-
"mosh" -bati ni mhadz sabay tumingin ng nagpapaawa, hindi ko na siya pinansin kasi hindi na ako makapagpigil.
Kinikilig ako, kinilig ako sa ihi ko na ilang oras ko ng pinipigilan. Paglabas ko ng cr nakaabang pa din siya sa labas ng pinto.
" mosh please, lets talk. Sorry ok ? Hindi ko sinasadya " - pigil niyang sigaw. Hinawakan niya ko sa braso ko ng madiin,ang hirap makawala kahit tinatanggal ko ng kabilang kamay ko. Mas lalong humihigpit habang pinipilit kong alisin.
" madilyn ano ba! nasasaktan na ko, bitawan mo ko !"pigil na galit kong boses. Namanhid na sa sobrang sakit yung ginawa niya, hindi pa nga magaling yung mga hampas na nagpasa na ginawa niya sa katawan ko last week. Kaya hanggang ngayon hindi ako makapagshort, na hanggang ngayong puro kissmark pa din ang middle part ng katawan ko. Hindi pa din ako nakakarecover sa phobia na binigay niya.
*flashback*
After namin ihatid si best,kinuha ni mhadz cellphone at wallet ko sabay nagpark sa isang motel.
" mhadz, hatid mo na ko sa bahay please?" -pakiusap ko. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.Galit na galit siya kasi hindi ako pumayag na maging kami ulit. Nangangatog na kamay at paa ko sa sobrang kaba. Ito ang kauna-unahang punta ko sa ganitong klaseng lugar.
"Inaantok na ko, gusto mo isa na tayo sa news na nabangga at namatay sa slex bukas? " -sabi niya sabay pumasok na sa kwarto. Nagpaiwan ako sa kotse.
After an hour, lumabas siya na bagong ligo na may hawak ng bottle of beer. Mapungay ang mata niya na parang sabog.
" papasok ka sa loob or ihahampas ko tong hawak kong bote sa windshield? "-. Hindi ako naniwala kaya hindi ako lumabas ng kotse. Mas lalo siyang nagalit. Pumunta siya sa harap. Uminom muna sa beer na hawak niya.
Ilan sandali lang hinampas niya sa windshield yung boteng hawak niya pero yung bote ang nabasag. Nagkaron ng maliit ng lamat ang windshield. Lumabas ako ng kotse para tignan kamay niya pero paglabas ko nakatingin ang ibang staff sa amin habang nagbubulungan.Hiyang hiya ako sa ngyari. Gusto kong takpan ng suot kong blazer yung mukha ko sa sobrang kahihiyan.Lumapit sakanya ang guard para awatin siya pero kahit ang guard ay minura niya na at dinuro tsaka hinamon ng suntukan.
Ako na humingi ng pasensya sa guard sabay pinapasok si mhadz sa loob ng kwarto para pakalmahin pero pag pasok ko sinampal niya ko ng malakas na nagpahiga sakin sa kama. Ang sakit, sobrang sakit ng sampal niya na wala na ko halos marinig kundi isang matining na instrumento.
" kaya ayaw mo pumasok dahil kalandian mo yung pu*nang guard na yon no? Ang landi mo talaga! Kaya ka nabuntis kasi ang kati mo !" -galit na galit niyang sabi sabay pinunit ang suot kong damit tsaka ko pinaghahalikan sa dibdib. Habang nagpupumiglas ako,mas lalo niya akong pinagbubuhatan ng kamay. Mas lalong madiin ang mga halik na ginagawa niya. Pinilit niyang tanggalin ang leggings na suot ko pero pilit kong iniipit pero habang iniipit ko, sinusuntok niya ako sa hita. Ang hirap ng huminga, napagod na ko kakapiglas, napagod na kong lumaban,naubos na ang luha ko kakaiyak .Hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyare hanggang mapagod siya at makatulog.
Kumalat ang eyeliner at lipstick ko sa buong mukha ,bugbog na din katawan ko sa mga hampas na gawa niya . Nagmukha akong zombie sa sobrang maga ng mata ko. Ang hirap bumangon,ang hirap ihakbang ng paa dahil sa dalawang beses niyang suntok sa hita. Ang sakit ng buong katawan ko. Ang sakit kasi binaboy ako ng taong minahal ko.
Noon gustong gusto ko kapag may nangyayare sa amin. Masaya ako after namin gawin ang mga bagay na nagpapa-pagod sa amin pero simula natuto siyang magdrugs nagbago na. Nagbago na siya tuwing nakakainom siya.
Pinilit kong bumangon para hanapin ang wallet at cellphone ko. Naglakad kahit iika-ika, tumayo kahit ilan beses nadapa pero hindi ko nahanap. Mahimbing tulog niya, naghilamos ako at nagmadaling kumuha ng pera sa wallet niya na nasa side table.
Pinilit kong takpan ang sira kong damit at lumabas tsaka sumakay ng taxi na may hinatid din sa motel.
" saan tayo maam? - tanong ng taxi driver habang nakatingin sa sira-sira kong damit na pilit kong tinatakpan ng punit kong blazer.
" biñan po" - sagot ko habang pinupunasan ang luha na pumapatak sa mata ko.
Nagdrive ang driver pero parang hindi mapakali habang nakaupo sa driver seat. Lingon siya ng lingon habang nagddrive na parang may kinakalikot sa ilalim ng manibela. Sa mabini kami dumaan imbis na sa taft.
Gusto ko ng lumabas sa kaba, halos mabaliw na ko sa mga ngyayare ngayon gabi. Nagdasal ako na sana magkaron ng miracle na ma-wipeout lahat ng ngyare. Sana magkaron ako ng amnesia at makalimutan ko yung mga nangyayare at ngyare tonight. Sana makalimutan ko na mahal ko si mhadz, sana mawala na yung punyetang feelings ko kay mhadz.
"miss magkano tatlong oras? kailangan ko lang ng may hahawak sa kambyo ko" -sabi ng driver na parang uhaw na uhaw sa babae. Hindi ako nakapagsalita. Gulong-gulo na utak ko. Huminto siya sa madilim na part sa harison. Tumingin siya sakin at tinanggal ang seatbelt niya. Ngumite ako sakanya sabay binuksan ang pinto ng taxi.
" tan*na mo manyak" - sigaw ko sabay nag dirty finger tsaka tumakbo,mapalayo lang sakanya.
" p****k" -sigaw ng driver sabay pinatakbo ng mabilis yung taxi.
Lakad , takbo , lakad ang nagawa ko habang agos ng agos ang luha sa mata ko. Mapapamura ka na lang talaga. Saan ako bibili ng ganitong oras ng damit para hindi ako pagkamalan na p****k. Nakarating ako sa ccp, sa madilim na part. Binuhos ko lahat ng galit ko sa mga naganap ngayon araw. Sa kabilang banda may isang grupo ng mga lalake at may mga hawak na gitara. Wala na akong pakielam kung naririnig nila mga mura at hagulgol ko. Wala na akong pakielam sa lahat.
Gusto ko ng mamatay. I hate my self , i really really hate myself.
*end of flashback