Ninya Buenavidez
Habang papalapit ako sa kanya ay mas nararamdaman ko ang mapanuring titig nito. Ngayon ko mas nararamdaman ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko maski suot ko na ang jacket ni Siv. Gumalaw ang labi nito at marahan na napalunok. Muling nagtama ang mga mata namin, nasa akin ang buong atensyon maski may babaeng nagsasalita sa harapan niya. Mas nahihilo ako sa titig niya, kumpara sa alak na nainom ko.
I’m wearing a black halter top that has X cross behind me and a red red skirt that has slit on the right side. Aaminin kong maiksi ang suot kong pang-ibaba, idagdag pa nito na halos kita na ang isa kong hita sa slit ng skirt.
“Bye, Rico. I hope to see you around next time,” kaswal na paalam sa kanya ng babae nang mapansin ang pagdating namin.
Huminto ako sa harapan niya, malayo ang agwat at may distansyang iniingatan. It was different when we were still together na tuwing sinusundo ako nito ay halik ang nagiging salubong niya. Ngunit sa pagkakataong ito ay isang malamig na titig niya at pag-iwas naman ng mga mata ko.
Siv tapped Rico’s back before my cousin glanced at me like I did a crime for being here tonight.
“I didn’t know that she was here. I’m sorry, pare,” Siv said cooly. Tila ako pa ang sinisisi na ito ang naabutan ng magaling niyang kaibigan.
“It’s fine.” He nonchalantly put his palm in the air at bumaling sa akin. Biglang bumigat ang pakiramdam ko nang magtama ang mga mata namin. “Nasa tamang wisyo ka pa ba para makipag-usap sa akin?” malamig at mukhang iritabli niyang tanong. Dahil doon ay napasipol si Siv at medyo lumayo ng konti sa aming dalawa.
Biglang kumalabog ang dibdib ko nang ako na ang kausapin niya. Syempre! Ngayon ko lang siya nakita muli na halos ilang buwan na lumipas na pagiging mailap niya sa akin. Matindi ang pag-iwas niya, pinabayaan ko rin naman. He must be really curious why I want to talk to him when I go to his house, bagay na alam niyang hindi ko gagawin kailanman.
I swallowed hard and we both stared at each other. I was about to speak when the music inside the bar changed, it was familiar to both of us. It brings our high school memories together. Mas lalong sumikip ang dibdib ko.
‘it’s been so long that I haven’t seen your face. I’m trying to be strong but the strength is washing away.’
Napangiwi ako lalo na nung marinig ang hagalpak na tawa ng pinsan ko. Nang tignan ko ay nakatingin na sa screen ng phone niya na mukha namang wala ang pinagtatawanan doon. I ridiculously laughed because of the damn song! Pero nang umangat ang tingin ko kay Rico ay sinalubong ako nito ng madilim at malamig na titig na para bang pati pagtawa ko ay isang kamalian.
“Are you just gonna stare at me?” napanganga ako sa sinabi niya at umirap.
“Do I look like drunk?” I probed to him. Rumiin ang titig niya sa mukha ko at binuksan ang pintuan ng front seat niya. His jaw tightened while he is swallowing hard, kita ko yun dahil sa paggalaw ng adam’s apple nito.
“Get inside. Sa bahay tayo mag-uusap.”
“Mag-uusap? But I’m still with my friends, hindi pa kami tapos,” protesta ko.
Sa pagtaas ng boses ko ay nakuha namin ulit ang atensyon ni Siv. I saw how Siv shook his head in disappointment at me, tila maski siya ay dismayado sa sinabi ko. Umirap na lang ako.
“Oh. So, do you want me to join you inside until you’re done drinking so we can talk? Tingin mo makakapag-usap tayo kung lasing ka?” He licked his lower lip and I can feel his heavy breathing.
“At tingin mo invited ka sa loob?” Masungit siyang umiwas ng tingin at napailing sa hangin.
“Get inside. Iuuwi na kita—“
“Wait… inuutusan mo ba ako?”
“Pinapunta mo ako rito para mag-usap tayo. Hindi kita kayang isingit sa schedule ko kaya ayaw kong mapunta sa wala ang biniyahe ko rito Ninya.”
Bigla akong napaangat ng tingin sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ko. Hindi ko alam pero natigilan ako saglit at para bang bumagsak ang puso ko dahil sa pangalan kong sinambit niya.
“We can’t talk right now. Gabi na. Umuwi kana lang at sa susunod na tayo mag-usap kapag…” hindi na natapos ang sasabihin ko ng may marinig akong tumawag sa akin.
“Ninya!” I saw the guy I just met last week running in our direction.
Siv puckered his lips and was about to stop the guy from going to our spot but it was already too late. Kaya sa huli ay napangisi ang pinsan ko at bahagyang napakamot sa kanyang kilay.
“Uuwi kana ba? You left your purse.” Inabot niya sa akin ang purse ko at tinignan si Rico na ngayon ay nakita ko ang pagsalubong ng dalawang kilay at pagdilim ng mga titig nito. “Hi, am I interrupting something?” nahihiya siyang tumawa ng batiin si Rico. Napanguso lang si Rico at makahulugang tinignan si Siv na tila alam na nito ang dapat na gagawin.
“Tol. Sa loob na tayo,” aya ni Siv at ngumiti, kilala ang lalaking lumapit.
“Let’s wait Ninya, the party is not yet over.” Hindi matanggal ang tingin niya sa akin at tipid na ngumiti tsaka napasulyap kay Rico bago sa akin. “Pumunta pa naman ako rito para makasama si Ninya.” Pinamulahan ito ng mukha matapos aminin iyun at malapad akong nginitian.
“She is done for tonight. I’m taking my wife home,” pagsabat ni Rico at mabilis kinuha ang purse ko sa akin tsaka nilagay sa loob. Nakita kong natigilan ang lalaki at tinignan ako para humingi ng kumpirmasyon.
“May asawa kana pala? Ang bata mo pa, ah!” tunog dismayado ang boses niya. “You didn’t… mention that to me.” His face suddenly became hopeless. Tila nasaktan siya sa nalaman.
I want to explain my side! Pero bakit wala yatang lumalabas na salita sa dila ko? Nasa dulo na, eh. Hindi ko mailabas dahil sa nakabantay na tingin ni Rico sa akin.
“Tara na sa loob.” Hinawakan ni Siv sa balikat ang lalaki at marahan na tinulak pa para maglakad na ito. Umalis na siya kasama si Siv papasok sa loob.
“Ninya!” mas madiin at maawtoridad na tawag ni Rico sa akin na nakaabang sa pintuan ng sasakyan niya. Tunog nauubos ang pasensya.
Wala akong nagawa kundi ang pumasok na dahil nasa loob na rin naman yung purse ko. He closed the door and I leaned on my seat. Hindi ko maiwasan na ilibot panandalian ang tingin ko sa buong kotse niya. It’s nice and clean. Mabango rin, amoy mamahalin. Wala naman masyadong laman bukod sa laptop bag niya at ilan pang mga papeles. Blueprint o ano pa na kaugnay sa trabaho niya nakalagay sa backseat.
Pumasok si Rico at halata na iritabli sa paraan ng pagsara niya ng pintuan. He started the engine of his car and firmly hold the steeringwheel as he drove away from the exclusive bar.
“Hindi mo ba sinasabi sa mga nakikilala mo na may asawa ka?”
Napakunot ako ng nuo sa tanong nito.
“Kailangan ba? Why would I tell him that? He is just a friend.”
“Friend my ass!” pagak siyang tumawa “Dapat alam ng mga lalaking umaaligid sayo na kasal ka. Para alam nila kung saan dapat lumugar,” he added in murmured.
“Ano?!” hindi ko mapigilan na harapin siya. Sinulyapan niya ako at tila biglang nawalan ng sasabihin. “What do you mean, Rico? Am I not allowed to date? Saan ba dapat sila lumugar?” Dahil kapag sinabi niyang Oo, sasakalin ko siya ngayon mismo.
“I don’t care about your boys, Ninya. I don’t care about your nightouts. Ang sa akin lang bago ka pumasok sa isang relasyon, dapat bukas sa kanilang kaalaman na may asawa ka. Na kasal ka pa rin sa akin at apelyido ko ang dinadala mo.” Sinulyapan niya ako, trying to check my sudden silence. Nakita nito ang matalim kong titig sa kanya. “Apelyido ko ang dala mo…” ulit nito na tila dapat kong itatak sa kokote ko iyun.
“Edi tanggalin natin kung yun ang kinagagalit mo,” nanghahamon kong usal na biglaan na lang lumabas sa labi ko. Sa sobrang inis ko ay nasabi ko na lang iyun na hindi man lang nag-iisip. But I have a point! I’m sure mas pabor yan sa kanya.
Hindi siya umimik at naging marahan ang paandar ng sasakyan. Nagulat pa siya sa sinabi ko pero hindi ako nagawang tignan man lang. My statement seems like a bomb that blown explosion between us. Malakas ang pagsabog at kalaunan ay biglang nagpatahimik sa paligid.
Napahalukipkip ako at tumikhim.
“Hindi tayo sa bahay mag-uusap.” Matapang kong anunsyo. Taka niya akong sinulayapan. “Maghanap ka ng ibang lugar. Ayoko sa bahay tayo mag-usap.”
Mas lalong sumalubong ang dalawa niyang kilay. Mas dumiin ang hawak sa manibela.
“Are you hiding something?”
“Ano naman ngayon? Stop questioning me. Just do what I say.”
“Bahay ko rin yun, Ninya. May karapatan akong malaman. Papasok ako kung kailan ko gusto.” Sinulyapan niya ako nang sambitin ang huling linya nito. Medyo kinahaban ako roon sa sinabi niya na papasok siya kung kailan niya gusto. Parang ayokong mangyari yun.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. May punto siya pero ayoko na roon kami mag-usap. Hindi ako nakapaglinis, baka anong kalat ang abutan niya. Mas lalo lang kaming magtalo. Mas lalo niya lang ipamukha sa akin na wala sa ayos ang buhay ko. Mamaya makarinig pa ako ng panlalait sa kanya.
“Next time na. Diyan na lang tayo mag-usap.” Tinuro ko ang maliit na café at wala na masyadong tao. Mabuti at napapayag ko naman siya at hindi na nagtanong pa.