++
Halos Umaga na ako nakarating ng condo.
Nagpasundo na ako kay yaya sa lobby sa sobrang kalasingan. Halos hindi ko na maihakbang ang paa ko sa sobrang lambot ng tuhod ko.
May dalawang marshal na umalalay sa akin sa elevator habang nasa likuran ko si yaya na alalang-alala. Ang bilis ng ikot ng elevator,para akong nakasakay sa isang rollercoaster na sobrang bilis ng ikot pero alam ko pa din ang mga nangyayare, nakikita ko pa din kahit hindi kaya ng katawan kong tumayo.Habang isa-isang dinadaanan ng elevator ang bawat floor, sinusubukan kong tumayo in my own. Sumandal ako sa sulok ng elevator at ngumite sa dalawang marshal na nakatingin sa akin.
Bago makarating ng 24th floor,lumapit si yaya sa akin at hinawakan ako sa bewang. Hindi ako binitawan ni yaya hanggang bumukas ang pinto ng elevator.
" mga iho salamat , dadamihan ko na laang ang iluluto ko mamaya para kayo'y hindi na mag-abala ng makakain niyo sa pananghalian " pasasalamat ni yaya sa dalawang marshal sabay ngumite. Umakbay ako kay yaya at pinilit kong ihakbang ang paa ko habang nakaalalay siya.
" ahy anak si sab pala ay pinatulog ko sa kwarto mo at pinahiram ko ng iyong baro. Ika kasi ni zy na sakanila ka tutuloy kaya pinapasok ko na si-ya sa kwarto para makatulog ng maayos." - mahinahon na sabi niya,napahinto ako na may halong inis. Bumalik yung pag-papahiya niya sa akin sa exklusiv kagabe.
" Bakit dito siya pumunta? Anong gusto niyang palabasin?" -asar kong tanong.
" Ako na nagpatuloy sa kanya kagabi dahil kaawa-awa ang itsura niya. Huwag ka sana magalit sa akin" Binuksan ni yaya ang pinto. Papasok na sana ako ng kwarto pero hinawakan ako ni yaya ng mahigpit sa braso. Hindi ako kay yaya naiinis, Naiinis ako kasi bakit dito pa tumuloy si sab samantalang magkasama na sila ni mhadz.Anong pinapamukha niya na after ng ngyari,ganon-ganon na lang ? Puro inis at badtrip ang nararamdaman ko ngayon.
" anak, pagpahingahin mo muna si sab " pakiusap ni yaya, binuksan ko ang pinto ng kwarto sabay sinara ng malakas para magising si sab. lampshade lang ang bukas dahil hindi nakakatulog si sab ng lights off. Tinanggal ko ang shirt at jeans ko , hinatak ang comforter na nakabalot sa katawan niya sabay pumatong sa ibabaw niya tsaka hinawakan ng mahigpit sa magkabilang kamay niya.
" ano bang gusto mong mangyare? nabitin ka ba kay mhadz kaya ka pumunta dito? You want last s*x and then babalik ka na kay mhadz ? you want to try kung sino mas magaling ganon ba ? " -galit kong tanong na dala na din ng kalasingan. Si sab yung nasa ilalim ko, si sab na magaling sa kama sabi ni rave, si sab na masarap kapag puno ang alak ang katawan. Tumulo luha niya habang nakatingin sa akin.
May takot sa mga mata niya habang isa-isang pumapatak ang luha na naipon. Dahan-dahan bumagal ang pag ikot namin. Unti-unti kong niluwagan ang higpit ng pagkapit sa kamay niya. Umalis ako sa ibabaw niya. Tinanggal ko ang magkadikit namin kamay tsaka umupo sa side niya sabay kinuha ang comforter para takpan siya.
" sorry " -isang salitang lumabas sa bibig ko na hindi ko madalas bigkasin dahil sa ego ko. Lumaki akong hindi marunong mag-sorry dahil may motto ko na what's the sense of law kung idadaan lahat sa sorry. But she deserve my appologized and i mean it.
" 10? 11 ? 12years to be exact, Big word for you na sabihin mong sorry . Alam mo ba na ang tanga ko kasi niloko kita...,everysecond of my life i asked myself kung bakit, paano...... When rave courted me para akong isang prinsesa na laging may flowers at may factory ng ferrero everytime na may game sila, ang sweet nga niya. Kaya sinong hindi mahuhulog sa tactics niya ? Binitawan ko pangarap natin na titira sa isang condo with yaya habang pumupunta ka sa mga gigs, events and ibat ibang tour mo.
Hindi ako naniwala sa dreams mo na magagawa mo kasi tamad ka. Kahit magpractice ayaw mo, tamad kang mag audition kahit may boses at itchura ka. Nahihiya ka kasi... Possible maungkat ang family backround mo.Tamad kang pumunta sa guitar lessons and voice lessons mo. Mas gusto mo na magkasama tayo lagi.
Mas gusto mong humiga sa lap ko habang sabay tayong nangangarap kung anong kulay ng condo , ng kotse mo at ng kotse ko. Tapos sabi mo pa nga magpapaturo ka kay yaya magluto para pag gigising ako may pagkain na sa lamesa. Magsasama tayo ng matagal, tapos pag nakaipon bibili tayo ng bahay malapit sa disneyland para sabay tayong sasakay sa mga rides na kapit kamay. Pero kahit sa star city hindi tayo nakapunta, kahit nga sa perya hindi e.
Kasi pareho tayong wala that time, umaasa ka sa padala ni tita, habang ako self supported , buti na lang nauso ang cheering squad kaya wala na kong iniisip na tuition. Natupad ko pangarap ko na magshopping, bilin ang gusto . Tsaka, tsaka magtravel pero bakit everytime na nasa ibang lugar ako, ikaw pumapasok sa isip ko? Hindi nauubusan ng Sana.... Sana nasa tabi kita ,na sabay natin tinutupad ang pangarap natin. -Huminga siyang malalim at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa magkabila niyang mata. Wala na kong panghihinayang na naramdaman. Tinanggap ko ng hindi talaga kami para sa isat-isa. Masyado ng madaming nangyari, sa tuwing makakaramdam kami ng init ng katawan. Hindi nawawala sa isip kong magtanong kung sino ang huling dinampian ng labi niya. Kung sino ang huling niyakap niya. Bumaba na ang tingin ko sakanya, nawala na ang respect at nawala na din yung sobrang lalim na pagmamahal na naramdaman ko sakanya noong bago pa lang kami.
Hinawakan ko siya sa kaliwang pisngi sabay niyakap. Mahinang tinapik sa balikat.
" oucchh" - reklamo niya tsaka umalis sa pagkakayakap ko. Tumingin ako sa mata niya na takang taka sabay pinunasan ang mga luha na nagkalat sa pisngi niya.
" bakit ?" - tanong ko , umiling siya sabay humiga at nagtaklob ng comforter. Binuksan ko ang ilaw para makita ang dahilan ng pag-aray niya.
May malaking kissmark siya sa left part ng leeg niya. May dalawang maliit na sugat na parang paso ng sigarilyo sa right arm niya. Lumabas ako ng kwarto para kunin ang medicine kit and magpatulong kay yaya. Naawa ko sa itchura ni sab na may malaking pasa sa hips at arm niya. Pinakita niya din yung dalawang kissmark sa upper boob niya na natatakpan ng shirt kong pinahiram ni yaya.
Next .