Dark POV Maaga akong gumising sa araw na ito. Matapos kong pumunta sa Beast Dimension kahapon, ay binabalak ko namang sanayin ang Exousia ko ngayon. Hindi ko maaaring iasa lamang sa aking pisikal na lakas ang pakikipag laban. Marahil ay sapat na ang aking pisikal na enerhiya upang makaya ang Summoning. Bawat segundo na nasa mundo na ito ang Mythical Beast na isusummon ko ay mako-konsumo nito ang aking pisikal na enerhiya. Suot suot ang itim na roba at uniporme ng isang NAPILI ng Demi, naglakad ako sa pasilyo ng akademya, patungo sa lugar ensayuhan namin noon. Mas mainam ang lugar na iyon sa akin kung susubukan kong mag summon. Habang dala dala ko ang mga librong nabili ko patungkol sa summoning. Ilang minuto ang nilaan ko sa paglalakad upang marating ang lugar ensayuhan. Tinulak ko ang

