Chapter Ten
Naglalakad ako ngayon sa labas ng condo ko.Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.Kapag pumunta ako sa bahay ni kuya ay magtataka ang kapatid ni Gab.Speaking of Gab.Fuck nalimutan ko na may sasakyan siya.Baka habulin ako.Agad akong pumara ng taxi at napag desisyunan na pumunta na lang sa bahay ni Justice.Habang pasakay ako ng taxi ay napaisip ako sa nasa utak ko kanina...ako?hahabulin ni Gab? wow okay.
"Kuya sa Elle de Villa po." lumingon muna ako sa mga gilid gilid bago mag abot ng bayad. "Kuya pwede pakibilisan po?" tumango naman ang driver at binilisan nga ni kuya.
Nang makarating ako doon ay agad kong hinanap si Justice at nakita ko siya sa movie room.Nanonood ng pinapanood nila kanina ni Riella sa unit ko.
"Pst! Justice!" tawag ko sa kaniya na ikinagulat niya.
"What are you doing here? are you supposed to be with the Ongs' right now?"
"Tagalog JC! TA.GA.LOG. Magtagalog ka jusko"
"Oh eh bat ka nga nandito?"
"Nainis lang ako kasi nandoon si Angel.Umiiyak nang makita namin ni Gab."
"What? What did you do?"
Sinabi ko sakaniya ang lahat ng nangyari sa condo ko.Nagdalawang isip pa ako kung papaulanan siya ng tanong dahil sabi niya ay ihahatid niya si Angel pauwi at sa part na........gusto daw ako ni Gab?
"What? That's so cool.She deserves it." aniya habang lumalatak ng popcorn habang nakangisi.Agad namang napawi ang ngisi niya nang may narealize siya. "Oh God, yeah I'm sorry. Nainis ako kay Angel kanina eh, hindi ko siya hinatid sakanila.Well uhm hindi ko siya technically hinatid somewhere, hinila ko lang siya sa baba ng condo mo after non I dont know what happened agad kong pinaharurot ang sasakyan ko paalis don." Aniya habang nakatingin saakin.
"Uh-huh anyway, I want you to do me a favor Justice.Samahan mo ako.Aalis ako.Babakasyon muna ako sa Cebu ng tatlong araw.Malapit na kasi ang finals sa Spain kaya ayon. Sa May pa ang balik ko Justice." seryoso kong sabi sakaniya.
"Sino pupuntahan mo sa Ceb-ah yeah si Shan." sabi niya sabay lapag ng popcorn sa lamesa. "Hahatid na lang kita sa airport, ayokong sumama sayo dahil di nanaman ako tatantanan ng kaibigan mo."
"Sasabihin ko to sa parents ko pero di ko sasabihin kay kuya. Tsaka sa mga pinsan natin."
"Huh? Tatakas ka Nicole?"
"Gusto ko ngang isama si ate Drea eh, kaso kasi baka sumunod si Angel."
"Bat naman susunod yun?"
"Dahil may feeling ako na susunod din si Gab."
"Woah grabe ang cheesy non pero okay.Paano ka magiimpake niyan? Eh may tao sa condo mo?"
"Punta ka na lang don.Check mo kung may tao doon.Kung meron man ay paalisin mo muna, sabihin mo may mag lilinis doon at ikaw ang inutusan ko."
"Paano naman kapag hindi umalis yung mga tao doon?"
"Kaya mo na yan JC-"
"Hey don't call me JC"
"Mmhm okay fine.Gawin mo na yung pinapagawa ko.Tumawag ka kapag sasabihin mo na sakanila yon.-"
"Sasabihin ang alin Nicole?" Nagulat kami dahil biglang sumulpot si Gabrielle.Paano niya nalaman na nandito ako?
At tsaka, kanina pa kami nag dadaldalan ni Justice dito wow.Hindi ko namalayan na mag aalas sais na.Masiyado akong na carried away sa pagkukwento ko tungkol kay Angel.
Kailangan ko na palang tumakbo dahil awkward na ang moment.
Tigilan
(Chapter Eleven)
Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.Ang hilahin si Justice palabas ng movie room o tanungin si Gabrielle kung ano ginagawa niya dito.I dont like things in between kaya I decided to go outside.Papadilim na din kaya napagdesisyunan kong sa madilim na parte ng bahay nila ako magtago.Sa backyard nila Justice, walang masiyadong ilaw dito dahil hindi pa tapos iparenovate ang bahay nila Justice.
Nakita kong papalapit ang dalawa sa backyard kaya agad akong pumunta sa likod ng mga hollowblocks.Hindi ko alam na madaming bulaklak sa likod ng mga hollowblocks na ito.Allergic ako sa mga bulaklak! Pinipigilan ko ang aking pagbahing at baka marinig nila ako.Wala na akong takas.Masikip dito sa pinagtataguan ko at mababahing na ako dahil may mga puting bulaklak sa gilid at likod ko.
May narinig akong papalapit sa gawi ko kaya talagang kinabahan ako lalo.Papalakas ng papalakas ang hakbang hudyat na malapit lang ang tao dito sa paligid ko.
Nagulat ako nang makita ko si Angelo.Lumapit siya sa gilid ng mga hollowblocks tsaka may tinawagan sa cellphone.Hindi ko marinig ng maayos ang usapan nila kahit malapit na malapit lang si Angelo saakin, pinipigilan kong bumahing dahil sa oras na bumahing ako tapos na ang laro.
Binaba ni Angelo ang kaniyang telepono at aakmang aalis ngunit napatiantod ako.Oh f**k, what a life.Nadulas ako pahiga sa damuhang parte ng hollowblocks.Nakita ako ni Angelo na nandoon kaya sinenyasan ko siya na huwag maingay. "Shh, Just stay there, I'll explain everything later." Sabay silip sa maliit na butas ng hollowblocks.
"Tell me kapag umalis na sila Justice or lumayo layo dito sa likod" Sabi ko habang hawak hawak padin ang ilong ko.Matagal tagal siyang tumango dahil nagdadalawang isip pa atang tulungan ako.
Si Angelo yung tipo ng tao na tahimik lang pero may ibubuga kapag nasa mood or lasing.Magugulat ka na lang sa mga masasabi niya kapag nasa mood siya kaso mas nakakagulat ang kaniyang naibubuga kapag lasing siya.One time tumabi siya saakin tsaka bumulong.
"Pst Nicole, I saw Shan with Justice kahapon.Akala ko nga kinikidnap ni Shan si Justice eh pero hindi.Si Justice ang nagpupumilit na ipasok si Shan sa sasakyan niya." Sabay halakhak niya.
Wala namang sinasabi saakin si Shan tungkol sakanila even Justice,mga walang imik.Well pwera lang kanina dahil sa sinabi ni Justice.Alam ko na baliw na baliw ang kaibigan ko kay Justice pero I didn't know na talagang naguusap sila or something.
"Nic, wala na sila. Chinat ko si Justice nandoon siya sa kwarto niya.Nagpasend ako ng proof na nasa kwarto siya para sigurado.Im sorry hindi ko alam kung nasaan si Gab" Sabi niya habang unti unting inilahad yung kamay niya saakin.
Nagtaka ako kung bakit alam niyang si Gabrielle ang isang tao na tinutukoy ko? Oh well, baka nakita niya sa loob ng bahay bago siya pumunta dito sa back yard.
Kinuha ko ang kamay niya tsaka tumayo.Pagkatayong pagkatayo ko ay agad akong bumahing.Tatlong sunod sunod na bahing. Inabot naman ni Angelo ang kaniyang panyo.
Paalis na kami ng backyard nang tanungin ko siya. "Ano ginagawa mo dito kila Justice?" habang binabalik sakaniya yung panyo niya.
"Justice called me kanina, manonood daw kami ng movie kaya nandito ako.Ikaw? Bakit ka nandito? Nandoon pala?" Sabay turo pinagtataguan ko kanina.
"Uhm.." Hindi ako makasagot dahil kapatid niya ang dahilan ng pagpunta ko dito. "None of your business.Can you take me to kuya's house?" Tanong ko sakaniya.
"Pero si Justice?-"
"Drive fast na lang or drop me sa convenience store diyan sa labas ng Elle de Villa." putol ko sakaniya.
"Okay,intayin na lang kita makasakay sa taxi then diretso na ko kila Justice" Sabi niya.
Tumango na lamang ako. Naiilang ako.Hindi ko kasi masabi na kapatid niya ang dahilan ng pagpunta ko kila Justice.Si Angel na may gusto kay Gabrielle.Si Gabrielle..na may gusto.. saakin.
Habang palabas kami ng Elle de Villa ay nakita ko ang sasakyan ng kuya ni Gabrielle.Tinted ang sasakyan nila kaya hindi makita ang nasa loob.Agad akong yumuko para hindi makita kung sino ang kasama ni Angelo sa loob.
"f**k hindi tinted yung sasakyan mo.Ayan sila oh!" sabay turo sa sasakyan ng kuya ni Gabrielle. Nakakagulat pa dahil huminto ito sa gilid namin. "b***h ka Angelo, bakit kasi hindi niyo ipatinted sasakyan mo?!" hiyaw ko pabalik dahil alam kong sa puntong ito ay wala na akong takas.
"Watch your mouth missy, excuse me Gabrielle and your brother came out of that car and... they are coming here. Oh God Nicole" sabi niya pabalik.Inis ko siyang tinitigan at agad bumaba ng sasakyan para akapin si kuya Nathan.
Ngayon ko lang naibuhos lahat ng nararamdaman ko.Agad kong naalala ang kaibigan kong si Shan.Sana nandito siya para sandalan namin ang isa't isa.Sana lagi ko siyang kasama para may magaangat saakin kapag bumaba na ko.Fuck I miss Shan so much.
"Ku-kuya" sabi ko sabay hikbi.
"Lets go Gab" dinig kong sabi ni kuya.Hindi ko alam kung ano dahilan ng pag angat ko ng tingin,dahil kaya sa seryoso niyang tono o sa pagtawag niya sa pangalan ni Gabrielle.
"No Kuya.Doon ako kay Angelo sasakay." malamig kong sabi habang pinupunasan ang luha ko.
"You are coming with me Nicole." sabi ni kuya na ngayon ay natataranta na dahil tuloy tuloy ang tulo ng luha ko.
"No Nathan. She is coming with me. Now lets go Nicole, I will take you home and after that....." huminga siya ng malalim bago dugtungan ang sinabi. "titigilan na kita."
Pagod
(Chapter Twelve)
Gusto kong puntahan si Shan ngayon.Naiiyak ako dahil wala akong kakampi ngayon.Walang Andrea, walang Justice at lalong walang Angel.Fuck! nakakaiyak.
Hindi na ako nagdalawang isip.Pumasok na ako sa sasakyan ni Gabrielle dahil pagod na pagod na ko.Pagod na ko kakatakbo.Pagod na ako kakatago ng nararamdaman ko.I need to freshen up. Isasama ko si Justice sa Cebu.Gusto kong magkamabutihan sila ni Shan sa harap ko para kahit papano ay nandoon ako habang sinusulat nila ang kanilang sariling storya.
"Stop crying Nicole, nanghihina ako." sabi niya habang patuloy padin ang pagtulo ng luha ko kahit hindi naman na ako humihikbi.
Paano kaya kapag isinama ko si Gabrielle sa Cebu, susunod kaya si Angel? What the f**k? Bakit Gabrielle at Angel nanaman. Wala naman akong nararamdaman para kay Gabrielle pero sa tuwing naiisip ko na magkakamabutihan sila ni Angel ay nag iinit ang ulo ko.
I made up a decision.Aalis ako kinabukasan at isasama ko si Justice.Pupunta kami sa Cebu.Kila Shan.
"Can I borrow your phone?" Malamya kong tanong kay Gabrielle.Agad naman niyang kinapa ang bulsa niya habang nagdadrive.
"Here and the password is your birthday." bigla niyang sabi.Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatitig siya saakin, mukhang nagiintay ng reaksyon pero dahil wala ako sa mood magulat or what, tamad kong inopen ang cellphone niya at dinial agad ang number ni Justice.
Nakita ko na inis siyang bumaling sa daan.Sana ay hindi na lang na traffic para hindi niya ako natignan.
"Hello?" boses pagod si Justice.
"Jus it's Nicole, are you free this upcoming week?" Normal kong tanong sakaniya.
"What! Pagkatapos mong makipagtagu taguan yan agad ang ibubungad mo? What the heck Nicole?" Inis niyang tanong.Inis na din ako kaya napabuntong hininga ako at aakmang papatayin ang tawag nang bigla siyang sumagot.
"Yeah im free." sabi niya.
"Meet me tomorrow morning.Like 6 am" matamlay kong sabi.
"Uhm okay, Why are you using Gabrielle's number?" sagot niya tsaka ko binaba ang tawag.
"Anong meron bukas? Tsaka next week?" tanong ni Gabrielle saakin.
God ang tagal pa naming makarating sa condo.Binabagalan talaga ni Gabrielle na mag drive.
"Nothing, I need to freshen up and whenever I wanted to freshen up si Justice ang kasama ko." malamig kong sabi "And can you please make it fast? I'm so tired.Pagbibigyan kita ngayong gabi, doon ka na sa unit matulog its already late" dadag ko pa.
"But Riella and kuya is waiting for me." sabi niya.
"Then let them sleep in my unit- or kuya Gian can sleep in kuya's house while Riella can sleep with you in the other room.Gusto ko lang na may bubungad saakin na tao pagkalabas ko ng kwarto bukas para maramdaman ko na hindi ako nag iisa." sabi ko sakaniya "Call Kuya Nathan, tell him na patulugin niya ang kapatid mo sakanila.Bukas na lang kayo umuwi" dagdag ko pa sabay pikit dahil masakit na yung mga mata ko.
Naalimpungatan na lang ako nang narinig kong sumarado ang pintuan ng kwarto ko.Tinignan ko ang table clock sa ibabaw ng coffee table ko. It's already 10:47 pm. How wonder we got home so late.
Tumayo ako para uminom ng tubig sa kusina. Patay ang ilaw sa lahat ng parte ng condo ko ngayon kaya binuksan ko iyon. Lumapit kaagad ako sa kusina para uminom ng tubig.
Babalik na sana ako sa kwarto nang may narinig akong nag bubulungan sa labas ng condo ko.Lumapit ako para marinig ko ang usapan.
"Oh great, what are you doing here again Gabrielle." Inis na sabi ni Angel kay Gabrielle.
Hindi niya ginalang si Gabrielle.Naguusap sila habang akala nila ay tulog ako.Naiinis siya dahil kasama ko nanaman si Gabrielle.May koneksyon sila?
"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng kung ano ano.Hindi mo ako pagaari Angel.Matagal na kitang nirereject ah.Para kang tangang sunod ng sunod saakin.Sa sobrang pagkatanga mo, kumuha ka ng condo malapit sa unit ni Nicole para lang macheck kung dito ako natutulog.What the f**k. You know what? hindi na ako hihiwalay kay Nicole.From now on, sasama ako sakaniya kahit saan siya pumunta.Kapag umuwi siya ng Spain ay susundan ko siya doon ng palihim." Galit na sabi ni Gabrielle at narinig ko na papasok siya sa loob ng condo ko kaya agad akong tumakbo papalapit sa switch ngunit huli na ang lahat.
"Nicole.." ngumisi siya ngunit ang mga mata niya ay pagod.