Alex's POV Nag- decide na akong bumalik sa pilipinas. Wala rin naman akong mapapala kung hahabulin mo ang isang taong ayaw nang bumalik sa'yo. Pero sobrang mahal ko talaga siya. Kung kami, Kami talaga. "Alex! Mag-usap tayo! Lumabas ka diyan." Napapikit ako sa naalala. Oo. Nasa bahay lang ako at nagkulong. Hindi ako lumabas nung tinatawag ako ni Marky mula sa labas. Natatakot ako sa maaari niyang sabihin. Baka sabihin niyang ang mahal niya ay hindi na ako. Masasaktan lang ako ng sobra sobra. Kagabi lang ako nag-pa-book papuntang pinas. Eto, At nag iimpake ako ngayon. Iniwan ko yung mga damit na binili ko dito. Yung damit na pang-sexy. Bumalik ako sa dating gawi. Sinuot ko ulit yung dati kong sinusuot. Yung boyish na ako. Yung ako talaga. Hindi ko naman kaylangan na magpanggap pa kay M

