FOUR

2386 Words
Ninya Buenavidez BUMABA SIYA NANG hindi ako pinagbubuksan ng pintuan. Marahas kong kinuha ang purse ko at binuksan ang pinto ng sasakyan tsaka lumabas. Nauna siyang pumasok sa loob at mabilis na dumiretso sa counter. He ordered something pakatapos ay hinanap ako ng mga mata niya. Pinili ko sa gilid umupo at umaasa na sana maging kalmado ang pag-uusap naming dalawa. He sits in front of me and put his wallet, phone, and key of his car under the table. Sa paglapag ng kanyang cellphone ay umilaw ito at nakita ko ang wallpaper na bumungad sa akin. It was a painting, probably pinta ni Amara para sa kanya. Hindi malinaw sa akin kung ano ang nakaguhit basta painting siya. “What do you want to talk about?” pagsisimula nito. Nakita ko ang papalapit na waitress dala ang tray. Napanguso ako nang makita ko ang binaba nitong coffee, it’s my favorite. Pati yata ang pag-alala niya ng paborito kong inumin ay binibigyan ko ng kahulugan. Napairap ako sa sariling iniisip. “Drink your coffee first, para mahimasmasan ka.” Gusto ko siyang irapan at sungitan. Ayokong sundin at magmatigas. Pero sa huli mukhang kailangan ko nga talagang mahimasmasan. “I agree that we should talk right now. Kaysa naman magkita pa tayo ulit…” tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. “Ayokong maging ABALA sa oras mo,” I emphasized. He ignored what I said and just drink his coffee. Alam kaya ni Amara na pinuntahan ako ng nobyo niya? Mukha kasing galing trabaho pa ito eh. Dumaan man lang ba siya kay Amara bago pumunta sa akin? I shook my head to draw away my irrational thoughts about him. Napahawak ako sa ulo ko at minasahe iyun. “Does your head hurts?” he casually commented kaya natigilan ako at tinignan siya habang sapo pa rin ang ulo. Mabilis namang bumagsak ang mata niya sa kape nito. “Baka nasobrahan kana sa alak, Ninya. Lahat ng sobra, nakakasama. Don’t abuse your body.” Dagdag niya nang hindi nakatingin sa akin. Napalunok ako ng marahan at umayos ng upo. Hindi naman masakit ang ulo ko. I crossed my arms and leaned on my chair. Gusto kong barahin ang sinabi niya, ayokong isipin na concern siya sa akin. Basta ayoko! “Anong pag-uusapan natin?” “Donya Celestial is coming home and she wants to see us,” paalam ko sa kanya sa malaking balitang nakaabot sa akin. Hindi siya umimik at gumalaw ang panga. He slowly leaned on his chair like all his strength was taken away. “Hindi mo alam? Hindi mo ba kinakausap ang Lola mo, Rico?” He stared at me like I know the reason why he is avoiding his grandma. Tama na na ako lang ang hindi kumausap sa matanda. Pero pati ba naman ang lola niya ay iiwasan niya?! Pati ba naman si Rico ay hindi niya nakakausap?! “My ghaaad, Rico!” buntong ko sa kanya. Ayan! Sayo ko isisisi ang problemang ito. “Hindi mo pa rin ba nasasabi ang totoo sa lola mo?” “I told you not to answer her calls hangga’t hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa atin.” Napaikot ako ng mga mata dahil sa akin niya binabalik ang sisi. I thought I’m fine and can have a casual conversation with him, pero hindi, eh. May kung ano sa amin na tuwing nagkikita ay laging nagtatalo. Break up was a really good idea. “She called you… pero hindi ako naiisip na tawagan,” bulong bulong pa nito. “You want me to ignore your family? Gago ka ba, Rico? Gusto mong saktan ko ang pamilya mo? Pamilya ko na rin sila! Sinusunod kita sa gusto mong mangyari. Pero hanggang kailan ako iiwas kay Donya Celestial? Bakit hindi mo kasi masabi-sabi?!” sumbat ko sa kanya. Mariin siyang napapikit sa pagtaas ng boses ko. “I told you, give me some time.” Humina ang boses nito. Tingin niya sa paghina ng boses niya ay sasabayan ko siya? “Wow! Si Siv ang naghahatid sa akin ng gusto mong sabihin, hindi ikaw. And you are expecting that we will have good communication? You can’t even face me if you want to talk to me. Lagi mong pinapaabot sa mga kaibigan mo. Kung hindi ko pa sinabing emergency, hindi ka pa magpapakita.” “Will you lower your voice? Pwedi naman tayong mag-usap na hindi nagpapataasan ng boses,” problemado at nahihirapan niyang sambit. Narinig ko ang marahas na buntong hininga niya at umayos ng upo. Natahimik kami. Walang nangahas magsalita. Sinubukan naming kalmahin ang isa’t isa hanggang sa nagpakiramdaman kung sino ang unang babasag ng katahimikan. Mabuti na lang at gabi na, walang masyadong tao sa loob ng coffee shop. “Where did you get that information? Sigurado ka ba?” may inis niyang tanong na tila sa akin nagagalit sa pag-uwi ng biglaan ng lola niya. “Donya Celestial called me this morning. Siya mismo ang nagpahatid ng balita.” Napahilot siya ng ulo at marahan na tumango. Malalim ang iniisip, ang oras ay tumaktabo, mas lumalalim ang gabi. I don’t want to stay longer here with him. “Anong aggawin natin ngayon? Sasabihin natin ang totoo? Dahil hindi pa huli ang lahat, we can tell her that we already broke up. Sabihin mo sa kanya na may nobya kana. Ngayon na mismo habang hindi pa siya nakakabalik ng Pilipinas. Maybe… maybe she will back out. I mean, mas maganda yun diba? Kaysa naman dito natin sabihin after she arrived,” mahabang paliwanag ko at sinulyapan siya. He puckered his lips. Tila ang suhestyon ko ay hindi niya matatanggap. “I can’t, Ninya. I can’t tell her right now. May sakit sa puso ang matanda.” Pagak akong natawa at halos maiyak sa sinabi nito. “Okay fine. Ako ang magsasabi,” walang pag-aalinlangan kong sambit ngunit mabilis niyang hinawakan ang pulusuhan ng kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. I was a bit stunned by his action, marahil ay matagal na kaming hindi nag-uusap. Ni hindi nagkikibuan at hindi kayang dikitan ang isa’t isa. I shoved his hands away, and he looked a bit embarrassed about what he just did. Napaayos siya muli ng upo. “You can’t do that, Ninya. Hindi pa natin puweding sabihin.” “Kailan mo gustong sabihin? Kapag wala na siya?!” hindi ko mapigilang paglabas ng salita sa bibig ko, madiin na titig ang pinukol niya sa akin ngunit hindi ako natinag. Kumalma ako ulit, nakalimutan ang gusto niyang paraan ng pakikipag-usap sa akin. “Mag-isip ka nga, Rico. Kung papatagalin natin ito, mas lala ang sitwasyon. Mas lalaki ang problema natin.” “Just not now, Ninya. Lubos na malulungkot ang Donya kapag nalaman niya ang katotohanan. For now, let’s keep this a secret to her. Besides…” He swallowed hard and glanced at me. “She won’t be happy knowing that I have a girlfriend right now. Baka ang pagsabi pa natin ng totoo ang dahilan para atakihin siya sa puso.” “And what do you want to do when she came back here?” Natigilan siya at bigla akong tinignan, I was conscious of his intensifying and deep stares. Tila naninimbag ang titig nito kung magugustuhan ko ba ang panandaliang solusyon niya sa problema. Umiwas ako ng tingin, hindi na nakayanan pa ang paninitig nito. I bit my lower lip and eventually pouted my lips. Isang mahabang katahimikan ang namuo sa aming dalawa. Tanging ingay ng iilang staff at mga gamit ang naririnig namin sa loob. Kasama na ang ingay ng aircon sa sobrang tahimik ng paligid. Nang sulyapan ko siya muli ay naroon pa rin ang mapanuring titig nito sa akin. “Ano?” I asked impatiently. Titig kana lang Jericho Buenavidez? Hindi masusolusyunan ng ganda ko ang problema natin kung titig kana lang sa akin. He looked away and stared at the outside while his fingers are playing to his lips. Dahil sa ginagawa niya ay bumagsak ang tingin ko sa labi nito. Mabilis akong umiwas at nagparinig ng pagod na pagbuntong hininga para malaman niya na inip na ako. “Let’s give her a good vacation. If that’s all she wants.” Napalunok ako sa sinabi nito at biglang nakaramdam ng lungkot. Bakit nga ba uuwi ang Donya? Because she wants to have a memorable and happy vacation with us. I don’t want to be selfish and give that to her without anticipation. “Paano?” wala sa sariling sambit ko. “Babalik ako sa bahay natin …” hindi niya magawang tapusin ang sasabihin dahil sa marahas kong pagbaling sa kanya. Saglit siyang natigilan sa reaksyon ko. Halos mapatayo ako sa gulat sa sinabi nito. Bahay natin… I want to laugh. Pero deep inside me, ang sakit pala na marinig yun sa kanya. We build that together. But in the end, I was left alone in that huge house filled with memories. “Let’s pretend that we are okay while she is here. Kapag nakaalis na siya ng bansa ay unti-unti nating sasabihin sa kanya ang totoo.” He licked his lower lip when he saw how my jaw dropped. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ko, iniisip na nagbibiro lang siya. Masungit siyang umiwas ng tingin dahil ang tawa ko ay naging isang pilit at mapang-uyam. “Talaga, Rico? Yan ang solusyon na naisip mo?” “Then give me a better one. Kapag may maisip kang mas maganda sa solusyon ko, gagawin natin.” Naging malamig ang mukha niya na tila ba na-offend ko. “Do we have to pretend? We already lie from her, Rico. At ang pagkukunwari ay mas dadagdag sa kasalanan natin na pagsisinungaling. Gusto mong lokohin natin siya?” Huminga ako ng malalim. “Mas mabuti ng sabihin natin ang totoo. Yun ang tamang gawin.” Inirapan ko siya. He laughed with sarcasm and shook his head. He licked his lower lip and looked away. Mukhang mas naging problemado sa pagtanggi ko sa suhestyon niyang plano. Akala niya ba maganda yung plano niya? Walang hiya ‘to! Pati ako ipapahamak sa matanda. At teka nga! Ano na lang ang sasabihin ng nobya niya? “You’re deciding alone, Rico. Have you talked about your plan with your girlfriend?” Dahil sa tanong ko ay bigla siyang napalunok. Mariin siyang napapikit at hinilot ang sentido, probably nagyon lang naisip ang girlfriend niya. “Mas mahalaga pa rin ang pamilya, no?” pang-uuyam ko at ngumisi. “You know how much I love Donya Celestial,” he said seriously, staring at my provoking eyes na nanghahamon ng away. “I always prioritize my family, Ninya. You know that since the beginning.” Makahulugan niyang usal na tila patama na sa akin. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at mapait na napangiti. “At ako hindi?” Sinabayan ko ng isang tango ang tanong ko dahil alam kong yun ang pinupunto niya. He looked at me without saying anything and eventually smirked. “If you agree to my plan, I will automatically discuss it with Amara. Pero kung sa tingin mo na ang planong naisip ko ay ang dahilan para mapunta hindi ka tanggapin sa langit, ‘di wag kang pumayag. But you have to provide another alternative plan. Dahil kung wala, plan A ang bagsak natin. Ninya.” “At talagang damay ako rito?” “You’re still my wife. Ang pamilya ko ay pamilya mo rin. Ang bahay ko ay bahay mo rin. Everything we have, we still have to share.” Pagak akong natawa at umiwas ng tingin. “I’m done talking to you, Rico. Uuwi na ako.” “Alright. Let’s go.” He automatically put his wallet and phone inside his pocket. I watched him with amusement in my eyes, holding a sarcastic smirked on my lips. Mas lalo akong namangha sa pagtayo pa nito. “Huwag mong sabihin na tutuloy ka ngayon sa bahay natin?” “Ihahatid kita. Don’t take my plan for granted. Wala pa ang Donya, Ninya. Don’t be too excited.” Ngumisi siya, matayog ang tindig at bagsak ang tingin sa akin. “Magpapasundo ako kay Aubs or Siv.” Umiwas ako ng tingin. Hindi ako sasabay sayo! “Tama ng ako na ang maabala mo. Kaya sumabay kana sa akin—” “You heard me, right? Magpapasundo ako at magpapahatid kung kanino ko gusto.” Pagod siyang napabuntong hininga at bumalik sa kinauupuan. He comfortably sits on his chair while playing the key of his car on his fingers. “What are you still doing here?” “Just making sure kung si Siv o Aubrey talaga ang maghahatid sayo.” He stared at me. “Baka naman yung lalaki kanina sa labas ng bar?” Ngumisi siya, trying to annoy me. Hindi ako makapaniwala! Sa huli ay sinimulan ko ng tawagan si Siv para papuntahin kung nasaan kami habang si Rico ay hindi inalis ang buong tingin sa akin. Pinapanuod bawat galaw ko. “I have no problem to your dating lifestyle, Ninya,” kaswal niyang pagbahagi kaya napataas ako ng isang kilay. “Umpisa pa lang dapat ay alam na nila na kasal at may asawa ka. Dahil kung seryoso ang mga lalaki mo sayo, hindi yan maduduwag na ligawan ka.” “At ano naman ang pakialam mo? Hindi kita pinakialamanan pagdating sa girlfriend.” Natahimik siya at umiwas na lang ng tingin, sakto naman ang pagtawag ni Siv sa akin at sinabing nasa labas na siya ng café. Tumayo na ako at walang pasabi na naglakad habang siya naman ay mabilis na sumunod sa akin hanggang makarating na kami sa parking area. When I saw Siv near his car ay dumiretso na ako papasok ng sasakyan niya nang walang pasabi. He just laughed in disbelief. “Wow! I feel used!” rinig ko pang pasaring nito sa akin at dismayado akong inilingan. I closed the door of the front seat and crossed my arms as I watched both of them talked. Hindi ko man marinig ang pinag-uusapan nila ay napakunot ang nuo ko nang sulyapan ako ni Rico matapos may sabihin ang pinsan ko sa kanya. He looked away after our eyes met in both darkness, only the dim lights that illuminates the place.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD