The Bad Girl's Gentleman = Code 24 = Sometimes you know it's going to be a good day just by the way you see the sun when you open your eyes. Ito 'yung araw na maliwanag pero hindi mainit ang sinag at malamig-lamig pa ang simoy ng hangin. At ito 'yung tipo ng umaga na gigisingin ka ng taong gusto mong gumising sa'yo. "Babe," paghawak niya sa bewang ko at pumisil. "Wake up. It's almost time for breakfast." Dumilat ako at nakitang nakaligo na si Basil at nagpapatuyo ng buhok gamit ang isang tuwalya. He grins. "Get up, okay?" Tumango ako at bago siya tumayo humawak ako sa kamay niya. He bends down and presses a kiss on the side of my head. Ang bango niya. Gusto ko na din tuloy maligo. Bumangon ako at kinuha ang mga toiletries ko sa bag bago pumunta sa banyo, nilagpasan si Baz sa closet

