CHAPTER 3

731 Words
A/N Ang sunod na kabanata ay may maseselang lengwahe, seskwal, at karahasan na hindi angkop sa mga inosenteng mambabasa. ---------------------------------- "Jacob!", Masayang sinalubong ni Aynna ang binatang nakasandal pa sa kaniyang kotse sa tapat ng gate. "Franchesca, ikaw pala yan." Agad itong ngumite sa kaniya ng magtama ang kanilang mga mata. Sinalubong niya ito ng yakap. "Ang laki naman pala ng bahay niyo. At mukhang antique pa.", Tumawa sa sariling biro si Jacob na sinabayan din ni Aynna. "Panahon pa kasi ng hapon nang itayo ito kaya ganiyan na kaluma. But still, maganda pa rin naman at matibay ang pagkakagawa kaya wala kang dapat ipagalala.", siguradong sagot ni Aynna habang nakatitig sila sa malaking bahay sa tapat nila. "Wow, grabe. Ang dami niyo sigurong katulong ano?", inilipat ni Jacob ang kaniyang tingin kay Aynna bago ito muling tumitig sa malaking bahay. "Nope, actually wala kaming katulong.", tipid na ngumite si Aynna kay Jacob na nakakunot ang noo. "Tara pasok na tayo. Ililibot kita sa mansyon habang nag kwe-kwentuhan tayo.", tumango si Jacob kay Aynna bago ito sumunod sa kaniya sa pagpasok sa loob. "Bakit wala kayong katulong? Imposible namang wala kayong pera tapos meron kayong malaking mansyon.", Natatawang tanong ni Jacob ng tuluyan na silang makapasok. Tumawa muna si Aynna bago niya nilingon si Jacob na kasalukuyang nililibot ang paningin sa buong mansyon. "Nakakatawa ka talaga. Of course may pera kami. But, just like others i have my own reason kung bakit wala akong kinukuhang katulong." "Wait, you have your own reason? Means ikaw ang may ayaw, bakit?", curious na tanong ni Jacob. Nagpatuloy sila sa paglalakad patungo sa malawak na garden. Ang mga bulaklak na itinanim pa ng kaniyang lola. "Hm... malalaman mo rin mamaya.", matamis siyang ngumit at kumindat sa binata bago ito tumalikod upang tignan ang mga bulaklak na nakapalibot sa kanila. "Alam mo bang tanim pa ito ng lola ko? Wala pa kami ni mama ay nakatamin na ang mga iyan, halos kasabayan nang itayo itong bahay." "Oh? Grabe, ibig sabihin sobrang tagal na ng mga bulalak na ito pero hanggang ngayon buhay na buhay pa rin at malago. Nakakabilib ang pamilya niyo." "Well, we loved flowers. Maganda na, mabango pa." "Parang ikaw.", agad na nilingon ni Aynna si Jacob. Unti-unti itong lumapit sa kaniya at hinaplos ang kaniyang mga pisnge. Mas inilapit pa nito ang kaniyang mukha kay Aynna at nang magdampi ang kanilang mga labi ay sabay silang pumikit at dinama ang malambot na labi ng isat-isa. Agad ring kumalas si Aynna matapos maipadama sa biktima ang kasarapan. Kailangan nitong maginit at mabitin upang magawa niya ang mga planong kanina pa nakahanda. "Pasok na tayo sa loob. Doon naman kita ililibot.", kinagat pa ni Aynna ang kaniyang pangibabang labi upang iparating sa biktima na nasarapan siya sa kanilang ginawang paghahalikan. "Sure..", pilyong ngumite si Jacob na ani mo ay may naiisip na panibagong kalokohan. Ang hindi niya alam, nahulog na siya sa bitag. "Ito ang sala namin. Di masyadong nalilinis kasi busy ako sa school.", natatawang panimula ni Aynna nang makapasok sila sa loob ng bahay. "Mas maganda pala dito sa loob.. at sobrang laki. Ilang rooms ang meron dito?", napangite na lang si Aynna ng mabasa kung ano ang iniisip ni Jacob. Alam niya ang ganitong mga tanungan. Hindi na siya bata upang hindi maisip ang balak ng malibog na binata. Kung siguro itatanong niya ito sa mga inosente ay walang malisya, pero ibahin niya si Aynna. "25 rooms, kasama na ang kusina.", tugon ni Aynna. "Wow, malaki nga. Sobrang laki.", napailing na lang si Aynna habang nakangise. "Oh, bakit ka natatawa? Iba yung iniisip mo ano?", natatawang tanong ni Jacob. "Baliw, pasalamat ka tayo lang ang nandito. Kung hindi, baka kung ano na ang inisip nila." "Tayo lang ang nandito? Sigurado ka?", masayang tanong ni Jacob na akala mo ay nanalo sa lotto. "Yup! Na sa ibang bansa sina mommy at daddy kaya ako lang ang nan--", di na naituloy ni Aynna ang kaniyang sasabihin ng maramdaman ang matigas na bagay na bumubukol sa kaniyang pwitan. Kasabay nun ay ang pagyakap ni Jacob sa kaniya mula sa likod. Tuluyan nang nahulog sa bitag si Jacob. Naginit na ito ng sobra lalo ng malaman na sila lang ang na sa mansyon. Ang hindi niya alam ay may masamang binabalak si Aynna na mas kilala bilang Franchesca. ------------ VOTES and COMMENTS are HIGHLY APPRECIATED :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD