-
" dito ka na lang matulog best,pahatid na lang kita kay kuya bukas. " - sabay inalalayan siyang ihiga.
Nagpumilit pa din siyang tumayo habang nakatingin lang sa amin si mhadz na mukhang tipsy na din.
" no best, maaga flight namin bukas and may mga nag-aantay shakin sha bahay.Ayos lang naman kay mhadz na ihatid niyo ko. Diba mhadz, diba ?" -sabay tinapik-tapik niya sa balikat si mhadz.
" pahatid na lang tayo kay kuya best. Tipsy na din si mhadz e. "-sabi ko habang inaalalayan pa din si best
"ateee indayyyy " - tawag ko mula sa kwarto. Ilang sandali lang sumilip na si ate inday na may hawak ng walis at kasunod na si mama.
" bakit po ati ?" nakatitig niyang tanong. May dalawang taon na sa amin si ate inday pero never ko siya tinawag para humingi ng tulong or utusan siya kasi nagkukusa naman siya sa mga gawain bahay at alaga kay miyah kapag busy si papa sa talyer. Ako na nagdesisyon na maghanap ng kasambahay para hindi na din mahirapan si mama sa pag aasikaso sa amin ni miyah.
" ate,paki ayos naman yung kwarto sa rooftop para may matulugan si mhadz." -pakiusap ko.
" ay ati, nandun na pu yung ibang taga-pangasinan niyong kamag-anak. Ipinaayos na po sa akin ni kuya kanina. Sa dating kwarto naman po ni kuya mael ay tulog na po si kuya mael at si ate yanyan " - sagot niya.
" e saan ka matutulog kung may natutulog na sa mga kwarto? " -tanong ko.
" sa dining na lang po ati, kasi may mga natutulog na din sa salas na mga lasing na kumpare ni kuya na taga manila" -maiksi niyang sagot. Tumingin ako sa oras at 6:30 pa lang.
" miane diyan mo na lang patulugin si inday, tabi na lang kayong apat diyan ni jaz sa kama mo. Walang tutulugan si mhadz dito,crowded na ang bahay. Pasensya na mhadz pero gabi na, kailangan mo ng umuwe. " - masungit na sabi ni mama. Ngayon lang siya naging masungit kay mhadz. Ngayon ko lang siya nakitang nagtaray.
" tita, uuwi din po ako. Hinihintay ako nila dad sa bahay, tuloy na din po ako tita. thankyou po " -singit ni best sabay yumakap kay mama at nagbeso. Tumayo si mhadz at tinulungan akong alalayan si best.
" mauna na din po ako tita. " -malungkot na paalam ni mhadz.
" teka, kaya niyo bang umuwe? Kaya mo bang magdrive mhadz?
Miane, dalin mo na lang sasakyan mo at ikaw na magdrive, baka kung mapaano pa kayo. Balikan mo na lang yung sasakyan mo dito bukas mhadz.- nag-aalalang sabi ni mama na nakatingin sa amin tatlo.
" kaya ko po tita, ihahatid ko na lang po si miane mamaya after namin ihatid si jaz " -pag-pupumilit ni mhadz na halatang naiilang pa din kay mama.
" hala sige mag-ingat kayo. Miane magtext ka ha? i-update mo ako kung nasan ka. ay teka yung wallet mo. " Nagmadaling pumasok si mama sa kwarto at kinuha ang wallet at cellphone ko sabay inabot sa akin tsaka kami sinabayan papalabas ng bahay. May mga bisita pa din na hindi ko na naharap dahil sa bestfriend kong agaw atensyon at isa na din si mhadz na ayaw ng may kaagaw ng atensyon ko kapag kasama ko siya.
Sumakay kami sa bmw na black ni mhadz. Bagong bago at sobrang linis ng kotse niya. Tabi kami ni best sa backseat habang mahimbing ang tulog ni best. Tahimik na nagdrive si mhadz, sumama din siguro loob niya kay mama dahil sa senaryo kanina.
Hindi ko alam bakit nagawa ni mama iyon, pero kung ano man ang dahilan ni mama ay nirerespeto ko yon. Walang iba ginusto si mama kung hindi mapabuti ako at maging masaya din.
Nakarating kami ng alabang ng hindi pa din nag-uusap. Binaybay namin ang slex na tahimik na bumyahe . Biñan to malate tapos ihahatid pa ako ni mhadz sa biñan ulit tsaka siya babalik ng batangas. Ang thoughtful niya talaga kaya siguro nabaliw ako sakanya. Nang makarating kami ng edsa, nagsalita na si mhadz.
" grabe talaga traffic sa pinas, ito ang namiss ko dito." -sabi niya habang nakatingin sa mirror.
" holiday season kasi kaya traffic. Pero try mo magwaze kasi may mga shortcut's na pwedeng lusutan papuntang malate if naiinip ka na" -sabi ko habang pinapaikot ang magkabilang pointed finger ko.
" ayoko magwaze para may thrill. Doon pa din ako sa nakasanayan ko. Doon pa din ako dati. Ikaw ? ayaw mo na ba sa nakasanayan mo kaya dependent ka na din sa waze?" - tanong niya sabay binuksan ang music.
"?So, baby, pull me closer
In the back seat of your Rover
That I know you can't afford
Bite that tattoo on your shoulder
Pull the sheets right off the corner
Of that mattress that you stole
From your roommate back in Boulder
We ain't ever getting older" ??
" dapat may bago, dapat kapag nawala na yung nakasanayan mo, magkaron ng pagbabago sa buhay mo. Hindi pwedeng maging dependent tayo sa nakasanayan natin na hindi naman talaga kayang samahan sa nakasanayan mo. Kaya sa waze na ako , ayokong maiwan sa kahapon." - sagot ko. Tumahimik nanaman siya na parang naasar nanaman sa sagot ko. Tinanggal niya seatbelt niya at humarap sakin.
"mosh, bumalik ka na. Magsimula ulit tayo. Hindi kita pipilitin na sagutin mo agad yon pero while im still here gusto ko parang tayo pa din. Gawin natin yung mga bagay na ginagawa natin noon. Ibalik natin yung dating tayo. Gusto kong bumawi, gusto kong magkaron ng memories na masaya kasama ka kahit ito na regalo mo sakin this coming christmas please mosh? please? i still love you mosh. please" -sabay hinawakan niya ang dalawang kamay ko at dinikit sa labi niya. Nagbusina na ang mga nasa likod namin sasakyan.Wala na din sasakyan sa harap namin na nakapila. Hindi siya nagpatinag, hawak niya pa din ang magkabila kong kamay habang nakatitig sakin.
" pag-iisipan ko" -maiksi kong sagot
" hindi ko papa-andarin to hanggat hindi ka umo-oo" - sabi niya. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Baka pag sinabi kong hindi lumabas nanaman ang ugali niyang kala mo sinapian ni lucifer.
next...
--