“Bilisan mo ang kilos mo hija, nandito na sila,” aligaga si Aling Auring sa paglalagay ng mga nilutong putahe sa hapagkainan nang marinig nito ang pagdating ng dalawang sasakyan na kinalululanan ng mga bisita ng among si Silver.
“Sandali lang po, malapit na,” siya man din ay hindi mapakali sa pagkataranta. Hindi siya sanay na magluto ng marami. Ni hindi niya nga alam lutuin ang ibang putahe na ipinaluto ni Silver. Malay ba niya eh hindi naman talaga siya isang cook. Siya pa nga ang pinaglulutuan noon, at sa bahay naman ni Rodolfo ay simpleng pagkain lamang ang inihahanda niya. Mabuti na lang talaga at maaga ring dumating ang tulong na si Aling Auring at ito na ang gumawa ng iba.
“Nasaan na ang sauce ng steak?” tanong ng matanda habang inaayos na lang ang mga utensils sa tabi ng mga platong maganda ang pagkakadekorasyon.
“Eto na po,” mabilis ang pagkilos na inilagay niya ang maliit na parang takure sa tapat ng nakahandang t-bone steak sa gitna ng lamesa.
Sa huling pagkakataon ay pinasadahan ng tingin ni Aling Auring ang hapagkainan. Tahimik lang naman itong pinagmamasdan ni Darling na tila naghihintay lang kung ano pa ang sunod na ipag-uutos nito. Nang makita ng babae na ngumiti ito ay tsaka lang ito nakahinga ng maluwag.
“Okay na,” saad ng matanda na tumango-tango, ngunit nang mapunta ang paningin nito sa kasama ay napangiwi na naman ang mukha at napakamot ng ulo. “Ano ka ba! Bakit ang dungis mo?” nilapitan nito si Darling upang papasukin ulit sa loob ng kusina.
Tiningnan niya ang sarili. May mga mantsa ang harapan ng suot niyang bistida galing sa pagluluto kanina. Huli na kasi nang maalala na wala siyang suot na apron kaya noong natapunan siya ng toyo ay binalewala na lang iyon dahil na rin sa kaabalahan at pagmamadali. Akala niya naman ay walang kaso iyon.
“Magpalit ka. Nakakahiya sa mga bisita ni Sir Silver.”
“Ho? Malayo pa po ang bahay ko. At wala po akong nadalang pangpalit dito.”
Naipalo ng matanda ang palad sa noo nito sa prustrasyong nararamdaman. Maging ang bahay nito ay medyo malayo rin. Wala nang sapat na oras para pumunta doon at makahiram ng damit sa anak na si Brenda.
“Pumunta ka sa itaas. Sa dulong kuwarto, pumasok ka doon, sa ibaba ng kabinet meron doong damit. Subukan mo baka magkasya sa iyo. Bilisan mo at magsi-serve na tayo,” mabilis na utos nito sa babae.
Dagli siyang kumilos at pumaakyat sa pangalawang palapag ng bahay habang busy si Silver sa pagsalubong sa mga bisita. Tinandaan niya ang instruksyong sinabi ng matanda. Sa dulong kuwarto na nakita ay pumasok siya at binuksan ang ibabang drawer ng kabinet na tinutukoy nito. Doon ay agad niya ngang nakita ang nag-iisang damit na maayos na nakatupi.
Kinuha niya iyon, binuklat, itinaas at pinagmasdan. Sa pagkakita doon ay agad siyang nagdalawang isip na suotin ang damit. May kaiklian kasi ang bulaklaking dress na iyon. Ok lang sana ang pagkaka-style ng spaghetti strap nito na medyo mababa ang neckline, pero ang laylayan ng dress? Siguradong kahit yumuko lang siya ng konti ay masisilipan na agad siya.
Nasa gitna siya ng pagdedesisyon kung isusuot ba iyun o hindi nang maulinigan niya ang pagpasok ng mga bisita sa living area ng bahay. Bigla siyang nataranta at dali-dali ay hinubad ang maruming bestidang suot at ipinalit ang hawak na damit. Bago pa bumaba ay inilugay niya rin ang lampas hanggang balikat na buhok at iniharang sa dibdib upang walang masyadong makitang skin sa upper part ng kanyang katawan.
“Oo nga, it’s been a while. How’s everything here? Ang hacienda?” boses iyon ni Gold nang makapasok sa loob ng bahay ka-hawak kamay ang nakasunod na asawa na nasa kabuwanan na nang pagbubuntis nito.
“Everything’s doing good, kuya,” sagot naman ni Silver sa kapatid habang may ngiti sa labi na nakatayo sa tapat ng pintuan. Pinagmamasdan nito ang lahat na paparating.
Patakbong pumasok doon si Amber, ang panganay na anak nina Gold at Emerald. Magkasunuran lang naman ang ama at kapatid ni Em, at nahuli sina Mamu, Krystal at ang lola nito.
Habang busy ang lahat sa kamustahan ay pasimpleng pumababa na si Darling, agad na dumiretso sa gilid ng hapagkainan, sa tabi ng matandang naghihintay.
“S’ya nga pala, si Copper nagpaalam ba sa iyo?” tanong ni Gold tungkol sa nakababatang kapatid.
“Oo, mali-late daw siya.”
“As usual naman,” nagkatawanan ang mga ito sa sinabing iyon ni Gold. Kahit kelan talaga ay late dumating ang kapatid nilang iyon. “Why don’t you sit down first, my love, habang hinihintay natin si Copper?” kapagkuwan ay baling nito sa katabing asawa.
“Maya-maya na siguro, love. Galing lang tayo sa biyahe. Medyo sumakit nga ang balakang ko sa kaka-upo eh,” sagot ni Emerald habang ang isang kamay ay nakatukod sa namimilog na balakang. “I’m good,” dugtong pa nito.
“Are you sure?” paninigurado naman ng lalaki.
“Yes, mahal ko,” pinakatitigan pa ni Emerald ang asawa. “Don’t worry, I will bother you as soon as mangalay na ako sa kakatayo,” may pag-uuyam pa nitong ngiti.
Kinabig ni Gold ng bahagya ang asawa upang bigyan ng halik ang noo nito, maging ang umbok na tiyan pagkatapos yumuko. Saksi ito sa paghihirap ng asawa sa kasalukuyang kalagayan lalo na at tatlo ang dinadala ni Emerald.
Hindi naman nakaligtas mula sa mga mata ni Silver ang simpleng lambingan ng dalawa. Napangiti lang ito. May inggit man itong nararamdaman sa dibdib ngunit agad na isinantabi lang iyon. Pero hindi rin naman nito maiiwasang makaramdam ng pressure dahil knowing na pangalawa ito sa Salazar brother’s ay ito na ang inaasahang susunod na lumagay sa tahimik.
Ginugol nila ang ilan pang mga minuto sa kwentuhan at tawanan. Naging pampalipas oras din nila ang kakulitan ni Amber na unang pamangkin ni Silver kay Gold. Nang lumipas ang tatlumpong minuto ay nagpasya na silang maghapunan kahit wala pa ang bunsong kapatid.
Nagkanya kanyang pwesto ang mga bisita sa palibot ng mahabang lamesa sa dining area at halos sabay-sabay na umupo sa upuang naroroon. Nahuli naman sina Silver at Gold na pumwesto sa upuang nasa magkabilaang dulo ng lamesa. Alalay pa ni Gold sa pag-upo ang asawa na katapat lang din nito sa bandang kaliwa.
Sa oras na iyon ay pumasok ang dalawang kasambahay upang isa-isang ibalik ang ilang putahe sa lamesa na kinuha ng mga ito kanina para ilagay muna sa loob ng oven sa gayon ay hindi lumamig habang nagkukwentuhan ang mga ito. Lahat ay napatingin sa masasarap na putaheng inilabas ng dalawa, maliban sa binatang si Silver na sa iba natuon ang mga mata. Kay Darling.
Sa simpleng ayos na iyon ng babae ay ibang-iba na ang dating nito sa binata. Mula ulo hanggang paa ay pinagmasdan nito ang babae. Batid nito ay may kakaiba kay Darling noong mga oras na iyon. Later na lang nito napansin na nagpalit pala ito ng bestida na tila pamilyar pa dito. Pansin din nito ang na-expose na makikinis na hita ng babae pati ang buhok nitong bagsak at shiny. Ngunit higit pa doon, ang s*x appeal ng babae na tila naghuhumiyaw lalo na noong hapitin ng suot na mini dress ang balinkinitang katawan nito.
Hindi sinasadya ng lalaki na paminsan-minsan ay mabasa ng laway ang mga labi sa tuwing dumadaan ang babae sa tabi nito. Anong pigil ang ginagawa nito na pakahawakan ang maliit na bewang na iyon ni Darling sa tuwing mapapalapit ang babae dito.
“Sir, more soup pa po?” tanong ni Darling sa binata nang makita niyang ubos na ang soup nito sa maliit na bowl.
“Sure,” sagot naman ni Silver na nilakipan pa iyon ng matamis na pagngiti.
Sandaling umalis si Darling upang pumunta ng kusina para kunin ang may kalakihang bowl na may lamang soup. Pagbalik, gamit ang sandok ay ni-refill niya ang gamit na bowl ng lalaki. Bahagya pa siyang yumuko upang makabwelo sa paglalagay ng soup doon nang hindi sinasadyang maparami ang sandok niya doon at nang umapaw iyon at tumulo sa lamesa ay natalsikan ang suot na t-shirt ng lalaki. Agad siyang nataranta. Ibinalik niya ang sandok sa dala-dalang bowl hindi pansin na marami pa pala iyong laman dahilan ng pagtapon noon sa pantalon ng lalaki.
Sa gulat ay napa-urong si Silver sa pagkakaupo lalo na nang maramdaman ang init ng likidong pumatak sa damit na suot.
Hindi naman alam ni Darling kung ano ang unang gagawin basta agad nitong dinampot ang table napkin na nasa lamesa upang ipunas sa lalaki.
“Naku, sorry ho sir. Hindi ko sinasadya,” paumanhin niya habang ginagawa iyon. Mabilis ang pagkilos ng mga kamay niya habang pinapahiran ang bandang dibdib sa suot na t-shirt ng lalaki pati na ang malaking patak ng soup sa harapan ng jeans nito. Hindi na niya alintana na kung saan-saan na napupunta ang kamay.
Samantala nagulat si Silver sa ginawa ng babae. Paano’y nasasanggi na ng mga daliri nito ang isang sensitibong bagay na hindi dapat masanggi. Dahil doon ay nahawakan nito ang kamay ni Darling para pigilan mula sa ginagawa.
“Okay na, don't worry about it,” saad pa nito, na dahil bahagyang namula ang mukha sa nangyari ay dinaan na lang sa tawa. Medyo nakaramdam ito ng hiya pero bukod pa roon, kung nagpatuloy pa ang babae ay paniguradong may mabubuhay na sa loob ng pantalon nito na higit na nakakahiya kung nagkataon.
Kumilos naman si Aling Auring na halata sa mukha ang pagkadismaya. Hinawakan nito sa mga balikat si Darling upang dalhin ito sa kusina. Ngunit agad itong pinigilan ni Silver para magprisinta na ito na lamang ang magdadala doon sa babae.
May pag-aalala na mababanaag sa mukha ni Darling habang akay ni Silver papasok sa kusina. She started to overthink again. Pagagalitan ba siya ng lalaki dahil sa nangyari? O baka at that moment ay patatalsikin na siya sa kanyang trabaho?
Pagdating sa kusina ay walang ano-ano ay hinawakan siya ng lalaki sa braso. Nagulat siya nang bahagyang humigpit ang kamay nito at ipinid siya sa pader sa gilid ng kusina. Nagsimula siyang mag-panic ng kaonti.
“I’m sorry ho, sir. Hindi ko naman ho sinasadya. Promise po, mag-iingat na po ako next time. Hindi na ho mauulit!” napapikit siya ng mga mata na akala niya’y bubulyawan siya nito.
“Shh!!” saway naman ng lalaki na tinakpan ang bibig ni Darling upang pahintuin na ito sa pagsasalita. “I know! I told you, it's okay,” mahinahong saad pa nito.
Unti-unti siyang napamulat ng mga mata. Little did she know na ilang inches na lamang ang agwat ng mukha ng lalaki mula sa kanyang mukha. Naiatras niya ang ulo hanggang sa mailapat na iyon sa dingding.
Sa mga oras na iyon ay nagtagpo ang kanilang mga paningin, nagtagal iyon ng ilang minuto. Tila tahimik na nag-usap. Pagkatapos ay naglakbay na ang mga mata ng lalaki pababa sa nakaawang na labi ng kaharap. Pigil ang kanilang paghinga noong sandaling iyon dahilan ng halos marinig na nila ang nararamdamang pagdagundong ng pagtibok ng puso ng bawat isa.
Darling was cofunsed. Naguguluhan ang mga tingin na iyon ng babae na hindi mawari kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit pagkatapos ng pagkakamaling nagawa ay pininid siya roon ni Silver.
Samantalang ang tingin na ipinupukol ni Silver ay kakaiba, may panggigigil iyon, na tila ba any minute ay nakahandang sunggaban ang babae. May pagtagis ito ng panga mula sa pagpipigil sa nag-uumapaw na damdamin na gustong ipadama sa babae. Ngunit sa dulo ay napabuntong hininga lang ito.
“I'm sorry. I just want to say next time be careful, okay?” sambit lang nito kapagkuwan.
Paulit-ulit na pagtango ang ginawa ni Darling na tila ba may takot na baka pagkatapos pa ng isang pagkakamali ay mawalan na siya ng trabaho.
Lumuwang ang pagkakahawak ng lalaki sa braso ni Darling at inilayo ang katawan sa babae.
“Go ahead and help Aling Auring,” saad pa nito na sinabayan pa iyon ng paglingon nito sa kinaroroonan ng dining area.
Dahan-dahan na lumakad siya patagilid upang makawala sa pagkakapinid nito. Subalit nang pumuhit patalikod ay walang ano-ano ay inabot ulit ng lalaki ang kanyang braso. Mula roon ay dumausdos ang kamay nito papunta sa kanyang kamay at pagdating doon ay humigpit ulit sa pagkakahawak. Naipihit niya ulit ang katawan paharap dito na pati ang kanyang makintab na buhok ay sumunod sa kanyang pagkilos.
“Sir Silver?” sambit niya sa pangalan nito na may pagtataka ulit. Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito at hindi siya nagkakamali sa nakikita. Puno iyon ng pagnanasa.
Ilang sandali pa ay muling hinigit siya ng lalaki at sa pangalawang pagkakataon ay ipininid sa dingding. This time ay ibinakod na nito ang mga braso sa kanya.
Bumilis ulit ang pagtibok ng kanyang puso. May kaba roon at the same time wari ba ay may excitement lalo na nang mabasa ng kanyang mga mata ang tila gustong gawin ng lalaki.
“Sir, may asawa na ho ako,” pinaalalahanan niya ulit ito baka sakaling hindi nito ituloy ang binabalak na gawin.
“Wala na akong pakealam,” sagot naman ng binata na walang ano-ano ay sinunggaban na siya para halikan.
Sa isang tao na may asawa’t anak na ay dapat siguro ay nagpupumiglas siya ngayon upang pigilan ang lalaki, ngunit hindi. Hinayaan niya lang ito at pinakiramdaman ang paglalapat ng mga labing iyon ni Silver sa kanyang mga labi.
Sa una ay naiawang niya lang ang mga iyon habang gulat ang mga mata sa nangyayari. She had never been touched and never been kissed. Wala siyang idea kung paano humalik ng isang lalaki kaya hinayaan niya lang itong kumilos.
Meanwhile, those kisses of Silver? Puno iyon ng pananabik at pagnanasa yet banayad at may pag-iingat. Tama lang ang ginagawang paghalik nito sa mga labi ni Darling dahil may halo iyong respeto kung sakasakaling piliin mang manglaban ng babae.
On the other hand, inaral niya ang bawat paggalaw ng mga labi ng lalaki. At sa mga sumunod na sandali at ginaya na rin ang mga iyon. Hindi na niya napansin na naipikit na niya ang mga mata at naipaling ang mukha. Naihawak niya na rin ang mga kamay sa katawan ng lalaki at bahagyang naikapit doon. Sa mga sumunod na sandali ay tuluyan na silang nagpalitan ng matatamis na halik nang maya-maya ay marinig nila ang yabag ng mga paa papasok sa kusina. Agad silang nagbuwag at umaktong walang nangyari nang makitang papalapit na si Aling Auring.
“Darling, tapos na silang kumain. Tulungan mo na akong magligpit,” anito na inilagay na sa lababo ang mga bitbit na plato.
“Opo,” sagot lang niya na hindi na tiningnan pa si Silver. Nagmamadali siyang pumunta sa dining area na inabutan niyang wala nang ni isang nakaharap sa lamesa. Lahat ay busy na sa panonood ng telebisyon sa living area.
Samantala, napabuntong hininga lang si Silver. Kasabay ng pag-aalaala sa katatapos pa lang na pangyayari sa pagitan nito at ng babae ay rumihistro ang ngiti sa mukha nito. Bagamat may kaba sa dibdib dahil muntik nang may makakita sa kanila yet it doesn't bother him at all. Hindi niya pinagsisisihan na i-take ang risk na matikman ang mga labi na iyon ng babae. He feels like he really is in heaven right now.
Dala ang iba pang pinagkainan ng mga bisita ay pumasok ulit si Darling sa loob ng kusina. Nilingon niya ang lalaking naroon pa rin. Muli ay nagtagpo ulit ang kanilang mga mata. Ewan ba at parang may hipnotismo ang lalaki na tila nag-uudyok sa kanya na lapitan ulit ito at hagkan. But this time, pinigilan niya na ang sarili bagkus ay nakagat na lang ang pang-ibabang labi.
That was the sweetest first kiss na naranasan ng isang dalagang kagaya niya. Teka, dalaga ba kamo? Oo nga pala. Ang pagkakakilala sa kanya sa lugar na iyon ay may asawa at anak na. Sandali ulit siyang natigilan kasunod noon ang pagsulpot ng kaba sa kanyang dibdib. Ngunit sa panahong ito hindi lang iyon ang ipinag-aalala niya. Isa siyang Prinsesa ng mga muslim, hindi ba’t bawal iyon? Mahigpit ang kanyang ama sa pagpapaalala sa kanya na kailangan muna niyang ikasal bago pagdaanan ang ganoong mga bagay. Napabuntong hininga siya kapagkuwan. Oo nga’t bawal iyon sa nakagisnang tradisyon, ngunit tao lamang siya at nagmamahal. Bukod doon ay wala na siya sa poder ng ama, at sa panahong iyon ay baka nga iniisip ng mga ito na tinalikuran na niya ang katungkulan. Datapwat isinasapuso pa rin naman niya iyon, kailangan niya lang makasigurado na hanggang doon na lamang muna ang lahat at wala nang lalagpas pa.
Sa puntong iyon ay kailangan niyang komprontahin si Silver sa lalong madaling panahon.