Tomboy nila

1255 Words
After ng pictorial sa simbahan,nakaramdam ako ng kaba na may halong takot. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito na hindi alam ang dahilan. Pero sana wala naman masamang mangyare, niyakap ko si miyah na sobrang naiirita na din sa suot niyang may mga raffles. Ilan beses kong hinalik-halikan sa pisngi si miyah hanggang mawala ang kaba na naramdaman ko. " mianne, i have to go. Hindi na ako makakasabay sayo. Nandyan sa labas si bruh, may meeting pa kaming pupuntahan" - paalam ni daryl sabay humalik sa ulo ni miyah. " hindi ba pwedeng ibalato mo muna sa anak mo ang araw na to? diba sabi mo kay papa babalik ka sa bahay? " - salubong na kilay kong tanong. " i did naman right? try kong pumunta mamayang gabi after ng meeting. So paano? ikaw na lang bahala magpaliwanag sakanila ha? bye nak " -sabay halik sa pisngi ni miyah at naglakad na papalabas ng simbahan. Talagang nagmadali siyang naglakad papalabas ng simbahan, sino ba naman papayag na makasama mo ang katulad ni daryl kahit mahal niya si miyah, once na may nag-aya sakanya para na siyang bula na nawawala. " besttttttttt " - sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae mula sa likod ko kaya napalingon ako. Halos maihagis ko si miyah sa sobrang excited. " tol, tol , tol easy. akina si miyah baka mahulog " - sabi ni kuya sabay kinarga si miyah habang nakangite. Na-excite ako dahil 2years na kaming hindi nagkikita ng bestfriend ko na galing sa switzerland. Masasabi ko na pumuti siya at naging hiyang sa switzerland dahil sa kutis niya na mamula-mula . Niyakap ko siya ng mahigpit paglapit niya, pinaramdam namin ang pagkamiss sa isat-isa. " balita ? tae kala ko kung sinong artistang tumawag sakin " -pagbibiro ko, umikot ikot siya na may kasamang rampa. " baliw ! artista ka diyan, di hamak naman na mas maganda ka sakin, kahit hindi ka na pumuti, pilipinang bea alonzo , best ! Kahit may anak na, oh sinong magsasabing may anak ka sa mala'coca cola mong katawan aber? " - nakangiteng sabi niya sabay tinanggal ang shades na suot niya. Napangite ako dahil sa compliment na galing sakanya. Pinagtitinginan na siya ng mga dumadaan sa simbahan kaya inaya ko na siyang umuwi sa bahay para makaka-in. " gutom lang yan best, tara sa bahay? " - aya ko tsaka hinawakan ang kamay niya. " oh my gosh ? tapos na ba ? i thought magsisimula pa lang hahaha, ano ba yan hindi man lang ako hinintay ni father " - pabirong sabi niya at nagbirong papasok sa simbahan. " ay nako best wag ka ng magpanggap, tsaka magkakaron pa ng kasalanan si father sa suot mo, halos sumilip na si korina sanchez konting konti na lang. Simbahan ang pupuntahan mo bakit ganyan pa kasi naisipan mo isuot? " - tanong ko at sabay na kaming naglakad papasok ng van. Siya na kumuha kay miyah. Hindi na pumasok sa isip ko si daryl dahil kay best. Sobrang gigil niya kay miyah kaya napapaiyak na lang si miyah sa mga kurot at halik niyang paulit-ulit. " ang ganda-ganda naman ng inaanak ko, manang mana kay ninang hano ? hano ? mana ka sakin no ? "-paulit-ulit na sabi ni best kay miyah habang nakangite. Napapangite na lang din si miyah kasi ngayon lang nakakita na parang clown ang make-up sa sobrang kapal. " best kanina parang napansin ko si mhadz sa bahay niyo na nakaupo sa table ni tito, kailan pa siya umuwe? " - tanong niya. Para kong nabinge. MHADZZZZ??? paulit-ulit na nagfflashback sa utak ko. Tumahimik ang paligid. Parang naiwan akong naka-stuck habang nakatingin sa kawalan. " hoy best , ayos ka lang ? huy !! dont tell me hindi ka pa nakakamove'on kay mhadz? pero im not sure if si mhadz yon kasi nagmamadali din akong sumunod dito sa simbahan " - sabi niya, hindi na ako nakakibo dahil hindi ko din alam ang isasagot ko. What if si mhadz nga yon? siya ba ang sinasabi ni papa na bisita niya? Paano ko siya haharapin, anong sasabihin ko sakanya? " jaz kailan ka pa umuwe ? " -tanong ni mama kay best. Ewan pero natutulala pa din ako ng marinig ko pangalan ni mhadz. Parang bumalik lahat ng sakit na may halong excitement dahil after how many years makikita ko ulit siya. " actually kanina lang po tita, sinubukan ko i-surprise si best but pag dating ko kanina sa inyo, nakaalis na daw po kayo. Delayed po kasi flight ko kaya nalate ako. Dumerecho na po ako sa inyo, hoping na maabutan ko kayo . " - sagot ni best na nilalaro pa din si miyah. " ilang weeks vacation mo? Si mianne nga sabi ko mag-abroad na din, baka sakaling sa ibang bansa niya makilala ang taong para sakanya pero ayaw niya talaga. Natatakot mag-isa. Sabi ko nga wala naman ibang tutulong sakanya kung hindi sarile lang niya. At kailangan niya din maging independent dahil para din sakanya iyon." - sabi ni mama, medyo naririndi na din ako sa pag-push sakin ni mama mag-abroad. Ayokong umalis, dahil nandito na buhay ko sa pinas and maganda naman ang income ko so bakit pa. " 3weeks po ako dito sa pinas pero by tomorrow po uuwe kami ng bohol para doon mag christmas and mag new year ,2weeks po kami don then balik ulit dito para sa birthday celebration ko tapos lilipad na din po ako ng hongkong para magvacation with my future lesbf haha and then doon na po ako sasakay pabalik ng switzerland " - malanding sabi ni best. Nagsalubong kilay ko sabay tinaasan siya ng kilay. " oi ! oi ! anong future lesbf sinasabi mo diyan ? dont tell me may kalandian ka dito ? Alam ba yan ng asawa mo? -taas kilay kong tanong.Hindi ako fun ng mga cheater kaya everytime na may naririnig ako nanloloko, nagkakaron ng world war3. " wag judgemental best, bad yan. Alam ko tumatakbo sa utak mo ngayon. Gusto ko lang mag-enjoy. Kahit naman kasal na ako, iba pa din kasi. Basta iba. I dunno but , s**t ! Siya kasi yung pinapangarap kong makakasama sa buhay.Kapag nakilala mo siya im sure, really really sure as in 101% na magugustuhan mo din siya para sakin hehe . Kaya support , support na lang best . Wag ng magalit.hihi "-bakas sa mukha niya ang kilig at saya na binibigay ng sinasabi niyang future lesbf,pero hindi padin ako agree. " Ewan ko sayo ! Mukang madae kang ikekwento mamaya. " -sagot ko. Nagpark si kuya. Kaya isa-isa na kaming bumaba. Ako ang nauna habang karga si miyah dahil sobrang tinotopak na siya sa suot niya. Ang pinaka-ayoko pa naman yung umiiyak siya dahil nabubugbog niya ako sa mga hampas at sipa niya kapag tinotopak. " best kain ka na lang ha? or kung gusto mo sunod ka sa kwarto habang pinapatulog si miyah. " -paalam ko sabay nagmadali na akong umakyat para bihisan at ipagtimpla ng gatas si miyah na halatang gutom na din. *knock knock* "best pasok " -mahina kong sigaw.Ilang segundo pa bago bumukas ang pinto. Pag bukaS ng pinto, bumungad sakin si mhadz na nakayuko. May hawak na bottle ng black label. Oo namiss ko siya, ang hirap ipagkaila. May kalahati ng katawan ko na gusto siyang palabasin ng kwarto pero may kalahati ng katawan ko na gusto siyang kamustahin. Nagpanggap akong wala lang,tinuloy ko ang paghele kay miyah hanggang tuluyan na siyang makatulog. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD