Third person POV Awoooooo..... Awoooooo..... Tunog na galing sa isang lobo na may kulay itim na balahibo at pulang mga mata na parang nag aalab, ito ay isang klase ng Mythical Beast na tinatawag na Demon Wolf. Habang ito ay tumatakbo papunta sa gitna ng kagubatan. Kapansin-pansin na lahat ng puno sa kagubatang ito ay patay na. Walang kahit na anong dahon ang naroroon. Ngunit halos magkakadikit dikit ang mga puno at bumabangga sa isa't-isa ang kanilang mga sanga. Isa rin sa kataka-takang bagay na makikita sa paligid ay mayroong mga dahon sa paligid ng mga punong ito. Kulay itim na dahon na may pulang mga guhit. Isang binata ang nakasunod sa Demon wolf habang tumatakbo ito sa kagubatan. Kamangha-manghang wala kang maririnig na tunog ng yabag sa tuwing tatapak siya sa mga dahon na nasa lup

