Prologue
The Ongs'
"Gee" narinig kong tawag ng kuya ko na si Gian.
"Yes kuya?" taka ko siyang tinignan kasi kapag tinatawag niya ako gamit ang initials namin ay may nararamdaman akong mali.
"Eh kasi Gab,si Riella tumakas nanaman daw.Actually di ko nga dapat sasabihin sayo ito dahil baka suntukin mo nanaman yung jowa niya."
Taka ko siyang tinignan.Ano naman ngayon kung masaktan ko nanaman yung boyfriend ng kapatid ko? siya naman lagi ang dahilan kung bakit nagpaparty ang aming bunso na si Gabriella.
Hinila ko agad si kuya para makasakay kami sa kanyang puting BMW.
"Gab ako na mag dadrive" sabi niya nang makapasok ako sa drivers seat.
Tinignan ko siya ng masama. "Just get in Kuya Gian."
Tinitigan niya lang ako.Kahit hindi ako nakaharap sa kaniya ay nararamdaman kong nakatingin siya saakin.
"Oh c'mon Gian Carl Ong get in or i'll leave you here."Galit kong sabi ngunit hindi siya nagpatinag at nagulat na lamang ako na bigla niyang inabot saakin ang susi ng sasakyan ni Daddy.
"You will drive Dad's car Gabrielle Christian ONG."Nagulat ako dahil sa pagdidiin niya sa aming last name.
Wala akong nagawa kundi sumakay sa Ford ni Daddy.Wala akong alam sa pinaplano ni kuya Gian ni-hindi ko nga alam kung saang bar nagpunta si Riella kaya ipinauna ko ang sasakyan niya.
Hindi ako pinapayagan mag drive ng sasakyan dahil im just 17 and kuya is 23 while Riella is just 16.
Yeah Gabriella Chloe Ong is just 16 but she almost got kicked out of our school just because her boyfriend didn't take her to her classroom.Childish right?
My mom is a doctor while my dad is a lawyer. Sometimes Daddy is at home but most of the time he is with mom.
Nang makarating kami sa lihim na bar ay agad bumaba si kuya Gian upang halughugin ang buong bar samantalang ako ay pahirapan sa pagpark dahil walang masyadong parking doon dahil lihim na bar nga lang iyon.
Nang makita ko si kuya na akay akay si Riella ay bumalik na kami kaagad sa bahay.Nagtataka padin ako kung bakit sa sasakyan ako ni Daddy pinasakay ni kuya.
Nang makarating na kami sa Laurenville ay agad kong nilapitan si kuya upang tulungan habang buhat niya si Riella ay tinanong ko siya kung bakit di ninya ako pinasakay sa sasakyan niya.
"Dahil kapag nakita ka ni Riella ay alam kong mag aaway nanaman kayo" Yan ang sabi niya at isinawalang bahala ko na lamang iyon dahil nga baka sabunutan nanaman ako ni Riella.
"Mas mainam na siguro na balaan natin ang guard ng subdivision dito para di makatakas etong si Riella" Sabay turo niya sa pintuan ng kwarto ni Riella.Tamad akong tumango at aalis na sana ngunit tinawag ako ni kuya.
"Gabrielle" Tumindig ang balahibo ko sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Huwag mong susundan si Riella kapag nakatakas siya, tawagan mo muna ako bago mo siya sundan" Tumango na lamang ako dahil napagod ako kahit wala naman akong ginawa kundi humiga maghapon at sundan ang sasakyan ni kuya Gian.