Ninya Buenavidez
AKSIDENTI KONG nabagsak sa granite countertop ang tray na may lamang cookies na niluto ko sa oven nang dumikit ito sa balat ko at napaso ako ng konti, mabuti na lamang ay hindi iyun natapon.
“s**t!” malutong kong mura dahilan para mapabaling sa akin si Tita Adeline na kausap ko sa kabilang linya. She is in Australia with her family, kasama na roon si Donya Celestial. Nakatago siya ngayon sa kuwarto habang nag-uusap kami.
“Are you okay? Mag-iingat ka, Ninya,” paalala nito habang nakatitig sa akin. “I’m sorry if my mother is giving you headache. Gusto niya lang na makita kayo ng anak ko.” Rumahan lalo ang maamo nitong mukha.
Tita Adeline is Rico’s mother. Halos alam naman ng pamilya namin na hindi kami maayos ni Rico. Maliban sa Donya na pinili naming lahat huwag munang sabihin.
“Hindi naman, Tita. Hindi si Donya Celestial ang problema.” Bigla tuloy naging masama ang timpla ng mood ko. “Kundi ang anak ninyo,” I mumbled and she probably didn’t hear it.
“What?”
“Si Rico kasi, ayaw niya pang sabihin ang totoo at pinipigilan ako. Ang gusto niya… magpanggap kami na maayos sa harap ng Donya pagdating nito.” I let out a frustrated groaned and rolled my eyes in disbelief. Gagawin niya pa akong actress sa plano niya. He thinks I can fake our relationship? That we are okay. Iniisip ko pa lang na magpapanggap kami na mag-asawang nagmamahalan ay gusto ko na siyang sipain palabas ng bahay.
“Ba-bakit naman hindi? Kaysa ang sabihin sa kanya agad. Magugulat lang si mama. Baka mapano pa…” she said carefully and look concerned to her mother’s condition.
I can’t believe this. Mag-ina nga sila! Pilit akong napangiti at dahan-dahan na umupo sa bar chair kaharap ang tablet ko.
“Bakit hindi niyo na kasi sinabi, tita? Tumagal pa lalo, mas nahihirapan tuloy tayo.”
Rico promised me that he will be the one to tell Donya Celestial about our relationship. About our marriage. Mabuti yun at pabor sa akin dahil ako naman ang nagsabi sa mga magulang niya na hiwalay na kami. Ngunit hanggang ngayon, hindi niya pa rin nasasabi.
“Ang akala kasi namin ni Tito Aljun mo ay simpling away lang, magbabalikan din kayo! Normal naman sa mag-asawa ang mag-away at umalis ang isa sa bahay. Lalo na at dalawang taon pa lang kayong kasal nun… umaasa pa kami na magkakabalikan kayo kaya hindi muna namin sinabi kay mama.” Nakitaan ko ng lungkot ang mukha ni Tita Adeline dahilan para sumikip ang dibdib ko. “Ang akala namin ay kailangan niyo lang ng oras na makapag-isip isip.”
I feel like I disappoint everyone, lalo na ang pamilya ko. I never wished to have a failed or broken marriage. All I just want is a complete family.
“Walang divorce sa Pilipinas. Mahirap ang annulment, mahabang proseso. Kaya naisip namin, hindi magtatagal ay magkakabalikan din kayo, tutal mahal niyo ang isa’t isa. Kung kailan kayo kinasal, doon naman kayo nagkahiwalay. Hindi naman kayo ganyan dati.”
Tahimik kong tinanggap ang bawat salita ni Tita Ade tungkol sa aming dalawa ni Rico. Maski ako ay hindi ko rin maintindihan kung bakit humantong ang lahat sa ganito. Maybe I wasn’t really ready for marriage. Nakakapanghinayang at nagpadalos-dalos kami sa aming desisyon at nararamdaman.
“Isang taon na tita. Impossibli na ho ang hinihingi niyo. Lalo na at may nobya na ang anak niyo.” Tipid ko siyang nginitian.
“Pero ikaw, wala pa naman diba?” she asked, still hopeful for something that is already burned into an ash. Umaasa pa rin siya na ang mga abo na nilipad ng hangin ay puwedi pang mahanap. Ganun ka-impossibli ang hinihiling nito.
“I don’t love your son anymore. He probably feels the same way.” I tightly closed my lips together and landed my eyes on the countertop where the mess was all around my kitchen.
Dahil doon ay bumagsak ang balikat ni Tita Adeline at pilit na ngumiti, pinaghalong lungkot at pagkadismaya na nakakubli sa mga labi at mata nito.
No one ever wants a failed marriage. Maski ako. Ngunit mukhang wala ng pag-asa para magkabalikan kami. Ayokong magsinungaling. Pero iniisip ko pa lang ang masayang mukha ni Donya Celestial sa planong pagbisita sa amin ay nakakaramdam na ako ng matinding lungkot kapag sinabi namin sa kanya ang totoo.
“What is your plan then, Ninya?”
“To tell the truth, Tita. That’s what we need to move on. To tell the truth and accept what is being said.”
“If that’s what you want. I won’t restrain you. May Karapatan kang itama ang mali, especially that you’re involved here. I’m sorry again, iha.” Bakas man sa mukha ni Tita na hindi ganun kasang-ayon sa naging desisyon ko ay nirespeto niya ako. “Rico must be afraid to hurt his lola. But I won’t tolerate his lies and pretention. Because in the end, Mama will get hurt.”
HUMIGOP AKO sa kape ko habang kinuhakuha ang mga gamit sa loob ng sasakyan ko. I was wearing sunglasses because the sun rays penetrating my eyes, bukod roon ay puyat ako dahil nagpa-party ang isa sa mga kaibigan ko kaya magdamag na inuman ang naganap.
Yakap ang tablet ko sa isang kamay at susi ng sasakyan. Habang sa isang kamay naman ay ang kape na mainit ko pang na-order sa starbucks malapit sa subdivision ng bahay ko. I lazily opened the gate when I noticed that it was half open already.
Nagmamadali akong pumasok sa loob at binuksan ang pintuan ng bahay ko. I should call the police by now, pero mas inuna kong maabutan ang magnanakaw sa loob ng bahay ko. Wala akong naabutan sa sala pero nung makarinig akong tunog mula sa kitchen ay kumalabog ang dibdib ko. I automatically put down my things and took the vase near me. Walang pag-aalinlangan na dumiretso ako roon kahit maingat ang bawat yapak ko.
“What the f**k?!” I exclaimed when I saw the broad shoulder of the back of the man. Hindi dahil sa takot kundi sa pagkagulat na kilala ko ito. From examining the cabinet, he slowly faced my directions. “What the heck! Why are you here in my house? How did you get in?!” Binaba ko ang vase at matalim siyang tinignan. Kumalabog ang dibdib ko, nakahinga man ako ng maluwag ngunit ang pagtibok ng puso ko ay tila mas doble sa naramdaman ko kanina.
Blangko niya akong tinitigan at pinasok ang dalawang palad sa bulsa ng pantalon nito. His eyes roamed around, tila ba hindi katanggap tanggap ang nabutan niya sa loob ng bahay.
“I didn’t build this house to become trash, Ninya.”
Kumulo ang dugo ko sa sinabi nito at nilapitan siya.
“What the f**k are you doing here—”
“Watch your mouth. You’re not talking to a stranger who invaded your house.” He turned his directions to my refrigerator. Examining every area. “You’re talking to your husband who also owned this house.” Pagak akong natawa sa dinagdag nito.
Binuksan niya yun at nakita kong napailing ito at ngumisi. He even took out the rotten grapes inside, halos hindi pa ganun nababawasan pero nabulok na lang sa loob ng ref. Bigla akong ginapangan ng pagkakapahiya.
He put it on the sink and took a deep harsh and disappointed sigh.
“I’m talking to you, Jericho. Ano ang ginagawa mo rito? You didn’t even ask permission to go here.” Mas nilapitan ko pa siya, handa na para paalisin ito ng bahay. Gagawin ko lahat ng puwersa makaalis lang siya rito dahil habang tumatagal siya sa loob ay mas nadadagdagan ang pagkakapahiya ko.