1: Angry Emoticon

1172 Words
NICOLE SLAY R. MONTESSORI “Happiest birthday to the sweetest man I’ve ever known,” bati ko sa best friend kong si Kite. Kagigising ko lang. ’Di pa nga ako nakakapagmumog at hilamos. Sinigurado ko lang na agad ko siyang mabati. Mahirap na’t baka magtampo. May pagkamatampuhin pa naman ang kaibigan ko. Si Kite Arc Hidalgo, o mas kilala sa palayaw na Kite. He had been my best friend since we were young. Malapit ang pamilya niya sa pamilya ko dahil sa negosyo. They were business partners. Actually, ninong ko ang ama niya. Magandang lalaki si Kite. Matangkad, maganda ang katawan, makinis ang balat, mabango, matangos ang ilong, may mapungay na mga mata, at malinis tingnan. Bonus na lang na matalino rin siya. Sa madaling salita, nasa kanya na ang lahat. Karamihan sa mga taong nakakakilala sa amin, gusto kaming dalawa para sa isa’t isa. Gusto nga akong ipakasal sa kanya pagdating ng tamang panahon. Tutol ako roon dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya. ’Di ko alam kung pareho kami ng nararamdaman sa isa’t isa. Minsan, napapaisip ako na baka gusto niya ako. ’Di naman sa assuming ako, pero ’di kasi siya pumapalag sa gusto ng parents namin. Parang okay lang sa kanya. Pero kung tama man ang kutob kong gusto niya ako, I wouldn’t mind. Normal lang namang humanga sa isang tao. At kahit magkaibigan kami, ’di ako maiilang sa kanya. Basta ako, alam kong kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. “Thank you, Nics. Akala ko nakalimutan mo na ang birthday ko,” aniya. Napangiti ako. ’Di nga ako nagkamali na magtatampo siya. “OA, ha? ’Di ba pwedeng napasarap lang ang tulog ko? Ikaw nga ang inuna ko. You should feel guilty dahil wala pa akong mumog at hilamos...” Mahina siyang tumawa kaya ’di ko napigilang mapangiti rin. Masaya lang ako na napatawa ko siya. “That’s good. Pwede ka bang maagang pumunta rito sa bahay?” “Pwede naman. Sabihan ko lang si Bea para may kasama ako.” “Sige. Aasa ako.” Napangiti ako. “Over naman sa aasa, ha? Tapos ’pag nahuli ako nang very light, magdadrama ka naman.” “Promise, hindi.” “Okay. Sige na at babangon na ako. Bye! Enjoy your day.” ’Di ko na hinintay ang sagot niya at ibinaba ko na ang tawag. Pagkatapos, agad akong bumangon at dumiretso sa banyo. Tinitigan ko ang sarili ko at napanguso nang makitang may isang tagiyawat sa pisngi ko. Malakas ang kutob kong dahil ito sa bago kong sleeping routine. Simula kasi noong pumasok ako sa kumpanya ni Daddy, napadalas na ang pagtulog ko nang madaling-araw. Sa madaling salita, goodbye na sa Disney Princess life ko. Though I understood the situation, especially now that I’m entering a new chapter of my adult life. Pagkatapos kong maghilamos, agad akong lumabas. Tumunog ang phone ko kaya sinilip ko kung sino ang tumatawag. Napakunot ang noo ko nang makitang si Ninong Art na naman. Nakapagtataka lang kung bakit napadalas ang pangungumusta niya sa akin. ’Di naman siya ganoon noon. Siguro naninibago lang ako dahil bago lang din kaming naging ganito kalapit. Simula kasi noong nagtrabaho ako, madalas na siyang bumisita sa kumpanya namin dahil shareholder din doon ang pamilya nila. Mas mayaman sina Ninong Art kaysa sa amin. Malaking tulong sila sa kumpanya namin. Maliban sa may sarili silang negosyo, nakipagsosyo rin sila sa amin. At sigurado akong malaking effort ang ginawa ni Daddy para mangyari iyon. Sinagot ko na ang tawag ni Ninong. Hinintay ko lang na siya ang unang magsalita. Obviously, siya ang may kailangan sa akin. “Nics,” bungad ni Ninong. “Yes, Ninong?” sagot ko. “Agahan ninyo ang pagpunta rito, ha?” Napangiti ako. “Sure, Ninong. Hmm, parang gusto mo naman akong makita agad.” Napatawa siya bago bahagyang tumikhim. “Parang ganoon na nga...” Napanguso ako. ’Di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Pero wala naman sigurong malisya ang sinabi niya. Gusto niya lang akong makita dahil inaanak niya ako. Parang anak na rin ang turing niya sa akin. “Bakit natahimik ang maganda kong inaanak?” “’D-Di, ah. May naalala lang ako.” Muli siyang tumawa, mahina lang. “Sige na at may gagawin pa si Ninong. Nics?” “Yes po?” “Huwag kang masyadong magpaganda.” Tipid akong ngumiti. “Ano’ng magagawa ko? I was born pretty as hell.” “Siyang tunay. Nahihirapan lang kasi si Ninong.” Nagtagpo ang mga kilay ko. “Paanong nahihirapan?” “Naninikip ang pantalon ko.” Malakas siyang tumawa matapos sabihin iyon. “A-Ano?” Napanganga na lang ako. ’Di ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Nalilito ako. Nanikip? Ang pantalon? “Never mind. Nagbibiro lang si Ninong. Sige na at baka may gagawin ka pa.” “Wala naman po.” “Mas mabuti. Pero hindi ba nakaabala si Ninong?” “Actually, ’di naman po.” “Mabuti.” “Parang ang dami mong oras, Ninong. Nasaan ka ba ngayon?” “Nandito sa banyo. Nilulubog ang sarili sa bathtub. Mas maganda sana kung may kasama rito.” Napangiti ako. “Why not humanap ka ng girlfriend? Kung tutuusin, ’di ka naman mukhang matanda...” “Aray ko sa matanda...” Napatawa ako. “Sorry. I was just telling the truth. Pero ’di ka naman talaga mukhang matanda. Para ka lang Kuya ni Kite.” “Talaga? Sino ang mas gwapo?” “Si Lolo Arthur? Sa kanya naman galing ang itsura mo. Thanks to Lolo.” Napatawa siya. “The unbeatable. The vampire. The one and only. Baka Daddy Arthur ko nga iyon.” Napangiti ako. Naalala ko lang kung gaano kagwapo si Lolo Arthur. Sa totoo lang, matanda na siya pero makisig pa rin ang katawan niya. Disiplinado kasi siyang tao, lalo na sa pagkain. Tinatawag nga siyang bampira dahil parang ’di siya tumatanda. Kahit ang porma niya, lakas maka-leading man sa mga palabas. Kaya ’di na ako nagtaka kung bakit marami pa ring babaeng nagkakandarapa sa kanya. Iyong alam mong hindi pera ang habol kundi katawan niya. Ganoong level. “Matutuwa na sana ako kung ako ang isinagot mo, Nics. Pero pagbibigyan kita dahil ama ko pa rin naman iyon.” Muli akong napanguso. Bakit kaya ganito si Ninong? Para lang siyang binata kung makipag-usap sa akin. Maaaring kaibigan na talaga ang turing niya sa akin kaysa inaanak. He was so comfortable around me. “Hmm. Nasaan ka nga po ba ngayon, Ninong?” tanong ko. Iniba ko na lang ang usapan. “Sandali. Buksan mo ang Facegram account mo.” Sinunod ko ang gusto niya. Pagtingin ko sa screen ng phone, nakita ko agad ang pangalan niya na may ipinadalang mensahe. Pagpindot ko— “Jesus!” sigaw ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko, lalo na nang marinig ko ang hagikgik niya. Pinadalhan ba naman ako ng litrato niyang hubo’t hubad habang nakababad sa bathtub. Tinakpan niya lang ng angry emoticon ang private part niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD