Ninya Buenavidez I BIT MY LOWER lip and stare at the coffee that Mateo made for us. Nakita kong pinasadahan ni Rico ng titig ang kape papunta sa akin bago ito pagod na napayuko at binalik ang tuon sa nagsasalitang si Engineer Marlo sa harapan namin. “I guess we should leave,” pagputol ni Rico sa gitna ng kanilang pag-uusap matapos umupo si Engineer Mateo sa bakanteng silya sa tabi. Umangat ang tingin ko sa kanya nang tumayo ito at hinawakan ako sa balikat. “Ang aga naman. Why don’t you take a coffee first, Rico.” Pagtayo na rin ni Samuel matapos sabihin iyun. “May lakad pa kami, we just really came to visit.” Si Rico na sinulyapan ang relos niya. I stood up and smiled at them. Napabaling ako kay Mateo nung tumayo na rin ito at tipid na ngumiti. “Sayang naman kung aalis na kayo

