Hindi alam ni Aynna kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Matagal na siyang may gusto sa binatang si Jezter. Nasa junior high pa lang sila ay hinahangaan na niya ito dahil sa angking kakisigan, isama pa ang katotohanang guwapo ito at matalino. Ka-baryo nila ito ngunit sa ibang iskwelahan ito nag-aaral. Hindi iyon naging hadlang upang hindi niya makilala ng lubusan ang binata.Nakilala niya ito ng minsan siyang mapadpad sa likod bahay ng pamilya Ronquillo. Tuwing alas onse ng gabi ay saka lang ito malayang nakakagala ngunit nananatiling patago. -----FLASHBACK----- Naglalakad-lakad siya sa malawak nilang palayan ng makarinig siya nang mahinang pag strum ng gitara. Sa tapat ng kanilang palayan ay ang kalsada at mansyon ng pamilya Ronquillo. Suot ang belong itim

