--
one week after
" nak may bisita ka " - sigaw ni papa mula sa baba. Ilang sandali lang umakyat si ate inday para kunin si miyah.
" Naka-uniform ba? ano nanaman inaalok ?"- tanong ko habang nagpupusod ng buhok. Ang aga naman magbenta ng kung anek-anek. Tinatawag lang naman ako ni papa kapag may nagpapautang ng mga gamit sa bahay kahit hindi naman kailangan.
" hindi po " -maiksing sagot ni ate inday tsaka naglakad pababa habang karga si miyah.
After ko iligpit yung hinigaan namin ni miyah. Binuksan ko yung box na bigay ni best para sa amin ni miyah. 3days from now,christmas na.Kaya kailangan ko makahanap ng isusuot ni miyah on christmas.
Pagbaba ko, rinig na rinig ang halakhak ni papa habang nilalaro si miyah. Nakapantulog pa din ako habang nasa balikat ko ang tuwalya.
Tumingin agad ako kung may nakaupo sa sofa na sinabi ni papa na bisita ko. Pero bakante ang sofa. Walang nakaupo na nag-aalok at naniningil ng credit card.
Naglakad ako papuntang dining para magtimpla ng coffee. Bumungad sa akin si dj na inaayos ang pagkain sa lamesa.
" goodmorning miane, your coffee is ready. Tito, tita lets eat na po. " -nakangiteng sabi niya. Hindi ko alam kung anong tatakpan ko, kung yung nips kong bakat or yung mukha kong kagigising lang. Tinulak ako ni mama papuntang dining habang nakangite.
" ayos lang yan nak " bulong ni mama sa tenga ko. Napapangite na lang ako dahil ngayon lang may naghanda ng food sa pamilya ko. Tinakpan ko ng tuwalya ang harapan bahagi ng katawan ko dahil manipis din ang pantulog na suot ko.
Umupo ako na katabi si dj. Feel at home siya, parang ilan taon na siyang pumupunta sa bahay. Kumain siya na hindi nahihiya kila mama at papa. Ako ang hindi makagalaw at hindi makahigop ng maayos ng kape. Parang ako pa ang bisita dahil hindi ako makapagsalita.
Masasabi kong poging babae si dj. Hindi nagkakalayo ang height namin siguro nasa 5'6 siya at ako naman 5'5, hindi mo mahahalatang tomboy siya kasi wala siyang boobs at lalakeng lalake kung kumilos. One sided ang buhok na color brown. Brown din ang eyes niya na nakangite kahit hindi pa siya ngumingite. Mas nauuna pang ngumite mata niya kaysa sa labi niyang dry. Parang ang sarap basahin gamit ng labi ko haha. Calmdown miane, calm down !
Crush ko na siya, the way she smile, everytime na hinahawi niya buhok niya ng lefthand. In one hour nakaka'23 to 27times siyang hawi sa buhok . The way she speak na parang mahinhin na dalaga pero may angas na dala.
" dj dalas-dalasan mo pagdalaw dito para hindi na kami nag-iisip ng ulam hahaha, madalas kasi namin pagtalunan yan ng tita mel mo, parehong ayaw namin mag-isip. " -sabi ni papa habang kumakain.
" Ok lang po ba tito? baka po may magalit kay miane, ako pa maging dahilan ng pag aaway nila" - nakangiteng sabi ni dj sabay tumingin sakin. Putcha naman dj, wag mo kong tignan ng ganyan. Sumimangot na lang ako para matakpan ang kilig na dulot niya sabay hinigop ang kape na timpla ni dj, eng serep hihihi. Pwede bang every morning may coffee ako from you? Coffee with dj? Ang sarap parehas. May lesbian palang katulad ni dj. Mabait na, ang lakas oa ng daying tapos singer pa. Ang swerte siguro ng girlfriend niya. ☺️
" diba magkaibigan lang kayo? Wala naman dahilan para magalit yung mga nakapaligid sa anak ko. tama ba ? " - tanong ni papa, huminto si papa sa pagsubo at tumingin sa mata ni dj.
" ah o-opo tito. " - kinabahan na sagot ni dj sabay uminom ng tubig.
" dj bakit ka nga pala naligaw dito? Sana hindi na lang kita pinauwi ng hinatid mo ako kanina para hindi ka na napilitan gumising ng maaga. Im sure na puyat ka pa kasi 4:30 ka na nakarating ng condo mo, base sa text mo." - tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.
" tumawag kasi manager ko, may gig ako mamayang 6pm sa enchanted. Gusto ko sana kayong isama. " - sagot niya na nakatingin kay mama at papa.
" e bakit ang aga mo? alas onse pa lang. Masyado pang maaga.Tsaka hindi pwede si miyah ng gabi baka mahamugan." - sabi ko
" ngayon na tayo pupunta para magrides and bonding na din, kahit umuwi na lang kayo around 5pm kaso hindi ko na kayo maihahatid pero pwede ko kayong ipahatid sa driver ng manager ko." -sabi niya na nakatingin sa amin tatlo nila papa.
" buti na lang naligo na kami ni mel, magbibihis lang ako. " -sabi ni papa sabay tumayo na
" teka, paano hatian natin sa gastos ? " -pahabol ni papa
" christmas gift ko po tito " - sagot ni dj sabay ngumite ng maliit.
Sumunod na din si mama kay papa paakyat sa taas. Binuhat ni dj si miyah para makakain na si ate inday. Pumasok na ko ng banyo para maligo at ng hindi na maghintay ng matagal si dj.
"pumorma ka mamaya inday para
makahanap ka ng boyfriend sa enchanted, malay mo makilala mo don yung mapapang-asawa mo hehe " - biro ni dj kay ate inday, Nagmadaling kumain at nagligpit si ate inday, dinig mula sa banyo ang mga pinggan na hinuhugasan ni ate inday.
After ko maligo dumeretso agad ako sa kwarto para magbihis. pants, sneakers and longsleeve suot ko, Pagbaba ko nakabihis na silang lahat na nakaupo sa sofa. Napaliguan na din nila si miyah na handang handa sa pag-gala.
Tucson na blue ang sasakyan ni dj.
Sa passenger seat ako pinaupo ni mama. Sila mama naman sa backseat habang nakakandog si miyah kay ate inday.
" koya d-g kumakanta ka din sa pades? "
-tanong ni ate inday. Ngumite si dj sakanya kaya parang kinilig din si ate inday sa ngiteng binigay sakanya ni dj.
" before " maiksing sagot ni dj
"para kaseng naketa na keta sa pades"-napaisip na sabi ni ate inday, hindi na sumagot si dj. Halatang iniiwasan niya ang topic about sa padis. Nagfocus na lang siya sa pagmamaneho hanggang makarating kami ng Enchanted Kingdom.
Next..