--}
kamusta? "- bungad niya habang nakaupo sa chair na malapit sa kama ko.
" bakit ka nandito? " -pagtataray ko sabay humingang malalim.. Umupo ako sa kama ng makatulog na si miyah. Parang isang maamong tupa si mhadz na hindi makabasag pinggan na malayong malayo sa presko niyang porma. Mas lumakas ang dating niya, malaki ang nagbago sakanya. Nagpakulay siya ng buhok, nawala na din ang mga silver na makakapal na suot niya na akala mo may shop ng silver. Nagkaron na din siya ng malaking tribal tattoo sa braso na pinaka-ayoko sa isang tao.
" ayan ba ang pa-welcome back mo sakin miane? hindi mo lang ba ako namiss? hindi mo ba ako yayakapin? " -presko niyang sabi. Ang yabang niya, sobra ! Oo gusto kitang yakapin, pero ang angas ng pagkasabi mo. Anong feeling niya, baliw pa din ako sakanya. Duh ! niloko ka niya miane flores, niloko ka ng taong kaharap mo ngayon.
" talaga ? sino ka para yakapin ko ? " -pagtataray ko.
" 8years miane , its been 8years na umikot ang mundo natin sa isat'isa and then what? tinapon mo lang yon basta-basta dahil sa isang pagkakamali ko? you will never gonna move on with me. i swear ! " galit na sabi niya , Parang ako pa may kasalanan ng paghihiwalay namin. Nagsimula ng bumilis ang t***k ng puso ko. Gusto ko siya lapitan at ihampas sakanya ang boteng hawak niya. Ang yabang ! sobrang yabang niya talaga.
" are you insane mhadz? im already moved on and I already have my own life tho. So, hindi na kita kailangan. Bakit kasi pumunta-punta ka pa dito.Papansin ka din " - Asar na may halong inis at galit kong sabi. Hindi na talaga dapat nakikipagkita sa ex. Hindi na dapat. Lumapit siya sa inuupuan ko at hinawakan ng kanan kamay niya ang batok ko habang madiin ang pagkakahawak niya sa magkabila kong kamay. Oo nasanay siya na sinasaktan ako ng physical noon nagsasama kami, mas malaki at mas mas matangkad siya sakin kaya hindi ko siya magawang labanan dahil sobrang petite ng katawan ko kumpara sa katawan niya. Natatakot ako everytime na dumidilat na mata niya sa sobrang galit. Nagagawa niya lang yon kapag nagseselos na siya, hindi niya na ma'control sarile niya. Gusto kong sumigaw pero ayokong malaman ng family ko na sinasaktan ako ni mhadz.
" ang yabang mo na miane, ang yabang mo! put----
*knock knock knock*
-sabay bumukas ang pinto. Dahan-dahan tinanggal ni mhadz ang pagkakahawak niya sa batok at dalawang kamay ko.
Pumasok si best na may hawak na bucket of ice and glass. Nagfakesmile na lang ako at inayos ang buhok ko na nagulo ng pagkakahawak kanina.
" nakita ko kasi si mhadz kanina na may hawak ng black label , kaya nagdala na din ako ng ice and glass para maumpisahan na. Mahirap inumin yan without using glass kasi." - sabi ni best habang nilalapag ang tray na hawak niya sa sidetable sabay umupo na sa tabi ko at binuksan ang bottle.
" best hindi ako iinom " -pagtanggi ko habang inaabot niya ang baso na puno ng alak.
" best dont cha worry okay? nagpaalam na ko kay tita. Siya na daw bahala kay miyah pag nalasing ka. So lets enjoy this moment alright? "-sabi niya sabay inagaw ang iinumin ko sana at siya ang uminom.
" mhadz kamusta naman ang bakasyon niyo sa korea ? "- tanong ni best kay mhadz. Napahinto ako ng ilan sandali dahil ang korea ang pangarap namin puntahan ni mhadz, sana. Pero hindi natuloy, hindi kami tumuloy dahil nag-hiwalay na kami. Nagsalin na lang ako ng alak sa baso ko at dahan-dahan na ininom.
" pretty nice, sobrrrrang ganda. Ang weird nga kasi naligaw kami sa jeju, whatta experience. Pero ang saya ng experience . Gusto ko nga bumalik don pag nagkaron ulit ako ng chance. If you want magbook tayo nextweek sama mo si dee, pambawi ko na din sa inyo ni miane.
Gusto mo sumama mimi? " - Mimi, mimi ang tawag niya sa akin pag nawala na ang galit niya sa katawan. Kapag hindi na kumumukulo ang dugo niya sakin na hindi ko naman alam ang dahilan.
" ah no thanks, busy sched ko. Tsaka hindi ko pwedeng basta-basta iwan si miyah na magpakafeeling dalaga ko. Kaya niyo na yan. Kayo na lang." - Sagot ko, Nagsalubong nanaman ang kilay ni mhadz, mukhang naAsar nanaman sa sagot ko. Mas priority ko anak ko kaysa gumala.
" hindi din ako pwede kasi nasa bohol kami, si dee naman may gig yon. Mas importante sakanya ang music kaya malabong sumama yon. Ako na nga lang gumawa ng paraan para makasama ko siya" - singit ni best
" sinong dee? " - tanong ko na hindi pa din updated sa mga buhay nila.
" si dee yung future lesbf ko best. Nakilala ko siya sa isang group sa sss a couple of months. Sa malate din yung condo niya. Makikilala mo din siya soon. Okay sige, i know na allergic ka sa mga cheater *excuse mhadz ha ? hahaha* *burppp*.
Madami na akong na'meet na lesbian sa buong buhay ko, which is alam mo yan best, madami na din akong nakarelasyon na butch na puro failed kaya nga naisipan kong magpakasal na lang sa lalake na akala ko magpapabago sa akin.
Pero hindi pala, parang single pa din ako. Yung tipong walang pakielamanan. Mas maigi ka pa nga best kasi single ka at wala kang pino'problema, e ako ? may asawa nga, bonggacious pa kasal namin kasi dream wedding ko yon. Pero putcha naman, parang hangin lang ako sakanya.
Kaya ayon, nagscroll-scroll ako sa sss. Nagbasa ng mga kung ano-anong confession and nagcomment then doon ko nakilala si dee na 11years ng hindi nag-gigirlfriend kasi daw gusto niya pag naggirlfriend siya. Ayon na daw talaga. Wala ng bitawan. " - excited niyang kwento habang napapadami ang inom.
" so feeling mo ikaw na yon?" - pang-aasar ko
"ah-huh ! yah im pretty much sure best hihihi. Alam niyo guys, feeling ko? ako lang umubos ng alak. Best hatid niyo ko ni mhadz ha?" - lasing na sabi niya.
Medyo napasarap ang kwentuhan kaya hindi na namin napansin na naubos ni best yung nasa bote.
--