Chapter 1

2892 Words
Silver's P.O.V "You're not the reincarnation, you're the next generation.." “Hoy Silver!! Tulala ka na naman!!” saad ni Nicholai sabay hampas sa braso ko. “Jusko naman Nich!! Ang lakas naman ng hampas mo, para akong hinampas ng dos por dos na kahoy ahhh…” nakangiwi kong saad habang hinihimas ang braso kong kanyang hinampas. “Ba’t ba tulala ka na naman hah? Kanina pa ako salita ng salita rito tapos hindi ka pala nakikinig. May problema ka ba? Si Frank na naman ba-“ seryoso ko siyang tiningnan. “Pasensya na madaldal lang..” saad nito habang nagkakamot ng ulo. Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga. “I’ve been dreaming about this voice telling me that I'm not the reincarnation but the next generation..” sabi ko rito. “Taray, english ahh, pero ano kayang ibig sabihin no'n? Pero alam mo, huwag na munang isipin iyon dahil alam mong malelate tayo. Anong oras na, hindi ka pa nakakaligo-“ hindi ko na pinatapos ang pagdadaldal nito at agad tumakbo sa banyo ng dorm namin. Mabilisang ligo lang ang ginawa ko saka nagpalit. Nadatnan ko na lang na nag-uusap si Nicholai at Angelie. Nakita ko pang hinahampas ni Lie yung braso ni Nich. Ewan ko ba sa dalawang 'to, ang hilig manghampas. “Hoy Silver!! Ang kupad mo ha!! Jusko aabutin tayo ng siyam-siyam nito dahil sa kakuparan mo. First day na first day tapos nagawa mong magpuyat. Kakanood ko yan ng drama-“ pinutol ko na ang kadaldalan nitong si Lie. “Manahimik ka na Lie, malelate na nga tayo tapos dumadaldal ka pa. Saka ano kita? Nanay kita? Umayos ka Lie masasabunutan kita..”inis kong saad rito pero umirap lang ito. Dumiretso na kami sa aming sari-sariling class rooms since magkakaiba kami ng sections. Oh, did I introduced myself? Well, I am Silversmith Silverknight, ewan ko ba bakit napakaarte ng pangalan ko pero I like it naman. Yung dalawang kasama ko kanina na parang baliw, sina Angelie at Nicholai iyon, mga kaibigan ko since elemenatary. Si Angelie or Lie ay isang Wind Fairy, at likas na sa kanila ang magic ng Wind, pero meron rin sjyang kapangyarihan ng Telekinesis. Si Nicholai naman, ay sang werewolf na trained to be a pact warrior, may super strength ability at kayang maglabas ng pakpak. Kung ako naman ang tatanungin niyo kung anong kapangyarihan ko, isa akong Undefined One, ibig sabihin wala akong kapngyarihan pero magic flows in my blood. Nabasa ko rin sa ibang books na si Ace ay ang kauna-unahang Undefined One sa buong history ng Magica. LITHOS ACADEMY, pangalan ng aming school and is the first school built in Magica na pinamumunuan daw noon ng mga Hari at Reyna ng bawat kaharian. Ngayon, ang mga namumuno ay ang mga Marta at Punong Marta. Ang sectioning dito ay pinagsamang strength at intelligence. Kaya naman nasa pangalawa sa huling section ako because of my condition. But thanks to my intelligence, hindi ako ganun kababa, well, mababa pa rin ang section ko kasi nga ikalawa sa huli ang section ko pero ayos na rin iyon, tanggap ko naman eh. Medyo marami-rami na rin ang students sa loob ng aming classroom and may kanya-kanya silang business at walang pakialam sa kanilang paligid kaya hindi nila napansin ang pagpasok ko. Ilang minuto pa nga ay dumadami na rin ang mga students dito at dumating na rin ang aming professor. Isa-isang nagpakilala ang aking mga kaklase, may mga mahaharot na tumitili dahil sa mga kaklase kong lalaki na may looks. Nagpatuloy ang pagpapakilala nila until it's my turn. "Good morning everyone. I'm Silversmith Silverknight taga-Lapena. Isa akong 'Undefined One' so obviously wala po akong magic. Sana maging friends tayo." pagpapakilala ko. Maraming nagulat nang sambitin kong isa akong Undefined One, pero hindi na bago sa akin iyon. "So hello class I'm Ms. Kyiera and ako ang magiging adviser niyo and ang Spell teacher. Ituturo ko ang iba't-ibang kinds of spell mgsimula sa ating basic at common spells na ginagamit natin not only for defending ourselves but also in our daily lives..” marami pang sinabi si ma'am, tungkol sa subject niya, yung rules sa room namin at pag-elect ng officers. ----- Lunch Time ----- Nang maglunch time ay agad akong dumiretso sa cafeteria kasi dun kami magkikita-kita ng mga kaibigan kong baliw. “Hoy lalaki!! Ang tagal mo ahh, gutom na gutom na kami ano. Ba't ba ang kupad-kupad mo ngayon?” inis na saad ni Lie sa akin at kahit kailan talaga nakakirita itong boses ni Lie, akala mo nakalunok ng malaking mic eh. “Pasensya naman ano. Malay ko bang mag-oovertime yung professor namin at magbibigy agad ng assignments.” Iritado kong saad, pero napansin kong wala si Nich. “Asan iyong lalaking haliparot, ba't 'di mo kasama?” tanong ko rito at itong babaeng pato namang ito na kung makapout habang kumukuha ng litrato sa sarili ay hindi ako narinig. Kaya kinalampag ko ang mesa namin na nagpagulat dito. “Ang sabi ko nasaan si Nicholai. Bakit 'di mo kasama. Saka huwag kang magpout diyan, para kang patong binakunahan.” Saad ko sa rito at ang loka-loka kong kaibigan, nginuso kung nasaan si Nicholai at nakita kong kasalukuyang bumibili ng pagkain. “Babaeng 'toh talaga, paano ko nga ba naging kaibigan itong maingay na babaeng ito?” bulong ko sa sarili ko. “Hoy Silver, narinig ko yung sinabi mo ah. Swerte mo nga't nagkaroon ka ng kaibigang maganda. Saka, huwag kang bumulong kung maririnig ko lang din naman.” Saad nito sa akin with matching hair flip. Akala mo naman kagandahan, ingudngod ko kaya ito sa toilet ng matauhan. “Ang gandang joke nun Lie ah. Saka malay ko bang may tenga ka ng chismosa..” taas-kilay kong pambubuska sa kanya na ikinairap niya. “Huy, tama na nga yang bangayan, ayan kumain na kayo. Baka pag-untugin ko pa kayong dalawa..” biglang singit ni Nich na may hawak na dalawang tray ng pagkain. Buti nahawakan niya yun eh ang dami ng laman ng tray. “Alam mo talaga favorite ko Nich. Salamat!!” pagpapasalamat ni Lie habang kinakain ang menudong inorder ni Nich. “Huwag kang ano diyan Lie. Sampung pilak ang presyo niyan, limang takal yan ah, alam ko kasing matakaw ka..” sabi nitong si Nich, nabilaukan naman si Lie dahil sa sinabi nito. “Para ka namang others Nich. Sige na, libre mo na lang oh. Saka, bakit ang mahal naman?!” saad nitong si Lie. “Huwag ka sa akin magreklamo kasi hindi ako yung tindera.” Saad nitong si Nich. Nakalimutan na nilang meron pa ako sa harap nila, magkatabi kasi sila. Tuloy-tuloy lang sila aa pagbabangayan kahit na pinagtitinginan na sila ng iba pang estudyanteng kumakain. “Guys, nakalimutan niyo atang kasama niyo ako. Saka, pwede huwag kayong magbangayan sa harap ng pagkain. Pinagtitinginan na rin kayo-“ hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang magtititili ang mga babae at binabae at isinisigaw ang iisang pangalan. "AHHHH!!!" rinig kong tili nila. Pati mga kumakain ay napatingin sa pinanggagalingan ng ingay at tili. "Fafa Chester ako na lang!!" "Fafa Chester tayo na lang!!" "Chester my labs, ready na ako sa honeymoon. Ready na yung hotel!!” Ahmmm, kailangan ba talagang sabihin iyon? Saka, ang dedesperada naman ng mga ito. Sino ba kasi itong si Chester na 'to at ganun na lang makatili itong mga 'to? “Pssst, Lie. Sino si Chester at ganun na lang sila makatili?” tanong ko kay Lie na ngayon ay kain lang ng kain. “Hoy Lie, narinig mo ba kung anong sinabi ko?!” inis kong tanong kay Lie na ngayon ay napatingin na sa akin with 'anong sinabi mo?’ look. “Ang sabi ko, sino si Chester at bakit ganun na lang sila makatili?” pag-uulit ko sa tanong ko kanina. Nilunok muna nito ang kanyang nginunguya bago magsalita. “Seryoso ka? Hindi mo kilala si Prince Chester?” tanong nito pabalik sa akin. “Magtatanong ba ako kung alam ko 'diba?” pambabara ko rito. Napasimangot naman ito dahil sa aking tugon. “Tsk. Si Prince Chester ang isa sa mga prinsipe ng Astherna kasama ang kanyang kapatid. Saka sikat ito dahil hindi lang siya gwapo at matipuno kundi mabait din daw ito saka malakas ang taglay niyang kapangyarihan which is Fire.” Sagot nito sa tanong ko. “Ahhhh, kaya naman pala ganun na lang sila kung magtititili.” Saad ko pa habang tatango-tango. Hindi ko na lang pinansin yung mga nagtitilian at ipinagpatuloy ang pagkain. “Guys, tara na, malapit nang magtime oh, saka ang ingay na rin kasi, 'di ako makapagfocus sa pag-aaral eh.” Aba, himala at nag-aaral ng mabuti itong si Nich, noong elementary days namin, puro bulakbol iyan at nakikipagbugbugan. “Sandali lang ilagay ko lang sa plastic itong pagkain, hindi ko pa nakakain itong salad eh saka ito ring menudo, sayang oh.” Napakataw din talaga nitong si Lie eh. Wala naman kaming magagawa kasi masaya siya diyan eh, saka, as long as inaalagaan rin niya ang kanyang sarili. Napagdesisyunan naming umalis na ng cafeteria, at ang bangungot nga ay nagkatotoo. Nakipagsiksikan kami sa kumpol ng mga estudyante, sa ganda at yaman ng school, hindi nila magawang maglagay ng exit sa cafeteria o kahit man lang back door. Malawak naman itong pintuan ng cafeteria, sadyang marami lang na students ang nagsisiksikan dahil kay Chester, or, Prince Chester. Napilitan akong itulak ang mga bwisit na 'to, Diyos ko po, kung sana man lang ay naisip nilang may dadaan ding estudyante na lalabas. Patuloy ako sa pagtulak nang marinig ko na lang ang isang daing ng lalaki. *GASPS* Napaka-OA naman ng 'to, busalan ko kaya mga bunganga nila ano? Saka, bakit gano'n na lanh sila kung magreact. "What do you think you're doing?!" sigaw sa akin ng baritono ngunit galit na boses. “Ohh, I'm sorry man. I did not mean to do that to you..” paghingi ko ng sorry sa lalaking naitulak ko at inabot ang kamay ko para tulungan ito. Pero hinawi lang nito ang kamay ko saka kusang tumayo. "I don't even need that f*cking hand of yours. Matapos mo akong maitulak?! Do you even know me huh?!” galit na saad nito, kita ko pang tumalsik ang laway nito. “Obviously, no? Pei hindi ko talaga sinasadyang maitulak kita, saka, nagawa ko lang naman iyon dahil nagsisiksikan kayo-“ “Cut the crap!!” nagulat kami sa pagsigaw ng dahumong hindi marunong tumanggap ng sorry. “Beh, tara na, baka masapok ka pa niyan ng wala sa oras. Takbo na tayo." bulong sa akin ni Lie. “Boba ka ba? Kahit pa tumakbo tayo o iyang si Silver, hahanapin pa rin iyan ng prinsipe. Huwag kang tatanga-tanga Lie..” pambabara naman nitong si Nich. Nang marinig ko ring siya pala ang prinsipe ay nakaramdam ako ng kaunting takot. “You know, you're one of those bunch of people who seek for attention, am I right? So stop acting like you didn't mean to that!!” ay wow, so ako pa ang may kasalanan. Uhm, well, kinda? Pero kung hindi kasi sila nagsisiksikan sa maliit, ehem, maliit na espasyong ito ng cafeteria eh 'di sana hindi ko siya o sila maitutulak. Gustong-gusto kong sabihin iyan but I remained calm and relaxed kahit na medyo nagpapanic na ako deep inside. “Kayo ba ang kasama nitong hayop na 'to? Kaya naman pala, pare-parehas kayong asal hayop, kasi galing sa bundok..” tanong nito sa dalawa kong kaibigan na dahilan upang magdilim ang paningin ko't nasampal ko ito ng pagkalakas-lakas. “AHHHH!!” napasigaw ang lahat lalo na ang mga babae dahil sa aking pagsampal sa prinsipeng hambog. “You know what?! Sumosobra ka na? Hindi mo ba maintindihan ang salutang sorry?! Saka, ewan ko ba kung bakit ganyan ang ugali mo-“ “Wala kang respeto sa akin na isang prinsipe!!” galit nitong pagputol sa aking sinasabi saka biglang sinikmurahan na dahilan para mapaluhod ako sa sakit. Dali-dali akong tinulungan ng mga kaibigan “Argh!! R-respeto? Nirerespeto ko lang ang mga karesperespetong nilalang, at h-hindi ka kasama doon. At ano pang s-sinabi mo? Kami? Asal h-hayop? Sino ba sa atin ang mas m-mukhang unggoy at a-asal aso sa atin?” hirap kong saad rito habang hawak ang aking sikmura, hinahagod naman nina Lie ang likod ko at inalalayan sa pagtayo. Sasampalin na sana ako nito nang dumating ang Punong Marta, ang pinakamataas na pantas sa akademya, at siya ang namumuno rito. “What’s happening here?” tanong ng Punong Marta. “Ito pong lalaking 'to, sinampal si Chester..” saad ng isang babae na fan ng damuho saka ako tinuro. B*tch what?! Ako talaga? Jusko, swerte mong babae ka at hinang-hina ako ngayon kung hindi, nasabunutan na kita. “Hoy ikaw lecheng babae, ang prinsipe kaya ang nagpasimula ng lahat, huwag kang ano diyan, baka masabunutan kita hah!!” inis na lintanya ni Lie sa babaeng dumuro sa akin. Napataas naman ang kilay ng Punong Marta. "Go to the Guidance Office now." Utos nito sa aming dalawa ng damuhong prinsipe. Napatingin naman ako sa prinsipe at binigyan ako nito ng deathly glare na para bang binabantaan ako. “Hayst. Kegwapo-gwapo, pero basura ang ugali. Bwisit!! Nanggigil talaga ako sa pesteng damuhong iyon eh!!” inis pero mahinang saad ni Nich. “Magiging ayos ka lang ba dun sa office? Hmm!!! Ang sarap murahin ng pesteng iyon eh, kahit na prinsipe siya, sana man lang matuto siyang rumespeto sa kapwa nito eh!!” nanggagalaiting saad naman nitong si Lie at hindi na napigilang ilakas ang boses kaya naman napatingin ang ilang mga estudyante lalo na iyong mga fans ng damuhong prinsipe. Inirapan lang ni Lie ang mga kababaihang nakatingin ng masama sa amin. “Magiging maayos lang ako 'no, saka, hayaan niyo na, may araw rin iyong prinsipeng iyon. Trust me..” sinsero kong sabi sa kanila, niyakap naman ako ng dalawa. Napangiti naman ako sa inasta ng dalawa. Minsan lang dib magdrama ang mga ito kaya nakakapanibago din. “Lie, hindi ko alam na pader ka pala, back to back pa- aray naman!!” napadaing na lang si Nich dahil sa hampas ni Lie. “Che!! Anong pader?! Duh!! Ipahawak ko pa kaya sa'yo nang malaman mong hindi ako pader!!” at nagsimula na naman silang magbangayan. “Yuck!! Kadiri ka Lie!! Hindi ko hahawakan yan kahit pa ikamatay ko pa ito. Ihhhh!! Kilabutan ka nga Lie..” maarteng saad nitong si Nich na para bang binudburan ng asin dahil sa sinabi ni Lie na ngayon ay nakangisi sa kanya. “Ano ba!! Tumigil nga kayong dalawa, pay-untugin ko kayo, gusto niyo? Saka, malelate na kayo ohh, pupunta pa akong office..” pag-awat ko sa dalawang takas-mental kong mga kaibigan. “Luh siya, ginaya pa talaga linyahan ko ahh. Pero sige, sure kang kaya mo na ahh?” tumango naman ako kay Nich. “Oh sige na, mauna na kami Silver, ingat ka ahh..” pagpapaalam sa akin ni Lie saka sabay na umalis ang dalawa saka ako dumiretso sa Guidance Office at may mangilan-ngilang mga estudyante sa loob, binigyan ako ng papel na sasagutan, kung ano daw nangyari, etcetera etcetera. ------1 hour later------ Matapos namin sagutan ang nasa test paper ay pumunta na kami sa arena para sa aming Magic and Physical Strengthening Training, at sa mga oras na ito kami nagte-training upang mag-improve ang aming magic and other stuff like paggamit ng weapons na babagay sa amin, martial arts at iba pa. Bilang isang Undefined One, kailangan kong magpurisigi sa pagtetraining upang hindi lang mag-improve kundi pati na rin mga kaalaman sa iba pang bagay. Saka, need ko rin ito since wala akong kapangyarihan at tanging sa Physical attacks lang ako pupwede. Ngayong araw ay magsisimula muna ako sa martial arts, in-adapt namin ito from mortal world. Kaya na naming makita, marinig at makapunta doon through technology na gawa ng aming mga ninuno at mga researchers. Habang nag-eensayo biglang nag-announce yung Punong Marta na gaganapin na next week yung Magic Rumble. Isang beses sa isang buwan kung ganapin itong Magic Rumble para raw maipakita kung gaano na kalakas ang isang Magi. Dadalo rin ang mga Hari at Reyna sa bawat Lungsod, ewan ko lang kung may ganito ba sa ibang lugar, meron rin naman ding ganito sa ibang Academia. Since maraming students ang Lithos Academy ay may team up na mangyayari. Need lang naming makaabot hanggang finals, at isa na iyong malaing achievement oara sa aming mga estudyante. Nalaman ko lang din ito nang makita ko ito nang magresearch ako about sa school na ito. Matapos ang mahaba-habang training ay dismissal na. Agad na akong umuwi ng bahay para makapag-review na rin at magawa ang sandamkmak na assignments na ibinigay ng professor namin. Ewan ko ba't may amats sila, first day na first day tapos ang daming pinapagawa. Hindi naman nagtagal ay natapos ko rin ang aking assignments since madadaki lang din naman. Buti at may awa pa sila sa aming mga estudyante at madadali lang din ang ibinigay nilang homeworks. Napahiga na lang ako sa aking kama. Marami na agad ang nangyari kahit na first day pa lang. Hayystt. Because of tiredness, I didn't notice that I fell into asleep and embraced the coolness of the night as the cold wind touch my skin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD