alex's POV umagang umaga pa lang ay inutusan agad ako ni Marky. Pinapapunta niya ako sa coffee shop para pagbilhan siya ng kape at tinapay. May muta pa nga ako ng nakarating sa shop. "Two americano. To go please." Sabi ko sa babaeng nasa counter. Agad naman akong nagbayad pagkaabot niya sa akin ng kape. Nagmadali akong lumabas ng shop at naglakad. Medyo malayo ang lalakarin kaya lakad-patakbo akong papunta doon kung saan nangungupahan si Marky. Hingal na hingal ako nang nakarating sa bahay ni Marky. "Eto na ang coffee mo." Nakayuko akong inaabot ang kape sakanya. "Bakit dalawa?" Masungit na sabi niya. "Para sabay tayo ano ka ba?" Sabi ko at inaabot pa rin sakanya ang kape. "Yung tinapay?" Bigla niyang tanong. "Oh sh*t." Napasapo ako dahil doon. agad akong bumaba para tumakbo papun

