Marky's POV "Let me go!" "Marky" "Marky!!" Bakit hindi ako makagalaw? Bakit ko hinahayaan siyang kaladkarin ng bouncers? Bakit hinahayaan ko siyang masaktan ng ganito? Masyado na ba akong gago para pahirapan siya ng ganito? Nasasaktan din ako. Hindi ko pa ba siya napapatawad? f**k ka, Marky! Gumising ka. Umiiyak yung babaeng mahal mo. "Marky," Nagulat ako sa tumawag sa pangalan ko. Nasa back stage kami. Agad kaming pinapunta dito ng manager matapos ng nangyari sa stage. "Are you okay?" Halata ang concern ni Sheena. "Yeah. I'm okay." Huminga ako ng malalim. Si Sheena, Mula nung dumating ako dito siya ang lagi kong kasama since mahilig rin siya sa pagkanta. Si Sheena ang bunsong anak ng may ari ng bar na pinagtatrabahuan kong ito. Classmates rin kami. Siya ang nagdala sakin dito.

