SUMMER RAYNE’s POV “Kanina pa tayo nandito at wala pa rin siya. Umuwi na tayo.” Naiiritang sabi ni Greyson. Madilim na rin ang kanyang ekspresyon. “Sandali lang, baka nag-iipon pa ng lakas ng loob ang Mama mo kaya.” “No. We’re leaving.” Tumayo na ito at kinuha na mula sa aking kandungan si Dawn. Huminga ako ng malalim at tumayo na rin. Malapit na sana kami sa entrance door ng restaurant nang biglang huminto si Greyson. Napatingin ako sa harapan namin at ang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. Nilingon ko ang aking asawa at nagtatagis ang bagang nito. “Greyson…” his mother said, almost a whisper. Narinig ko ang malalim na paghinga ni Greyson at ang libreng kamay nito ay dumaiti sa aking likod habang pabalik kami sa mesa na iniwanan naming kanina. Umupo sa harapan ang kanyang

