Ninya Buenavidez
Muli siyang humarap sa akin at mataman akong tinignan. Pati na rin ang ayos ko na tila ba isa pa yun sa mga ini-examine niya. Mapanghusga at malalim ang titig ngunit hindi ako nagpatinag. Galit ako na nandito siya at dapat niyang maramdaman iyun.
“Can you see your house, Ninya?” marahan at halos paos niyang sambit. “Ano ang pinagkakaabalahan mo? You’re letting the house we built for us rot just like the food inside your ref. You’re abandoning what we treasure the most.”
Sumikip ang dibdib ko, nasaktan man ako ngunit mas nangibabaw ang galit ko rito.
“Leave, Rico. Leave me alone.” Minuwestra ko ang pintuan palabas ng bahay. Turo-turo iyun habang pinapatay na siya sa mga tingin ko.
“I heard from my mother that you’re going to tell Donya Celestial about our break up?” He trailed and leaned on the sink. Crossed arms while intently watching me.
“So? Are you here to stop me?”
“Yes.” Agap niyang sagot. Padarag kong tinanggal ang suot kong sunglasses para mas makita niya ng malinaw ang mga mata ko. But the way he looked at my eyes filled with mockery. “You should complete your sleep, Ninya. You know that lack of sleep can cause rapid changes of mood—”
“Hindi mo ako mapipigilan sa gagawin ko, Rico.”
He licked his lower lip and nodded his head. Saglit na bumagsak ang tingin niya sa sahig bago muling umangat sa akin.
“Gawin mo kung gusto mong maagap na mawala ang matanda.” Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya. “Ang malapit na kaibigan ni Donya Celestial ay kamamatay lang. Desidido na siyang bumalik ng Pinas sa lalong madaling panahon para bumisita sa kaibigan niya rito at makaabot sa libing. Mas emosyonal siya ngayon.”
My mouth dropped and I want to cursed out loud for the bad timing that is happening to us. Ngunit sa huli atynapahilot na lang ako ng sentido. f**k! Ano na ang gagawin ko ngayon?
“s**t! s**t!” walang papigil kong mura. Rico scratched his eyebrow to became more problematic because of my curses.
“Yeah. Big s**t!” He chuckled in sarcasm. Shaking his head when he walks passing me. Dumiretso ito sa sala at nang sundan ko ay nakaupo na siya ngunit naroon pa rin ang pag-inspeksyon sa kabuuan ng bahay. “Sit down. We will talk properly.”
Sinunod ko siya at umupo sa harapan nito.
“Are you even cleaning the house?”
“Shut up, Rico! We are not going to talk about that.”
He grinned and nodded his head. Tila ba natutuwa na iritabli ako ngayon ngunit may inis sa naabutan nito sa bahay namin.
“Guess we have no choice. Huwag na nating dagdagan ang bigat na nararamdaman ni Donya Celestial.”
I bit my lower lip and think deeply. Ano ba ang dapat kong gawin? Ang tama pero masakit? O hindi pero makakagaan sa pakiramdam ni Donya Celestial?
“Alam na ba ng girlfriend mo ang tungkol sa plano mo?”
His lips twisted that made my eyes land on it. Mabilis kong binalik sa kanyang mga mata ang titig na tila napaso sa mapupulang labi nito. Sa huli ay umiwas na lamang ako ng tingin.
“Yeah…” he answered lazily. Ayaw ng pahabain iyun dahil mukhang hindi maganda ang kanilang pag-uusap. Hindi ko alam kung paano niya ito nakumbinsan, hindi rin ako makapaniwala na kaya nitong sumang-ayon sa set-up.
“Guess the assurance was enough to not make her doubt, huh?” I smirked but deep inside ay gusto ko siyang irapan. Korni! Ginaguwapo niya yan?
“There is no reason to doubt. Bakit Ninya, mayroon ba dapat ikabahala?” kumunot ang nuo niya na may nanghahamong titig. “It’s not just about the assurance. It’s the loyalty and trust we are giving to each other. That’s how it works.”
Kumalabog ang dibdib ko at napatikom ng labi. Mariin at gustong magmura sa harapan niya. Talagang hinahamon ako nito at ang pasensya ko.
“Anyway, next week na ang balik ni Donya Celestial. We need to plan immediately about the set-up.” He crouched a bit and automatically became serious as the topic diverted. “This is what we are going to do, Ninya. We will clean the house, bring back my things. I will pack tonight para bukas ay makapag-ayos na tayo agad. Yung mga larawan natin ay ibabalik sa pader, idi-display ulit.” Napansin niya na wala na ang mga larawan niya sa counter at walls.
Shit! What am I doing? What are we doing? He clasped his both hands. Seryoso na siya sa desisyon.
“Tomorrow, we will clean the house. Ibabalik natin ito kung paano ang bahay noong nandito pa ako. The next day, we will ask help from our friends to plan a quick vacation—”
“Gago! Anong pinagsasabi mo, Rico?!” gulantang kong pagputol.
Umismid ito at pagod akong tinignan. Anong bakasyon? Ano ‘to? Parte pa ng pagpapanggap? Reunion ganun?
“Kailangan nating punan ang ilang buwan na hindi tayo magkasama at gawan ng peking mga alaala. For almost 1 year of our relationship as a married couple, anong magagandang alaala ang ipi-presenta natin kay Donya Celestial? Gusto mo ba siyang magtaka? We need fake pictures of us from that 1 year we had lost contact.”
Nahihirapan akong napalunok. Alam ko na ang punto niya. Mahilig si Donya Celestial sa larawan, katulad ko na siyang pinagkakasunduan namin. Sigurado na sa pagbalik niya isa yun sa mga hihingiin niya sa akin. Para mag-enjoy ay bawat larawan namin ay titignan niya. Bagay na ikinatutuwa nito.
“You plotting a story like a prolific author, Rico.” Natigilan siya at umiwas ng tingin. “Hindi kaya masyado na nating mapaniwala si Donya Celestial niyan?”
“Then let me hear your plan.” Malamig niyang saad. Nauubusan na ng pasensya. “Ikaw ang bahalang magdesisyon, ilatag mo ang plano mo sa harapan ko,” ang boses niya ay tunog iritabli na. Dahilan para mapangisi ako.
“Your plan is better. Pwedi kana maging writer.” I giggled sweetly while looking at him teasingly. “Go on. Ang ganda na ng plano mo, nakikinig ako.”
His Adam’s apple moved in motion and shook his head slowly. Alam niya na pinagtitripan ko siya, pero totoong nakikinig ako dahil alam kong epektibo ang plano niya maski hindi pa talaga ako kumbinsido sa ganitong set-up.
“My girlfriend wants to talk to you about this set-up.” Bumaba ang boses niya.
“Bakit?” Para warningan ako? Hahaha.
“Talk to her, Ninya. And please, don’t do anything stupid in front of my girlfriend. She is kind and soft, hindi siya katulad ng ibang babae na iniisip mo. She is decent and smart.”
Umirap ako at parang gusto kong batuhin siya ng unan ngayon. Bakit parang lahat ng diskripsyon niya ay kasalungat sa akin?
“Fine.” Tila gumuhit ang pait sa aking lalamunan. Stupid? Mukha bang istupido ang mga galaw ko? Grabeng panliliit, Rico! I don’t know how I will engage myself with him and fake this relationship where in fact we both know na hindi kami nagkakasundo, bukod roon ay pareho naming sinusuka ang isa’t isa.
To be in this situation is just like living temporarily in hell with him. Hindi ko mawari kung bakit ako kailangang maging sangkot sa bagay na dapat matagal na sanang naaayos. Imbes na nagpa-party ako at nagbabakasyon ay mauudlot para rito. This is f*****g stressful!