****
Kim's POV.
Andito ako sa room kasama ng mga kaibigan ko hinihintay teacher namin.Busy sila sa usapan samantalang ako lutang pa din.Nung nalaman ko kahapon na buntis ako ay tulala pa din ako hanggang pag-uwi sa bahay.Di ko alam ang gagawin ko ngayon.Ayaw kong malaman yun ni Adrian ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Di ko napansin na nandito na pala ang teacher namin.Kinalabit nalang ako ni Maureen kaya umayos na ako ng pwesto.Magsisimula pa lang magsalita ang teacher namin ng pumasok si Adrian kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
Nilibot niya ang tingin niya sa loob ng room at nang nagtama ang tingin namin,ay ngumisi siya.Kinabahan naman ako dun.Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa makaupo na siya sa upuan niya.Tumingin ulit siya sakin kaya iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at itinuon na lang sa harap.
Kahit alam kong may pinagkasunduan kami ni Adrian ay parang wala pa din akong tiwala sa kanya.Gaya nalang ng sinabi ni mama na sinusundan pala ako ni Adrian ng hindi ko alam di na ako mapakali.
"I have to partner you into two for your project in this Quater,you can pass it to me next week."Sabi ng teacher namin sa English.
Isa-isa naman tinawag ni Ma'am ang magiging partner sa magiging project namin.Ang swerte ng mga kaibigan ko dahil sila-sila ang magkakasama.Si Cheska ay partner ni kyla,si maureen naman ay kapartner ni James at si Angela naman tapos si Gino/Gina habang ako wala pang kapartner.Hinintay ko nalang tawagin ang name ko.
"Lauren and Byran,you two will be partners."Sabi ni Ma'am.
Tumingin naman ako sa parte ni Lauren.Pansin ko yung pagkadissapoint sa mukha niya.
Si Adrian ay di pa din natatawag.Sana di siya yung maging partner ko please.......Sabi ko sa sarili ko habang nakapikit.
"Kim and Adrian,you will be partner."Sabi ni ma'am na nagpagulat sakin.Hindi pwede!!!.
Bigla akong napatayo kaya napunta sakin ang atensyon ng lahat.
"M-ma'am?Pwede bang palit nalang kami ng partner ni Lauren?"Paki-usap ko dito.Please,sana pumayag ka.
"And why is that Mr.Cruz?"Tanong nito sakin.Di ko naman alam kong ano ang idadahilan ko.
"That's the final.Do you have any questions?"Sabi ni ma'am.Napaupo nalang ako.
"NO MA'AM!!!"Sabay na sabi nila sa kanya.Samantalang ako,di ko alam ang gagawin ko.
"Ok."Sabi ni ma'am at binigay niya na niya isa-isa samin ang magiging report namin.
"See you tomorrow."Sabi naman niya at umalis na.
Lunch break na namin at andito kami sa canteen kumakain ng mga kaibigan ko.Nagku-kwentuhan sila about sa quiz sa Math.Si James naman ay nasa table nina Adrian at Lauren.Dito sana siya makikiupo nang tawagin siya ni Lauren.
Habang kumakain ako ay bigla nalang akong nakaramdam ng pagsuka kaya agad akong tumayo at lumabas ng canteen para pumunta sa cr.Dito ko nilabas lahat ng nakain ko.Pinagpapawisan ako ng sobra.After kong masuka ay naghilamos ako saka lumabas ng cr.
Pagkabukas ko ng cr ay nagulat ako dahil kay Adrian.Nasa harap siya pinto at kita ko sa mukha nito ang pag-aalala.Kinabahan naman ako baka malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ko kaya nilagpasan ko siya.Bago ako makaalis ay hinawakan niya braso ko at pinaharap sa kanya.
"Are you sick?"Tanong naman niya sakin.
"A-ahm,hindi naman.Sumakit lang tiyan ko dahil sa kinain ko."Pagsisinungaling ko sa kanya.Sana um-effect.Please?
"I don't believe you.Tell me,what's wrong with you?Are you perhaps...."Biglang lumaki ko ang mata ko.Di ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya kaya inunahan ko na siya.
"NO!!!......A-ahm...."Kinakabahan ako.
"M-masakit lang tlaga tiyan ko,wag kang mag-alala.Ok naman na ako,oo ok ako promise."Palusot ko sa kanya.Mukhang naniwala naman siya dahil binitawan niya na braso ko.
Umalis na agad ako bago pa siya magtanong ng kong ano-ano.Hindi ako papayag na malaman niya na buntis ako.Hanggat maaari ay ililihim ko to sa kanya.
Di na ako bumalik sa canteen para kumain.Wala na akong gana.Ganito lagi ako pagnasusuka ay nawawalan na ako ng ganang kumain.
May 10 minutes pa naman bago magsimula ang klase kaya pumunta nalang ako sa tambayan ko.Mas mare-relax ako pag-andito ako.
"What happened to you?"Napamulat naman ako dahil narinig ko boses ni James.Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Wala naman,sumakit lang tiyan ko kaya ganun."Sabi ko sa kanya.
Pansin ko ang ang pag-aalala niya base na rin sa expression at pananalita niya.
"It's good to hear that though."Sabi niya at ngumiti siya.
Walang nagsalita samin.Nakatingin lang kami pareho sa kawalan.
"Kamusta Company ng daddy mo?"Pagbabasag ko sa katahimikan.Tumingin naman siya sakin.
"Ayos naman.Dad asked me to take over the company once na magtapos ako sa grade 10."Tumingin naman ako sa kanya.
Nginitian ko siya at tinap ang balikat niya to cheer him up.Alam kong gusto niya munang i-enjoy ang student life bago ang lahat.Nasabi niya din sakin dati na ayaw niyang gawin ang gusto ng daddy niya. Gusto niya munang nakapagtapos ng college,tutal bata pa naman siya pero ayaw ng daddy niya.
"Ayos lang yan,ikaw lang naman maaasahan ng dad mo sa kompanya niyo eh.Alam kong kaya mong i-handle yun."Sabi ko sa kanya.
"But once i take it,i will left someone important to me."Sabi niya.
"I'm sure naman na maiintindihan niya yun eh."Sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at tumingin sa harap.
"Di niya nga alam na may gusto ako sa kanya eh."Nakangiti pero may bahid ng lungkot na sabi niya.
"Bat hindi mo aminin sa kanya yung totoong nararamdaman mo.Sige ka,baka magsisi ka niyan pag hindi mo sinabi sa kanya yun."Pananakot ko sa kanya.
Di mo aakalain na ang isang gwapo at mayaman na si James ay may pagka-torpe.
"That's the problem.May nag mamay-ari na sa kanya."Sagot niya sakin.
Napansin ko naman ang pagkuyom ng kamao ni James.Galit siya.
"Ganun ba?Ang saklap naman pala nun."Sabi ko sa kanya.
Tumingin sakin si James ng seryoso.Kinabahan naman ako sa titig niya.
"But i always get what i want.I can even kill."Sabi niya sakin.Napaatras naman ako dahil dun.
Parang hindi si James ang kaharap ko.Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya at agad na tumayo para umalis.Pero bago pa ako makalaalis ay narinig ko naman siyang tumawa.Tumingin ako sa kanya na parang naguguluhan.
"Hey,I'm just kidding."Sabi niya sakin.Natatawa pa din siya.
Bigla naman akong nakahinga ng maluwag.Hayop na lalaking to?.
Nanatili lang akong nakatayo at tinitingnan siya.Nang matapos siya sa pagtawa ay tumayo siya at lumapit sakin.
"Hey i'm just kidding.I'm sorry if i scared you, i promise i won't do that again."Sabi niya sakin at ginulo ang buhok ko.Di pa din ako nagsalita.
"Come here."Sabi niya sabay hila sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Sorry.Please don't be scared okay?As if i can really kill.I'm not that bad to do that."Malambing na sabi niya sakin.
Tumango naman ako.Kumalas naman siya sa pagkayakap at tumingin sakin.Ngumit siya sakin at kinurot ang pisnge ko.
"You're cute,you know that?"Sabi niya.
"Ang sakit ah."Sabi ko naman sa kanya.Tumawa lang ang luko.
"Sorry it's just that i can't resist to pinch your red cheeks."Sabi niya sakin.
Ngayon ko lang napansin na namumula pala ako dahil sa yakap niya.Bwesit kasi na lalake na 'to.Nahiya naman ako kaya tumungo nalang ako.
"I-ikaw kasi eh."Nahihiya kong sabi sa kanya.Tumawa lang siya.
Nagpatuloy lang ang pang-aasar niya sakin hanggang sa bumalik kami sa room.Dami niyang pang-asar sakin.Kesyo crush ko daw siya pero di ko lang maamin.Totoo naman yun pero di ko lang inaamin sa kanya dahil ayaw kong masira Friendship namin at isa pa isang siyang straight.
Pagkapasok namin sa loob ay narinig namin ang bulungan ng mga kaklase ko na nagpatigil sa asaran namin ni James.
"OMG.Sila na ba?"
"Ang sweet nila sila na kaya?"
"Malanding bakla na yan,how dare him to flirt my Jamy?"
Di ko alam kong iko-consider bang bulungan yan o parinig.Bigla namang naagaw ang atensyon ng lahat ng pumasok si Adrian at Lauren.Tumingin kami sa kanila at ganun din sila samin.
Tumingin naman sakin si Adrian.Bigla siyang sumeryoso kaya kinabahan ako dun.Saka ko lang na pansin na nakaakbay pala sakin si James dahil hinimas niya bakikat ko.Pareho lang din kay Adrian at Lauren.
Tila may nabuong tensyon saming apat sa loob ng room.Mukhang may di magandang mangyayare mamaya.Narinig pa namin ang bulungan sa loob.
"Shocks, look at fafa Adrian and fafa James."
"Oo nga may tensyon sa kanila, i just can't figure what it is."
"Is this one sided love scene?"
"Oh, how i wish ako nalang ang isa dyan"
"What is happening?"
Napatingin naman ako kay Lauren at ganun siya sakin.Biglang naman siyang ngumit sakin.Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya.
"Are you guys dating?"Tanong ni Lauren samin kaya nagulat ako at sasabihin ko na sana na hindi ganun ang iniisip niya nang inunahan ako ni James.
"Yeah,Just now."Sagot niya.Lumaki naman bigla mata ko at tumingin sa kanya.
Narinig ko naman na parang nagulat din mga kaklase ko.
"So totoo ngang sila na"
"No way akin lang si fafa James"
"Hindi ako papayag"
Isa-isa nilang sabi na kahit pabulong ay rinig pa din ng buong room.
Bigla namang ngumiti ng malapad si Lauren at niyakap ako.Nagulat naman ako sa ginawa niya.Niyakap niya din si James.
"I'm so happy to both of you.Bagay na bagay kayo."Sabi niya samin kaya tumawa nalang ako ng pilit.
Bigla naman umalis sa harap namin si Adrian at sumunod naman si Lauren sa kanya.
Siniko ko si James at tinignan siya ng masama.
"B-bakit mo sinabi yun?Baka mag-expect yun na totoong tayo talaga."Sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang ang luko.Iniwan ko nalang siya at umupo na sa upuan.Agad naman akong nilapitan ng mg kaibigan ko.
"Pano nangyare yun?"Tanong ni Angela.
"Totoo ba yun?"Maureen
"Sis ah,may kalandiaan ka palang tinatago bakit di mo sinabi?"Gino/Gina.
Di pa din ako nagsasalita at iniisip ko kong ano ang idadahilan ko kay Adrian if ever magtanong sakin yun.Natatakot ako,kong tumingin siya samin ni James kanina ay parang papatay na siya.Alam kong galit siya sakin dahil di ako nakinig sa kanya.
"Kim,umamin ka nga.Kayo na ba talaga ni James?"Tanong sakin ni Cheska ng seryoso.
Huminga muna ako bago sumagot.
"Hindi,di ko alam kong anong pakulo ni James kong bakit sinabi niya yun."Paliwanag ko sa kanila at tumango naman sila.
"By the way,did you see the way Adrian look at you nong sinabi ni James na kayo na?"Tanong ni cheska kaya napatingin naman ako sa kanya.
"He seemed like he wanted to kill.Kong ako sayo mag-iingat ka sa bawat desisyong gagawin mo.We didn't seen that side of Adrian for a long time,ngayon lang ulit."Sabi ni Cheska.
So nakita na nila ang ganung side ni Adrian dati?Na-curious naman ako kaya ko siya tinanong.
"Kailan niyo huling nakita ang ganung side niya?"Tanong ko.
"That was the time when Lauren and Adrian was about to break up.Lauren decided to leave him for the sake of her career.She chose it over Adrian.Dito mismo sa school nangyare yun at lahat kami ay nakakita nun."Sabi ni Cheska.Kaya pala ganun nalang ang galit nila kay Lauren.
Ngayon alam ko na.At ngayong sila na ulit ay dapat di na niya maramdaman ulit ang lungkot.Kailangan kong gumawa ng hakbang para maging sila talaga sa huli at kong mangyare yun ay makakalaya na ako ng tuluyan.
Maari rin na baka si Lauren lang ang taging makapagpapagaling kay Adrian dahil may nakaraan sila.
Lauren.....Ikaw nalang ang maaasahan ko para magawa ko ang plano ko.....
****