Silver's P.O.V
Papunta ako sa field ngayong araw para magpractice. Isang linggo na rin matapos ang pagkikita namin ni Frank, pilit kong inaalis sa isip ko ang mga pangyayari. Habang naglalakad ay natanaw ko ang mga Magi na nag-eensayo sa gitna ng field. Mga Senior Highschool pala sila kasi yung field e sa likod ng gymnasium, nag-cr kasi ako kanina, ewan ko ba kung bakit ang layo ng CR na pinuntahan ko.
“ARGH!! Tama na!!” sigaw ng isang lalaking nasasaktan. Sa aking curiousity ay pinuntahan ko ang pinanggalingan ng sigaw.
Hazing ba 'to? Hindi ko alam na may fraternity dito sa school ah. Kita ko kung paano nila hampasin ng dos por dos yung lalaki na duguan. Nagdadalawang-isip ako kung tutulungan ko ang lalaki o hindi, baka imbes na matulungan ko pa siya, baka mabugbog din ako. Naku, wala akong laban sa mga mokong na 'yan, may mga kapangyarihan sila, kaya naman hindi sila takot na mambully. Kaya naman imbes na makipagbugbugan ay naisipan kong isumbong ang mga ito. Tatakbo na sana ako nang may demonyong nanghila sa akin at binitbit na parang sako.
"Argh!!" daing ko, sino ba namang hindi? Saka, tumama yung likuran ko sa bato, buti hindi ganun kalaki, baka nadislocate na kanina yung buto ko.
"Master Frank, may ligaw na tuko ang kanina pa nagmamasid sa atin. Mukhang balak nitong magsumbong, patikumin ko na po ba bibig nito?” saad ng bwisit na lalaking nagbuhat sa akin.
"Demonyo ka talaga Frank!! Paano mo nasisikmura ang mga ginagawa mo?!” sigaw ko dito na ikinangisi niya. Lumapit ito sa akin saka akmang hahawakan ang pisngi ko pero inilihis ko ang aking mukha. Nainis naman ito sa aking ginawa ko, pero hindi ko inaasahan ang biglaan nitong pagsampal sa akin.
"Alam mo? Kung hindi lang kita mahal Silver? Baka naipabugbog na rin kita..” saad nito saka ngumisi na parang isang aso. Tsk, as if naman ikinagwapo niya yung pagngisi niya.
"Bakit hindi mo pa gawin ngayon? As if naman natatakot ako..” sabi ko, at ginagamit ko ngayon ang reverse psychology, baka sakaling pakawalan kami ng damuhong kaharap namin. Takot talaga ako, sino bang hindi?
“Oh, gusto mo palang mabugbog eh. As you wish..” saad nito at inutusan ang mga alagad niya na bugbugin ako. Naku naman, hindi gumana yung reverse psychology busit!!
Kaya naman, bago ako mabugbog ay inupakan ko na yung mga goons na pangit. Pero dehado ako, may dos por dos na sila, may kapangyarihan pa sila, eh paano ako? Bakit ba napaka-unfair ng mundo?
Kaya para fair ang laban, nakipag-agawan ako ng dos por dos saka ipinukpok sa likod nila. Pero hindi maubos-ubos ang mga pangit na na 'to.
“Ikaw mg humarap sa akin Frank!! Huwag kabg maging duwag!!” sigaw ko kay Frank na pinapanood kaming magbasagan ng ulo.
“As you wish!!” pagpapaunlak nito sa aking hamon at biglaang sumugod at inilabas ang espada nito. Bwisit naman oh, eh ako nga dos por dos lang eh. ‘Di bale na nga, at least meron akong maihahampas sa mukha ng damuhong 'to.
Third Person P.O.V
Nagsimula na nga ang bakbakan sa pagitan ni Silver na niloko, at ni Frank na manloloko.
Ginamit ni Frank ang estilong itinuro sa kanila ng kanilang mga ninuno. Ang Exploding Sword Technique, kung saan, gumagawa ng pagsabog ang bawat pagwasiwas ng kanyang espada. Dahil sa ginawang ito ni Frank ay naging alisto si Silver at iniiwasang matamaan ng sandata ni Frank. Pero alam niyang mabagal ang pag-atake ni Frank, dahil na rin sa ang technique na ginamit ni Frank ay kailangan ng malakas na force para na rin malakas ang impact na gagawin nito sa kalaban nito.
Kaya naman nag-isip ng paraan si Silver para makagawa ng atake kay Frank. Naghanap ito ng open at weak spot nito, perk nahihirapan siya dahil sa iniiwasan din nito ang atake ng lalaki.
“Ano?! Puro iwas na lang ba ang gagawin mo?!” sigaw ni Frank kay Silver. Napangisi si Silver nang makitang hindi ganoong kabilis ang paggalaw ng paa nito at masyadong nag-aalangan ang mga galaw ng paa nito. Kaya naman isa pang iwas, saka inihampas ni Silver ang dos por dos nitong hawak sa paa ni Frank.
“ARGH!!” napaluhod si Frank dahil sa ginawang pag-atake ni Silver.
"Oo mahina ako Frank, pero meron akong utak na kayang itapat diyan sa lakas na meron ka. Sana man lang inisip mong kaya din kitang labanan, at sana inisip mo ring hindi ako natatakot sa'yo.” Mahabang saad ni Silver sa nakaluhod na Frank at tumalikod para dalhin ang lalaking binugbog ni Frank sa pagamutan sa school nila.
Pero sa 'di inaasahan ay nagbato ng Blue Ray Flame si Frank sa nakatalikod na Silver. Pinakamahinang apoy man ito sa klasipikasyon ng mga apoy, pero hindi kaya ng katawan ni Silver ang apoy na ito dahil na rin sa wala itong taglay na kapangyarihan. Nawalan ng malay si Silver dahil sa ginawang pag-atake ni Frank.
Silver's P.O.V
Madilim, sobrang dilim, hindi ko alam kung nasaan ako. Pilit akong tumayo, at tumingin sa paligid, walang hanggang kadiliman ang aking nakikita.
Unti-unting may nabubuong liwanag, palakas ito ng palakas, hindi ko na kinaya ang tindi ng liwanag kaya tinakpan ko na ang mata ko. Nang medyo humupa na ay, unti-unti ko ng idinilat ang aking mga mata. Laking gulat ko ng makita ang mga letra at mga simbolo.
Nzj'gt edi iwt gtxcrpgcpixdc, nzj'gt iwt ctmi vtctgpixdc
Ano bang trip 'to? Kung hindi ancient letters ang nakikita ko, mga letrang napakgulo? Code na naman ba 'to, pagod na ako sa code ah, pinagawan na nga kami ng assignment about sa code, tapos hanggang dito pa naman. Nang subukan kong hawakan ang parang code na ito ay bigla itong nagwala at nagsama-sama saka naging dalawang liwanag, isang puti at isang….. Silver?
Bigla itong bumulusok papunta sa akin, natigil ako sa hindi malamang dahilan, at tuluyan na ngang nakalapit sa akin ang dalawang liwanag saka pumasok sa aking dibdib ang dalawang liwanag, napapikit na lang ako dahil sa lumiwanag ang aking katawan.
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong muli ang aking paligid, walang pinagbago. Nakita ko rin si Frank na nakatayo na dun sa dati pa rin niyang pwesto, it means, wala pang 1 minute nung bumagsak ako. And wala akong nararamdamang sakit.
"Paanong naka-"
"Playing dirty huh?! You know what Frank?! I'm so sick of you're game!! Bakit hindi na natin tapusin itong larong sinimulan mo? Shall we?” saad ko saka ngumisi, nakita ko kung paano napaatras si Frank.
"Tsk. Wala akong pake, bakit, hindi naman kawalan kapag namatay ka. ITONG BAGAY SA'YO!!!!" sabi niya sabay sugod, hmm, b****y Fire? Yan ang pangalawang apoy na kaya niyang kontrolin.
“Magia magira mar mira.. (Magic rune take charge..)”
“Heva Aeos. (Heavenly Wind.)” isang salita ko lang ay tumilapon na siya. Agad naman tumakbo yung mga kasamahan niya palapit sa kanya.
"SUGURIN NIYO SIYA!!" sigaw ni Frank. Sumugod naman yung mga kasamahan niya.
"Pierce, paralyze, bleed..” wala sa sarili kong saad at sa tatlong salitang iyon ay bumagsak silang lahat at hindi sila makagalaw. So ito ang isa sa mga kakayahan ko, ang Enchanting Melody.
“Sa susunod kasi Frank, huwag kang magmagaling na sa tingin mo'y kaya mo ng kontrolin ang mga nasa paligid mo. Tandaan mo, hindi ka Diyos okay..” saad ko, pero nandilim bigla ang aking paningin, masyadong nadrain ang aking energy kaya naman bumagsak ako.
Third Person P.O.V
Naramdaman ng mga magi sa buong akademya ang paggising ng isang kapangyarihan. Hindi na bago sa kanila ang ganitong senaryo dahil dumaan din sa buhay nila ang stage na ito. Pero iba ang kanilang naramdaman, dahil nakakatakot ang wave ng kapangyarihan na kanilang naramdaman.
"Napakalakas naman nun, tinayuan ko ng balahibo shet? Saan kaya galing iyon?” tanong ni Leo sa kga kasama niya pero agad din namang nawala ang wave ng kapangyarihan at bumalik na rin sa kani-kanilang ginagawa ang mga estudyante.
Napadaan naman si Prinsipe Yojer sa kinaroroonan nina Silver at nagulat dahil sa maraming nakahandusay na estudyante ang kanyang nakita. Namukhaan niya ang isa, iyon ay si Silver, kaya naman dali-dali niyang binuhat si Silver saka nagmamadaling pumunta ng pagamutan. Sinabihan niya na rin ang mga Marta tungkol sa mga estudyante na kanyang naiwan.
Silver's P.O.V
Nasa isang magandang paraiso ako ngayon, ang ganda. Napakasarap tingnan ang mga nagluluntiang halaman sa paligid, pati na rin ang mga hayop na pakalat-kalat lang sa paligid. Ito na siguro yung sinasabi nilang MAGARTA, isang paraiso na para lamang sa mga namayapa at mga Diyos at Diyosa.
Wait what?! Bakit nandito ako sa Magarta?! Patay na ba ako?! No way!! Marami pa akong pangarap sa buhay na gustong tuparin!!
"Hindi ka pa patay anak." sabi ng kung sino sa likuran ko, pagkatingin ko'y nagulat na lamang ako, s-si Diyosa Ezmeralda at ang iba pang mga Diyos at Diyosa, oops, wala si Diyos Rama. Yumuko ako bilang paggalang. Kilala ko na yung mga mukha nila dahil na rin sa mga pictures na nakita ko tungkol sa kanila.
"Anak, tumayo ka na, kailangan ka naming kausapin." saad ni Diyasa Ezmeralda.
"Ahhmmm..... Ano po 'yun?" tanong ko.
"Kailangan ka naming ihanda para sa nalalapit na digmaan sa pagitan ng mabuti sa masama, papariting na ang delubyo, ang apoy ng nakaraan ay ang tutupok sa bawat buhay ng tao. Ang baha ay nagbabadya upang kayo ay tangayin at unti-unting lumurin. At ang dilim ang maghahari sa sanlibutan. Ngunit darating ang itinakda upang humalili sa tungkulin ng bayani sa nakaraan. Lalabanan ang kasamaan, tatapusin ang kasakiman. Anak, narito ka ngayon dahil isa ka sa magtatanggol ng buong Magica. Kailangan ka na naming ihanda upang sa-" naputol ang sinasabi ni Diyosa Ezmeralda nang magsalita si Diyosa Eira, ang Diyosa ng Hangin at katalinuhan.
"Sus maryosep Ezmeralda, ang dami mo nang sinabi, deretsuhin mo na kasi, ako na nga ang mag-explain. So ganito yun, kailangan ka naming ihanda para sa nalalapit na war. Ikaw ay napili para pamunuan ang forces ng kabutihan, at magsisimula na ang pag-eensayo ngayon din."
~~~ LATER ~~~
Nakakapagod man ay kinaya naman, pinainom naman nila ako ng tubig mula sa lawa, ang tubiw sa lawa ay kayang pawiin ang pagod at sakit na nararamdaman mo, kaya din nitong pagalingin ang mga sugat mo sa katawan. Sana pati rin sugat sa puso ko, joke lang!!
"Mag-iingat ka anak, ikaw ang pag-asa ng mundo, ngayon, binibigyan kita ng basbas para protektado ka. Paalam na." pagkasabi ni Diyosa Ezmeralda ng mga salitang iyon ay nagliwanag ang katawan ko.
Nagising ako sa isang putting kwarto, pinagmasdan ko amg paligid at nakumpirma ko ngang nasa pagamutan ako ng school. Medyo kumikirot pa ang aking ulo dahil na rin sa nangyari sa panaginip ko.
"Silver!! Diyos ko namang bata ka!! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Bakit ka nakikipagbasag-ulo?!” Lie said in a hysteric way. I mentally slapped my face because of this girl's craziness.
“Nanay kita Lie? Nanay kita? Saka, ba't ba napaka-OA mo?” tanong ko dito sa babaeng may pagkabaliw.
“Ikaw naman kasi, ba't ba nakikipagbasag-ulo ka, eh alam mo namang wala kang kapangyarihan.” Kung alam mo Nich.
"Ilang araw na ako nakatulog?" tanong ko sa kanila, malay niyo, katulad lang din ng sa nababasa kong libro na one week bago sila magising.
"Limang araw lang naman babe, anong nangyari bakit ka nakipagbugbugan?” tanong nitong si Nich, napangiwi naman ako nang tawagin niya akong babe.
“Hoy Nich, anong babe?! Yuck, hindi tayo talo!! Saka, ano kasi, nakipagbugbugan ako kay ano, kay Frank-“
“Ano?! Nakipagbugbugan ka kay Frank?! Saka, paano kayo nagkita? Anong ginawa niya sa'yo? Ano? Sabihin mo nang magilitan namin ni Nich ang leeg nito?!” yan na nga ba sinasabi ko eh, kapag si Frank talaga ang pinag-uusapan, nagiging agresibo ang mga 'to eh. Pero alam kong pinoprotektahan lang nila ako and that's why I love them.
“Calm down. Ano ba kayo, patapusin niyo kaya ako. Nakipagbugbugan ako kay Frank kasi may binubugbog silang ano, lalaki, hazing ata. Eh bilang isang mabuti at matapang na estudyante, syempre isusumbong ko sila sa Punong Marta-“ once again, pinutol na naman nila ako mula sa pagsasalita.
"Wait, wait, wait. Sinabi mo bang matapang, eh nagsumbong ka na-"
"Sandali lang kasi hindi pa tapos yung kwento ko eh." At kinwento ko nag kung anong nangyari.
***
“OMG, bwisit talag iyang lalaking iyan eh, wala ng ginawa kundi paulit-ulit kang saktan, kapag nakita ko talaga yung lalaking yun, papatayin ko talaga iyon!!” nanggagalaiting saad nito at hinampas ako ng malakas.
"Aray ano ba Lie!! Ako naman yung pinapatay mo eh, ang sakit, hindi pa nga gumagaling yung sakit ng katawan ko eh..” reklamo ko sa babaeng amazona, binatukan naman siya ni Nich.
“Gaga, manahimik ka na nga lang diyan, ikaw kaya patayin ko diyan?” pagbabanta ni Nich kay Lie, napakamot na lang sa kanyang batok ang babae.
"Pero diba sabi mo, may mga simbolo or letters kang nakita?”
"Oo, I need paper and pen, bilis..” utos ko sa kanila.
"Ito yung, nakasulat..." sabi ko habang sinusulat ang mga letra.
Nzj'gt edi iwt gtxcrpgcpixdc, nzj'gt iwt ctmi vtctgpixdc
Hindi ko talaga maintindihan kung anong nakasulat pero all I know is that, isa itong mahalagang mensahe. I hope na madecode ko na itong kakaibang letrang itong.