Chapter 8

1097 Words
*** -Nasampal ko siya ng malakas yung puno ng galit at buong pwersa sa kaliwang pisngi niya na ngayon ko lang nagawa sa talang buhay ko. Hinawakan niya ko sa magkabilang braso at sinandal sa pinto ng cr. Nanlisik mata niya na katulad ng nasa motel kami. " ako lang miane, ako lang ang iintindi sayo ! sakin ka pa din babagsak, tandaan mo yan. Isak-sak mo yan sa utak mo !"galit na galit siya. pilit hinihinaan boses sabay hinalikan ako sa labi ng madiin kaya nakagat ko labi niya at dumugo. " fuckyou ! ang baboy mo adik ! " galit na sabi ko sabay tiningnan siya ng masama. " ma pauwiin mo nasi madilyn ! lasing na " - sigaw ko , kaya pumunta si mama papunta kung saan kami nandon ni mhadz. Biglang lumuhod si mhadz sa harap ko at niyakap ako. " please mosh come back please " - pagpapanggap niya. Tumingin sakin si mama na awang-awa kay mhadz. Tinanggal ko ang nakapalupot na kamay ni mhadz sa bewang ko at naglakad na papalayo sakanya. Naiwan siyang nakaluhod at umiiyak kunwari. Lumapit sakanya si mama at inalalayan siyang umupo kung saan sila umiinom ni papa. Umupo ako sa hagdan para pakinggan ang mga kasinungalingan ni mhadz. " mag usap kayo kapag hindi ka nakainom, hindi ka naman matitiis ni mimi, alam mo yan. Bigyan mo muna siya ng panahon para makapag-isip. Ligawan mo kasi ulit. Ikaw kasi kung hindi mo pinili ang trabaho mo sa norway edi sana kayo pa din, Sana maayos pa din kayo nagsasama. Hindi siya nalungkot at nagpakalaseng. Bago ka kasi umalis, magpaalam ka. Hindi yung mawawala kang parang bula. Kung tutuusin ang babaw ng dahilan ng hiwalayan niyo. " - sabi ni papa na lasing na din. " para sa amin din naman po yon, para makaipon ako ng mabilis para pagbalik ko mapuntahan niya yung mga lugar na gusto niyang puntahan. Mahal ko po si mimi tito,mahal na mahal. Kaya nga po ako nag-abroad para mabigay ang luho niya." - kwento ni mhadz. Puro kasinungalingan talaga. Paano kung sabihin ko kila papa yung totoo? Makakaharap pa kaya siya dito sa amin? Pakikisamahan pa din kaya siya ni papa. Ang hirap ng walang masabihan ng problema,ang hirap na yung ex mo pa ang kinakampihan ng mga nakapaligid sayo. Umakyat na ko at hindi ko na natiis ang mga kasinungalingan na sinasabi ni mhadz sa parents ko. Binuksan ko phone ko para replyan si best at tawagan si dj. " best slr. nag'enchanted kasi kami kanina with my new friend and sila mama. Anong kwento sayo ni mhadz?" ----- dj calling... " hey, hindi ka nagrereply kaya tumawag na ako, buti sinagot mo. Pagod ba ?" - bungad niya " medyo " "bakit malungkot ka? " -tanong niya "hindi ah, pagod lang talaga. Kamusta gig ? bakit tahimik na diyan ?" - " palabas ako ng coffeebean, bumili ako ng amerikano para sa babae na kailangan ng kausap "-sabi niya na alam kong nakangite siya sa kabilang line. " huh ? " - "kape tayo kahit 10minutes, labas ka after 10minutes nandyan na ko. " pwedeng bukas na lang tayo magkita? may gig ka pa ng 12:30 diba? " -sabi ko, hindi pwedeng magkita sila ni mhadz na mainit pa ang situation. Mas lalong magwawala si mhadz pag nakilala niya si dj. " pero on the way na ko" -pag pupumilit niya. " hindi kita malalabas, basta. Explain ko sayo bukas pag nagkita tayo . sorry talaga. " - nahihiya ko kay dj dahil siya na nga mag-eeffort ako pa nag-iinarte. Favorite ko kape sa coffeebean pero paano? " ah ganon ba ? sige pahinga ka na. Goodnight. "-malungkot niyang boses. " sorry ulit. Ingat ka sa pagdrive ha? bye." - sabi ko sabay end call. Nakaramdam ako ng guilt oo, pero one week pa lang naman kami magkakilala ni dj . Pero sa one week na yon ginawa niyang talipapa ang biñan. Effort kung effort. Walang palya sa paghatid at pagsundo sa akin kapag may free time siya. 5days niya akong hinatid at sinundo sa trabaho para lang ma-secure at ma assure na safe akong uuwi ng bahay. Hindi mahirap ma-aattouch sakanya, hindi rin siya mahirap mahalin at magustuhan. Pero lahat naman nagsisimula na papakitaan ka ng maganda tapos mag-eend sa rough. Pumikit na lang ako dahil pagod na kong mag-isip.Pagod na ako sa mga problemang dulot ni mhadz. --- * toktoktok* "nak bangon na, bihisan mo na si miyah baka abutan pa kami ng traffic sa edsa." sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto. Tumayo ako at binuksan ang ilaw. 3:10am masyado pang maaga para sa amin ni miyah pero nagising din si miyah ng buksan ko ang ilaw sa kwarto. " goodmorning baby, excited kang gumala ano? iiwan mo si momy? wawa naman si momy walang kasama " - nakangiteng bati ko sakanya. Tumingin lang siya sa akin at ngumite. Tumalikod ako para kunin sa cabinet ang isusuot niya. " mememe memememe .." -sabi ni miyah habang kinakagat ang kamay niya. Hindi ko napigilan na panggigilan siya hanggang umiyak siya sa sobrang irita. Ang cute niya, sobrang taba ng cheeks niya at sobrang lusog. Ang bilis niyang lumake. Parang kailan lang nasa tiyan ko siya. Parang kailan lang hindi ko alam ang gagawin, ni hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin kila mama na buntis ako. " pambihira, pinaiyak mo pa kung kailan paalis na kami" - sabi ni papa habang nakasilip sa pinto sabay binitbit ang bag ni miyah. Hindi pa din kami nagkikibuan ni papa. Naiinis pa din ako sakanya dahil sa pagtatalo namin tapos kinampihan pa niya si mhadz as always. Kinarga ko si miyah pababa para ihatid sila sa van ni kuya. " oh tol hindi ka sasama? " - tanong ni kuya habang inaayos ang seatbelt. " may pasok pa ako bukas,susunod na lang ako. " -sabay humalik na ako kay miyah. " ah sige, tawag ka pag may problema ha? Safe ka naman kay mhadz. Tsaka nexttime wag niyo sinasayang yung kape ha? ang mahal pa naman ng kape sa coffeebean isang supermeal na sa jollibee yon. " -nanghihinayang na sabi ni kuya. Napatingin ako sa gilid ng gate. Nakita ko ang dalawang cup ng coffebean, nakaplastic pa. Pumasok agad sa isip ko si Dj. Napangite nanaman niya ako. " hindi ko na ginising si mhadz, nasa rooftop siya natutulog. Mas maigi ng may kasama ka diyan, iba na panahon ngayon, masyado ng delikado. O sya, alis na kami " -sabi ni mama sabay sinara ang pinto. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD