Chapter 2

3178 Words
Silver's P.O.V “Ate isa nga pong salad, isa rin pong sandwich tapos ice cream at tubig po..” paghingi ko ng order sa nagtitinda. “That would be 3 Silver sir..” ang mahal talaga ng paninda nila dito, biruin mo iyon, tatlong ako ang presyo ng lahat ng binili ko. Hayssttt. Wala akong choice kasi kung hindi, magugutom ako at hindi makakapagconcentrate sa klase. “Ano ba naman iyan, wala na namang maupuan bwisit.” Saad ko sa aking sarili habang umiiling. Inikot ko ang aking paningin saka ko nakita ang isang mahabang table na may tatlong estudyanteng nakaupo. “Ba’t kaya tatatlo lang silang nakaupo dun eh ang haba ng table at malawak pa ang space?” tanong ko sa aking sarili. Kahit na nahihiya ay pumunta ako sa pwesto ng tatlong estudyante "Uhmm... Hi, can I sit here, wala na kasing vacant seats unless may naka-upo na rin rito?" tanong ko sa kanila. Napunta sa akin ang atensyon ng lahat na para bang isang maling galaw ko lang ay mapapatayna na nila ako. "Okay lang naman, wala naman yung iba naming kasama." saad nung gwapong lalaki na kulay white ang buhok at may highlights na blue. "Uhmm... Thank you po." sabi ko. Hindi ko maiwasang maconcious sa aking mga galaw dahil sa mga tinging ipinupukol ng mga estudyante sa akin. “Napakaechosera naman ng lalaking iyan at diyan pa talaga naupo. Napakafeelingera, akala mo naman kung sinong magaling..” attitude ka ate?? Saka, ano bang problema sa pag-upo ko rito? “Hayaan mo lang sila diyan. Naiinggit kasi sila sa'yo dahil nakaupo ka rito sa table naming nasa Elemental 6..” napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ng isang babaeng may icy blue na kulay ng buhok. “Mukhang 'di ko killa ang seniors mo kid. Ako si Leo Lacosta and isa akong myembro ng Elemental 6. Itong lalaking may kulay white with blue highlights na buhok ay si Yojer, Prince Yojer Madrigal at itong babaeng may icy blue na kulay ng buhok ang kanyang kapatid. Thede two are the prince and princess of Kingdom of Atlanta- oh ayos ka lang?” naputol ang pagpapakilala ni Leo nang mabulunan ako dahil sa sinabi niyang prinsipe at prinsesa pal 'tong dalawa kong kausap. "Dahan-dahan lang kasi sa pagkain, oh ito, tubig." alok sa akin ni Yojer. Hindi na rin ako tumanggi, baka mamatay ako dahil sa katangahan ko. “Sorry po, hindi ko naman po alam na prinsipe at prinsesa kayo eh. Pasensya na po talaga..” paghingi ko ng paumanhin sa tatlo. “Mabuti nga sa kanya. Napakaambisosyo talaga, akala mo naman ikinagaling niya iyong pagiging sipsip..” saad ng attitude na babae na malapit lang sa amin. “True ka diyan girl. Dapat nga maparusahan yan eh, hindi lang dahil sa pagiging papansin, pati na rin yung pagsampal niya kay Prince Chester..” pagsang-ayon naman ng kasama nito. Eh kung pag-untigin ko kaya mga ulo nitong mga bruhang 'to? Masyadong pakialamera, saka, bubulong na nga lang, eh yung maririnig pa. "Hindi mo na kailangang manghingi ng paumanhin, hindi mo naman sinasadyang hindi kami makilala eh. Saka ano nga palang pangalan mo?” tanong ni Ice. “Ahhh, ako po si Silversmith Silverknight, bago lang kasi talaga ako rito, saka hindi ko rin alam ang tungkol sa inyo since hindi ko pa naman nakikita ang mga mukha niyo noon.” “Nice meeting you nga pala Silver. As Leo said, I am Yojer, Yojer Madrigal..” nakangiting pagpapakilala ni Yojer at nakipagkamay sa akin. “Nice meeting rin po..” simple pero nakangiti ko ring saad at nakipagkamay. “Halla girl!! Nahawakan niya yung kamay ni Prince Yojer!! OMG!! Sana lahat na lang!!!” impit na saad ng babaeng kanina pa ako pinagchichismisan habang hinahampas-hampas ang braso ng kasama niya. “Ano nga palang magic mo Silversmith?” tanong ni Ice. “Ohhh, pwede mo na lang akong tawaging Silver, saka yung magic ko? Uhm, sa totoo lang, wala akong magic..” sagot ko sa tanong ni Ice na ikinakunot ng kanilang mga noo. “What do you mean?” nagtatakang tanong ni Leo. “Ohh, I'm, uhh, I'm an Undefined One..” nag-aalangan kong sagot sa kanila at mukhang gulat na gulat sila nang malaman nila iyon. "Being an Undefined One is very Rare!!” gulat at hindi makapaniwalang saad ni Leo. “Exactly, and sa pagkakaalam ko'y every generation ay nagkakaroon ng isang Undefined One, and I can't believe that you're-“ gulat ding saad ni Ice na hindi nayapos dahil nagsalita si Yojer. “Wow!! Just, wow!!” natawa kami sa reaksyon ni Yojer. “Hoy, Yojer!! Isara mo nga iyang bunganga mo, pasukan pa yan ng langaw eh..” natatawang saad ni Leo kay Yojer. “So, friends na tayo ahh. Mukhang type ka kasi ng ehem ng-“ “Manahimik ka nga diyan Ice, kung ano-ano na naman ang pinagsasasabi mo..” pagpigil ni Yojer sa sasabihin sana ni Ice at tinapalan pa talaga nito ng pandesal ang bunganga ng kapatid nito. "Okay, friends na po tayo prinsesa..” natatawa kong saad. Nilulon muna nito ang pandesal na itinapal sa bibig niya saka nagsalita. "Aish, 'wag mo na akong tawaging prinsesa, just call me by my name.." sabi nito. "Okay, sabi mo eh." at nag-kwentuhan pa kami hanggang sa may lumapit sa amin na isang lalaki, nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. "IKAW?!” “YOU?!” Sabay naming sigaw habang nakaduro ang aming daliri sa isa't-isa. Napatingin naman ang lahat, kung sinabi kong lahat. Literal na lahat, pati yung tindera eh nakatingin na rin sa amin. “Hindi naman ako nainform na nandito ka 0ala para magpapansin sa mga kaibigan ko. Hindi ka ba nakuntento sa pagpapapansin sa akin at isinunod mo ang mga kaibigan ko?” nakangising tanong ng damuhong prinsipe sa akin. Okay, kalma ka lang self, walang patutunguhan ang inyong pagtatalo kung nagpapadala ka sa bugso ng damdamin. "Hindi rin ako nainform na ambisyoso ka pala? At lalong hindi rin ako nainform na napakafeelingero mong lalaki ka?” pambabara ko sa sinabi nito. “Ohhhhh!!!” rinig kong reaksyon ng mga estudyante sa loob ng cafeteria. Napahagikgik naman ng mga kaibigan ng prinsipe na kaibigan ko na rin. "Magkakilala kayo?" tanong ni Ice. "Sino ba naman ang makakalimot sa lalaking nanulak at nanampal sa akin.” Madiing sagot nito sa tanong ni Ice habang nakatingin sa akin. “Sino rin ba ang makakalimot sa lalaking nanikmura at may ganang mamintang kahit na siya naman ang nagsimula..” ganti kong sagot at nakipagtitigan sa damuhong prinsipe, mata sa mata, walang nagpapatinag. “Anong ako ang nagsimula? Sino ba sa atin ang nanulak? Saka, bakit ka ba nagpapapansin pati sa mga kaibigan ko? Baka nilalandi mo na rin pati itong dalawang lalaking ito? Yuck!!” aba't napakakapap naman ng bone marrow nitong damuhong ito. "Sabi ngang hindi ako nagpapapansin eh, paulit-ulit?! Saka, ako? Nilalandi 'yang dalawa mong kaibigang lalaki? Bakit, inggit ka? Saka kung nilalandi ko sila, edi sana kita mo kung paano ko sila landiin.” Naiirit na talaga ako sa lalaking 'to bwisit. “Oy, oy, tama na nga iyan. Ano ba yan? Magrelax nga kayong dalawa, para kayong aso't pusa eh.” pag-awat sa amin ni Ice. “Let's go, baka masunog ko pa 'tong bwisit na 'to!” naiinis sa saad ni Chester. Ehh, pati sa pagbanggit ng pangalab eh naaasiwa ako bwisit. “Bwisit ka rin!! Sige na Ice, kailangan ko pang puntahan mga kaibigan ko.” Pagpapaalam ko kina Ice saka sila nginitian liban kay damuho. Chester's P.O.V “Teka nga Chester, bakit ba inis-inis ka kay Silver?” tanong ni Ice sa akin, and oh, Silver is his name huh? "Yun nga, bakit ba inis na inis ka kay Silver eh mukhang mabait namn siya?” tanong naman ng kapatid nito. “So mas kinakampihan niyo pa iyong lalaking iyon kaysa sa akin?” inis kong tanong sa kanila. “Hindi naman sa ganun pero masyado lang kaming curious.” Paglilinaw ni Ice. Umiling na lang ako sa kanila dahil kahit mag-explain ako eh hindi nila magegets yung point ko. “Hoy Chester, sa'n naman tayo pupunta huh? Kanina pa tayo lakad ng lakad tapos hindi pala tayo sure kung saan tayo pupunta..” pagrereklamo ng yelo. “Hoy yelo, napansin mo naman atang papuntang library itong dinadaanan natin 'no?” pambabara ko kay Ice na ikinairap nito. “Nandito pala si Silver at kasama niya ang mga kaibigan niya oh, look..” excited na saad ni Yojer na parang batang nakatikim ng masarap na pagkain, at para bang kumikinang ang mga mata nito nang makita ang bwisit na lalaki. Pinuntahan namin ang pwesto ng bwisit na lalaki, ano na ulit yung pangalan niya? Oh right, Silver. Kahit labag sa kalooban ko'y sumama ako sa mga kaibigan ko. “Hi Silver!!” masayang bati ni Ice, medyo malayo-layo ang parteng ito mula sa librarian kaya kahit may kalakasan ni Ice ay hindi ito maririnig ng librarian. May mangilan-ngilang mga estudyante dito sa library and they probably doing their homeworks. “Hi rin Ice!!” nakangiting bati nito kay Ice at kumaway pa. Pero nang mapatingin siya sa direksyon ko'y bigla itong napasimangot. “Kilala mo sina Princess Ice?!” gulat na tanong ng kasama ni- ehem, ni Silver sa kanya, tumango naman ito bilang sagot. “Can we sit here?” tanong ni Yojer kay Silver, ngumiti naman ito at tumango. "Ay, oo nga pala, ito nga pala sina Angelica and Nicholai, mga kaibigan ko. Lie, Nicholai this is Ice, Leo, and Yojer, prinsipe't prinsesa ng mga kaharian, and members ng Elemental 6. Kilala niyo naman na yung isa kaya no need for introduction." pagpapakilala niya sa kanila Ice liban sa akin dahil kilala naman na nila ako. Silver's P.O.V Naiirata ako sa damuhong kaharap ko ngayon. Ngingisi-ngisi sa akin na animo'y aso, akala mo naman ikinagwapo niya. "Anong problema niyo?" pabulong kong tanong sa kanila particularly kay Yojer na simula kaninang pagdating nila ay nakatingin na sa akin. Itong sina Ice, kanina pa pabalik-balik ang tingin mula sa akin at kay Yojer. "Wala naman, sadyang patay na patay lang sa'yo si-“ napatigil ulit si Ice sa pagsasalita nang tapalan ulit ito ng tinapay ni Yojer. Seriously? Saan niya nakuha yung tinapay? “Hoy, dahan-dahan ka naman sa kapatid mo, mabulunan iyan at baka ikamatay niya iyon 'no..* pagsaway ko kay Yojer, napakamot nakan ito sa batok nito na tila nahiya sa sinabi ko. “Yan kase, pabida ka eh-“ “Will you please shut your damn mouths?!” napatigil si Ice sa pagsasalita nito dahil sumigaw ang damuho na ikinalingon ng lahat. “Please keep silent!! Wala kayo sa palengke para magsigawan!!” pagsaway ng librarian sa amin. Jusko nakakahiya talaga, kasi nakatingin pa rin sa amin ang ibang estudyante. “Saang part na nga ba ako ng binabasa ko?” tanong ko sa aking sarili habang hinahanap kung saang part ako ng book nagstop at nang maipagpatuloy ko ang naudlot na sandali kasama ang aking libro, biro lang. *** I'm done reading the whole book, mabilis kasi akong magbasa eh. Saktong pagkatapos kong basahin ang buong libro ay saka nagring yung bell. “Huy, mauna na kami Silver ahh, may gagawin pa kasi kami eh, saka pinapatawag kami ng Unang Marta (ang susunod sa posisyon ng Punong Marta).” Pagpapaaam ni Ice saka dali-daling lumabas. “Kami rin Silver, istrikto kasi professor namin, baka mapalabas ako eh.” Pagpapaalm din ni Lie. “Okay, ingat kayo ha.” Nakangiti kong saad, kumaway sila bago nagtatakbo papunta sa next class nila, Magic Training ulit kami ngayon since ever Mondays, Wednesdays, and Fridays ang Training namin so meron pang isang araw ng training bago matapos ang first week of school. Pumunta muna akong locker room ng boys para magpalit ng damit pang-PE nang madatnan kong nagpapalit ang damuho. Napatingin ito sa akin saka ngumisi na parang aso. Ang sarap supalpalan eh. “Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako? Baka naman, may gusto ka sa akin kaya ka nagpapapansin?” saad nito at talagang lumapit pa ah. "Ba't ba napaka assuming mo? Una, hindi kita sinusundan okay, nagpunta ako rito para magpalit. Pangalawa, bakit naman ako magkakagusto sa'yo? Saka ako? Nagpapapansin? Kung magpapapansin lang din naman ako sa'yo, mas mabuti pang magpapansin na lang ako kay Yojer kasi bukod sa gwapo na, hindi siya nakakabwisit like you. Excuse me nga..” sabi ko rito at gumilid para makadaan ako, pero ang damuho, gumilid din. Kaya gumilid ulit ako, pero gumilid ulit ang damuho. "Ano bang problema mo? Malelate na ako sa training oh.” Tanong ko rito. Kanina pa ako nabubwisit dito eh. “Ikaw, ikaw ang problema ko.” Sagot nito na ipinagtaka ko. Nagulat na lang ako nang itulak niya ako sa may lockers. Nasa loob kasi ng locker room ng boys lahat ng lockers. "Aray ko naman!! Sabihin mo nga, ano bang pinuputok ng butchi mo't ganyan ka?!” hindi ko na napigilang sumigaw at itulak ito. "Sabihin mo nga, may gusto ka ba kay Yojer?!” seryoso pero mababanaag sa mga mata nito ang inis. Chester's P.O.V "Sabihin mo nga, may gusto ka ba kay Yojer?!” seryoso pero mababanaag sa mga mata nito ang inis. Nagulat ito nang masambit ko ang mga katagang iyon at maging ako rin. Nagulat na lang ako nang tumawa ito ng malakas. Dahil na rin sa nakaramdam ako ng pagkahiya ay agad kong nilisan ang locker room at dumiretso sa cafeteria. Late na rin naman ako kaya huwag na akong pumasok. Isang malaking S-H-I-T lang. Kung ano-ano na lang pumapasok sa utak ko. Para akong nagseselos na boy- oh, I mean, nah. Siguradong gutom lang ito. Pagdating ko sa cafeteria ay, hayyss... Heto na naman tayo... "Ahhhh!!! Baby Chester akin ka na lang...." "Baby Chester hubaran mo na ako" Yieksss "Fafa, halayin mo na ako, I'm ready!!" sigaw ng isa pa, ang lakas ng loob, so gross. "Gosh, ang hot mo.... MY GHAD!!!" Hinayaan ko na lang silang mahgsabi ng kung ano-anong kalokohan, sawa na rin naman akong marinig iyon. Pagka-order ko ay pumunta na lang ako sa isang upuan malapit sa bintana, 'cause I love watching the sky. Silver's P.O.V Naidipan kong magmuni-muni muna since tapos naman na yung training namin, naglalakad-lakad lang din naman ako dito sa field. It's such an exhausting day. "S-Silver?!" tawag ng kung ano o sino sa pangalan ko. Umiling na lang ako baka kasi kapangalan ko lang eh, hirap ng mag-assume. "Silver! Wait..." napatigil na ako dahil sa tingin ko'y ako nga ang tinawag. "Silver, buti nagkita tayo..” sambit nito na ikinakunot ng noo ko. "Ahmm, kilala ko po ba kayo?” tanong ko rito. Kukunot ang noo nito na para bang hindi siya makapaniwala. "Ganun na ba ako kagwapo kaya hindi mo ako matandaan?” may pagkamakapal din ng mukha itong bwisit na 'to ahh. "Hindi talaga kita kilala sorry, baka hindi ako yung hinahanap mo.” Saad ko at ngumiti at akmang aalis nang hawakan ako nito sa aking braso. "Ako si Frank. Ano, naalala mo na ba?” bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan ko nang masambit niya ang kaniyang pangalan. “Anong kailangan mo?” walang emosyon kong tanong rito. “Nandito ako para manghingi ng tawad at humingi ng second chance-“ "Second chance? What a big word. Nahihibang ka na ba? Ha Frank?! Tapos magsosorry ka ngayon dito sa harap ko?!” galit kong pagputol sa sinasabi nito. "Kaya nga ako nandito para itama ang lahat, alam kong nasaktan kita, kasi natatakot ako, natatakot na majudge, natatakot akong husgahan ng mundo. Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang minahal ko sa buong buhay ko, ikaw lang ang nag-iisa sa puso ko, hanggang ngayon. Silver mahal na mahal ki-" "Sa totoo lang Frank, galit ako sa'yo!! Minahal kita Frank, minahal kita. Pero anong ginawa mo?! Niloko mo ako at pinagpalit ako sa iba, at ang mas malupit, dun talaga sa paborito natin- hindi, paborito kong lugar kayo gumawa ng kababalaghan. Tapos ano? Kauna-unahang minahal? Ang sabihin mo, kauna-unahang pinaglaruan. So cut the crap Frank. Tahimik na ang buhay ko, huwag mo ng guluhin. And please, layuan mo na ako.” sabi ko na para bang sasabog na sa sobrang inis. Naalala ko pa yung panahong nahuli ko ang bwisit na lalaking iyon na nagtataksil sa akin at sa mismong anniversary namin. ** Flashback: This is the day I've been waiting for, plano ko kasing surpresahin si Frank, pupunta ako ngayon sa favorite place na lagi naming pinupuntahan ni Frank. Pero pagkarating ko sa lugar na iyo ay nakarinig ako ng ungol. “Hmmm, Ahhh, Ahhh…” rinig kong ungol ng babae. Sa pagkakaalam ko'y tago itong lugar na ito kaya imposibleng may makaalam dito kundi kaming dalawa lang ni Frank. Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. “Babe, paano kung malaman ng kasintahan mo ang tungkol sa ating dalawa? Ahhh..” tanong ng babae sa kasama nito. “Hindi niya malalaman ang meron namamagitan sa ating dalawa. Nalaman niya ba ang tungkol sa atin last 5 months?” tila bombang sumabog ang mga salitang binitiwan ng pamilyar na boses. Ngayon alam ko na kung bakit wala siya sa kanila. “Oohhh, what a nice show!!” nakangiti kong saad sa kanila ngunit mababanaag pa rin sa aking mga ngiti ang lungkot. Mukha namang nakakita ng multo ang dalawa lalo na si Frank "S-Silver?” saad nitong lecheng lalaking 'to. “Wala kang karapatang banggitin ang pangalan ko. Matapos mo akong gaguhin huh?!” nanggagalaiting sambit ko kay Frank. “At ikaw namang babae ka, napakaahas mo!! Nangati ka lang, eh nagpakamot ka sa boyfriend ko!!” galit kong saad at lumapit sa babae saka siya sinampal na ikinagulat nila, napaupo pa ang babae dahil lakas ng pagkasampal ko. Agad naman itong inalalayan ng lecheng si Frank. “Alam mo kung bakit mas pinili ako ni Frank na kamutin? Kasi sawa na siya sa'yo!! Hindi mo kayang maibigay ang pangangailangan ni Frank na isang lalaki, sa isang tulad mo na may lawit-“ hindi ko na ito pinatapos dahil agad kong hinila ang buhok nito. Gumanti rin ito ng sabunot sa akin at hindi alintana ang walang takip niyang katawan. “Tama na!!” galit na sigaw nitong si Frank at pwersahan kaming inilayo sa isa't-isa. “Tama na Silver, magbreak na tayo, hindi na kita mahal, kaya pwede bang umalis ka na!!” the audacity of this b*tch?! “Fine, sawa na ako sa pag-iintindi sa'yo. Tandaan mong huwag na huwag na kang babalik sa akin huh!!” nanggagalaiti kong saad saka pareho silang sinampal. Nagulat na nalang ako ng kwelyuhan ako ng kaibigan niya. Paano nila nalaman na sa akin galing letter na iyon. Oo nga pala, nasulat ko yung pangalan ko rito. End of Flashback Iyon ang pinakamasakit na araw para sa akin, ang tanging nagpapagaan na lang sa akin ay ang panooring bumagsak ang mga patak ng ulan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD