Chapter 15 (Bar)

1472 Words
- " puta akala ko hindi ka tutuloy, 9years na natin ginagawa yung ganito tapos sasabihin mo hindi ka pwede" -bungad ni zy na pasigaw dahil sa lakas ng music. " may girlfriend na kaya tinatabla na tayo " -singit ni rave sabay nagsalin ng tequila at vodka sa basong may beer na nasa harap namin tsaka nakipag cheers. Kailangan bottoms up kapag nilapag ang baso. Iba ang init na nilalabas mula sa katawan after mo inumin yung mix na gawa ni rave. Much better mag mix ng alcohol kaysa magparty drugs sabi ni rave. Yearly lang namin ginagawa ang alcohol mix, hindi ka pwedeng umuwi ng matino,uuwi ka talagang parang pagong kung gumapang. Every 1st and 2nd week of january ang pinakavacation ko sa trabaho, ito din ang month na dinadalaw ko si mom sa hongkong. "seryoso tuks ? girlfriend mo na? - nakangiteng tanong ni zy pagkalapag ng baso niya sabay pinunasan ng kamay niya yung basa sa upperlip niya. Pinilit kong ubusin yung nasa baso bago ko nilapag tsaka kumuha ng slice ng lemon. " naniwala ka naman kay rave, e siraulo yan. hehehe. Hindi pa kami. " nangingite kong sagot sabay may lumapit na babae para makipagselfie. " iba ka talaga tuks, sikat ka na, pwede bang makiselfie din sayo hahahaha" -pang aasar ni rave sabay nilabas ip8 niya. "gago mo hehe , Sa condo na lang tayo" -aya ko. Ang awkward kasi kapag may nakikipag-selfie . May image na akong iniingatan kaya kailangan din mag ingat sa mga galaw. " Huuuyy ! Walang bebot sa condo mo, kung hindi si yaya lang. Ayos lang yan, Ibaba mo na lang ng konti pa yung cap mo para hindi makita yung kagwapuhan mo " -payo ni zy sabay binaba ng konti yung cap ko tsaka ininom yung bagong lagay ni rave sa baso niya. Hindi nagsasalin si rave hanggat hindi ko naiinom yung sakin. Dapat lahat kami uuwe ng basag. Dapat kung ano yung amats ng isa ay siya din amats ng lahat. Kaya lagi akong naiiwan na nakangud-ngod ang mukha sa mesa kapag nakalahati na ang tequila at vodka. Samantalang sila,nakikipagsayawan na parang mga bulateng nilagyan ng asin sa pagwawala sa dancefloor. Habang nakayuko ,tinititigan ang cellphone ko. Hinihintay ang pag vibrate,may umakbay sabay humalik sa pisngi ko. " Ang gwapo pa din ng amoy mo, walang pagbabago." -bulong niya sa tenga ko. Boses ni sab na halatang madami ng nainom. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkaakbay niya tsaka umusog para lagyan ng distance ang face namin na magkadikit. "Why ? ayaw mo na ba makipag skin to skin sa akin? " -malagkit niyang tingin habang hinahaplos ang tip ng finger niya sa neck ko na may pang-aakit. Magaling maglaro si sab kaya konting haplos lang niya pwede ka na niyang dalhin sa lugar na hindi mo inaasahan, para siyang sexy star sa isang magazine, the way siya magdamit at kumilos. Malaki boobs niya, blonde ang hair, matangkad sa akin ng 3inches, sexy, makinis ang balat na alaga sa gluta , okay sana siya pero pera ang mundo niya. Hindi ka niya papatulan kung wala kang pera. " tama na sab , stop playing games with me. " - seryoso kong sabi. umupo siya sa bakanteng upuan sabay tinanggal ang cap ko tsaka hinagis sa akin .Hinawakan niya ko sa chin at tumingin sa mata ko. " who'ls playing games? is it me? Kapag naninigas daliri mo, sino tinatawagan mo? diba ako? Ako naman si tanga, pumapayag kasi gusto ko din kahit, walang label dahil until now hindi ka pa din nakaka-moveon sa reason ng breakup natin. Sinakyan ko gusto mo, sinakyan kita. And now your telling me na nakikipaglaro ako sayo? Bullshit jem! Ilan beses kitang kinausap na ayusin na natin, lagyan natin ng label pero anong sabi mo? Ex mo lang ako. Damn ! X ? , so does it mean that im nothing? Ganon ba?" - galit niyang sabi. Pumatak ang luha sa kanan mata niya habang nakatingin sa akin, tinanggal ko pagkakahawak niya tsaka sinuot ang cap sabay ininom yung nasa baso. " that's lust sab, no strings attached." -, sinampal niya ako kaya nagtinginan ang ibang nasa kabilang couch. " Are you alright sab ?-boses ng isang tomboy. " ofcourse mhadz ! well,...let me introduce to you my f*****g ex, MY f*****g EX as in X , cause she's nothing., her name is dee yung viral na accoustic singer -Napatingin ako ng marinig ko ang pangalan na mhadz. Inangat ko cap ko at tumingin sa umaalalay kay sab. Halata sa kanya na may masasabi sa buhay, naka-LV siyang belt at gucci na shirt na bagong labas lang. " dee right? ikaw yung lesbf ni jasmine ?" -sabay nakipag-kamay, para akong binuhusan ng yelo sa ulo.Nagfreeze ako ng ilang seconds before ako makipagshakehands sakanya. " jasmine ? sinong jasmine ? siya ba yung pinalit mo sa akin ha? " - Singit ni sab habang pini-pinpoint ako sa dibdib. Lumapit sa kanya si rave para alalayan dahil matangkad si rave. Inakbayan ako ni zy at iniwas na din kay sab. Nauna kaming naglakad palabas ng bar,hinintay namin si rave sa kotse ni zy. Tahimik lang kaming naghihintay ng magbiro si zy. " tuks, astig ng jaguar noh? banggain ko kaya yan nitong oto ko, sa palagay mo papayag siya na itong oto ko na lang ibayad sakanya tapos papalitan natin kay rave ng bagong model ng civic hehehe. " - biro niya. Napangite ako dahil old model na oto niya, alaga lang talaga siya. " gagi kulang pa pambayad oto mo, baka makulong kapa ng dalawang taon. " - pang aasar ko. " Hindi niyo naman ako papabayaan ni rave diba? Pareho naman kayong pinayaman ng tatay niyo. " - sabi niya, tumingin ako sakanya. " tuks siya lang yon, hindi kami pinayaman ni dad, sila ang mas nakinabang sa pera ni dad kahit. Kung ano man meron ako ngayon,pinaghirapan ko yon, pinagtrabahuhan dahil si mom ang tumatanggap ng pera na dapat para sa akin. " - nagpintig tenga ko. Napikon ng konti. "oh chill tuks, relax lang. Biro lang yon. Ayan na pala si rave e." - sabay nag peace sign . Umayos ako ng upo para tignan si rave at mhadz na inaalalayan si sab pasakay ng jaguar na katabi ng pinagparkingan ni zy. " Bigatin din pala yung bago ni sab" - bulong ni zy. Nang makapasok na si sab sa kotse ni mhadz, pumasok na din si rave sa backseat . "wala pa din pagbabago si sab, ang hot niya pa din, swerte nung mhadz sakanya, magaling sa kama si sab, specially when drunk like that, diba tuks ? " -sabi ni rave, nagkibit balikat lang ako tsaka ini-start ni zy ang engine. Bago niya paandarin lumapit si mhadz kaya binaba ni zy ang window. " sorry if nagulo ni sab yung bonding niyo, actually pangatlong bar na namin pinasok ang exklusiv kakahanap sa inyo kasi gusto ka daw niya makausap dee ,and wait .. " - sabi niya sabay tumunog ang phone niya and pinakita ang screen. Nasa screen si jasmine yung fling ko sa dummy account. Kumaway siya sa bawat isa sa amin na nasa loob ng kotse. " hi guys, im jasmine by the way , girlfriend ako ni dee. I want to invite all of you in my birthday party on january 10 See you guys .And hey babe dont forget your promise okay? na you will sing for me sa birthday ko, diba? Mag activate ka na ng account mo dahil nandito na ako sa manila,puntahan kita mamaya sa condo mo, lets talk about our flight . See you babe , i love you . Thanks guys. .. , thanks mhadz. " - sabay nawala siya sa screen. Mas lalong gumulo, pero sana hindi sila connected kay miane. Sana. " sige guys nice meeting you all, ingat"-sabay kumaway si mhadz bago sumakay sa kotse niya. " tuks alam mo ba na ang daming post ng jasmine na yon about sa inyo, im wondering kung bakit ka pumayag sa set up niyo. Married siya tuks, ayos lang may anak, wag lang may sabit. " - sabi ni zy habang nagda-drive papuntang tomas morato to continue our bonding, bitin pa daw sila. Natutulala ko sa mga revelation. What if kung yung mhadz na ex ni miane is si mhadz na flirt ni sab ngayon.What will happen? Bakit sobrang Liit ng mundo namin. ? " tuks maganda yung jasmine pero bakit parang gulat na gulat ka kanina ng makita mo siya sa facetime, unlike kanina na kausap mo siya sa phone. Dont tell me magkaiba yung queen and babe ? hahaha" - natatawang tanong ni rave. Hindi ako sumagot. Na'Blanko utak ko,walang laman kung hindi what if? Napapatulala ako. Puro si mianne na tumatakbo sa sa isip ko. ? --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD