Prologue
NAKATITIG AKO SA salamin habang tinitingnan ang sarili. ’Di ko mapigilang mapangiti sa ayos ko. Pakiramdam ko, ako ang pinakamagandang babae ngayong gabi. Ibibigay ko na ito sa sarili ko, lalo pa’t kaarawan ko. Wala namang masama kung puriin ko ang sarili ko, tama ba?
“Ma’am Nicole, bumaba ka na raw po. Naghihintay na sa iyo ang mga magulang mo...”
Napatingin ako sa pinto. Tinawag na ako ng isa sa mga trabahador namin. Malamang, naiinip na ang mga magulang ko sa baba. Ang tagal ko pa naman dito. Ako lang kasi ang nag-ayos sa sarili ko.
Though gusto nila akong paayusan sa iba, but I refused. May tiwala naman ako sa sarili kong kamay. Alam kong kaya kong pagandahin pa ang sarili ko sa special na araw na ito—my birthday.
“Okay po, Manang. Susunod na po ako. Anyway, marami na po bang tao sa labas?” tanong ko.
“Yes, Ma’am. Nandoon na rin si Sir Kite.”
Napangiwi ako. Wala lang. Naiinis lang ako sa katotohanang gusto nila akong ipapakasal sa taong ’di ko gusto.
“Okay...”
Napabuntonghininga ako. Pagtingin ko muli sa salamin, napatingin ako sa dibdib ko. ’Di ko mapigilang mapangiti nang maalala kung paano paglaruan ni Lolo Arthur ang mga u***g ko gamit ang bibig niya.
Napakagat ako sa labi. Kung ’di lang sana kumatok si Kite noong gabing iyon, natuloy na sana ang pinakaaasam kong matikman din si Lolo Arthur—ang ama ng Ninong Art ko—ang secret boyfriend ko.
Wala akong sakit, according to science. Ilang beses na akong nagpunta sa psychiatrist para magpatingin kung may sira ba talaga ako. Sinong ’di mapapatanong na sa dami ng lalaki sa mundo, doon ako nagkagusto sa dalawang biyudo—mag-amang biyudo. May anak naman sana si Ninong Art na malapit ang edad sa akin—best friend ko, pero sa kanya ako nahulog. ’Di lang iyon, pati na rin sa ama niyang si Lolo Arthur.
Napabuntonghininga ako. Kailangan ko nang lumabas at baka nainip na ang mga bisita.
Bago tuluyang lumabas, muli kong pinaliguan ng pabango ang sarili ko. It was a gift from my Ninong Art. Alam niya talaga ang taste ko. Maybe it was his fantasy for me—to have a scent like this perfume. I could say it has a seductive young adult smell.
Pagbukas ko ng pinto, sinalubong agad ako ng instrumental music mula sa mga musician na kinuha ng family ko para sa gabing ito. Napangiti ako sa labis na saya. Para lang akong bumalik sa nakaraan nang mag-debut ako. Now, I’m twenty-three, yet they still treat me like a princess. I couldn’t blame them because I am the only girl among four siblings.
Pagdating ko sa tapat ng hagdan, nakita ko na ang mga bisita. Isa-isa ko silang tiningnan. Ang sarap lang sa pakiramdam na makita ang lahat ng taong mahalaga sa akin.
Nagsimula na akong bumaba ng hagdan nang tawagin ng emcee ang pangalan ko. Pero nang nasa gitna na ako, biglang namatay ang mga ilaw kaya napahinto ako. Narinig ko ang sari-saring reaksyon ng mga tao—may nagulat, natakot, at natawa.
Pero nang biglang lumiwanag ang malaking projector, muling napalakpakan ang mga tao. We all thought it was part of the show, but when the video played, para akong natigilan.
I saw myself sitting on Ninong Art’s lap—naked. I mean, both of us were naked.
“WHAT THE FVCK!” sigaw ni Kuya.
Alam kong boses iyon ni Kuya Neo. Ramdam ko ang gulat sa boses niya. Sino ba ang hindi? My ultimate secret was revealed in just a blink of an eye.
Nakita kong tumakbo sina Kuya Nate at Kuya Niall papunta sa control area at pinatay ang projector. Bumalik ang ilaw, at nakita ko ang lahat na nakatingin sa akin.
’Di pa rin ako makagalaw. Kitang-kita sa mga mata nila ang panghuhusga. Iginiya ko ang tingin ko sa paligid, hinanap sina Mom at Dad, pero napasigaw na lang ako nang makita kong nakahandusay na si Ninong Art sa sahig.
“Dadddd! Stop it!” sigaw ko.
Hahakbang na sana ako pababa para puntahan sila, pero ’di ko nagawa nang may pumalakpak mula sa entrance ng bahay. Pagtingin ko, napanganga na lang ako sa nakita ko.
Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Mukhang masaya pa siya sa nangyari sa akin.
Maybe… siya ang tao behind this revelation.
Bakit siya pa?