Silver's P.O.V
Makalipas nga ang tatlong araw na pamamalagi sa pagamutan ay pinauwi na nga ako sa dorm ko. Tapos na nga yung problema ko sa katawan ko, pero dumagdag naman itong secret code na 'to. Anong klaseng code ba kasi ito, naiinis na ako ah. Medyo naburyo ako kaya nagpamusic na lang muna ako.
Nasa ganung pagjajam ako nang may natanggap akong notification, may friend request sa akin si Prince Yojer. Syempre, hindi na tayo magpapabebe pa't inaccept ko ang friend request nito. Nagstalk muna ako sa timeline nito, shet, ang gwapo talaga ng prinsipeng 'to, dumudgo na ata ilong ko. Matapos magstalk ay pinagpatuloy ko ang naudlot na jamming. Favorite na song ko ang next na nagplay at naghanda na sa pagkanta.
Kakanta na sana ako nang biglang may kumatok, nainis ako dahil naudlot ang aking pagkanta. Alam niyo ba yung bibirit ka na pero may mang-iistorbo, nakakairita lang talaga. Padabog kong pinagbuksan ang bwisit na nang-istorbo sa akin pero nagulat ako nang bumungad sa akin ang nakangiting prinsipe.
"Hello Silver." bati sa akin ni Yojer sa akin. Anong ginagawa ng lalaking ito dito sa dorm namin? Ang layo kaya ng dorm nila sa amin.
"Oh... Prince- I-I mean Yojer anong ginagawa mo sa ganitong oras, diba dapat tulog ka na." sabi ko.
“Ahh, gusto lang naman kitang dalawin. Ayos ka na ba?” taong nito
"A-ahmm, okay lang naman talaga ako. Huwag kang mag-alala, mabilis lang akong nakarecover, you know, sabi ng doktor." sabi ko sabay kuha nung papel na may letra.
"Is that a code?" tanong nito sa akin.
"Oo, hindi ko pa nga madecode eh." sagot ko rito, nagulat na lang ako nang hablutin niya yung papel, wala namang problema sa akin yun eh.
"Let's see, kakaiba huh, but in some cases, related ito sa Caesar Cipher. Kung gagamitin natin yun baka madecode natin ito. Hmm. Let's see, 11 spaces muna kasi related ito sa pangalan mong may 11 letters S-I-L-V-E-R-S-M-I-T-H, so sa L magsimula yung A. Yung code natin ay:
Nzj'gt edi iwt gtxcrpgcpixdc, nzj'gt iwt ctmi vtctgpixdc
It means: You'e not the reincarnation, you're the next generation.
Yun ata yung ibig sabihin nang code na yan. Okay enough. Gusto kasi kitang imbitahing gumala bukas, sabado naman, you want?" Ganun? Yun pala yung ibig sabihin ng code. Wait, mali ba pagkakarinig ko? Or talagang niyaya ako nitong prinsipeng 'to?
“H-Huh?”
“Ang sabi ko, baka gusto mong gumala bukas. Yun ay kung ayos lang-“
“Oo naman!!” mabilis kong saad na nagpagulat rito. Saka ko lang napagtanto ang ginawa ko, I mentally face palmed myself.
“Pasensya..” nahihiya kong saad sa kaniya
“Ayos lang, so susunduin na lang kita bukas ng 9.." sabi nito.
"Okay lang naman ako, kahit hindi mo na ako sunduin." pagtanggi ko.
"Huwag nang makulit, sige na, matutulog na ako." Pagpapaalam niya sa akin, hinatid ko siya sa pintuan at nagpaalam na rin ako.
Ba’t napakagwapo ng prinsipeng iyon?
-------- Kinaumagahan --------
Bwisit naman oh, sa dami kong damit, hindi ko alam kung anong susuutin ko nakakainis. Kung nandito lang si Lie, siguradong mapapadali ang buhay ko. Nasa ganun akong ayos nang may kung anong demonyong kumakatok sa pintuan ko. Hindi pa naman ako nakapagbihis oh, as in, nakatapis lang ako. Sinilip ko muna kung sino ang kumakatok at napag-alamankong si Lie. Nice timing!!
Pinagbuksan ko ito ng pintuan at napatingin ito sa akin mula ulo hanggang paa.
“Hoy babae, kung makatingin ka sa akin, akala mo kung anong kademonyohan na ang nasa isip mo. Hoy, ‘di tayo talo!!” sabi ko rito at kinaltukan sa ulo.
“Aray ko naman!! Ba’t ba napaka-feeling mo? Nagtataka lang ako kung bakit ganyan ayos mo ano!! Saka, over my dead sexy body, hindi kita type okay!!” sagot nito pabalik sa akin.
“Okay, okay, kailan ba ako nanalo sa pagdadaldal ng bunganga mo diba? Tulungan mo kaya ako?”
"Ano ba kasing meron?" tanong ni Lie.
“Ayon na nga, niyaya ako ng Prinsipeng Yojer na lumabas, gumala, friendly date o kung ano pa man. Kaso, hindi ko alam kung anong isusuot ko.” Problemado kong saad pero ang gaga, hinampas ako ng pagkalakas-lakas sa braso.
"Hoy ikaw lalaki!! Paanong yayayain ka ng prinsipeng iyon?! Nagpapatawa ka ba?” tanong nitong babaeng baliw na ‘to.
"Oo nga, sa tingin mo nagbibiro ako?” tanong ko.
“Oo, remember, sinabi mong hindi ka na mag-aaral, tapos malalaman na lang namin ni Nick na nandito ka na sa dorm. Kung hindi pa sinabi sa amin ng nanay mo na nandito ka, hindi namin malalaman. Tapos last week lang, sabi mo magsi-cr ka pero pumunta ka pala sa cafeteria. Tapos-“ hindi na natapos ni Lie ang sinasabi niya nang takpan ko ang bunganga nito.
"Tutulungang mo ba ako o hindi? Kasi kung hindi, makakaalis ka na..” saad ko rito, at ang gaga, aalis nga.
“At hindi mo rin makokopya ang assignemnts ko.” Dagdag ko pa rito ng nakangiti. Napatingin naman ito sa akin at ngumiti.
“Ito naman, nagbibiro lang eh. Bilisan mo na, huwag kang babagal-bagal, baka malate ka pa..” napakamot naman ako mg ulo dahil sa inakto nit.
Pumili na nga kami ng isusuot. Pili dito, tapon doon, sukat dito, tapon ulit doon. Hanggang sa...
"WHOOO!!! Ang cute mong tingnan sa suot mong yan Silver!! Maiin-love na sa’yo ang prinsipe!!” sigaw nito saka pinaghahampas ako sa braso.
"Aray Lie!! Umayos ka, gusto mo bang masabunutan?Magmukha lang ako g katawa-tawa rito sa suot ko Lie, humanda ka na’t papatayin kita.” pagbabanta ko rito. Binigay ko na rin yung assignments ko at saka umalis na siya. Kinuha ko na rin yung phone ko, panyo, at syempre pera rin nang may kumatok sa pintuan ko. Pinagbuksan ko naman kaagad, at bumungad sa akin ang isang napakagwapong nilalang. That kissable lips though.
-------------
Yojer's P.O.V
Papunta kami ngayon ni Silver sa isang amusement park, di ko rin alam kung bakit dun yung pinili kong puntahan, siguro gusto din ni Silver na dun pumunta dito. Nang makarating na nga kami sa amusement park ay nagliwanag ang mukha niya, para nga siyang bata. Ang cute niya lang tingnan.
Oo nung una ko siyang nakita, hindi ko alam kung bakit parang tumigil yung mundo ko. Haha, sounds corny, right? Pero naramdaman ko yung sinasabi nilang butterflies sa sikmura.
Bumili na nga ako ng tickets for two, una naming pinuntahan eh yung roller coaster. Nung sumakay na kami, hindi man lang siya kinabahan. Gusto ko pa namang kumapit siya sa akin para hindi siya matakot. Oo na, corny ko na naman. Nung nagsimula na ngang gumalaw, bigla na lang siyang naging excited, yung parang batang binigyan ng candy.
Nagsisigaw siya all throughout the ride which is kinda cute.
Next kaming pumunta sa ferris wheel. Hindi ko alam pero parang pinagpawisan siya at nagmukha siyang hot dahil dun, tinanong ko kung takot siya sa heights, sabi niya naman eh hindi, siya nga yung nanghila sa akin eh. Nung nandun na kami sa ferris wheel, balisa talaga siya. At nung nagsimula na ngang umandar, bigla na lang siyang napahawak sa akin. Kaya ayun, niyakap ko siya para medyo mabawasan yung takot na nadarama niya. And then, one thing I knew, nakatulog na pala siya, ginising ko na lang siya nung bababa na kami.
Pumunta kami sa isang fast food chain para kumain. Ako na nag-order para sa aming dalawa, pareho pala kami ng favorites, pati rin sa music. Ako na ang nagbayad para sa aming dalawa, kahit na tumanggi ito na siya na lang ang magbabayad ay sinabi kong ako na lang tot ako naman yung nagyaya.
"Kain na tayo." sabi ko.
Habang kumakain eh, hindi ko maipigilang tingnan siya, para talaga siyang bata, kaso matured mag-isip. Pati na rin sa pananamit, mukha siyang bata.
"Baka matunaw naman ako sa titig mo ha." bigla niyang sabi para bumalik yung ulirat ko.
"Oh, I’m sorry, ang cute mo kasi." sabi ko.
"Wait, may dumi sa mukha mo." sabi ko sabay tayo at punas sa dumi malapit sa lips niya at biglang nagsalubong ang aming mga mata.
"Kaya ko namang punasan eh." nahihiyang sabi nito. Umupo na rin ako.
"Nga pala, kailan pala yung Magic Rumble? Lagi na lang napo-postpone yung Magic Rumble dahil sa mga problema sa school." Tanong nito sa akin.
"Ahh... Baka bukas hanggang sa Friday, you know, marami kasing students na gustong sumali. And one thing, pupunta ang aming mga magulang para rin manood." sagot ko rito.
"Ganun ba? Mas lalo naman akong kinabahan dahil sa sinabi mo.”
“Naku, huwag kang kabahan, malay mo, maging team mate mo ako..” biro ko sa kanya
“Sana nga, para may kakilala naman ako sa team, gusto ko nga sanang kasama sina Lie eh.” Sabi niya habang nakikinig lang ako sa mga pinagsasasabi ko.
Marami pa kaming pinagkwentuhan, like our personal life, mahilig pala siya sa pusa, mahilig din pala siyang kumanta at sumayaw. Tawanan kami dahil sa mga kalokohang ginawa ko noong freshman ako. Napasarap kami sa kwentuhan kaya medyo magdadapit-hapon na nung lumabas kami.
Napagpasyahan naming pumunta sa dagat para manood ng sunset.
"The sky is blue,
The sun sets down.
Shouting through the horizons,
I need you right now.
The night is cold,
I need your warmth
Sitting and looking up realizing,
You and I is in a great distance."
Rinig kong sabi niya, magaling din pala siya sa paggawa ng tula.
"Para kanino naman yang tula na yan?" tanong ko.
"Ewan, siguro dahil sa mga nakikita ko sa paligid ko kaya ako nakakagawa ng tula. Maybe nakakarelate ako sa mga buhay nila." Saad nito sa akin habang nakangiting pinagmamasdan ang papalubog na araw.
I think I'm in love with you...