CHAPTER 6 (ENCHANTED KINGDOM)

1055 Words
- " uy thanks ah?"- sabi ko habang nakatingin kami kila papa na nakasakay sa carousel. Last ride nila bago kami umuwi. " for what? "- tanong niya sabay tumingin sa mata ko. " sa christmas gift? sobrang nag-enjoy sila and sa food. Binusog mo kami today. Kaya thankyou for this day." - sabi ko sabay ngumite ako ng maliit. "sumasagi pa din ba sa isip mo yung ex mo?"-tanong niya " today? siguro kanina lang nung nagmisscall siya"- sagot ko. Nag nod lang siya at may kinuha sa pisngi ko. " taas or baba ?" - tanong niya habang nakatingin sa dalawang mata ko. " huh? " taas ? - curious kong tanong " favorite position mo taas? " - sabi niya sabay tumawa. Hinampas ko siya sa balikat sabay inirapan. " gago mo" - asar na sabi ko sabay pinatong ko ang kanan siko ko sa fence ng carousel habang nakatingin kay miyah. Ang ganda ng mga ngite nila , kumakaway kapag malapit sila. " joke lang. Ang sakit ah. Magwish ka then magwiwish din ako , tapos kung sino matalo siya magsasabi ng wish niya. Kapag taas treat kita ng coffee mamaya sa coffee bean pero pag baba treat mo ko ng dinner mamaya sa bagong bukas na restau ni dj chacha, Deal ?" -sabi niya sabay ngumite ng nakakaloko. " teka lugi ata ko don ah. pero sige" -sabi ko sabay may nagbell. Sign para huminto na ang carousel at lumabas na sila papa. Sinalubong ko si miyah na tuwang tuwa at gusto pang umisa. Naglakad lakad muna kami at dumaan ng cr si mama bago kami mag-uwian. Si ate inday na nagdala ng dalawang stufftoys na price ni dj kanina sa pagshoot ng ring sa bottle. " may gig ka pa ba sa ccp mamaya? gusto mo tagay-tagay tayo. May binigay sa akin si mhadz, tikman natin mamaya." - aya ni papa kay dj. Tumingin ako ng masama kay papa dahil kilala ni dj si mhadz. Si mhadz ang naging dahilan kung bakit kami nagkakilala. " opo tito, lagare po ako ngayon." - sagot ni dj. Kaya siguro ang payat niya dahil hindi uso sakanya ang salitang pahinga. Pero kahit pagod at puyat siya, nagawa niya pa din pasayahin ang family ko. Pag labas ni mama sa cr, naglakad na kami papuntang parking para ihatid kami ng driver ng manager ni dj.Sasakyan ni dj ang pinagamit niya. Nakaabang na din manager ni dj na nasa likuran lang niya. Inabot din kami ng 6:35pm kakalibot sa enchanted,hindi sapat para malibot at masakyan ang mga rides dahil madaming tao dahil christmas season. Akala ko pa naman masasakyan ko ang space shuttle na kinakatakutan ko simula nung bata pa ko. Humalik muna si dj kay miyah bago niya isara ang pinto ng sasakyan niya sabay kumaway at nagpaalam sa amin. " nak, tumawag pala si lolo, gusto daw niya makita si miyah. Plano namin ni mama mo na doon tayo magpasko at magnew year kasi nag-uwian na din sila tita mo galing canada." - sabi ni papa . " huh ? may pasok pa ako hanggang 24 tapos sa 26-29. Pano yon?"- tanong ko sabay tumingin kay mama. " huwag ka na muna pumasok ."-sagot ni mama. " alam mo naman na hindi ako pwede hindi pumasok" asar na sabi ko. " kung gusto mo tatawagan ko si daryl o kaya si mhadz para may kasama ka sa bahay, para may mag asikaso sayo mahal na prinsesa dahil isasama din namin si inday para may katuwang kami mag-alaga kay miyah." pang-aasar ni papa. " kailan alis niyo? " nakasimangot kong tanong. "bukas ng madaling araw, kasama din sila kuya mael mo." - sagot ni papa " bukas agad? bakit ngayon niyo lang sinabi? "-napipikon kong tanong " oh bakit nasan ka ba lage? Ngayon ka nga lang namin nakasama kung hindi pa dahil kay dj. Lagi ka nakakulong sa kwarto mo. Pag galing ng trabaho deretso ka agad sa kwarto mo, kapag wala kang pasok natutulog ka lang buong araw. Sige nga sabihin mo kung paano namin sasabihin sayo? " -panenermon ni papa, tumaas na boses niya kaya tumahimik na ko. Nakakahiya lang kasi may ibang tao na nakakarinig. Pag hinto ng sasakyan, Inabutan ko na lang yung driver ng 200 para kahit paano may pangkape siya. Kahit ayaw tanggapin, iniwan ko na lang malapit sa kanya. Pagbaba ko,kinuha ko agad si miyah. Bumungad sakin si daryl na nakaupo sa talyer. Mas lalong uminit ulo ko. Hindi ko siya pinansin, dumeretso lang ako sa kwarto at nagkulong. Binihisan si miyah at tinimpla ng gatas para patulugin. Nakaidlip din ako habang pinaghehele si miyah. I checked my phone para tignan kung anong oras na, 9:47pm and para tignan kung may pagbabago ba bukod sa missedcall ni mhadz. - DJ - " take care, i really had a great time." "have you had your dinner ? "pwede ba ako dumaan diyan after ng gig ko dito??" " coffee bean later ??" --- - BEST - " best nabalitaan ko ngyari sa inyo ni mhadz lastweek,kamusta ? ogag talaga yon kahit kailan." " hoi best " "best reply, reply din aba !" " best pagbalik ko ng manila papakilala ko na sayo si lesbf ??" " hoi best magbukas ka nga ng social media mo, last post mo sa twitter 2years ago pa. ??" -- - MHADZ - "how many times do i need to say sorry? ✌? " i know this is what i deserve, pero please mosh, lasing ako non. Hindi ko sinasadya" "mosh can we talk? ??" "mosh nasa bahay ka ba? punta ako diyan" " otw na ko " --- Dumilat ako ng maigi para basahin ulit ang text ni mhadz. Mahimbing pa din tulog ni miyah.Bumaba ako para mag-cr. Pag dating ko ng hagdan narinig ko na kumakanta si papa sa videoke. Tsk! sino nanaman kainuman niya. " gising ka na pala, teka at ipaghahain kita." - sabi ni mama sabay tumayo sa inuupuan niya. " wala kong gana"sabi ko sabay umupo sa dining. Bumalik na si mama sa tabi ni papa at nag duet sa kanta na always. Pag bukas ng pinto ng cr, tumayo agad ako dahil magkakasakit na ko sa bato kapag pinigil ko pa ihi ko. Naglakad Ako papuntang cr habang hinihintay na may lumabas next...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD