SEVEN

2086 Words
Ninya Buenavidez I HEARD MULTIPLE doorbells so I stood up near the staircase and stared at the screen of my CCTV. Nakita ko roon ang nakatayong sina Siv at kasama nito na si Jericho. Kunot ang nuo si Rico habang nakikinig sa madaldal na si Siv. I rolled my eyes and walked down the staircase with heavy footsteps na tila ba may malakaing kadena sa paa ko ang pumipigil sa bawat hakbang ko papuntang gate. I’m still hesitant if my decisions are right. I have a feeling that this won’t work, dahil makikita naman sa aming dalawa ang pagkairita sa presensya ng isa’t isa. Walang maniniwala. Pero dahil maganda ang plano ni Rico ay umaasa ako na mairaraos namin itong problema. I opened the gate and crossed my arms to both of them. Ang parehong pesti sa buhay ko na gusto ko na lang mawala. But at least si Siv napapakinabangan samantalang itong isa naghahatid ng problema. “Good afternoon, Ninya,” nakangising bati ng pinsan ko. I gestured them to entered the house. Nauna akong pumasok sa loob at nakasunod naman silang dalawa. Si Siv ay agad sa sofa sinalampak ang katawan habang si Rico naman ay sa akin bumagsak ang tingin. I stared at his plain gray shirts and pants, mukha naman siyang maayos. Maliban lang sa pagmumukha niya na nakakaasiwang tignan. “Juice, Ninya!” utos ni Siv sa akin kaya masama ko siyang tinignan. “Maupo ka, Rico. Para namang hindi mo bahay ‘to noon.” “Bahay ko pa rin naman ito hanggang ngayon, Siv,” makahulugan nitong saad bago umupo. Napairap ako at iritabli silang tinignan. Magkaharap na nakaupo sa magkabilang sofa. “Araw-araw kami rito, naging tambayan na namin. Dito na kami umiinom ng mga barkada gabi-gabi,” kuwento ni Siv kaya bigla akong napalunok at palihim na tinignan ang walang reaskyon na mukha ni Rico. “Hindi ko na nga alam kung bahay pa ito o bar. Kulang na lang magpagawa si Ninya ng Billiards dito at court.” Sinabayan niya yun ng halakhak. “Court at Billiards?” nanliit ang mga mata ni Rico. “Mga panlalaking laro yun, ah. Does she even know how to play those?” kunot na ang nuo at hindi maipinta ang mukha. “Ah! Tinuruan ko…” alanganing sagot ni Siv na tila nangangapa ng salita para ipagtanggol ako kahit siya naman ang rason kung bakit napunta sa akin ang atensyon ng kaibigan niya. “Well, Ninya is trying different sports and hobbies. Mas lumala lang sa pagparty.” “Shut up, Siv!” giit ko rito. He zipped his mouth like he was going to shut up. “I won’t disagree with you, Siv. Yan naman ang gusto ni Ninya, act like a single even she already has a husband.” Napanguso ito at umangat ang tingin sa akin. “Hindi ko yan napipigilan noon, kaya mas lalo naman siguro ngayong wala na kami.” He can casually say that without taking anything against on me or in the past. Kaswal ngunit bakit pakiramdam ko ay masyadong mapanakit? “I may party often, Rico. But I don’t act single especially when I know that I am committed,” pagtatama ko sa kanya pero ngumisi lang siya at marahan na napalunok. Bumagsak ang tingin sa lamesa na tila may malalim na iniisip. “Act not single…” he trailed like there was something funny about my statement. “I don’t know, Ninya. I don’t know.” He sounded in mockery. Bago pa ako makapagsalita ng matalim at mapanakit sa kanya ay tumayo na si Siv at pumagitna sa aming dalawa. Kahit salitaan at masasamang tinginan lang ay ramdam na ni Siv ang tension kaya bago pa lumala pinutol na niya yun. “Nandiyan na yata yung mga pinabili kong cleaning materials. Kanina pa tumutunog yung doorbell, masyado naman kayong abala sa sarili niyo.” My cousin shook his head and smirked as he walked towards the door. “Ako na ang kukuha.” We are going to clean the house today, ang usapan namin ni Rico ay si Aubrey o Camille ang isasama namin para tumulong. I don’t know how on Earth Siv suddenly appeared here and become available out of his busy schedules. Naiwan kaming dalawa ni Rico na walang imikan. Pero nagulat ako sa pagtayo nito at dahan-dahan na lumapit sa akin. I swallowed hard as I lifted my head to look at him unbothered by his presence. Humigpit ang hawak ko sa likod ng couch, bumagsak naman ang tingin niya sa akin. May pagitan pa rin sa aming gitna ngunit hindi ako komportabli. Isang maling salita lang ang lumabas sa bibig nito lahat ng mahahawakan ko ay ibabato ko talaga sa kanya. “Saang basurahan mo tinapon ang mga larawan natin? Even our wedding pictures aren’t here.” Nanikip ang dibdib ko sa tanong niya. It brings back familiar emotions as I recall the memories of removing all of the frames of us together. “Yun ba yung kinakainis mo kanina pa—” “Since yesterday, Ninya. Since yesterday.” Napangitngit ako ng ngipin sa inis sa kanya at nagawa niya pang itama ang sinasabi ko. “Ano bang gusto mo? Surround the walls of your pictures so I can’t forget you while you’re moving on?” and automatically find a woman? Where is the respect Buenavidez? Hindi lang yun, binahay mo na yung babae agad. Ano? Para wala ng kawala? Fuck! Shut up, Ninya! You’re not going to burst out your thought about this! Gaga ka! Maayos kana, huwag mo ng balikan. Huwag kanang manumbat! “Ano? Gusto mo habang nagmo-move on ako ay kinakausap ko ang larawan mo? Sinusumpa yung pagmumukha mo?!” “At least you let our wedding picture display in this house. Pinagbigyan na kitang manatili rito sa bahay at ako ang umalis. You made this house like you owned it alone, marami kang binago—” “Di kunin mo! Sana kinuha mo, diba? You left the house to me, so I expect that any changes or renovation occur here is understandable.” Kunot ang nuo ko na halos pumutok na sa galit sa kanya pero siya ay nanatiling kalmado. “Dahil ako ang nakatira rito. Ako ang nag-aalaga ng bahay simula nung umalis ka.” “Do you even see the house? Look around you—” “There are no major renovations in this house. You’re so overacting. Ano ba talaga ang kinagagalit mo?” I probed him as I demanded him to answer me, fire back what made him mad. Hindi siya nakapagsalita ng isang segundo at mataman akong tinitigan. He shook his head once like the argument is worthless, it has no direction and sense at all. “I hope you still respect this home.” Mas kalmado at mas marahan niyang usal. Saglit siyang napayuko at gumalaw ang panga nito. “I hope you’re not letting somebody in in this house, somebody that has no relationship to us.” Pagak akong napangisi at napatango. So, don’t want strangers to step on your precious house? Does it bother him if I bring my affair here? “Kaya bumili ka ng sariling bahay kung saan mo pweding ipatira si Amara?” I blinked twice at smile at him sweetly. He was about to speak when we heard Siv’s voice roaming inside the lounge area, making his presence feel. Napaayos ako ng tayo at lumayo ng kaonti kay Rico. Siv was even stunned when he saw that Rico was already in front of me. Pero binalewala na lamang niya yun. “Nandito na yung cleaning materials. I also bought equipment tools for the house, baka sakaling may gusto kayong gibain bukod sa relasyon niyong dalawa.” He laughed like trying to make the atmosphere lighter but when he realized that he fails he just excused himself. Isang tapon na tingin ang ginawa ni Rico bago niya sinundan si Siv sa labas. Nagsimula na kami sa paglilinis, actually hindi naman paglilinis ang talagang pokus naming gawin kundi ang pag-ayos ng mga gamit. We will remove some of my things, because the house looks like me. Me alone. Hindi siya mukhang bahay ng mag-asawa. Mukha siyang bahay ng isang mayaman, sexy, at Magandang CEO. Ako yun. “Let’s buy other cushions, this one is too formal. Let’s pick something comfortable.” Turo ni Rico sa mga unan na nasa malaking couch. “We can also change the couch. Let’s find a sectional couch for the lounge area.” “Teka! What does the couch have to do with our pretend relationship? Anong konek Rico?” Pag-alma ko na, mabuti kung cushions lang. “Magsusumbong ba ang couch ko kay Donya Celestial?” “I don’t know who sits on that couch since I left the house.” Napanguso siya. “Malay ko ba kung sino sino na ang umuupo riyan.” Napanganga ako sa pagiging nonsense nito. “Seryoso ka?” nilapitan ko siya at iniwan ang pag-aayos ng mga gamit sa drawer ko. “Wala naman, Rico. Kami kami lang,” muling pagdepensa ni Siv sa akin at kinindatan ako ng tignan ko. Rico faced me and our eyes met na para bang hindi narinig ang kaibigan. “Hindi ganyan ang couch natin, Ninya.” His lips twisted and took a deep sigh. “Do you remember why we bought a sectional couch before? Why do we hate a single sofa and a small couch for two-seaters only?” I swallowed hard and my heart started pounding hard. Mula sa paglilipat ng mga vase na si Siv ay saglit natigilan at tumayo ng maayos tsaka nag-unat. But I’m sure he just wants to listen. “I don’t see any reason why we have to change—” “Because we can cuddle, remember?” he muttered almost in whispered as he finishes his words, halos hindi ko na marinig yun sa sobrang hina. Sana hindi ko na lang narinig. “We can cuddle comfortably. And you told that to Donya Celestial. Kaya siya nga ang nagsuhestyon na sectional couch ang bilhin natin para kasya tayong dalawa dahil lagi kang nakakatulog sa couch, diba?” he urged. Inulit pa! Tila nanghihina ako sa mga impormasyong binibigay niya. Masyadong detalyado, hindi ko yata kaya pang marinig. Bwisit naman! Hindi pa nga kami nagsisimula sa pagpapanggap pero bakit stress na stress na ako sa kanya?! Walanghiya ka talaga Rico! Gago ka talaga. Insensitive. Dapat pa ba sabihin yun? “So, we need to change that and buy a new one. Magtataka lang ang matanda kapag yan ang nakita.” He added casually. I know! Makilatis si Donya Celestial, pero mahalaga pa ba yun? “Ooow! Baka naman sinadyang tanggalin ni pinsan yung dating couch kasi maraming alaala roon,” Siv side commented. Matalim ko siyang tinignan at doon naman nagkaroon ng pagkakataon na talikuran ako ni Rico para bumalik na sa kanyang ginagawa. Sa sofa! “I will kill you!” I mouthed at my cousin but he just approached Rico. “Naka-score ba sa couch, Rico?” pabirong tinulak nito ang balikat ng kaibigan. I automatically turned my back and continue my job here in the drawer. Abala kunwari kahit namumula na ang pisngi ko. Kahit pinagpapawisan na ako. Kahit tila tambol ang dibdib ko sa sobrang ingay nito. Bwisit! Walanghiya! I was waiting for Rico’s response, hindi ko man makita silang dalawa ay ramdam ko na panlalamig sa buong katawan ko. Walang sagot si Rico. Pero nagulat ako ng marinig ang marahan nitong halakhak na nagpatindig ng balahibo sa batok ko. I closed my eyes tightly, trying to remove that raw memory with him on the couch. “Hindi lang sa couch, Siv.” Humigpit ako hawak ko sa gunting. Kinalma ang sarili at pinilit na ngumiti. Kalmahan mo, Ninya. Guting ang hawak mo. Kayang kaya nitong pumatay kahit dalawa pa silang lalaki, kapag ito sinaksak ko sa leeg nila for sure maraming dugo ang dadanak sa bahay mo. I rolled my eyes, padarag kong inayos muli ang drawer at tumayo. “Kitchen lang ako,” mabilis kong paalam at dumiretso roon. Narinig ko pa ang habol na tanong ni Siv kay Rico kung saang lugar pa nangyari bukod sa kuwarto. f**k that both damn asshole! Maling desisyon na si Siv ang sinama rito. Where is Cami and Aubs? O kaya si Rancel na lang sana ang sinama. Mas maayos pa yun kausap kaysa dito kay Siv na may saltik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD