Ninya Buenavidez NAPATITIG AKO sa screen ng phone ko habang binabasa ang kauna-unahang message ni Rico sa akin simula nang magkita kami muli. He changed his number, I’m sure of that. Dahil kabisado ko ang dulo ng numero nito. “Hindi siya makakauwi ngayon, babalik na lang siya bukas para sunduin si Donya Celestial,” pagsiwalat ni Lucy matapos basahin ang mensahe ni Rico. Mabilis ko iyung sinarado at binalik sa purse ko. I took another straight shot of Margaritta as they shook their heads while watching me drown myself in the alcohol. Kahit wala akong problema ay ginagawa ko ito. Kaya wag nilang sasabihin na nagpapakalunod ako sa alak dahil hindi uuwi si Rico ngayong gabi. Wala akong pakialam sa kanya! “Ano pa ang sinabi niya?” Aubrey probed wanting me to talk more about what happened a

