Humahalimuyak na bango ng ginisang sibuyas at bawang ang gumising kay Silver kinabukasan ng umaga. Tila naalimpungatan pa ito at inakala na bumalik na si Aling Nenita para ipagluto ito ng agahan pero nagkakamali ito nang buksan nito ang telepono para tingnan kung anong oras na. Mula sa ilang messages na pumasok sa telepono ay nakita nito doon ang mensahe ng matanda na hindi pa muna ito makakabalik sa trabaho.
It's been five days since ito lamang ang nagluluto para sa sarili. Palibhasa ay lumaki itong kaibigan ang mga kasambahay noon, bata pa lamang ay marami na itong alam na putahe. Wala itong problema na pagsiblihan ang sarili ngunit dahil madalas wala sa bahay ay kumuha na rin ito ng kusinera para sa tuwing pagod sa maghapon ay hindi na nito kailangang kumilos pa sa kusina.
Ilang minuto ring iginugol ang sarili sa pag-iisip kung sino ang kasalukuyang nagluluto ngayon sa kusina nito nang may mapagtanto. Isa lang naman ang inalok nitong maging kusinera nito pansamantala. Sa pag-alaala sa taong iyon ay anong laki ng ngiti ni Silver na mabilis na bumangon at excited na pubumaba mula sa pangalawang palapag.
"Darling!" Hindi pa man nakikita ang babae ay iyon na ang pangalang lumabas sa bibig nito. Mula pa lang sa malayo ay nakita na nito ang nakabistidang babae habang nakatalikod at abala sa pagluluto. At sa tayo pa lang ng babae kahit nakatalikod ay agad nitong nakumpirma na si Darling nga iyon. Tila naghugis puso ang mga mata nito sa tuwa. Ito ang kaunaunahang beses na tawagin nito sa pangalan ang babae. Anong sarap ng pakiramdam ang dulot noon sa binata. Tila ba tinawag nito ang isang kasintahan na matagal nang hindi nakita.
Sa hindi maipaliwanag namang dahilan ay wari’y lumukso ang puso ni Darling ng sambitin ng lalaki ang kanyang pangalan. Paano kasi ay punong-puno iyon ng pananabik. Napangiti na lamang siya nang mapakinggan iyon. Hindi niya maikakaila na magmula noong unang tumuntong siya sa pamamahay ng lalaki lalo na noong muntikan na siyang mahagkan nito sa terasa ay ninais na niyang muling makabalik doon. Hindi dahil sa una pa lamang ay at home na siya sa bahay nito, kung hindi sa araw-araw na nagdaan, mas nananabik siyang makita at makasama ang lalaki. Hindi nga lang niya masyadong ipinapahalata iyon pero mas nangingibabaw na ang nararamdaman niya para sa lalaki ngayon kesa sa takot sa kung anong sasabihin ni Rodolfo dahil sa naging kasunduan nila. And speaking of that guy, naging maayos na ang pag-uugali nito simula nang sunduin siya nito sa bahay ni Silver. Hindi na mainitin ang ulo ng lalaki at naghihinay-hinay na ulit ito sa pakikitungo sa kanya. Siguro nga ay nakatulong ang pag-uusap ng dalawa noong nakaraan kung kaya hindi na ito aligaga kung may ibang tao pang umaalialigid kay Darling.
"Good mor--" matamis ang pagkakangiting nilingon niya ang binata sa kasabikan na masilayan ulit ang mukha nito ngunit hindi pa man siya natatapos sa pagbati ay agad na ulit siyang napatalikod. Paano'y naka-boxer shorts lang si Silver at halatang-halata pa ang nakatayong bagay sa pagitan ng mga hita nito sa hapit na hapit sa katawan na suot na pang-ibaba. “Sir, nakalimutan n’yo ho yatang magsuot muna ng pantalon,” saad ng babae na natatawa pa.
Tarantang agad na natakpan ng binata ang bukol na iyon matapos mabilis na mapagmasdan ang sarili. "Oops! I'm sorry," paumanhin nito kasabay ng pamumula ng mukha. Tila sa excitement na makita muli ang babae ay hindi na nito napansin na may morning wood pala ito, na pati maging pagsusuot muna ng pang-ibaba ay nakaligtaan na rin. Sa naramdamang hiya ay mabilis itong napatakbo paakyat sa hagdan papunta sa pangalawang palapag ng bahay, pabalik sa loob ng sarili nitong kuwarto.
Samantalang napapa-iling lang si Darling habang nakangiti. Inaamin niya na madalas na niyang pinagpapantasyahan ang lalaki, ngunit masisisi ba siya kung ito na mismo ang may kasalanan na sa tuwing makikita niya ito ay nagkakaroon din siya ng pagkakataon na mamalas ang magandang katawan nito. Hindi niya tuloy sinasadyang makagat ang pang-ibabang labi.
"Hindi ko inaasahan na tatanggapin mo pa ang alok ko. It's been five days," sulpot ulit ng lalaki sa kusina nang makapagbihis na ito ng jeans at simpleng t-shirt. Mabilis rin itong nakapag-mouth wash nang maalalang hindi pa ito nakakapag toothbrush.
"Pinag-usapan po namin ito ng maigi ni Rodolfo. Pumayag naman po siya," saad niya na paminsan-minsan ay sandaling nililingon ang lalaki habang tinatapos ang gawain.
"Tinanggap niya rin ba ang alok ko na magtrabaho sa rancho?" pumatayo ito sa tabi ng babae upang pakalanghapin pa ang niluluto nito.
"Ay, opo. 'Di ba po pansamantala lang naman ako rito. Pagbalik po ng kusinera ninyo tsaka po siya magsisimula magtrabaho sa rancho. Sa ngayon po kasi ay walang magbabantay kay Utoy kung dalawa kaming magtatrabaho,” paliwanag niya sa katabi.
Napatango lang si Silver. Halo ang emosyon nito sa sinabi ng kausap. Although may galak itong nararamdaman sa dibdib dahil wala ang asawa ng babae na siyang magiging sagabal kung sakasakaling papuntahin nito si Darling sa rancho upang paminsan-minsan ay makapaghatid ng makakain roon ay may lungkot rin itong naramdaman dahil pansamantala lang ang pagtatrabaho ni Darling sa pamamahay nito. Medyo sandaling nawala ang exitement nito sa mga alalahaning iyon ngunit agad rin namang iwinaksi iyon sa isip. Walang puwang ang lungkot sa dibdib ng binata noong mga oras na iyon. Ang mahalaga ngayon, sa susunod na mga araw ay madalas nitong makakasama ang babae. Malay ba nito at baka matagalan pa bago makabalik si Aling Nenita. Sa isiping iyon ay ibinalik nito ang ngiti sa labi.
“Ano pong gusto ninyong inumin, Sir?” kapagkuwan ay tanong ni Darling nang maihanda na sa hapagkainan ang lahat ng niluto.
“I used to have milk and juice in the morning,” saad nito na pumaupo na sa karaniwang pinupwestuhang upuan.
“Juice lang po ang nakita ko sa fridge ninyo. Wala na po kayong milk,” saad niya na hinarap ang lalaki.
Tumayo ulit si Silver nang maalalang naubos na nga pala nito ang isang bote ng gatas noong nakaraan. “Come with me, I’ll show you kung saan mo kukunin ang lahat ng stocks natin sa kusina,” kinuha nito ang isang susi at nanguna sa paglalakad. Binuksan nito ang pintuan na nasa gilid ng kusina upang una muna itong makalabas. Pagkatapos ay iginiya nito si Darling sa hiwalay na may kaliitang bahay na matatagpuan lang din sa likurang bahagi ng bakuran. Sinusian nito ang pintuan at nang makapasok ay tumambad sa mukha ni Darling ang pagkarami raming mga dry goods. “Dito ang imbakan natin ng mga pagkain. Ang mga hindi kailangang palamigin ay nandito,” itinuro ng lalaki ang mga sako-sakong bigas, harina, at iba pang uri ng gulay sa mga estatante na nasa gilid ng bahay. Kapagkuwan ay pumaharap ito sa kabilang side ng bahay, pinihit nito ang door knob ng may kabigatang bakal na pintuan. “Dito naman ang fridge at sa kabila ang freezer,” dugtong pa nito.
Mula sa pagmamasid sa paligid ng may kalakihang fridge na iyon ay tila nabusog na ang mga mata ni Darling. Nakita niya ang iba’t ibang mga pagkain kabilang na ang malalaking cut ng cheese. Naroon din sa gilid ang galon-galon na iba’t ibang klase ng juice. Halos dalawang dosena naman ang bote ng gatas na pakiwari niya’y fresh pa mula sa mga baka na inaalagaan ng mga tauhan ng binata sa rancho.
“Remember, kapag papasok ka dito, huwag mong isasarado ang pintuan. Authomatic kasi na nagla-lock yan at ang way lang para mabuksan is kapag pinihit mo ang doorknob sa labas,” paalala pa nito sa babae. Palagi talaga nitong nakakaligtaan na ipaayos ang bagay na iyon dahil ni isa sa mga trabahador ay walang nakakaalam kung paano kumpunuhin iyon.
Tumango lang si Darling na noong makaramdam na ng panlalamig ng buong katawan ay agad nang kinuha ang isang bote ng gatas at pumihit na para lumabas.
Pagbalik nila sa loob ng kusina ay inilapag niya agad ang dala-dala upang buksan. Ngunit kahit anong pagpihit ng kamay ay mahigpit pa rin ang pagkakatakip noon kaya naman naghanap na siya ng isang bagay na magagamit. Ewan ba kung bakit kutsilyo ang kinuha niya para itusok roon.
“No, no no no!” agap ng binata kay Darling sa naiisip na maaaring disgrasyang mangyari dito, ngunit huli na at nasugatan na ang babae sa hintuturo. Natusok ng dulo ng kutsilyo ang dulo ng daliri nito. Tarantang agad na kinuha ni Silver ang hawak nitong kutsilyo at inilapag sa lababo.
Naikamot ni Darling ang isang kamay sa ulo at hindi na nakaimik. Ang totoo’y dahil sa pagkagulat sa reaksyon ng lalaki ay lumihis ang hawak niyang kutsilyo. Tuloy ay imbis na mabuksan ang bote ay sa daliri niya iyon dumiretso. Pumunta siya sa bandang lababo upang hugasan ang kamay sa pag-aakalang hihinto ang pagdurogo noon nang mapangiwi na lamang. Nakita niya kasi na hindi lang tusok iyon ng kutsilyo kung hindi isang maliit na hiwa na hindi na matigil sa pagdurugo. Sandali siyang nataranta at naghanap na ng maipupunas doon nang bigla siyang magulat nang kunin ni Silver ang kanyang kamay at walang pag-aalinlangan na isubo nito sa bibig ang nasugatang daliri.
Nanlaki ang mga mata ni Darling habang pinagmamasdan ang lalaki sa ginagawa nito, lalo na ng maramdaman niya ang tila pagsipsip nito doon. Natigilan siya sandali kasabay ng paglunok ng laway. Maya-maya pa ay may kakaiba siyang kiliting naramdaman. Subalit higit pa doon ay ang pakiramdam na tila nakakapag-init ng laman. Kaya naman ay dahan-dahan niyang naipikit ang mga mata kasabay ang pagnamnam doon. Ngunit sandali lang din iyon nang matigilan dahil sa may narinig siyang mga boses na nag-uusap sa likurang bahagi ng kusina.
Agad niyang binawi ang kanyang kamay mula sa lalaki. “Sir, baka ho may makakita sa atin, baka kung anong isipin,” anya sa binata na tila natauhan rin sa ginagawa.
Napalingon si Silver sa paligid. Maging ito kasi ay tila nawala rin sa sarili nang isubo ang daliri na iyon ng babae sa bibig. Mabuti ay wala namang tauhan nito ang basta-basta nakakapasok sa bahay nito nang hindi muna kumakatok.
“Okay ka na?” tanong nito nang tingnan ulit ang daliri ng babae.
“Okay na ho, sir. Salamat,” naikubli niya ang kamay nang biglang makaramdam ng hiya.
Kumilos si Silver at ito na ang nagbukas ng bote. Ito na rin ang nagsalin sa dalawang baso na pagkatapos ilagay ang mga iyon sa lamesa ay niyaya nang mag-agahan si Darling.
“Ay, hindi n’yo na po ako bisita Sir, kasambahay n’yo na po ako ngayon kaya okay lang po. Mauna na po kayo,” pumatayo siya sa gilid ng dining area upang ilagan ang kamay ng binata na pilit siyang inaabot.
“Sige na. Minsan sinasabayan rin naman ako ng mga tauhan ko sa pagkain. Isa pa, mas masarap kumain ng may kasabay,” pagpupumilit nito.
Ilang beses pa siyang humindi dito nang hindi na siya nakatanggi noong tumayo ito, hawakan siya sa braso at igiya at paupuin sa upuang katabi nito. Ilang minuto pa ay masaya na ang mga itong nagkakakwentuhan habang ini-enjoy ang mga pagkain sa hapagkainan.
Muli, ay tuluyan na namang napalagay ang loob ni Darling kay Silver. Ewan ba at sa tuwing naiilang siya dito ay sandali niyang nailalayo ang loob sa lalaki, nakakaligtaan niya tuloy na may mabuti itong kalooban. Isa si Silver sa napakabait na lalaking nakilala niya. At napapatunayan niya iyon sa tuwing nakakasama ito. Actually, sa mga ipinapakita ng lalaki ngayon, gusto na niyang maniwala sa instinc niya na may itinatago itong pagtingin sa kanya ngunit gaya siguro niya ay nagpipigil din ito dahil sa pagkakaalam nga nito na may sarili na siyang pamilya. Hindi rin naman niya ito masisisi. Siguro nga ay mas maganda na rin na magpigil silang dalawa sa mga nararamdaman sa isa’t isa dahil tiyak na malaking gulo iyon kung magkataon. Noon pa man ay naiisip na niya na hangga’t nasa poder siya ni Rodolfo ay hindi niya matatakasan ang pait na dulot ng pagpayag sa kasunduang pinasok niya sa pagitan nito. At pinagsisihan niya iyon.
Halos lumampas din ng dalawang oras ang ginugol nila sa pagkain lamang ng almusal noong umagang iyon. Nagsimula na siyang magligpit ng hapagkainan at isalansan ng maayos sa lababo. Nang huhugasan na niya ang mga iyon ay nagulat na lang siya nang hawakan ulit ng lalaki ang kanyang mga kamay at hugasan sa gripo.
"You don’t have to wash these, may dishwasher tayo, ilagay mo na lang sa dishwasher ang mga ‘to para hindi ka na mahirapan,” marahan ang ginagawang paghuhugas nito sa kamay ng babae, ingat na huwag masaktan mula sa maliit na sugat nito sa daliri.
“Okay lang naman po, Sir. Sanay naman po ako maghugas ng mga plato at kokonti lang naman ang mga ito.” bagamat may kung anong kuryenteng naramdaman nang maglapat ang mga palad nila’y hindi rin naman binitawan ang mga kamay na iyon ng lalaki.
Sandali silang nagtalo sa pamamagitan ng pag-aagawan ng mga plato nang mabitawan niya ang isa sa lababo dahilan ng pagtalsik ng sabon sa mukha niya. Kumilos ang lalaki at pinatuyo ang isang kamay sa pamamagitan ng pagpunas noon sa t-shirt nito. Balak na sana nito punasan ng tuyong kamay ang nabasang mukha ng babae nang magkakasunod na malalakas na katok ang naulinigan nila sa harapang pintuan ng bahay.
Si Silver na ang nagkumahog na buksan iyon.
“Mga Sir!” bungad nito sa dalawang pulis na naabutan na nakatayo sa labas ng pintuan. Kilala nito ang mga iyon. Sa pagkakatanda nito ay nakasama ang mga iyon sa pagre-rescue sa asawa ng kapatid na si Gold noon. “What brought you here?” tanong pa nito kapagkuwan.
“Sir Silver Salazar, magandang umago po,” bungad ng isang pulis na sa porma pa lang ay kapitapitagan na.
“Good morning rin po. Pasok ho kayo. Ano po ang atin?”
“Hindi na ho. Hindi naman kami magtatagal,” ani ng isa. “May nakapagsabi lang ho sa amin na nandito raw si Amira Faizan?”
Napakunot ang noo ng binata sa narinig. “Sino ho?”
“Si Princess Amira Faizan po. Namataan daw ho siyang nandito noong nakaraan.”
Natigilan ito sandali sa narinig na pangalan. “Wala ho akong kilalang tao na may ganyang pangalan, sir. Baka ho nagkakamali lang yung nakapagsabi sa inyo,” anito.
Sandaling nagbulungan ang dalawang pulis.
“Kahit po halughugin ninyo ang bahay ko, wala ho kayong makikitang ibang tao dito na nagngangalang Princess Amira,” saad ng binata na bahagyang nainsulto sa pagbubulungan ng dalawa. Wari ba ay iniisip ng mga ito na nagsisinungaling ang binata. Seriously, sa isipan ng lalaki, paano naman makakarating ang isang prinsesa sa bahay nito?
Sa huli ay tumango na lang din ang mga pulis.
“Kung ganon po ay aalis na ho kami. Pasensya na ho sa abala,” paalam na ng mga ito na dagli rin namang tumalikod.
“No problem ho,” sagot lang din ni Silver.
Agad na isinarado ni Silver ang pintuan pagkaandar papalayo ng sasakyan ng mga pulis. Pagbalik nito sa kusina ay naabutan nito si Darling na tila nakatulala hawak ang isang platong may sabon.
“Are you okay?” sambit nito sa babae.
Wari ay nagulat si Darling sa biglang pagsulpot ng lalaki sa likuran niya, dahilan ng pagbitaw niya ng platong hawak-hawak. Dumiretso iyon sa sahig at nabasag.
“Naku, sorry ho sir, hindi ko ho sinasadya,” taranta siyang yumuko upang pulutin ang pirapirasong plato.
Agad namang pinigilan siya ni Silver. Sa pangalawang pagkakataon ay tinanong ulit kung okay siya.
“Oho naman sir, bakit naman po hindi?” sagot niya rito na pinilit pang pakalmahin ang boses.
Kahit naman hindi kumbinsido sa sagot ng babae ay napatango na lang din si Silver kasunod ng pagtalikod dito upang punasan ang mga kamay.
Hindi alam ng binata na napakinggan niya ang pag-uusap nito at ng dalawang pulis. Malinaw niyang narinig na pinaghahanap na siya ng mga ito. Naghatid iyon ng takot sa kanyang dibdib. Tama nga ang nasa isip niya noong nakaraan na baka magsumbong ang matandang kusinera ni Silver sa pamilya niya tungkol sa eksaktong kinaroroonan niya ngayon. Dahil doon ay kung ano-ano na ang pumasok sa kanyang isip sa mga posibleng mangyari. Dumoble ang kabog ng dibdib niya. Siguro ay panahon na para malaman ni Rodolfo ang tungkol doon. Noong nakaraan kasi ay hindi niya iyon sinabi sa lalaki sa kadahilanang baka hindi rin naman seryosohin ng matandang babae ang pagkakakita sa kanya. Ngunit heto nga at sinuplong na siya sa pulis. Ano na lang ang susunod nilang gagawin kung magkataon? Aalis at muling magpakalayo-layo? Napailing siya ng dalawang beses. Sa kasalukuyang nararamdamang pagkagusto sa hacienderong si Silver ay tila ayaw na niyang lisanin pa ang lugar na iyon.
“Are you sure you are okay?” Tanong ulit ng lalaki sa kaharap nang malinis na nito ang nabasag na plato.
“Opo sir. Pasensya na ho ulit,” nagpatuloy siya sa ginagawa.
“S’ya nga pala, pwede ka bang magluto ng maaga mamaya para sa dinner? Pupunta kasi dito ang mga kapatid ko, kasama ni Kuya Gold ang anak niya at ang buntis niyang asawa, we will just have a simple get together. Don’t worry, may papupuntahin rin ako dito para makatulong mo sa pagluluto.”
“Wala hong problema, Sir,’ sagot niya sa kabila ng hindi pa rin naaalis ang kaba sa dibdib kasabay ng hindi mapakaling pag-iisip.