceed to your respective classes now.." sabi ni ma'am. Nagpaalam na kami at pumunta na sa room ng hindi nagpapansinan.
---------- KINAUMAGAHAN ---------
Ready na kami para sa mission and also para sa adventure, and excited na ako, pero mukhang hindi excited 'tong mga kasama ko, lalo na 'tong si Nich, alam ko naman 'tong pinagdadaanan ni Nich dahil ramdam kong hindi niya tanggap na hindi na sila close. Sila kasi yung mas close sa isa't-isa, yung para bang hindi na sila mapaghiwalay, saka, sila yung unang naging magkaibigan kaysa sa akin. Kaya ganun na lang kaapektado si Nich, hindi ko naman sinasabi na hindi ako nasaktan, pero kasi, mas close nga sila deeebaa nga... Heh basta, bahala na kayong umintindi.
Hinatid kami ng sasakyan ng school hanggang sa bungad ng isang bayan, ang bayan ng Harata, sakop ito ng bayan ng Astherna. Maglalakbay kami hanggang sa makarating kami sa kabilang side ng Astherna. Mahaba-habang paglalakbay ang aabutin namin, hindi ko lang alam kung ilang araw ang itatagal namin.
Ilang araw or should I say matapos ang isang linggo ay nakarating na rin kami sa kabilang dako ng bulkan. Ngayon naman ay hahanapin na namin si tito Fred. Habang naglalakad ay may nakasalubong kaming matanda, paika-ika itong maglakad at bigla na kang natumba, tumakbo ako sa kanya para tulungan siyang makatayo.
"Ayos lang ho ba kayo?" tanong ko rito.
"Ah, oo, maraming salamat sa tulong mo iho.." pagpapasalamat niya.
"Wala ho yun... Ah pwede po bang magtanong?" tanong ko sa kanya, baka lang naman alam niya kung sino si Fred.
"Alam niyo po ba kung saan ang tirahan ni Fred, ang dakilang seer?" tanong ko.
"Ah, oo kilalang-kilala ko siya." sagot niya at gumuhit sa mukha namin ang saya dahiklmalapit na rin naming matapos ang misyon namin.
"Talaga ho?" nagsalita na rin si Nich.
"Oo dahil nasa harapan niyo na siya.." nagulat kami sa sinabi niya, at mas nagulat ako nang bigla siyang balutin ng lavender mist, nang mahawi ang mist ay tumambad sa harapan namin ang gwapo at matipunong si Fred.
"Namiss kita Ace.." nagulat kami dahil sa sinabi niya, pero ang mas ikinagulat ko ay yung bigla niya na lang ako yakapin.
"A-ah, hindi po ako si Ace, baka po namamalik mata po kayo, ako po si Silver, Silversmith Silverknight po, hindi po ako si pa- si Ace.." sabi ko at salamat dahil inalis niya na rin yung pagkakayakap niya sa akin.
"Anong kailangan niyo?" cold na tanong nito sa amin, oo nga naman, bipolar nga pala siya tulad ng sabi ni ma'am.
"Ah, pinadala po kami ng Punong Marta po ng school namin, Lithos Academy po. May gusto lang po kaming linawin.." sagot ni Lie.
"Bago niyo makuha yung gusto niyo ay dadaan muna kayo sa isang laban. Kung maipanalo niyo ang laban ay makukuha niyo ang gusto niyo, pero kapag natalo kayo, ibibigay niyo siya sa akin.." nagulat talaga kaming lahat ng ituro niya ako.
"B-bakit ako?" tanong ko rito.
"Huwag ng maraming tanong, at alam ko naman ang pakay niyo, remember, isa akong Seer." alam na niya palang mangyayari ito kaya napaghandaan ko na yun.
"Bakit siya, bakit hindi na lang 'tong babaeng 'to?" saad ni Nich sabay turo kay Lie.
"Oh, bakit ako, si Silver na lang, total, siya yung leader natin eh.." sabi naman ni Lie.
"Grabe, si Nich na lang... Total sabi niya nung bago tayo pumunta dito eh hot siya, siya na lang ibigay natin baka gusto lang naman kumain ni Fred.." saad ko naman.
"Eh bakit ako, kayo na la-" hindi pa natatapos ni Nich yung sinasabi niya nang umatake na si Fred, ball of energy na kulay lavender.
*BOGGSSHH!!!*
Tunog na nilikha ng pagsabog, buti na lang ay gumawa si Lie ng Telekinetic Force Field na pumrotekta sa amin. Kamuntik-muntik na kaming matamaan nun ah.
"You're welcome ah.." sabi ni Lie sabay irap. Grabe, sundutin ko kaya yang mata mo. Pero ang astig talaga nun, Wind fairy pero ang ginagamit niyang magic ay Telekinesis. Ginagamit niya lang ang sub-elemental magic na Air Pressure. Grabe talaga, naol diba.
"Sa laban, dapat concentrate, hindi yung puro satsat dahil mauunahan kayo ng kalaban niyo.." sabi nito.
Kinumpas ni Lie yung kamay niya at bigla na lang lumuhod si Fred, mukhang binabagsak ni Lie lahat ng Telekinetic Force kay Fred, pero kita kong pinipigilan ito ni Fred.
"Ano ba!! Gumalaw naman kayo!" sigaw sa amin ni Lie, tumango na lang kami. Lumikha si Nich ng spikes gamit ang mga bato at pinatamaan si Fred pero sa isang kumpas lang ni Fred ay lumabas ang mga malalaking vines at roots at naprotektahan siya nito. Nagulat kami sa ginawa niya, at mula sa likod ng vines at roots ay tumalon siya.
"Lie, bakit hindi ka gumamit ng Chant.." sabi ko kay Lie.
"Hindi ko kaya, parang nabablangko ang utak ko.." sabi nito na ikinagulat namin ni Nich, tiningnan ko rin siya at nagbabasakaling kaya niya pero umiling lang siya.
"Subukan mo.." sabi naman ni Nich.
"Hindi niyo magagawa yan dahil nandito kayo sa teritoryo ko. Hindi kayo makakagamit ng Chant dito." singit ni Fred sa usapan namin.
"Susubukan ko.." sabi ko, susubukan ko kahit na imposible gaya nga ng sinabi ni Fred. Tuwing mag-iisip ako ng Chant ay para bang may nakaharang na barrier sa isip ko. Tama nga ang sinabi niya. Mano-mano na ito, gagawin ko lahat ng mga natutunan ko.
Itinaas ko ang kamay ko at lumiwanag ang mga palad ko, lahat ng mga puno pati na rin yung mga kinokontrol ni Fred na mga halaman ay sumusunod sa akin, dahil sa tingin ko'y mas malakas ang force ko kaysa sa kanya.
"Lie! Ngayon na!" sigaw ko kay Lie at mukhang nakuha niya yung ibig kong sabihin. Mula sa taas ay ibinagsak ni Lie ang kamay niya ng marahas kasabay nun ay ang pagbagsak ni Fred, si Nich ay gumawa ng kulungang gawa sa lupa.
Pero ang akala naming laban na tapos na, ay hindi pa pala, nabasag ang kulungang ginawa ni Nich, at tumambad sa amin ang mukha ni Fred, yung mga mata niya ay umiilaw ng kulay lavender.
"Tikman niyo ang sarili niyong bangungot na kinatatakutan at ayaw niyong mangyari sa inyo!!" sigaw niya. Kita kong napaluhod ang dalawa. Umiiyak sila, nagtataka ako kung bakit hindi ako tinatablan. Nagulat na lang ako dahil bigla na lang sumigaw si Nich.
"ASHER!! HINDI!!" sigaw niya at kita kong sinuntok-suntok niya ang lupa, lumilindol nga eh, tapos si Lie naman humahagulgol, lumalakas yung hangin, para bang babagyo.
"Bakit hindi ka tinatablan ng mahika ko?" tanong ni Fred sa akin.
"Hindi ko alam, but one thing for sure, gusto kong tapusin ang kahibangan mo at para matapos na rin ang misyong ito." sabi ko at tumakbo palapit sa kanya para umatake. Sa isang kumpas lang ng kamay ay sumunod ang hangin, ginamit ko ang hangin para ikulong siya, mas nilakasan ko pa ang force ng hangin. Marahas kong ibinagsak ang mga kamay ko at sa isang iglao ay bumagsak rin ang mala-buhawing kulungan, lumikha ito ng pagsabog, nagkaroon ito ng makapal na usok. Nahawi ang makapal na usok at tumambad sa akin ang topless na katawan ni Fred, sugat-sugat, pati yung pang-ibabang saplot niya ay punit na.
Lumapit ako sa kanya para makasiguradong natalo ko na siya. Nabigla na lang ako nang bigla siyang dumilat, daglian siyang tumayo at sinakal ako.
"Masyado na akong nagsasayang ng oras, tatapusin ko na ito." pagkasabi niya nun ay hinigpitan niya pa ito lalo.
"Bitawan mo siya!" sigaw ni Lie. Nakita ko na nakablue dress na siya at yung buhok niya ay may highlights ng blue. Sa tabi niya ay mayroong malaking wolf, kulay White ang kanyang balahibo pati rin ang mata. Ang mga true form nila as a Wind Fairy at Wolf.
Binitawan ako ni Fred at humakbang palapit sa kanila, naglaban sila at yun na lang ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.
----------
Nagisising ako dahil sa mga mahinang boses na naririnig ko. Idinilat ko ang aking mga mata, nasilaw ako nung una pero unti-unting naka-adjust yung mata ko.
"Oh, gising na pala yung kaibigan niyo." sabi ni..... Fred??
"Huwag kang lalapit..." sabi ko nang lumapit siya sa pwesto ko. Tumigil naman siya.
"I'm sorry sa ginawa ko kanina.." pagpapaumanhin niya.
"Sorry?! Muntikan mo na kaya akong mapatay, pati kaya sila.." pagtataray ko, who you ka ngayon...
"OA mo naman, konting atake lang naman ang ginawa ko eh." sabi niya.
"Wow ha... Konti lang ha... Just wow.." I said in a sarcastic tone. Lumapit na sa amin sina Nich at Lie.
"Musta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Nich.
"Hindi ako okay.." sabi ko.
"Eh bakit naman?" seryoso?!
"Grabe kayo, muntik na tayong mapatay ng lalaking yan!!" bulyaw ko sa kanila.
"Ano ba, huminahon ka nga, kaya pumunta tayo dito ay para sa isang mission. Kaya please lang, huminahon ka." sabi ni Lie. Tumahimik na lang ako.
"So, ano nga ba ang kailangan niyo?" tanong nito.
"Ew-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang lumiwanag na naman ang mga mata ni Fred ng kulay lavender. Naging alerto na naman kami dahil baka anong gawin nitong lalaking 'to.
"As the dark shadows rise,
A golden, pure one rises.
As the moon shines b****y red,
The wind blows, the nature cries.
As time pass by,
The chosen one will clean the blood,
Clean the blood of it's own land,
And will be appointed,
As the new Ruler of Everyone."
Pagkasambit niya palang ng mga katagang iyon ay biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni papa sa akin. Isang propesiya. Ilang sandali pa ay bumalik sa pagiging normal ng mga mata niya.
"Nakuha niyo na ang gusto niyo, pero bago kayo umalis, pwede ba kitang makausap.." sabi niya at tumingin sa akin..
"Sige, basta wala kang gagawing masama sa akin." sabi ko, at tumango na lang siya bilang sagot. Lumabas muna sila Nich at Lie.
"Kung hindi ikaw si Ace, ibig sabihin ay reincarnation kanya, tama ba?" tanong nito. Umiling ako bilang sagot.
"O sige, kung sino ka man, intindihin mo, intindihin niyo ang sinasabi sa propesiya, dahil hindi ko pwedeng sabihin ang sagot, dahil ako mismo na isang Seer ay hindi kayang intindihin yun. Nasa kamay niyo ang sagot, kaya bago pa mahuli ang lahat ay kailangan niyo ng gumawa ng paraan. Hindi ko alam kung anong mangyayari bukas, sa isang araw o kaya sa isang linggo. Sige, makakaalis na kayo.." mahaba njtong lintana, hindi ko siya masyadong naintindihan pero hayaan mo na.
Nang makalabas ay rinig ko ang tawanan nung dalawa, nang maramdaman nilang may tao sa likod ay lumingon sila sa akin at simpleng ngumiti, ngumiti din ako pabalik.
"Beh, may gusto sana kaming sabihin sa'yo.." panimula ni Nich.
"Ano?" tanong ko.
"Eh... Bati na kami ni Lie... Gusto na niyang makipagbati eh.." sabi niya.
"Weh?!" pasigaw na tanong ko.
"Oo nga... Ano, ayaw mo?" sabat ni Lie.
"Hindi, kasi nga ano, ayaw ko eh.." sabi ko na ikinalungkot ng mga mukha nila, matatawa na ako dahil sa mga mukha nila.
"Grabe, hindi naman sa sinasabi kong ayoko noh, ang gusto kong sabihin ay ayaw ko ng mag-away tayo ulit. Ayokong mawalan ng special friends like the both of you.." sabi ko, yung mukha nilang parang nalugi ay naging masigla...
"Tataa, as in, tataa?!" tanong ni Lie.
"Oo nga, ano, sabihin mo lang kung ayaw mo?" nang sabihin ko yun ay niyakap nila ako pareho... I'm so happy kasi bumalik na yung sigla ng friendship namin.
Normal lang naman na magkaroon ng 'di pagkakaunawaan ang magkakaibigan, kung mangyari man yun, isipin na lang natin na isa lang 'tong pagsubok sa atin. Pagsubok na lalong magpapatag ng pagkakaibigan ng lahat, magpapatag ng tiwala sa isa't-isa. At iyon ang natutunan ko.