SUMMER RAYNE’s POV Nakabalik na kami sa aming tahanan ngunit agad rin na umalis si Greyson dahil may aasikasuhin pa raw ito sa head branch. Dumilim na ngunit hindi pa rin ito nakakauwi. Tinatawagan ko rin ang kanyang cellphone ngunit hindi ito sumasagot. Alam ko na kasama niya palagi si Hans ngunit hindi ko maiwasan na mag-alala. Madalas ay tumatawag siya sa akin kapag gagabihin ito o ‘di kaya ay may kailangan pa siyang daluhan na business dinner. Binaba ko na ang aking cellphone at tiningnan si Dawn na nasa loob ng crib habang payapang natutulog. I reached for her smooth cheeks and softly glided my fingers on it. “Pinagpalit na ata ako ng tatay mo, Dawn.” Napabuntong-hininga ako at isinangga ang noo sa kahoy na harang. “Okay lang. Wala na siyang makikita na kapalit ko kahit saan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


