Hindi niya maiwasang hindi mapasulyap kay Jezter na nasa tabi niya lamang at prenteng nakaupo habang nakikinig. Hindi niya na maintindihan ang mga itinuturo ng kanilang guro dahil ang buong atensiyon niya ngayon ay na kay Jezter. 'Natatandaan niya pa kaya ako?' 'Bakit kaya siya lumipat dito?' 'Kamusta na kaya siya?' Simula noong araw na magawa niyang makapag palit anyo ay hindi na siya nakakadalaw sa bahay ng binata. Minsan ay napapadaan siya ngunit hindi naman siya magawang mapansin ng binata dahil nasa ibang pagkatao siya, ibang mukha ang gamit niya. Dalawang taon na rin simula nang ituro sa kanya ang paggawa ng make-up. Disinuwebe anyos na siya at isang buwan na lamang ay kaarawan niya na. Siguro kung babalik siya sa kanyang dating itsura ay matatandaan siya ng b

