Ninya Buenavidez
I WAS IN THE middle drinking of my juice when Siv playfully poked my waist and laughed on my shocking reaction. Hindi ko napansin ang paglapit nito, tapos na siyang ubusin ang juice niya at nilapag sa sink habang ako ay napakurap mula sa pag-iisip ng malalim.
“Why are you here? Sabi mo busy ka? Hindi ba at sina Aubs and Camille ang pinapapunta ko rito?” tinaasan ko siya ng isang kilay.
“Tinatapos ang mga gagawin dahil sa plano ni Rico sa mabilisang bakasyon, to support the evidence of your fake relationship. So, they are fixing their scheds, currently… they are very busy.”
“So? Bakit nga ikaw ang nandito? Bakit hindi si Rancel o kaya sina Crispin at Lucy?”
“Ouch, insan!” he put his palm on his chest like hurt by my question. He eventually smirked. “I don’t know. Ask your husband who almost came to me on his bended knees—”
“I didn’t. Anong bended knees ang pinagsasabi mo, Siv?” I manly laughed behind me invaded inside the kitchen. Napaayos ako ng upo sa stool bar chair at nilagok ang natitirang juice. “I can actually come here alone. Ikaw yung gustong sumama.” Dumaan ito sa gilid ko papunta sa sink.
Bigla yata akong binuhusan ng malamig na yelo sa sinabi nito. Ini-imagine ko pa lang na siya ang pupunta rito mag isa ay parang aatakihin na ako sa puso. Sige na nga, grateful na ako sa presensya ng pinsan ko sa araw na ito. I should have not questioned him why he is here. Mas okay na yun kaysa naman na kaming dalawa lang ni Rico ang maiwan dito.
I watched him put the glass on the sink. Muntik pa akong mahulog sa kinauupaun sa bigla nitong pagharap sa akin… at lumapit.
“Are you done?” He pointed at my empty glass. Naubos ko na ang iniinom na juice. “I’ll wash the dishes,” paalam nito at kinuha ang baso ko. Tinalikuran ako tsaka nagpatuloy sa sink, nagsimula sa paghuhugas.
He hasn’t changed. Still the same, Rico. Maaasahan mo sa lahat ng bagay, maski pagdating sa gawain sa bahay. He looks expensive and formal to do chores in the house, minsan naiisip ko na hindi bagay sa kanya. Ngunit kapag ginagawa niya naman yan noon ay mas lalo akong humahanga. NOON. It makes him look attractive everytime he does something expertly while you don’t, I don’t. I don’t clean. I don’t cook. Malayo sa akin… probably why he and his girlfriend clicked together. Mukhang ideal housewife naman yun kaysa sa akin.
“Material husband talaga…” rumiin ang titig ko kay Siv kaya napatikom ito ng labi.
“You still bake, Ninya?” tanong nito na tapos na sa ginagawa at nagpupunas na ng palad.
Tatayo na sana ako kung hindi lang siya nagtanong.
“Yeah,” paos kong sagot.
“Good. Donya Celestial loves your cookies. She will enjoy baking with you again.” Dinilaan nito ang pang-ibabang labi. Lahat gagawin mapasaya lang si Donya Celestial sa pag-uwi nito.
“Donya Celestial loves Ninya’s cookies.” Humagikhik si Siv at bumaling kay Rico. “How about you, Rico? Masarap ba ang cookies ni Ninya—”
I throw the fork on Siv’s body, huli na nang iwasan niya yun kaya tumama ito sa dibdib niya. Kanina pa ako nagtitimpi sa kanya, wala na ba siyang gagawin sa araw na ito kung hindi ay iritahin ako? Just wait for my time when you fall in love asshole! Ako ang una at huling hindi titigil para inisin ka. I will wait for the girl who will break your heart, and trust me cous… I will tease you until you cry in pain.
“Ouch, Ninya. Sadista ka talaga!”
Rico laughed a bit and leaned his back on the dekton laurent kitchen countertops. Ang magkabilang braso ay nasa edge ng countertops. His arms straighten that makes the muscles on his arms become visible and can caught attention. Naggi-gym siya? Maganda ang katawan niya noon, mas gumanda lang ngayon at tila tumigas.
Ang masikip nitong shirt ay nagbigay porma sa malapad niyang dibdib sa ayos nito ngayon. It’s perfectly proportionate. Nasa ayos ang lahat, perpekto at wala akong masasabing kapintasan. Hindi ganun kalaki ang katawan niya, but it looks firm and hard.
His head tilted on the right side that made my eyes lifted on his face. Mayabang niya akong tinignan na tila nahuli nito akong nakatingin sa kanyang katawan.
“Yabang,” I mumbled to myself and stood up, tinalikuran sila at bumalik na sa trabaho.
Hindi nagtagal ay natapos na ako sa sala kaya bumalik na ako ng kitchen para ayusin iyun. Doon mas maraming kalat, doon mas maraming bagay na dumagdag na hindi naman kailangan. Binuksan ko ang cabinet na nasa uluhan ko lang. Tumingkayad at tumingala para tignan kung ano ang mga gamit na naroon.
“Why do I have this here?” tanong ko sa sarili ko ng maabot ang tatlong hanger na nasa gilid. Napailing na lang ako at nagsimula na sa paglilinis. I opened the cabinets and drawer that I don’t usually use. Madaming nakatambak na gamit at kalat na hindi naman talaga kailangan. Just making the kitchen unorganized and cluttered looking.
Tumingkayad ako muli para kunin ang iilang gamit na nasa pinakadulo na nung cabinet sa uluhan ko. I was about to give up and look for a chair so it could make me access the cabinets easier. Pero dahil matigas ang ulo ko ay sumubok pa rin ako sa pag-abot sa huling pagkakataon.
But I gasped when I felt his fingertips touch my palm. Mabilis kong binaba ang dalawang kamay ko at kinalma ang sarili, umiiwas na gumawa ng galaw para hindi magdikit ang dibdib nito sa likod ko.
Pero napakurap ako ng maramdaman ko ang matigas niyang dibdib na dumikit sa likod ko. I feel so small while he is behind me, almost blocking to see me. Isang tapat niya lang sa katawan ko ay kaya na niya akong matago.
“There is nothing wrong with asking for help. That’s why we are here, right?” I bit my lower lip when I felt his breath on my hair on my head behind me. Oo na! Hindi ako ganun katangkad, si Rico naman kasi talaga ang pinakamatangkad sa amin. Kahit sa mga lalaking kaibigan namin. Hindi ako maliit, matangkad lang talaga siya!
Binaba niya sa counter ang utensils. Hindi ko alam kung haharap ba ako o ano. But when I felt him move a bit away from me, that was my chance to face him. Ang magkabilang kamay ay nasa baywang habang tinatanaw ang mga gamit na nilabas ko.
“You have plenty of unworthy things,” he mumbled in a teasing voice. “What is this for?” kinuha niya ang isang maliit na gamit.
“That’s called slicer, so I won’t chop!” hinablot ko yun sa kanya at mangha niya akong tinignan.
“So you won’t chop?” natatawang ulit niya. “Then what’s the use of a chopping board and knife?”
“This is used for certain foods. It’s convenient!”
“Does it mean that you cook now?” natatawang tanong niya na tila ba hindi iyun kapani-paniwala.
“People change. They learn and improve, palibhasa ikaw…” hindi ko madugtungan dahil hindi ko siya mahanapan ng bagay na hindi niya kayang gawin. “Hindi ka marunong mag-bake!” medyo malayo pero konektado pa rin naman sa pagluluto kaya ayos na rin. At least multi-talented pa rin ako kahit bagsak sa pagluluto.
Don’t underestimate the ability of a Montalbo. It runs in our blood, we are an achiever not just in one field. Marami kaming kayang gawin. Psh.
“I will believe you because you say so. But because you are Ninya, I don’t think that you can ever learn to cook.”
Umusok ang ilong ko sa sinabi nito. Hindi pa ako nakakabawi nang pinutol na niya ang topic at binalik na sa paglilinis.
“Where should I put this cute stuff?”
Masama ko siyang tinignan. Cute stuff! Useful kaya yan, it makes my life in the kitchen convenient. Samantalang walang alam sa mga bagay bagay.
“I’ll get a basket.” Tinalikuran ko siya at hinayaan na roon sa kusina. Pagpasok ko ng sala ay naabutan ko si Siv na nakahiga sa sofa at mahimbing na ang tulog. Napangiwi ako at napairap na lamang sa ere.
Bumalik ako sa kitchen yakap yakap ang basket na paglalagyan ng mga hindi na kailangang gamit. Saglit akong natigilan ng makita ko ang hubad na likod ni Rico. Nakahawak siya sa edge ng counter habang pinagmamasdan ang mga gamit na nililigpit niya, tila nag-iisip kung paano maisasaayos ang kusina… o mabalik sa dating ayos nito.
Binagsak ko ang basket para maramdaman niya ang presensya ko. His head moved to the side where I was standing, but his body remained in its proper position. Like a Hollywood model of a popular clothing brand.
“I think you can fix the kitchen by yourself.” Hindi makatingin kong usal. His arms… are firm and hard. Why his body matured so much? It grew manlier and firm now. Naggi-gym talaga ‘to. Maganda na ang katawan niya noon kahit hindi naggi-gym, tapos mas gumanda pa lalo ngayon kaya sigurado akong inaalagaan na niya ito.
Fuck! Why am I always noticing his body? Ano, Ninya? Gusto mo rin magka-abs? Gusto mo ng muscles?
“I’ll be needing your help.” Lumapit siya sa akin at kinuha ang basket sa harapan ko.
My eyes glanced at his upper body, on his chest. He sweats hotly. The way his chest moved synchronously to his breathing is just so…
“Would you want me to open the aircon here? May aircon dito sa kusina.”
“Yes, please.” He turned his back on me, busy and paying too much attention to things.
Nang buksan ko ang isang aircon ay nakita kong sinuot na niya ang damit nito. I sighed in relief and bit my lower lip. Abala siya sa ibang gamit habang ako naman ay abala sa mga baking utensils ko. I put it on right places kung saan mas accessible dahil mukhang isa ito sa pagkakaabalahan namin ni Donya Celestial.
Pumunta sa island counter si Rico. May dinagdag siya sa lista at hindi ko alam kung ano ang mga iyun.
“Do you need anything for your baking?” He is staring at his paper.
“Ahm… I’ll just buy it for myself. O kaya sa secretary ko, tutal yun naman ang laging namimili ng mga kailangan dito sa bahay.”
He lifted his head to look at me.
“Si Paola?” he assumed so I nodded my head. Sino pa ba? Wala naman akong bagong sekratarya. “Just tell me what you need, kami na ni Amara ang bibili ng mga kailangan sa bahay natin. That won’t eat your time.”
Sila ni Amara? That’s a bit awkward. Pero ayos na yun kaysa naman kaming dalawa. Mas hindi yata magandang tignan na kami ang magkasama. But… the things they are buying is for our house. But yeah, that’s fine. Less hassle for me. Mas pabor nga eh.
“Fine.”
Isang mabilis na sulyap ang ginawad nito sa akin bago bumagsak ang tingin sa papel.
“We are almost done here…” he trailed when I closed the drawer of my things. Humarap ako sa kanya at hinihintay ang sunod niyang sasabihin. “Should we go upstairs and check our room?”
Natigilan ako at napaawang ang labi. Hindi ko yun naisip ah.
“The room is fine. No need for checking, wala rin dapat ayusin.”
“I want to see it.”
Isang mabigat na paghinga ang pinakawalan ko.
“You can. You can go upstairs and check the room…” The anticipation is written all over my face.
“I hope I’m not invading your privacy. It’s no longer my room, Ninya. But we are aware that we will share the room for this set-up, right?” Tinaasan niya ako ng isang kilay.
I blinked twice, may bara sa lalamunan ko para hindi ako makapagsalita.
“There is a couch in my room,” pagbibigay impormasyon ko sa kanya. Matalino siya, alangan hindi niya maintindihan ang gusto kong ipunto?
“I can sleep on the couch. We will not share the same bed.” He assured.
“Definitely! Dapat lang. Alangan naman pati sa pagtulog ay nakabantay pa si Donya Celestial. Malamang hindi na.” I laughed trying to act normal but it sounded hysterical and nervous.
“Yeah. Of course,” he responded lazily. “I won’t check your room today. Siguro kapag dala ko na ang mga gamit ko. At least you can… fix your room before I put my things back.” Kaswal at normal ang boses nito. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging kalmado sa ganitong set-up. This is f*****g stressing!
“How about your office?” na ngayon ay opisina ko na. s**t! This is gonna be a massive moving of things upstairs.
“Was it empty? You’re probably using it, I’m sure.”
“Yeah. But I can move my things.” Hell no! Ang dami nun.
“We can share in my office. Don’t move your things. Sa firm naman ang main office ko, but there will be some instances that I will bring my unfinished work here.” His arms are crossed under the counter.
“Yeah. Sure. Sa kompanya rin naman ako madalas nagta-trabaho.” But more often, I work overnight in the office. So basically, that’s a lie.
“Alright. Ano pa ba?”
Saglit akong nag-isip hanggang sa napailing na at tipid na ngumiti. This is smooth. Walang pagtatalo at sigawan. Wow! We are improving, may character development din sa wakas! Basta huwag niya lang kalabitin ang pasensya ko at walang mangyayaring problema.
“Thanks,” he sincerely said that made me stunned for a moment. Napalunok ako pero hindi ko pinahalata ang pagkamangha ko.
“For what?” natatawang tanong ko.
“For agreeing to this set-up. For saying yes. For the care and love to my family, especially Donya Celestial.” May bara sa lalamunan ko na hindi ko kayang ngumiti o magbigay emosyon, tanging pait lamang na nilalabanan kong mapansin niya. “I know that even I cry blood in front of you, you will never agree for this. Pero dahil si Donya Celestial ang pinag-uusapan, you still consider the set-up. Thank you, Ninya. And I’m sorry for dragging you into this situation.”
I forced a smile and swallowed my saliva like knives rolling down my throat. Hindi siya ngumiti para ipakita na he is sincere about how sorry he is. He is sincere that this setup is not making him happy. He is sincere that this setup is challenging his relationship with his girlfriend. He is sincere that… he was also being forced to do this. Left with no choice just like me.
Bigla yata akong nasasaktan. Or maybe I’m just emotional by now because I heard him say sorry. Parang kahit papaano, may pakialam siya sa akin. Nirerespeto niya ang nararmdaman ko para humingi ng tawad. Something I badly want to hear from him back then.
We didn’t have any closure. We parted ways filled with so much anger and hatred. We parted ways shouting and hurting each other. Tapos magkakasama kami ulit, hindi alam kung paano patutunguhan ang isa’t isa. Dahil ang huling pagkikita namin ay puno ng pait at sobrang masalimuot.
“For Donya Celestial…” paos kong sambit habang nakatitig sa mga mata niya, gayundin naman siya sa akin.
In our eyes, before we went apart, we saw each other’s monsters hidden within us. Sa pagkakataong ito ay wala na yun. I’m sure it was gone the moment we ended our relationship. It was finally gone now.