CHAPTER 2

1076 Words
*FLASHBACK* Kasalukuyang kumakain si Aynna sa loob ng canteen. Doon siya umupo sa pinakadulo kung saan kakaunti lang ang tao. Medyo madilim sa bandang iyon at hindi gaanong pansinin dahil nahaharangan ng pader. Kahit kumakain, basta na sa pampublikong lugar ay gamit niya pa rin ang belo na ibinigay ng namayapa na niyang ina. Ginagamit niya ito pangtakip sa kaniyang mukha at tanging mga mata niya na lang ang makikita. Halos itago na ni Aynna ang buong mukha niya dahil nahihiya siya sa itsura na mayroon siya. Tuloy-tuloy lang ang kaniyang pagsubo at pagnguya habang seryosong nagmamasid sa loob ng canteen. Bawat kilos at bawat taong pumapasok sa loob ay minamatyagan niya. Wala siyang dapat palagpasin dahil pagnangyari iyon, siguradong pagpepyestahan nanaman siya ng mga mapanghusgang tao. Nanlaki ang mga mata ni Aynna nang madapuan ng tingin ang grupo nina Jacob na kakapasok lang sa loob ng canteen. Agad na na-alarma si Aynna at mabilis na tinapos ang kaniyang pagkain. Hindi na halos nginuya ni Aynna ang bawat pagkaing isinubo niya sa kaniyang bibig. Kungtutuusin ay maspipiliin ni Aynna na tiisin na lamang ang kaniyang gutom kesa manatili at kumain sa kasumpa-sumpa nilang canteen. Nagkataon lang talaga na hindi siya nakapagagahan sa kanilang bahay dahil napuyat siya sa pagre-review at late nang nagising. May magaganap pang pagsusulit sa ilan nilang subject mamaya kaya kinakailangan talaga na kumain siya upang hindi siya gutumin at hindi masapawan ng gutom na nararamdaman ang nireview niya kagabi. Hindi na mabilang kung ilang beses siyang inalipusta, inalila, kinutya at pinagtabuyan sa canteen ng kanilang iskwelahan, at sa dinamirami ng tao sa loob ng canteen, walang kahit na sino ang sumubok na tulungan siya at ipagtanggol. Mabilis na naglakad si Aynna patungo sa pinto kung na saan sila Jacob ngayon. Higit niya pang isinusumpa na iisang pinto lamang ang mayroon sa kanilang canteen, kaya kinakailangan na dumaan muna siya kina Jacob bago siya makalabas. Nakahinga ng maluwag si Aynna ng malagpasan niya sina Jacob. Halos ilang hakbang na lamang ang kailangan niyang gawin upang tuluyan ng makalabas sa impyernong canteen ng maybiglang humawak sa kaniyang braso mula sa likod. Agad siyang binalot ng takot dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kaniya. "Naririto pala si Aynna." Ilang beses ng narinig ni Aynna ang matining at masakit sa tenga na boses ng lalake na mayhawak sa kaniya, kaya kahit nakatalikod at hindi nakikita ang nakahawak sa kaniyang braso ay hindi siya maaaring magkamali, si MC ito. Tuluyan na siyang humarap sa binata at pilit kinakalas ang sarili sa pagkakahawak ng binatang may matining na boses. "Oh, nandito pala ang prinsesa." Bati ni Jacob ng lingunin sila nito. Pilit siyang nagkukumawala sa pagkakahawak ng binata na kabarkada nina Jacob. Ngunit tulad rin dati, mahigpit siya nitong hinawakan at halos magmarka na ang kamay sa kawawang dalaga na kanina pa nagpupumilit na kumawala. Lumapit sa kanila si Jacob na preskong nakapamulsa. Gwapo ang binata at maimpluwensya dahil sa mayaman nitong pamilya at governador na ama. Spoild, kaya kahit anong hilingin ay agad niyang nakukuha at kahit anong kalokohan ang gawin sa loob at labas ng iskwelahan ay napagtatakpan ng ina. Agad na kinilabutan si Aynna ng pagapangin na ng binata ang mga daliri nito sa magulo niyang buhok, nakalitaw na ito dahil sa pagkakaalis ng belo sa kaniyang ulo na kanina lang ay mahigpit niyang hawak hawak. Halos manginig na ang buong katawan niya dahil sa takot. "Alam mo.." panimula ni Jacob. "Maganda ka." nakasad face pa ito na tila kumbinsidong kumbinsido na totoo ang kaniyang sinasabi ngunit may bahid ng pagaalangan. "T-Talaga?" tanong ni Aynna na biglaang nawalan ng takot at napalitan ng saya ang buong katauhan. Wala pang ibang tao ang nagsabi sa kaniya na maganda siya. "Oo naman! Diba brad?" proud na sagot ni Jacob na kinuntsaba pa ang ibang kaibigan. "Oo, ang ganda mo kaya." sabay-sabay na sagot ng magbabarkada na tila pinagusapan ang isasagot. "Sabi ko naman sayo eh. Sige ayan, umupo ka muna." alok ni Jacob ng upuan na nasa katapat na mesa at hinila pa ito upang paupuin ang dalaga. Nakangite namang umupo ang dalaga na akala mo ngayon lang naging masaya. "Salamat." pasasalamat niya. "Walang anuman, prinsesa ng basura." huli na para makapag react pa si Aynna, mabilis siyang binuhusan ni Jacob ng kanin baboy sa ulo na kumalat sa buong katawan niya at sa makinang na sahig. Lahat ng atensyon ay napunta sa eksenang ginawa ng dakilang bully. Nagtawanan ang mga taong nakakita, may mga naawa ngunit walang magawa dahio siguradong sila naman ang mabubully pag ipinagtanggol nila si Aynna. "Ayan, bagay na bagay diba? Ang ganda mo na, ang ganda mo nang itapon sa basura." humahagikhik na panlalait ni Jacob. Sabay-sabay na nagtawanan ang magto-tropa. Si Aynna naman ay nanatili nalang na nakayuko habang ang mga luha ay tumutulo. Walang magawa, hindi maipagtanggol ang sarili. Rinig niya ang malakas na tawanan sa buong kwarto. Amoy na amoy ang umaalingasaw sa baho na kanin baboy na siyang ibinuhos kay Aynna. Wala tuloy siyang nagawa ng lapitan na siya ng tindera sa canteen at sapilitang paalisin dahil sa umaalingasaw na baho. Sa mga oras na iyon, ipinangako niya sa sarili na gagantihan niya lahat ng tao na umapi sa kaniya. *END OF FLASHBACK* Pinunasan ni Aynna ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata ng maalala ang mga kalokohang ginawa sa kaniya ng magkakaibigan. Dumating na ang araw ng paghihiganti niya. Matapos makapasok sa malaking gate at ipark ang sasakyan sa tapat ng isang luma ngunit malaking bahay ay agad siyang pumasok rito at inihanda ang mga kailangan para sa kaniyang plano. Ito ang bahay ng kaniyang namayapang lola. Dahil siya na lamang ang nagiisang kamagaanak na nabubuhay, sa kaniya ipinamana ang buong ari-arian ng mga magulang ng kaniyang ina bago ito namayapa. Panahon pa ng hapon ng itayo ang mansyon. Hindi pa ganon kaluma at maayos pa ang bahay. Nananatiling maganda ang mga halaman na itinanim at inalagaan ng kaniyang ina. Siya lamang ang nakatira sa bahay, hindi siya kumukuha ng katulong dahil natatakot siyang may makaalam ng kaniyang mga lihim. ----------- Wala pang kalahating oras ng matapos sa ginagawa si Aynna. Ang lahat ng kailangan ay nakahanda na. Napangite siya sa sariling isipin pagkatapos i-text ang address kay Jacob na agad rin na nagreply na papunta na. Hindi na siya makapaghintay na makitang nahihirapan si Jacob habang unti-unti niya itong pinahihirapan. Si Jacob ang pangapat na biktima. Nahinto siya sa pagmumuni-muni ng marinig ang tunog ng doorbell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD