Episode 6 (Chapters' 16-17)

3566 Words
Miss (Chapter Sixteen) "Narinig mo yun Nicole? Ong daw gago." bulong ni Justice sa tenga ko. "Baka ibang Ong yun.Dami daming Ong dito." sabi ko kahit alam ko na magulang yon nila Gab.Hindi naman sa alam ko pero nararamdaman ko na related sila ni Gabrielle. "Ah yes 2 rooms." sabi ni Justice sa front desk. "Sige po sir, paki fill up-an na lang po ito." nakangiti niyang sabi sabay lahad saamin ni Justice ng dalawang papel at ballpen. "Nicole Reina Dela Cruz Fernandez? Kayo po yung kaibigan ni Maam Shan?" tanong ng babae na ikinagulat ko. "Opo ako po yun.May problema ho ba?" dahil nagpapanick na ako. "Ay hindi ho.Doon na daw po kayo matulog sa suite ni Maam.Tawagan ko na lang po muna yung secretary niya" sabi niya sabay kuha sa telepono. "Mag isa ka sa suite mo Jus.Sana ay wala kang gawing di kanais nais." "Hey" suway niya sa sinabi ko. "Maam Nicole,paki-wait na lang po dito yung secretary ni Maam Shan." sabi niya sabay ngiti. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.Nakita kong tumatawag si Shan.Agad akong napangiti at agad na sinagot ang tawag. "Bes! I can't believe you're in Cebu na! OMG and sa hotel ko pa!" sabi niya sabay tawa. "What did you say? Hotel mo? Hotel mo na to Shan?" tanong ko dahil na eexcite na ako. "Yeah. I got a call from dad yesterday-" "Tagalog Shan.TAGALOG" sabi ko sabay tawa. "Okay, Tumawag si dad kahapon.Sabi niya nakapangalan na daw saakin tong hotel dahil nakita niya yung mga ginagawa ko dito sa hotel.He is very proud of me." sabi niya. "Hala Shan nakaka proud ka!" sabi ko sabay palakpak pa kunwari. "Yeah, inatasan ko yung secretary ko na mamuno muna dito sa hotel ngayong araw dahil aalis tayong dalawa beshieee" sabi niya. "Tayo lang? kasama ko si Justice eh" sabay tingin kay Justice na ngayon ay nakatingin saakin dahil narinig niya yung pangalan niya. "Don't worry my brother is going here naman.Sabi ko dito lang sila sa beach,well tayo din naman dito lang din sa beach pero malayo sakanila.Siguro sa hapunan na tayo magsasama sama." sabi niya. Nakita kong may babaeng pormal na pormal ang suot at may nakalagay sa tag na secretary. "Shan eto na ata yung secretary mo.Sige bye iloveyou. Abangan mo ako sa suite mo ah." sabi ko sabay halakhak. "Oo eto na nga ako sa pintuan eh" tumawa siya. "Maam, Sir. I am Fiona Gutierrez. Ako po yung secretary ni Maam Shan.Sundan niyo lang po ako para makapunta tayo sa suite niya and Sir Justice Claye, pakisundan na lang po yung body guard ni Maam Shan" sabay turo niya sa isang lalaking pormal na pormal din ang suot. "siya po ang maghahatid saiyo sa suite niyo po." sabi niya sabay ngiti. "Ay yan na ba si Fiona? Pakibigay nga yung phone mo sakaniya." narinig kong sabi ni Shan. "Uhm ate, tawag po kayo ni Shan." sabay lahad ko sa phone ko. "Yes po? Opo maam.Nandito nadin po.Paakyat na po kami.Sige po maam." sabi niya sabay bigay sa phone ko. "Tara na po maam Nicole.Mukhang excited na po si Maam Shan.Ngayon lang po siya nagkaroon ng bisita dito sa hotel" kwento niya saakin.Tumango na lang ako at sinundan siya. "Justice text na lang kita mamaya or ikaw na mag text kapag magkasama na kayo ni Shaq." sabi ko sa pinsan kong tulala sa phone. "Huy, bakit? Bakit tulala ka sa phone mo?" tanong ko. "Ah wala. Oo sige kilala naman ako ni Shaq.Gege Nicole akyat na kayo." sabi niya sabay paalam. "Anong floor po ba yung suite ni Shan?" tanong ko sa secretary niya. "Maam pang 19th floor po.Ayaw niya po sa 20th floor eh.Maingay daw po kasi yung mga nagpaparty sa pool area kaya nagpalipat ng room si Maam." sabi niya habang nakangiti.Pumasok na kami sa elevator at pinindot niya ang number 19.Habang nagiintay ay inopen ko muna yung f*******: ko at nakita kong inadd ako ng mga Ong sa sss. Gabrielle Christian Ong added you as a friend. (Feb 25) Gabriella Chloe Ong added you as a friend. (14 hours ago) Gian Carl Ong added you as a friend. (13 hours ago) Isa isa ko silang inaccept.Una kong inaccept si Riella sumunod si Kuya Gian at panghuli si Gab.Bago ko iaccept si Gab ay inistalk ko muna siya.Naka public lahat ng post niya kaya nakikita ko lahat ng post.Nakita ko ding mutual sila ni Angel. Nagscroll ako pababa sa feed niya.Nakita ko ang mga highlights niya.Nakita kong may isang babae na nakatalikod habang dala dala ang maletang brown at maroon.Nung una isinawalang bahala ko lang yon ngunit ng tignan ko ang susunod na highlights ay nakita ko ang picture naming dalawa.Nagpicture kami nung kakauwi ko lang galing kila Justice.Araw din ng dating ko sa pinas galing Spain. "Nicole, are you okay with your look?" tanong niya na ikinabigla ko. "Oo naman Gab, bakit?" sabi ko sakaniya. Nakita kong inilabas niya yung Phone niya at inopen ang camera. "Please smile.Don't worry saakin ko lang to ikekeep.Ayokong may karibal ako" sabi niya sabay tawa. "Okay" sabi ko na lang tsaka ngumiti. Nang maka limang picture kami ay sabi niya isa pa daw pero sa harap naman ng mirror.May malaking mirror sa kwarto ko kaya doon na lang kami nag mirror shot. "One .... two... three" sabi niya sabay click sa camera. "Thank you Nicole." sabi niya sabay labas ng kwarto ko. Dalawang picture lang ang nasa highlights niya.Picture ko habang nakatalikod at picture naming dalawa. Nang matapos kong tignan ang mga highlights niya ay nakita ko ang isang post ng lalaki na nasa 30's na.Naka tag yung tatlong Ong.Nakita kong nilike ito ni Justice. 2 days ago yung post nung lalaki.Pagkatapos kong tignan yung pictures na puro group photo ay inaccept ko na si Gabrielle.Nakita kong may story siya. Picture ng window seat ng eroplano habang ang nasa labas ng bintana ay puro ulap.Ang sumunod na story ay text lang at walang picture. "She thought na makakaalis siya without me knowing? akala niya lang yon.I have my ways N" yan ang nakalagay sa story niya. Inistalk ko ulit siya at nakita kong friend niya ang lahat ng pinsan ko.Akala ko ay si Angel lang mutual niya pero hindi.Lahat ng Fernandez ay friend niya. Nagscroll ulit ako at nakita ko ulit yung post ng lalaki.Pinindot ko yung profile ng lalaki at nagulat ako sa nakita ko. "Francis Ong" yan ang pangalan ng lalaki.Nag scroll ako at nakita ko ang status niya. "Married with Marie Ong" Sasakyan ang profile ng Francis Ong kaya naisipan ko na iistalk yung asawa niya.Nagulat ako nang makita kong nanay yon ni Gab.Yung nanay ni Gab yung nakakita saamin ni Justice nag haharutan.Magulang ni Gabrielle ang isa sa naka check in dito sa hotel ni Shan. Yun kaya yung dahilan kung bakit titig na titig si Justice sa cellphone niya kanina? That b***h talaga kahilig mag sikreto. Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na kami. "Wala pong masyadong nag roroom dito dahil masyado daw pong mataas kaya minsan ay walang kapitbahay dito si Maam Shan." sabi niya saakin.Huminto kami sa isang pintuan. Sa pintuan ay may nakapaskil na "Owner" at sa ibaba ng owner ay ang pangalanan ni Shan.Nakakaproud siya. "Katok na po kayo maam, hindi ko po kayo iiwan dito hanggat di pa po kayo pinag bubuksan ni maam Shan." sana all hindi nangiiwan. Kumatok ako ngunit walang sumagot.Kumatok ulit ako, still no response. Kumatok ako for the third time at wala padin sumasagot.Aakmang tatawagan ko si Shan nang may yumakap sa likod ko. Nakita kong si Shan yun. "Shan" "Nic" sabay naming sabi dahilan kung bakit natawa si miss Fiona. "Thanks Fiona.Pwede ka nang mamahala.Aalis na kami ni Nicole." sabi niya sa secretary niya tsaka ako hinila sa loob ng suite niya. Ang laki ng suite niya.Yung condo ko sa Manila ay kasing laki lang ng suite ni Shan.May sala,dining table na bilog, kusina, dalawang kwarto, isang cr tsaka balcony.Nakakaproud si Shan. Habang iniisip ko ang pag angat ni Shan ay bigla akong naluha.Nakita kong nag panick si Shan, agad siyang lumapit saakin. "Nicole, b***h bakit?" hiyaw niya saakin. "Nakikita ko na ang pag angat mo Shan," niyakap ko siya "Habang paangat ka, bumabagsak ako.Umaangat ka physically at emotionally.Ako? hindi pa nga physically umaangat pero kahit ganon ay bagsak na bagsak ako emotionally." sabi ko sabay iyak sa balikat niya.Fuck,I miss Shan.I miss everything about her.I miss her voice.I miss her face.I miss her being my sister. "Namiss kita Shan.Bagsak na bagsak ako.Akala ko kaya ko nang walang Shan na tutulong magpatayo saakin pag nadapa ako.Akala ko independent ako.Akala ko magkakaroon ako ng temporary na kaibigan sa Spain.Pero wala eh.Walang Shan na tutulong saakin kapag nadapa ako.Tinatawanan lang nila ako kapag down na down na ako." gusto ko pa sanang umiyak sa balikat niya ngunit tumayo na ako. Nakita kong nakangiti siya ngunit tumutulo ang luha. "I can't believe na ganyan ang iniisip mo sa tuwing wala ako.Sa almost a year nating di pagkikita Nicole.Akala ko napipilitan ka lang saakin.Once a week lang kasi tayo mag usap nung nasa Spain ka.Kaya ko naman mag puyat Nicole as long as ikaw ang dahilan pero kasi naisip ko na busy ka din dahil pangarap mong maging lawyer at alam kong mahirap yon.Forget it.Ayokong mag iyakan tayo ngayon dito.Lets have some fun.Get dress and maglalakad tayo sa shore ngayon." sabi niya habang nagpupunas ng luha. "Hindi pa kami kumakain ni Justice" sabat ko sabay tawa. "Oh perfect timing.Hindi padin kami nag aagahan." sabi niya.Nagulat ako dahil sabi niya ay "kami" sinong kami yon? Sila ni Shaq? mamayang 11 am pa dating ni Shaq at 6 am palang.Sino ang makakasama naming kumain? Rant (Chapter Seventeen) Pumasok ako sa kwarto ni Shan para magpalit ng damit.Nakita ko ang lahat ng gamit niya sa loob ng kwarto niya.White and brown ang kulay ng kwarto niya.May mga fake plants,mga greek myth theme na flower vase, mirror at mga lalagyanan ng make up.Nakakatuwa dahil hindi ganito ka productive si Shan noong nagkakilala kami sa Spain.Well uhm bata pa kami noon. "Huy tara saamin Nicole mamaya." anyaya ni Shan pagkatapos ng klase namin. "Hindi ako papayagan,bakit kasi ngayon ka lang nag yaya Shan?" tanong ko sakaniya. "Papasabi ko na lang kay mommy na tawagan na lang mom mo para happy" sabi niya habang nakangiti.Hinila niya ako palabas ng gate.Pagkalabas namin ng gate ay nakita kong nandoon na yung sasakyan nila. Umalis na kami school at nakarating na agad kila Shan. "Nicole I wanna show you something.I made it like 3 days ago dapat nga ay dadalhin ko to sa school baka icompiscate lang ng mga teachers doon kaya eto" sabay labas niya sa isang box. Sa loob ng box ay mayroong mini doll house.Ang cute cute ni Shan habang nakangiti siyang nakatingin saakin. "Esto es lindo, puedo ver tu habitación?(this is cute,can I see your bedroom?)" tanong ko at agad siyang ngumiti at tumayo. "Si, sigueme (yes, follow me)" tumayo na kami at hinila niya ako papunta sa kwarto niya. Malinis ang kwarto niya.Nga lang ay kulay pink ang lahat ng gamit. "Ano yung mga yon?" tanong ko sakaniya. "Wag mo na lang pansinin yon hehe" sabi niya sabay sinop sa mga kolorete na nakakalat sa sahig. "Nagmamake up kana? eh ambata pa natin Shan" "Solo lo probé (I just tried it)" sabi niya sabay ngiti saakin. "Pero kung gusto mo ngang mag make up, dapat maayos ang lalagyanan mo para hindi agad masira." sabi ko sakaniya at tinulungan ko siya sa pag aayos. "Nag grow ka na talaga Shan." sabi ko sabay kuha ng isang floral yellow dress at pumasok na sa cr ni Shan para mag bihis. Lumabas ako ng kwarto niya at nakita kong nagpupunas siya ng mga frame.Mahilig mag print ng mga picture si Shan.Aniya'y isa daw iyong memory kaya pati ako ay nahilig nang mag picture at idinidisplay sa condo. "Huy Nicole look at this" lumapit ako sakaniya. Nakita kong picture namin yon last year. "Grabe ang tangkad mo talaga Nicole.Lalo na ngayon, lumaki ka pa." humarap siya saakin. "Wow you're wearing a girl thing ngayon" sabay tawa niya. "Kanina ay hindi ka daw nakilala ng front desk dahil balot na balot ka daw.Celebrity ka Nicole?" tumawa kami at narinig kong may kumakatok sa pintuan niya. Pumunta ako sa pintuan para buksan ang pinto. Nagulat ako nang makita ko si Gabrielle at Kuya Gian sa harapan ko.Parehas silang nabigla, nagulat at nalaglag ang panga. "Nicole?" ani ni Kuya Gian. "Anong ginagawa niyo dito-" Niyakap agad ako ni Gabrielle.Nakita kong umatras ng kaunti ang kuya ni Gabrielle. "Gabrielle? Nicole? magkakilala kayo-ohh siya yung Gab na sinabi mo saakin nung nakaraang araw.Ohmy Nicole ang liit ng mundo.Pinsan ko si Gabrielle. Second degree cousin" aniya sabay yakap din saakin. "Kuya sali ka na" anyaya ni Shan.Umiiling na lumapit si Kuya Gian saamin at nakiyakap na din. Narinig kong humikbi si Gabrielle. "Gab? Huy bakit ka umiiyak" tanong ko at agad niyang iniangat ang ulo niya. "I thought you're a sleep in your room..... sa condo mo.Nagiwan ako ng letter sa tapat ng pintuan mo.Kaya nang makarating kami sa airport ay panay ang tingin ko sa cellphone ko.Hanggang kanina, bago kami pumunta dito sa harap ng suite ni Shan.Alam ko kasing maaga kang gumigising kaya nag expect ako na makakarecieve ako ng reply galing sayo...pero wow nagkita tayo dito." sabi niya sabay punas sa luha niya. "Im sorry kung iniwanan kita mag isa sa condo ko kagabi.....I mean kaninang madaling araw." nahihiya kong sabi. "No, don't be sorry.Nang pumasok ka sa kwarto mo ay umalis din ako kaagad dahil sabi ni kuya ay mag babakasyon daw mga parents namin dito kaya sumama kami." nagpunas siya ng luha. "Bumalik lang ako kaninang 2 am para magiwan ng letter sa pintuan ng kwarto mo" "Magiiyakan lang ba tayo dito? Tara na kayang mag breakfast." lumingon si Shan kay Gab. "Bawal kang sumama saamin ni Nicole mamaya.May mga macho dancers kaming pupuntahan mamaya" tumawa si Shan sabay hatak saakin palabas ng suite niya. "Bakit hindi mo saakin sinabi na pinsan mo si Gabrielle?" "Para may thrill yung love story niyo" tumawa siya. "Syempre joke lang.Hindi ko din alam na magkakilala kayo." "Si Justice sunduin muna natin" sabay hila sakaniya. "Nasa shore na si Justice, alam niya atang nandito sila Gabrielle-" "That bitch.He will pay." bulong ko at may naisip akong plano. "Hey Shan" lumapit ako sakaniya para bumulong. "May gusto si Justice kay Gabriella, can you help me set up a dinner mamaya sa shore?" tanong ko sakaniya. "Uhh-sige-sure sure" aniya. Medyo nagpanick ako dahil parang nagulat si Shan sa request ko. "Uhm wag na lang siguro" bawi ko sakaniya habang pasakay sa elevator. "No its fine.Uhm kayo ni Gabrielle? Hindi kayo aalis? or date?" aniya. "Uhm may sasabihin din pala ako sayo mamaya." sabi ko sakaniya. "Bakit mamaya pa Nicole, napaka pabitin mo naman" aniya sabay harap saakin. "Uhm gusto ko ikaw lang makaalam ng dahilan kung bakit nandito ako.Well alam ni Justice pero gusto kong kayong dalawa lang ang nakakaalam ng dahilan." sabi ko sabay pitik sa noo niya.Humawak siya sa noo niya at hindi na nagsalita. Sumakay kami sa elevator at inintay makarating sa ground floor. "Ohmygod,iniwan natin sila Kuya Gian sa taas." nagpapanick niyang sabi. "Hala hala hala hala.I need to say sorry." sabi niya. "Hala oo nga noh.Mag sorry na lang tayo pag nakita natin sila." yan lang ang nasabi ko. Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami.Lumabas ako habang si Shan ay mabagal na naglalakad.Hinila ko agad siya dahilan para madulas siya. "Tagal mo Shan, nagugutom na ako." reklamo ko sakaniya. "Eh kasi sila kuya Gian-" "Anong kami Shan?" narinig ko ang boses ni Kuya Gian sa likod ko.Sa likod niya ay si Gabrielle at sa tabi ni Gabrielle ay si Gabriella.Lumapit ako kay Gabriella. "Kuya kasi, akala ko naiwan kayo sa taas-" "Oo ate Shan, naiwan sila sa harap ng suite mo kanina" she chuckled. "Nag stairs sila para sunduin ako sa room namin.Sa 18th floor lang naman kami kaya nag stairs sila. Sabay sabay na kaming nag elevator." she then smiled. "Sorry kuya sorry.Sorry Gab" she apologized. Tumawa ang tatlo at si Shan ay namula. "Ano ba yan, wag niyo akong pagtawanan.Baka nakalimutan niyong ako may ari ng hotel na to?" "Tara na nga at kumain Shan" hinila ko na siya habang tumatawa. "Grabe nakakahiya kaya yun. Feeling ko tuloy wala akong role dito sa hotel." aniya habang ako ay tumatawa padin. "Stop laughing Nicole" bumilis ang lakad niya. "Hey" narinig kong sabi ni Justice. "Justi-Justice" nauutal na sabi ni Shan. Oh God.This is awkward. "Uhm yes Shan?" tanong niya. "May kailangan ka? Pupuntahan ko na kasi sila Gabriella.Kakain na kasi" sabi niya sabay tingin saakin. "Abay bakit sakin ka nakatingin?" umiling siya habang umaalis.Tumalikod ako at nakita ko si Justice na ngiting ngiti na sinasalubong si Gabriella. Wala ang dalawang Ong.Lumapit ako kay Shan para makapunta na kami sa table. "Huy Shan.Bakit tulala ka?" bigla siyang natulala kanina nung nakita niyang nilapitan ni Justice si Riella. "Mamaya na ako mag ra-rant.I know na mag rarant kadin.We will spend our day sa shore ngayon,mamayang lunch na lang tayo magpunta sa bahay ng lola ko." sabi niya habang nakangiti. "Well okay.Its okay if we swim today? Alam kong ngayong araw ka lang free dahil kinabukasan ay mag tatrabaho ka na" sabi ko habang paupo kami sa table. "Yeak I know, ayokong ma disappoint si daddy.So tara na at kumain? Mauna na tayong kumain para after neto punta tayo sa cottage na malapit sa shore." ngumiti siya saakin pero malungkot at pagod ang mata niya. Nagpahanda si Shan ng mga seafoods.Aniyay chef daw sa restaurant ng hotel niya ang anak ng pinakamagaling na chef sa manila.May naririnig akong foots steps sa bandang likod ko,lumingon ako at nakita ko si Gabrielle kasama ang mom at dad niya.Nakita ko din na papalapit si Gabriella kasama si Justice...... at... nakahawak ang kamay ni Justice sa bewang ni Riella? What? "Goodmorning po" bati ko sa mga kakadating lang. Ngumiti si Shan saakin.Nakita kong nangiti ang mom ni Gabrielle. "Pasensya ka na nga pala Nicole dahil sa inasal ko kanina sayo.Akala ko talaga ay hindi kayo related ng pinsan mong iyon" sabay turo niya kay Justice at Riella na nag tatawanan. "Hindi ko alam na manliligaw pala ng anak ko iyong pinsan mo." ngumiti siya at binalik ang tingin saakin. Manliligaw? Hindi ba at may boyfriend itong si Riella? Sumilip ako kay Gabrielle para manghingi ng sagot ngunit pati siya ay nabigla.Lumingon ako sa kuya ni Gab at nakita kong wala siyang pakealam.Si Gabrielle lang ang may alam na may boyfriend si Riella? Nang matapos kaming kumain ni Shan ay nag desisyon kaming bumalik sa suite niya para kumuha ng isang balanggot at salamin. "Okay ka lang Shan? you seemed so stress.Kaaga aga oh" sabi ko habang palabas kami ng elevator papunta sa suite niya. "I-I didn't know na-nanliligaw si Justice kay Gabriella.Wala akong alam Nicole." tumingin siya saakin at nakita kong nanggigilid ang luha niya. "Nong sinabi mo saaking may gusto si Justice kay Riella ay isinawalang bahala ko iyon, dahil alam kong torpe si Justice....pero nagkamali ako." Tumulo na ang luha niya. "Huy wag kang umiyak Shan.Nakakapang hina Shan Mariel.Hindi ko din alam na nanliligaw si Justice kay Riella.Kanina ko lang din nalaman nung sinabi ng mom niya saakin.Ang alam ko kasi ay may boyfriend si Riella sa Manila-" "I knew it.One time nagkaroon kami ng meeting sa Manila kasama ang may ari ng isang hotel sa Spain.Pauwi na ako nang nakita ko si Riella, akala ko pa nga ay mag isa siya.Lalapit sana ako kaso nakita kong may humalik sakaniyang lalaki.Naka uniform pa ang lalaki Nicole eh.Never kong inisip na..... na" Hindi niya na maituloy ay sasabihin niya, agad bumuhos ang mga luha niya.Hinila ko siya papasok sa suite niya at kumuha ng tubig sa kitchen. "You wanna talk about it?" Tanong ko sakaniya. "Yes.I wanna freshen up too" bahagya siyang tumawa "Kaso thats imposible.Too damn imposible. Busy ako sa work at paano ako makakapag freshen up kung nandito yung dahilan ng pagiging mahina ko?" umiyak siya.Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. "You wanna know kung bakit sinama ko si Justice?" agad siyang nag angat ng tingin. "What?" habang nagpupunas ng luha. "Because I wanna see you two be together.Gusto kong habang ginagawa niyo ang sarili niyong istorya ay nandoon ako, laging nakaabang sa susunod na kabanata" ngumiti ako sakaniya. "Sinabi ko yan kay kuya nathan.Frustate na frustate na ako.Pagkauwi ko palang ng Manila ay ang dami nang bumungad na hindi kanais nais saakin Shan." "Tell me about it.Nandito naman na ako" ngumiti siya, ngumiti ako pabalik. "Well uhm yung dahilan na lang ng biglaan kong pagpunta sayo ngayon.Dahil yun kay Gabrielle-" "What the f**k?" putol niya sa sasabihin ko. "Aish, may koneksyon si Gabrielle at Angel.Si Angel Patricia,Shan.Pinsan ko." "Oh tapos?" mukhang wala siyang pakealam dahil hindi niya kilala si Angel. "Shan naman eh.May nakaraan sila.Ayon sa nasaksihan ko nung naguusap sila sa labas ng condo ko ay mukhang may nakaraan sila.Hindi niya ginagalang si Gab noong naghihiyawan sila.Ang sabi pa nga ni Gab ay " Hindi mo ako pag aari" tsaka "Matagal na kitang nireject"." kwento ko sakaniya. "That bitch.He will pay,but the question here is may gusto ka ba kay Gabrielle?" tanong ni Shan saakin. "Wala" simple kong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD