LEXIE'S POINT OF VIEW
Okay. Anong nangyari?
"Oh, walk-out king talaga 'yun. Haha." Natatawang sabi ni JD.
"Okay lang ba 'yun?" Tanong ni Daph na my halong pag-aalala.
"Okay lang 'yun, wala pa, eh! Ganyan talaga kapag 'di pa graduate sa Torpe University." Sabi naman ni Rave habang silang mga lalaki ay biglang natawa.
"Lex, hoy! Anong nangyari sa'yo?" Tanong naman ni Perry.
"H-ha? Okay lang ako. Tara na nga, matulog na tayo! Inaantok na ako, eh." Pag-iiba ko ng usapan. Siyempre maiwasan lang yung topic na 'yun. I'm still bothered about it, by the way.
"Ah, sige! Tulog na kayo, ah! Pati kami matutulog na. Good night, girls!" Sabi ni Jacob at umalis na sila.
Nagkanya-kanya na kaming higa. Si Daph ay nasa sofa lang. Kasi dalawa lang ang kasya sa dalawang bedroom. Sabi niya, siya na lang daw ang sa sofa para makapagbasa pa siya ng libro. May lamp kasi ro'n sa may gilid ng sofa. Kaya gusto niya ro'n. Haha.
"Hoy! Ikaw, Jean ha! May crush ka na ba kay Cloud?" Tanong ni Perry at nahiga sa kama.
"H-ha? A-ano? H-hindi, ah." Pagde-deny pa ni Jean. Halata ka na, bes!
"Lols. Kahit di mo sabihin, halata namang gusto mo na siya, eh!" Sabi naman ni Daph, pumwesto siya sa may sofa at binuklat ang libro na hawak-hawak niya.
"Oo na! Crush lang naman eh. CRUSH!" sabi niya sabay nguso. Talagang diniinan niya pa 'yung salitang 'crush'. Kahit naman crush lang, e.
"Ikaw ba Perry, may gusto ka na ba kay Jacob?" Tanong ko bigla kaya napatingin siya sa'kin.
"Ha? Sa ngayon, wala pa. Haha." Sabi niya at nahihiyang natawa. Though she looks a little flustered
"Ikaw Daph?" Tanong ko naman sa babaitang busy sa pagbabasa.
"Wala pa." Tipid niyang sagot. Psh.
"Lay?" Tanong ko kay Lay na parang lutang. Aba ang luka! Nasa far far away yung utak. "Lay to Earth?" Sabi ko at dun ko lang siya napabalik sa reyalidad.
"H-ha?" Takhang tanong niya. That's unusual for her.
"Hays. Ano bang nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba?" Tanong ko. Para kasing 'di mapakali 'to, eh. Kaya medyo nag-aalala na rin kami. Baka kung may problema siya.
"Ha? Oo. Okay lang ako." Sabi niya.
"Sigurado ka?" Sabi naman ni Perry.
"Oo nga!" Lay.
"Oh siya! Matulog na tayo." Sabi ni Jean.
"Sige na. Goodnight, girls!" Sabi ni Daph.
"Good night!" Sagot namin.
"Girls! The sun is shining! Gising na kayo!" Sigaw ng napakaingay na si Jaydon. Hays. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to.
"Ang ingay mo. Tsk." Sabi ni Lay.
"Hi, babes. Morning." Sabi ni Jaydon sabay wink. Inirapan lang naman siya ni Layla.
"Maaga pa tayo aalis. Gising-gising na." Sabi ni Rave.
Nag-prepare na kami sa pag-alis namin. Yung boys naman ay bumili ng breakfast namin. Haha. Sila unang nagising, eh. Toka na nila 'yun.
"Guys? Ano, okay na?" Tanong ni Siege na handang-handa na umalis. Paunahin ko na kaya 'to para naman hindi ko makita ang pagmumukha niya.
"Oo." Sagot namin.
Sumakay na kami sa may van. Si Jacob naman ang nag-drive kaya si Perry ang nasa frontseat. Nasa likod naman kami ni Siege. Katabi namin si Cloud at Jean.
Tahimik lang yung byahe kasi tulog silang lahat. Kahit si Siege. Ang gising lang ata ay ako at si Jacob. I'm gazing at the window when my phone rings.
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.
[Hi there again, princess.] agad na napakunot ang noo ko sa narinig kong boses.
"What do you want?" Tanong ko. Ito rin yung kahapon na tumawag sa'kin. Ano bang kailangan nito sa akin? Babae yung tumawag sa akin. Hindi pamilyar ang voice niya. Kaya hindi ko siya kilala.
[How about we play some game?]
"What game?"
[A game of life.] When she said that my heart beats faster. Am I nervous? But, ginagawa ko na 'to for my whole life. I mean, I'm putting my life on the line for like everyday in my life. Pero ngayon, iba ang nase-sense ko. Masama 'to.
"What do you mean by that?"
[Easy. Tingnan natin, kung sino ang mabubuhay, siya ang panalo.]
"W-what?"
[Let the game begins, princess.] Then she hung up. What does she mean by all of this?
"s**t!" Nagulat naman ako dahil sa biglang sigaw ni Jacob. Nagising naman silang lahat.
"Ano ba yun, Jacob?" Tanong ni JD.
"Ang ingay mo! Bigla ka na lang nasigaw diyan." Sabi ni Cloud.
"Y-yung ano k-kasi... w-walang brake yung sasakyan!" Sabi niya. Huh? Teka? Is this what she meant?
"Ha?! Anong gagawin natin ngayon?!" Sabi ni Jean na halatang nag p-panic na.
"Calm down, guys. I have a plan." Biglang sabi ni Siege.
"Siege..." Tawag ko sa kaniya. Napatingin siya sa'kin. He looked at me softly. Para bang sinasabi niya sa'kin na magiging okay lang ang lahat. It made me feel at ease, to be honest.
"Kumuha kayo ng kahit anong tela or malambot na bagay na panangga niyo kapag binangga natin itong van. Para iwas sa malalang sugat." Ginawa naman namin lahat ng sinabi ni Siege. Kumuha ako ng jacket at ipinulupot sa katawan ko para hindi malala ang mada-damage.
"Okay. Jacob, count on three." Siege said.
"Sige. Ibabangga ko na 'to in THREE... TWO.. ONE!" After that, ay bigla na lang akong niyakap ni Siege. And he mumbled something,
"I will protect you no matter what." Ayun na ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.
UNKNOWN PERSON'S POINT OF VIEW
"Kamusta?" I asked.
"Our plan was successful. But we cannot dispose that girl in just a car accident." She said. Psh. I know. Alam kong masamang d**o ang babaeng yun, kaya mahihirapan akong patayin siya. She's a Mafia Princess, after all. She can't be easily killed. She is well-trained by his stupid father. I won't underestimate that girl.
"I know. It's just the start of my revenge to that Mafia group. First, is to kill his daughter, of course." I said. I will get my revenge to you.
"Oh. Huh. How cunning." She said, impressed. Hindi lang yan ang kaya kong gawin. Eventually, ay mapapabagsak ko rin ang Black Sinister.
"Alexandria Astrid Venice Gavin. What a wonderful and long name. But your life will come to an end. Mark my words, Gavin!" I said as I laughed maniacally.
Soon. I will kill you.